Module 5 - Layag Diwa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Module 5 | Layag Diwa

.
Direksyon: Sagutin nang komprehensibang sumusunod na mga katanungan o bilang
pagtatasa ng inyong naunawaan ukol sa paksa.
 
1.  Ano ang naunawaan mong pagkakaiba ng resulta at diskusyon ng pag-aaral?
Ang resulta ang paglalahat ng mga datos o impormasyon na nakalap ng mga
mananaliksik sa kanilang pananaliksik. Ang mga datos o impormasyon na nakalap ng mga
mananalisik ay binibigyan ng tema upang maisaayos ang paglalahad ng mga impormasyon
na nakalap. Sa kabilang banda, ang diskusyon naman ay ang pagpapaliwanag ng mga
impormasyon o datos na nakalap ng mananaliksik sa kanilang pananaliksik.
2.   Bakit sinasabing "utang na loob" ang masinop na pagtatala ng mga sanggunian ng
mananaliksik? Sang-ayon ka ba dito? Pangatwiranan
Ang masinop na pagtatala ng mga sanggunian ng isang mananaliksik ay tinatawag
na “utang na loob” sapagkat ang mga sangguniang kaniyang ginamit ay ang tumulong sa
kanya upang makabuo ng isang pananaliksik. Ang mga sangguniang ito ang nagbigay ng
ideya at mga impormasyon upang makagawa ang isang mananaliksik ng isang paksa na
maaari niyang gawan ng isang pananaliksik. At nararapat lamang na ilahad o masinop na
itala ng isang mananaliksik ang mga sanggunian na kanyang ginamit sa kanyang
pananaliksik bilang kabayaran o pagkilala sa mga sanguniang kanyang ginamit.
3.  Kung hindi naging maayos ang pagsisipi, sa tingin mo ba ay nagkasala ng plagiarism
ang mananaliksik? Pangatwiranan.
Sa aking palagay ay oo, nagkala ng plagiarism ang mananaliksik sapagkat hindi niya
nailahad o naitala ng maayos ang sanggunian na kanyang ginamit.

You might also like