Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DCT

College of Education

Certificate in Professional Education

Semi-detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan I

Topic: May Kailangan Ko

In partial fulfillment of the requirements for the subject T1 – Principles of Teaching

Prepared by:

Alyssa D. David

Demo Teacher

Evaluated by:

August R. Dela Cruz, Ed.D.

Professor
MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I

I. LAYUNIN

a. Malaman ang mga pansariling pangangailangan katulad ng pagkain,

kasuotan at tirahan;

b. Mabigyang halaga ang pagkakaroon ng pagkain, kasuotan at tirahan;

c. Masabi ang mga pansariling pangangailangan.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa : Mga Kailangan Ko.

Sangguian : Antonio, Eleanor D., et al .. KAYAMANAN: Batayan at

Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan I. Quezon City:

Rex Book Store.

Kagamitan : Power Point Presentation, Worksheets at Mga larawan.

Pagpapahalaga : Gamitin ng wasto at pahalagahan ang ating mga

pangunahing pangangailangan.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagtse-tsek ng liban at hindi liban.


4. Pagganyak

Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng iba`t – ibang mga larawan.

Ididikit ang mga ito sa tamang grupo na kinabibilangan ng mga

larawan, kung ito ay uri ng pagkain, kasuotan, o tirahan.

B. Pagtalakay ng Aralin

Gamit ang mga larawan sa pisara, tatalakayin ang mga pangunahing

pangangailangan ng bawat tao, tulad ng pagkain, kasuotan, at tirahan

at ang mga kahalagahan ng mga ito upang tayo ay mabuhay.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Itatanong ng guro ang mga sumusunod na mga tanong:

a. Ano-ano ang mga pangunahing pangangailangan natin?

b. Bakit kailangan natin ang mga ito?

2. Paglalapat

PANGKATANG GAWAIN:

Bumuo ng tatlong pangkat. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng

flashcards, ang mga ito ang kanilang gagamitin upang masagot

ang mga tanong na manggagaling sa guro.

3. Pagpapahalaga

-Bakit kailangang magkaroon ng mga pangunahing

pangangailangan ang bawat tao?


IV. PAGTATAYA

PANUTO: Alin sa mga sumusunod ang ating kailangan upang mabuhay?

Lagyan ng tsek ang patlang kung ito ay pangunahing pangangailangan at

ekis naman kung hindi.

_____1. Prutas _____6. Kasuotan

_____2. Laruan _____7. Kompyuter

_____3. Cellphone _____8. Bitamina

_____4. Gamot _____9. Gulay

_____5. Tirahan _____10. Kotse

V. TAKDANG ARALIN

Sa isang buong bond paper, iguhit ang iyong mga pangunahing

pangangailangan sa araw-araw upang mabuhay.

You might also like