Research in Fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

LUNGSOD NG SAN JUAN

PAGSASALIN BILANG KOMERSYALISMO

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap


kay Gng. Jane L. Mendoza

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailan ng Kursong


PAGSASALIN SA KONTEKSTONG FILIPINO
(BSHM 1-1)

Nina:
Aguilar, Eunice Jeremaie
Aquino, Jedilyn
Caballas, Krizzia Aaliyah
Piamonte, Varen
Regala, Sabel
Torres, Marizza Mae

MARSO 05, 2020


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LUNGSOD NG SAN JUAN

I. PANIMULA
Ang pagsasaling-wika ay isa sa mga naging tulay upang magkaroon ng
kaalaman at maunawaan ang kultura, saloobin at literatura. Malaki ang
ginagampanan ng pagsasaling-wika upang mapalaganap ang mga kaalaman at
kaisipan sa larangan ng pag-unlad ng komersyalismo. Ang pagsasalin ay isa sa
mga gawaing kinakailangan ng halos lahat ng larangan at gawaing tao.

Ayon kay Santiago (2003), ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa


pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa
wikang isasalin. Ang isinasalin ay mga diwa ng talata at hindi ang bawat salita
na bumubuo rito. Sa ibang depenisyon naman ni C. Rabin (1958), ang
pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o
pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding
kahulugan sa isang dating nang umiiral na pahayag sa ibang wika.

Sa kabilang banda, ang literal na depenisyon ng komersyalismo ay ang


proseso ng pagpapakilala ng mga bagong produkto at serbisyo sa
pangkalahatang merkado. Dito isinasaalang- alang ang produksyon,
distribusyon at iba pang salik kabilang ang suporta ng konsyumer upang
masabing matagumpay ang paglulunsad ng mga bagong produkto at serbisyo
(Investopedia). Malaki din ang papel na ginagampanan ng mas midya sa
pagkolekta, pagsusuri at pamamahagi ng impormasyon tungkol sa pangyayari
sa mga ibat-ibang uri gaya ng balita, editorial, komersyal, komentaryo at ibang
klase ng mas midya (Oberiri, 2016).

Ang pagsasalin bilang komersyalismo ay isang paraan upang malaman


kung ano ba ang kahalagahan at epekto nito. Sa pamamagitan nito ay
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LUNGSOD NG SAN JUAN

mababatid kung ang mga akdang isinalin na ibinibenta sa merkado ay umaayon


ba sa mga wikang isinalin at pinagmulan nito.

II. SULIRANIN NG PAG-AARAL


Nilalayon ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na tiyak na
katanungan:
1. Ano ang kahalagahan ng pagsasalin sa komersyalismo?
2. Ano ang epekto ng komersyalismo sa pagsasalin?

III. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


Para sa mga mag-aaral: ang pagiging handa at pagkakaroon ng kahusayan sa
pagsasalin na magiging makabuluhan para sa mga ganap na pag-intindi ng mga
tanong sa kung ano ang estado ng komersyalismo sa bansa.
Para sa mga gurong magsasaliksik: mahalaga na mapag-aralan ang mga epekto
ng komersyalismo sa pagsasaling wika upang sa gayon ay mapalaganap at
makabuo ng mga aralin na makatutugon sa mga katanungan.
Mga susunod na mananaliksik - Ang resulta ng pag-aaral na ito ay
makakatulong sa mga susunod na magsasaliksik upang mabigyan sila ng pag-
iisp kung papano pa mapapabuti ang pag-aaral o pagdadalubhasa ng
pagsasaling wika sa mga susunod na henerasyo

IV. KATUTURAN NG SALITANG GINAMIT


 Pagsasalin- ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang
wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin.
 Komersyalismo- ay ang proseso ng pagpapakilala ng mga bagong
produkto at serbisyo sa pangkalahatang merkado.
 Mas midya- isang pamamaraan ng pagpapalaganap ng impormasyon.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LUNGSOD NG SAN JUAN

V. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Ayon kay Newmark (1988), naniniwala na ang literal na pagsasaling wika
ay ang semantika at komunikatibong pagsasalin ay nagsisimula sa paraang ito,
mula sa literal na pagsasalin, mahuhugot natin ito sa makahulugang napapaloob,
namamagitan, o nagkukubli sa pagitan ng mga salita. Ang ibig sabihin nito ay
karaniwan na habang ang salita ay nagiging teknikal at tiyak ito ay hindi
nagkakaroon ng pagbabago sa nilalaman. Ang pagsasaling wika ay
maihahalintulad sa pagsasalin ng isang basong tubig, na hindi lahat naisasalin sa
susunod na baso dahil ang una ay nanatiling basa. Ang ibig sabihin nito na isang
patunay na hindi lahat ng laman o salita ay kailangang magbago.

Ang kultura ay may malaking impluwensya sa lipunan at pulitika ng isang


bansa, sa mga tuntunin ng ideolohiya. Ayon sa ilang mga mananaliksik ng
pagsasalin tulad ng Even-Zohar, Susan Bassnett at Trivedi, kultura ay nakaugnay
din sa kalooban ng kapangyarihan at sa paraan ng mga tao na magpanggap sa
kapangyarihan na ito. Sa ganitong diwa, ang mga pagsasalin ay may kaugnayan sa
paggawa ng mga sistema ng mga ideolohiya na maaaring maunawaan para sa mga
mambabasa. Samakatuwid, ang pagsasalin ng kultura ay nakaugnay sa etika at
nagpapaliwanag ng isang bagong paraan ng pag-iisip. Ang ganitong uri ng
pagsasalin ay dapat ipakita ang konteksto at ang personal na paraan ng pag-iisip sa
pamamagitan ng mga isinalin na mga teksto.

Ayon kay C. Rabin (1958), “Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung


saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at
ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag
sa ibang wika.” Ang ibig sabihin nito na kahit isinalin na ang wika ay hindi ibig
sabihin na nagbago na ang kahulugan nito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LUNGSOD NG SAN JUAN

Ayon kay E. Nida (1959/1966), “Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad


sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang
mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa
istilo.” Ang nais ipahiwatig nito na ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o
paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng tekstong isinalin sa wika o
diyalektong pinagsasalinan. Habang tayo ay nagsasaling-wika, maaari tayong
magpasiya ng mas tiyak na mga patnubay upang mapahusay ang pagsalin ng Ingles
sa Filipino.

MGA PAGSASALIN SA LIBRO NI RIZAL

Ayon kay V. Almario (2008), kapag sinuri ang salin ng Noli me tangere at El
filibusterismo ngayon sa mga tindahan, kapansin-pansin sa isang bandá ang mga
kompetenteng salin sa Ingles at sa kabilang bandá ang kawalan ng
mapagkakatiwalaang salin sa Filipino.

May tatlong mapagpipiliang basahing salin sa Ingles ang mga nobela ni Rizal:
Ang The Social Cancer at The Reign of Greed (PECO, 1912 at binagong edisyon ng
Giraffe Books, 1997) ni Charles E. Derbyshire, ang Noli Me Tangere (Longmans, Green
& Co.Limited, 1961) at El Filibusterimo (Longmans, 1965) ni Leon Ma. Guerrero, at ang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo (Bookman, Inc., 1996) ni Ma. Soledad Lacson-
Locsin. Nadagdag kamakailan ang Noli Me Tangere (Touch Me Not) (Penguin Books,
2006) ni Harold Augenbraum. Sa kabila ng sinasabi ngayong lumang Ingles ni
Derbyshire at pakikialam ni Guerrero sa teksto ni Rizal, may mga katangian ang mga
ito bilang salin, lalo na ang higit kong paboritong salin ni Locsin, at kapaki-pakinabang
gamitin kung may hilig magbasa sa Ingles. Samantala, nagpapaligsahan ang mga
ibinebentang Noli at Fili sa Filipino sa mga sangay ng National Book Store. Subalit
kailangang mag-ingat ang mga guro at estudyante sa pagpili ng gagamiting salin.
Dapat pagdudahan kapag mura nga ngunit manipis.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LUNGSOD NG SAN JUAN

Ang Batas Rizal o Batas ng Republika Blg. 1425 ay nag-uutos na “isama sa


kurikulum ng mga publiko at pribadong paaralan, mga kolehiyo at unibersidad ang
mga kurso hinggil sa buhay, mga akda at sinulat ni Jose Rizal, lalo na ang kaniyang mga
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.”

Pagsasalin Bilang Komersiyo

Hanggang ngayon, hindi ganap na natutupad ang Batas Rizal. Totoo, pinag-aaralan ang
buhay at mga akda ni Rizal sa mga mataas na paaralan at may kursong Rizal (PI or Philippine
Institution 100) sa mga kolehiyo’t unibersidad. Ngunit, una, maraming Katolikong paaralan
ang lumilihis sa atas na hindi binawasang edisyon ng mga nobela ang dapat gamitin sa klase;
ikalawa, pawang hindi matapat na salin sa Tagalog/Filipino ang binibili’t ipinagagamit sa mga
paaralan. Dahil sa Batas Rizal, naging isang malakas na negosyo ang pagsasalin at paglalathala
ng mga nobela ni Rizal. Sa isang nasagap kong ulat, sa Natinal Book Stores lamang ay 34,000
kopya ng Noli at 24,000 ng Fili ang nabenta nitong 2007. At dahil sa maagang tagumpay ng
“salin” nina Guzman-Laksamana-Guzman, ito ang naging modelo ng mga lumahok at
nagsamantala sa diwa ng Batas Rizal. Ang mga “salin” na sa totoo’y mga “halaw” at
“pinagaang edisyon” ang nag-etsa-puwera sa salin ni Mariano sa kabila ng basbas dito ng Jose
Rizal National Centennial Commission noong 1961. (V. Almario, 2008)

Kahalagan ng Pagsasalin sa Komersyalismo

Malaki ang papel ng pagsasalin sa larangan ng pagnenegosyo .Sa usapin ng pagbili ng


produkto, hindi ba’t nakaaapekto sa atin kung anong wika ang ginamit sa pagsulat ng panuto
o instructional manual? Sa Pilipinas,tiyak na higit na mabibili ang produktong my kalakip na
panutong nakasulat na Filipino o sa ingles kaysa sa kagamitang ang panuto ay nakasukat sa
wikang Hapon. Gayundin, ang pagsasalin ay may kamahalan. Ito’y isang Gawaing
nangangailangan ng mataas na kasanayan sa maraming wika kaya naman, sa ilang mga
bansa, malaki ang kita sa ganitong trabaho.Sa kasalukuyang panahon,napakahalaga ng
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LUNGSOD NG SAN JUAN

pagsasalin. Sa tala ni Anne-Marie Loffer Laurian (sipi kina Craciunrscus et al.2004),noong


unang hati ng dekada 1990,lumabas ang mahigpit na pangangailangan sa pagsasalin. Batay sa
kanyang tala, sa Europa at Estados Unidos, mayroong 300 milyong pahina ang nagawa gamit
ang “human translation”habang ang “machine translation” ay mayroon lamang itong 2.5
milyong pahina. Malinaw na patunay na ito ang papel ng mekanisasyon ng pagsasalin sa
kasalukuyang pamilihan. Dagdag pa rito, ang anumang pag kakaantala ng pagsasalin ay
malakaing gastusin ng kompanya.

VI. BUOD

Ang pagsasaling wika ay maihahalintulad sa pagsasalin ng isang baso dahil ang una ay
nananatiling basa, ibig sabihin ay isang patunay na hindi lahat ng laman o salita ay kailangang
magbago. Sa paraang ito kung ano ang nakasulat sa teskto hindi ito magkatulad sa isasalin na
wika, sapagkat hindi lahat ng wika ay kayang isalin sa wikang pagsasalinan ngunit kahit
isinalin na ang wika ay hindi ibig sabihin na nagbago na ang kahulugan nito. Habang tayo ay
nagsasaling wika, maaari tayong magpasya ng mas tiyak na mga patnubay upang mahusay
ang pagsalin sa ibang wika. Samakatuwid, ang pagsasalin ng kultura ay nakaugnay sa etika at
nagpapaliwanag ng isang bagong paraan ng pag-iisip. Ang muling paglalahad sa pinagsalinang
wika ay katumbas nang orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una ang batay sa
kahulugan at ang pangalawa ay batay sa istilo.
Ang pagsasalin sa komersyalismo ay isang paraan upang malaman kung ano ba ang
kahalagahan o epekto nito, marahil kung ibebenta ang isinalin na teskto ay mali ang
impormasyong nailahad sakanilang isipan. Ang kahalagahan nito ay mabatid kung umaayon
ba ito sa wikang pinagsalinan mula sa pinagmulan nito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LUNGSOD NG SAN JUAN

VII. KONKLUSYON
Ayon sa mga nakalap na impormasyon, napatunayan lamang dito na ang
pagsasalin ay nagdudulot ng maganda at positibong resulta sa komersyalismo at
nagbibigay ng malaking tulong sa pagpapalaganap ng bagong produkto sa buong
mundo, higit ang naitutulong ng pagsasalin sa komersyalismo dahil hindi lamang dito
sa ating bansa ito napapakilala bagkus gayun din sa ibang bansa, dahil sa
matalinhaga at maayos na pagsasalin. Dahil din sa pagsasalin sa komersyalismo
naipapakita at nababahagi sa mga tao ang serbisyo na nais ipabatid ng isang
produkto at sa pagiging mabisa nito. malaki ang naitutulong at naiaambag ng
pagsasalin sa komersyalismo, dahil nagkakaron na ng pagkakakilanlan ang bawat
produktong nais ipakilala ng isang organisasyon o negosyo. ayon kay C. Rabin
(1958), ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita
man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding
kahulugan sa isang dating nang umiiral na pahayag sa ibang wika. ibig sabihin ay,
dahil sa pagsasalin nagkakaron ng pagkakaintindihan sa bawat produksyon ng
produkto sa malaking mercado, kahit pa ito ay hango sa pagsusulat man o pasalita,
naipapahayag padin sa mahusay na paraan ng pagsasalin at may maayos at
magandang pagsasakritiko ng isang komersyalismo, at dahil sa pag sasalin natutunan
nating mga Pilipino ang mga produktong ibinabahagi satin ng mga tursitang
bumibisita sa ating bansa, kung paano gamitina ang isang produkto, kung para saan
ito, at kung ano ang mga ginamit na kasangkapan sa paggawa ng produktong nasabi.
sa panahon natin ngayon, patuloy na lumalaganap ang pag dadala ng mga produkto
na galing sa ating mga turista. Kung kaya't sinasabe din dito na ayon kay Even-Zohar,
Susan Bassnett at Trivedi, kultura ay nakaugnay din sa kalooban ng kapangyarihan at
sa paraan ng mga tao na magpanggap sa kapangyarihan na ito. Sa ganitong diwa, ang
mga pagsasalin ay may kaugnayan sa paggawa ng mga sistema ng mga ideolohiya na
maaaring maunawaan para sa mga mambabasa.ang kultura ay isa rin sa mga
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LUNGSOD NG SAN JUAN

naisasangkalan ng mga pagsasalin dahil ito ay manggagaling din sa iba't ibang dako
ng mundo. Meron ding batas na makakapag patunay na ang pagsasalin ay marapat
lamang na pag aralin, mapa malawak man itong gamit o kahit sa simpleng pag
sasalin lamang, dahil kailangan ng masuring pagsisiyasat sa mga akdang isasalin,
dahil kailangan ditong magampanan ng mabuti at maayos ang mga layunin ng
pagsasalin at mabigyang hustisya ang pagkukuhaan ng mga akdang isasalin.
importante sa komersyalismo ang pagsasalin upang magamapanan nito ng mabuti
ang mga nais ipatid na mensahe sa mga mamimili o konsyumer. kailangan ditong
maging masuri upang magampanan ng malaya at matagumpay ang pagsasalin,
kailangan ng masusing pagobserba at pagunawa sa mga paksa, lalo na kung ito ay
isang produktong ipapakita o ipapakilala sa mamimili, upang kanilang maunawaan
ng mahusay ang nais ipakita at nais ipaalam ng komersyong ipinapakita.

VIII. REKOMENDASYON
Buong pagkumbaba kong inirerekomenda ito sa ang sumusunod:

 KABATAAN
- Ang resulta ng pananaliksik o pag-aaral na ito ay mai-rerekomenda namin sa mga
kabataan upang makatulong sa kanilang pag-aaral .Upang magamit bilang isang
paraan upang hindi basta basta nilang isinasalin ang isang teksto sa makabagong
teknolohiya ng pagsasalin.
 MAG-AARAL
- Ang resulta ng pananaliksik o pag-aaral na ito ay mai-rerekomenda namin sa mga
estudyante upang kanilang lubos maunawaan na ang ang ibig ipabatid ng pananaliksik
na ito sa kanilang pag-aaral at kung paano makakatulong sa kanila.
 MAMBABASA
- Ito ay nirekomenda sa kanila para lubos na maunawaan ang dapat gawin sa
pagsasalin at kung ano na nag nagiging epekto ng pagsasalin ngayong kasalukuyan. .
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
LUNGSOD NG SAN JUAN

IX. SANGGUNIAN:
Almario, V. S. et al. (2003). Patnubay sa pagsasalin. Pasig City: Anvil Publishing,
Inc.
Nuncio R.V at Morales- Nucio E. (2004). Araling Filipino bilang Talastasang
Pangkalinangan at Lapit-Pananaliksik. Manila: UST Publishing House
Newmark, P. (1988). A textbook of translation. UK: Prentice Hall International,
Ltd.
Nida, E. A. and Taber, C. R. (1969). The theory and practice of translation,
Netherlands: E.J. Brill.

You might also like