Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paksa: Wastong gamit ng Cohesive Device

Petsa: Nobyembre 15,2020


Inihanda ni: Ginoong Antonio Lettuce Tiongson

Ano ang Cohesive Device?


Ito ay mga salitang ginagamit upang maging maayos at malinaw ang daloy ng
kuwento , pahayag at gamit sa pangungusap ng may pagkakaugnayan.
Matutunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng Cohesive Device at kung saan
ito ginagamit.
1. Pagpapahayag ng pagdaragdag
Halimbawa: ganoon din , gayundin , saka , bilang karagdagan , dagdag pa rito
Tiyak na halimbawa: Bilang paghahanda sa paparating na bagyo ang lahat ay
pinag-iingat , dagdag pa rito ang pagsunod sa tagubilin ng ilang ahensya ng
pamahalaan ay dapat maunawaan.
2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan
Halimbawa: maliban sa , sa mga , ka , kina , bukod sa , sa mga , kay , kina
Tiyak na halimbawa; Bukod sa sinasabi mong pag-iingat, ang pagbibigay ng ayuda
sa bawat nasanta ng bagyo ay isinsaayos na ng pamahalaan.
3. Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayari
Halimbawa: kaya , kaya naman , dahil , dahil sa , sa mga , kay , kina , sapagkat ,
dahil dito , bunga nito
Tiyak na halimbawa: Kahit isang saglit di ka nawala sa isipan ko , kahit ilang beses
mo akong sinaktan nilimot ko, sapagkat mahal kita.
4. Kondisyon , bunga , o kinalabasan
Halimbawa: sana , kung , kapag , sa sandaling , basta
Tiyak na halimbawa: Lahat ng bagay may hangganan , kapag nasasaktan na
naututong lumaban ito ang pangako ng puso.
5. Taliwas o salungat
Halimbawa: pero , ngunit , sa halip , kahit ( na )
Tiyak na halimbawa: Ilang uli kitang inunawa, ilang beses kitang pinatawad sa
halip na magsisi ka nagpaulit – ulit ka sa kasalanan mo.
6. Pagsang-ayon ,o di pagsang-ayon
Halimbawa: kung gayon, kung ganoon , dahil dio , samakatwid . Kung kaya
Tiyak na halimbawa: Ayon sa mga saksi , may motibo kang saktan ang kaibigan
mo dahil sa matinding panibugho.
7. Pananaw
Halimbawa: ayon sa , sa mga , kay , kina, para sa , mula sa pananaw ,
sa paningin ng , ng mga , alinsunod sa
Tiyak na halimbawa: Para sa lahat ng taong nagmamahal, ang sakit at pagdurusa
ng pusong madalas masugatan sa dulo ng labanan ikaw pa rin ang babalikan.
8. Probabilidad , sapantaha , paninindigan
Halimbawa: maaari , puwede , possible , marahil , siguro, tiyak
Tiyak na halimbawa: Kapag nagpatuloy ka sa iyong kahibangan , possible sa dulo
ay magsisi ka.
9. Pagbabago ng paksa o tagpuan
Halimbawa: gayunman , ganoon pa man , sa kabilang dako, banda, sa isang banda
Samantala
Tiyak na halimbawa: Ang bunsong anak ni Mang Jubrice ay masipag at matiyaga
sa pag-aaral samantala, ang panganay naman niyang anak ay matigas ang ulo at
walang pangarap.
10. Pagbibigay – linaw sa isang ideya
Halimbawa: sa madaling salita, sabi , bilang paglilinaw, kung gayon, samakuwid,
kaya, bilang pagwawakas, bilang kongklusyon
Tiyak na halimbawa: Kung walang pagkakaisa ang inyong pangkat , parating may
nagrereklamo , maangal at maangas . Sa madaling salita , wala kayong
mabubuong isang maayos na samahan.

You might also like