Si Efren R. Abu-WPS Office

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Efren R.

Abueg (Marso 3, 1937) ang isa sa mga ginagalang na nobelista, kuwentita, mananaysay, at
kritiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang
koleksiyon ng mga kwento. Ilan sa mga parangal ni Efren R. Abueg ay ang Don Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature sa taong (1959, 1960, 1963, 1964, 1967 at 1974). Sumulat at nag-edit din ng
maraming mga sanggunian aklat at ginamit hanggang sa kasalukuyan sa kapwa pribado at publikong
paaralan, mula elementary, sekundarya hanggang sa kolehiyo.

URI NG PANITIKAN:

Ang Saranggola ni Efren R. Abueg ay isang Maikling kwento.

LAYUNIN NG MAY AKDA:

Ang unang layunin ng may akda ay ang ipamulat sa lahat ng mga kabataan na hindi lahat ng ating mga
iniisip ang tama, hindi lahat nang sa tingin natin ay tama, ay tama na rin sa mata ng ibang tao dahil
tayong ay magkakaiba. Ang nais ipabatid ng may akda na hindi tayo nag-iisa sa buhay dahil meron
tayong mga magulang na handang tumulong, umalalay, gumabay at handang sumuporta sa ating
pagtahak sa kanya-kaya nating buhay. Kaya lagi tayong makikinig sa kanila dahil sa panahon ng kagipitan
at hindi muna alam kung ano ang iyong gagawin sa buhay nandyan sila handa tayong bigyang muli ng
bagong pag-asa at muling ibangon. Kaya kahit ano pa ang kanilang nagawa sayo mga magulang mo parin
sila, kahit bali-baliktarin mo man ang mundo sa kanila ka parin nagmula. Ang pangalawang layuni ng may
akda ay ang ipamulat sa mga lahat ng mag tao na tagumpay sa buhay ay hindi natatamasa sa isang
aksyon lamang, hindi ito natatamasa sa isang sakripisyo lamang, hindi mo ito matatamasa kung hindi ka
magsisikap at matitiyaga sa pagharap sa pagsubok sa buhay.

TEMA O PAKSA NG MAY AKDA:


Ang tema ng maikling kwentong Saranggola ay ang pagmamahal ng ating mga magulang, lalong-lalo na
ang pagmamahal ng isang ama ay hindi maipagpapalit sa kahit anong kadaming salapi sa mundong
ito.Ang pangalawa ay ang buhay ay parang saranggola bago mo ito maipalipad ng matagal at mataas sa
himpapawid kinakailangan mo munang mag-tiyaga, mag-ingat at maging mahusay sa pagpapalipad nito.

MGA TAUHAN O KARAKTER SA KWENTO:

Lalaking bata – ang batang humiling sa kanyang ama na siya ay bilhan ng guryon .

Ama – ang ama ng batang humiling na bilhan siya ng guryon.

Ina – ang ina ng batang humiling sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.

Rading – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.

Paquito – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.

Nelson – anak ng batang humingi sa kanayang ama na bilhan siya ng isang guryon.

You might also like