ESP9 Q1 M4 W4 (Students')

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 4 (Week 4)
Lipunang Sibil: Media at Simbahan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Lipunang Sibil: Media at Simbahan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jadje Alcantara
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Janette T. Maluya Mila O. Inot
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan
Modyul 4- Lipunang Sibil: Media at
Simbahan

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggapsaasignaturang ( Baitang 9) ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para saaraling Lipunang Sibil: Media at Simbahan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungangdinisenyo, nilinang at sinuri ng
mgaedukadormulasapambuliko at pampribadonginstitusyonupanggabayan ka, ang
gurongtagapagdaloyupangmatulungangmakamit ng mag-aaral ang
pamantayangitinakda ng Kurikulum ng K to12 habangkanilangpinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikonghamonsapag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasangmakauugnay ang mag-aaralsamapatnubay at
malayangpagkatuto na mga Gawain ayonsakanilangkakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itongmatulungan ang mag-aaralupangmakamit ang mgakasanayang
pan-21 siglohabangisinasaalang-alang ang kanilangmgapangangailangan at
kalagayan.
Bilangkaragdagansamateryal ng pangunahingteksto, makikitaninyo ang
kahongitosapinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para saGuro


Ito'ynaglalaman ng mgapaalala, panulong o
estratehiyangmagagamitsapaggabaysa mag-aaral.
Bilangtagapagdaloy, inaasahangbibigyanmo ng paunangkaalaman ang mag-aaral
kung paanogamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unladnilahabanghinahayaansilangpamahalaan ang kanilangsarilingpagkatuto.
Bukoddito, inaasahanmulasaiyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaralhabangisinasagawa ang mgagawaingnakapaloobsamodyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggapsa (Baitang 9) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Lipunang Sibil: Media at Simbahan!
Ang modyul na ito ay ginawabilangtugonsaiyongpangangailangan.
Layuninnitongmatulungan ka saiyongpag-aaralhabangwala ka saloob ng silid-aralan.
Hangad din nitongmadulutan ka ng mgamakabuluhangoportunidadsapagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaarimong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang
upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.

iii
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto Gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasiyam na Baitang!
Noong nasa Ikawalong Baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa lipunang
ekonomiya. Ngayon, mas mapalalawak mo pa ang iyong kaalaman hindi lang
patungkol lipunang ekonomiya, malalaman mo din ang Media at Simbahan ay isang
lipunang sibilna may mahalagang papel na ginagampanan sa ating lipunan.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo kung gaano kahalaga ang lipupang
sibil, matutunan mo dinna mahalaga ang bawat boses ng isang mamayanna may
kaagapay na responsibilidad para makamit ang isang matiwasay na lipunan.
Mahalagang malaman mo ang mga layuning ng Media at Simbahan bilang isang
lipunang sibil.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:
Lipunang Sibil
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
Nahihinuha na :
1. A. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likaskayang pag-unlad, ay isang ulirang
lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng
katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability),
pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan,
pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at
ispiritwalidad.

B. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng


mga mamamayan sa pagpapasya.

C. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang


mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at
sariling pagkukusa. (EsP9PLIg-4.3)

2. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon


ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad
(economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng
kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan
(gender equality) at ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang
lipunang sustainable) b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa
pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito,
matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang
antas ng pagganap nito sa pamayanan. (EsP9PLIg-4.4)

1
3. Natutukoy ang ibat-ibang plataporma ng media at kahalagahan ng paggamit
nito para maipapayag ang isang soloobin na makakatulong sa pangkalahatan.

4. Nakapagbibigay paliwanag sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng


simbahan para sa kapakanang moral sa taong bayan.

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot,
isulat ang mga titik sa isang kalahati na pahabang papel.
1. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?
A. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
B. Pag bigay-lunas sa sulirnin ng karamihan
C. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

2. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:


A. Ang lalahat ay magiging masunurin
B. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
C. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
D. Walang magmamalabis sa lipunan

3. Alin sa mga sumusunod ang puwede mong gamitin para magkroon ng kita sa
pamamgitan pagbebenta ng sari-saring prudukto?
A. Mass media
B. Simbahan
C. Mag-aral sa TESDA
D. Magkaroon ng sariling Negosyo

4. Bakit mahalaga na magkaroon tayo ngpagkapantaypantay sa kababaihan at


kalalakihan sa ating lipunan?
A. Dahil lahat tayo ay may Karapatan bilang tao
B. Dahil lahat tayo ay nilikha ng Dios
C. Dahil ito ay mahalaga para sa kaunlaran ng ating bayan
D. Para makamtan ang kapayapaan sa ating lipunan

5. _________ay ang pangunahing adbokasiya ng Gabriela bilang isang lipunang


sibil.
A. Ipagtanggol ang Karapatan ng mga kabataan at mga kababaihan
B. Maikulong ang humahadlang ng ating batas
C. Magkaroon ng boses ang lahat na ordinaryong mamayan
D. Ipagbigay alam ang katiwalian ng ilang mambabatas

2
Aralin
Lipunang Sibil: Media at
4 Simbahan
Ano ba ang Lipunang Sibil?
Ito ay isang organismo ng lipunan na kusang bumuo at isinulongang mga batas na
nakatutulong sa pagsulong at pagkaisa ng mga mamayan.Organismo sa lipunan na
aktibong nakiakibat sa pamahalaan para pumuna sa mga pangangailangan ng
mamayan.Kaagapay ng ating pamahalaan para sa pag-unlad ng ating bayan at sa
pangkalahatan.
Ang aralin na ito ay ang ating pag-aaralan sa modyul na ito. Layon nating
maintindinhan mo ang kabuoan nito upang ito ay makatutulong sa iyo na maindihang
mabuti ang lipunang iyong kinabibilangan at gingalawan.

Balikan

Panuto. Basahin at unawain ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot,
isulat ang mga titik sa isang kalahati na pahabang papel.
1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
A. kapayapaanb B. kabutihang panlahat C. katiwasayan D. kasaganaan
2. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng
Nakararami?
A. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa
B. Ang sama-samang pagkilos ay napapagaan sa Gawain
C. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon

3. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong Sa iba:
A. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
B. Magkaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
C. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa
D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba

4. Bakit ang ating pamahalaan ay gumagawa ng batas para sa ating inang bayan?
A. Para maiwasan ang mapanglinglang nating kababayan
B. Dahil matigas ang ulo ng ilan nating mamayanan
C. Upang makamit ng lahat ang makabubuti sa isa’t isa
D. Upang matugunan ang lahat nating pangangailangan
5. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang :
A. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
B. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
C. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

3
Tuklasin

Media – Gaano ka Kahalaga?


Media isang organisasyon, dalayun ng isang impormasyon na namanagitan sa
nagpapadala at pinadalhan tinatawag ito sa “Latin na medium” ginamit ito na media
kung maramihan. Walang itong kinikilingan na opinyo, nagpapahayag ito kung ano
lamang ang totoo at pagtutuwid sa maling impormasyon na possibleng maging
batayan sa pagpapasya ng aksyon. Naghahatid ng balita pang ekonomiya,
pangkabuhayan at kalagayang pang-seguridad sa ating bansa at maging sa buong
mundo. Kung sabay-sabay natin ito ginawa o ginagamit gaya ng dyaryo, radio,
telebisyon, pelikula o internet ito tinatawag na mass media.
Ang media ay naghihikayat sa lahat na maging mapagmatyag , nagbigay aliw para
maibsan ang kalungkutan at pagkabahala; nagbibigay alam patungkol sa
pangyayari bansa at sa buong mundo; nagbibigay paliwanag sa nangyayaring
kaganapan at nagbibigay kita sa mga taong nawalan ng trabaho o hanapbuhay sa
pamagitan ng pagbebenta gamit ang iba’t- ibang plataporma ng media.

Gawain 1
Panuto: Isulat ang ibat-ibang uri ng media gamit ang isang diagram nasa ibaba.
Ilagay ang inyong sagot sa isang kuwaderno.

PRINT

MASS
FACEBOOK
MEDIA
INTERNET

4
Gawain 2
Panuto. Sa inyong kuwaderno, isulat gamit ang inyong sariling pananalita ang
mga mahalagang papel na ginagampanan ng media.

Mgamahalagangpapelnaginagampanan ng Media

Halimbawa: Nagpapahayag ng katotohanan





Suriin
Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang tula naglalarawan sa isang lipunang
sibil, at sagutin ang gabay na katanongan.

Babae Po Ako
By Ness Dupingay

Laman ng isang pahayagan ng buong bayan na ang mga babae


Ay walang Karapatan mag-aral.
Babae na walang alam sa lipunan, kaya hindi
Na kailangan matutu at mag-aral.
OO nga, babae po ako.
Babaeng na may karapatang mag-aral at matuto.
Gaya ng mga kalalakihan sa buong mundo
Babae’ng na may karapatan at may paninindigan,
Isang kilusang kababaihan Gabriela ang pangalan.
Tumulong salahat ng mga kababaihan sa buong lipunan
Sa tulong nila’y ang panawagan ko’y natutugunan
at agad akong natutulungan,
kilusang ng mga kababaihan ang tumutulong
upang ipagtangol ang aking Karapatan.
Baba’eng may paninindigan at Karapatan na aking ipag-lalaban.
Kung ano ang kaya mo, ay kaya ko
dahil tao din ako, katulad mo.

5
Gawain 3
Gabay na Katanongan: Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

1. Maitututring mo ba na ang Gabriela ay isang lipunang sibil? Bakit? Ipaliwanag


2. Ano ang hinaing ng isang babae na nasa tula?
3. Bakit mahalaga ang pagkapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa
ating lipunan?

SIMBAHAN
Gaya ng media, Ang simbahan ay may malaking at mahalagang papel na ginagam-
panan sa ating lipunan. Sa kalagitnaan ng kahirapan, kalungkutan, ang sim-bahan ay
andiyan nagbibigay tulong Spiritwal. Ang simbahan ay tumutolong pagbuo ng halaga
ng isang tao, nag tuturo kung ano ang katutuhanan. Bawat grupo ng simbahan ay
kumikilos, gumagapang para matululungan ang ating lipunan lalo na ang mga kaba-
taan dahil ang kabataan ay ang siya’ng lider ng ating kinabukasan.

May ibat-ibang aktibidad ang ginagawa ng simbahan gaya ng: (a) catechism isang
pangrelihiyong gawain na pumapasok sa ibat-ibang pampublikong paaralan na nag-
tuturo ng moral values ng mga kabataan (c) Child Evangelism Fellowship ang grupong
ito ay may 5-day Good News Club para sa mga kabatan (d) New Tribes Mission-Ifugao
Project sa Lagawe Ifugao ang grupong ito ay pumupunta sa ibat-ibang bulubundukin
na paaralan upang magturo ng mga kabataan ng elementarya at sekondarya. Lahat
na aktibidad na ito ay kusang ginawa para maturuan
ang lahat ng mga kabataan ng ating lipunan. Mag
kaiba man sila ng pangrelihiyon affiliation ngunit iisa
lang ang knilang layunin na batay ayon sa banal na
kasulatan “Turuan mo ang bata sa daan na dapat
lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya
hihiwalayan. Kawikaan 22: 6.” Ngayon na may pademia hinaharap, halos lahat ng ating
nakagawian na trabaho ay nahinto dahil sa nakakatakot na Corona Virus kasama na
dito ang aktibidad sa simbahan, ipinagbabawal sa ating pamahalaan ang pagpunta sa
simbahan para pagsamba at manalangin, subalit hindi kinaya ng COVID 19 ang
pahintuin ang pagpanana-nampalataya sa ating buong maykapal, hindi man tayo
nakapupunta pisikal o personal sa simbahan subalit ang
simbahan ay ang siy’ng pumupunta sa bawat tahanan
ng ating lipunan gamit ang media, maging radio, cellphone
cellphone media, maging radio, cellphone o television.
Patuloy ang pananampalataya gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang mga Kaparian, Pastor, Imam at ibat-ibang
relihiyosong lider ay nakibahagi sa ating kahirapan at
kalungkutan, kaya sila ay patuloy nananalangin, sila ay ating gabay para sa personal
pangkapayapaan , sumusupporta sa pagbibigay mensahe ng pagasa, na ang ating
panginoon ay makapagkakatiwalaan sa gitna ng kahirapan.

6
Gawain 4
Gabay na katanongan:

1. Bakit ang simbahan ay masigasig ng gumawa ng ibat-ibang aktibidad para sa


mga matatanda at kabataan ng ating lipunan?
2.
3. Maituring mo ba ang simbahan ay isang lipunang sibil? OO at Hindi, Ipaliwag

Pagyamanin
Gawain 5
Panuto: Gamit ang isang Venn Diagram isulat ang mga katangian ng Media at
Simbahan at sa gitna isulat ang mga magkahalintulad katangian nito.

Venn Diagram

Mass Media Simbahan


Mga
Magkahalintulad
Na Katangian
Ex.
Nag sasabi ng
Katotohanan

7
Isaisip
Ito ang mga sumusunod na konsepto na dapat mong tandan:
➢ Lipunang sibil ay inorganisa ng maga indibidwal na walang pansariling interes
o impluwensiya ng mga taong may lakas at kapangyarihan.
➢ Lipunang sibil ay isang organismo na tumutugon sa pagkukulang ng ating
pamahalaan na ang pakay nito ay makatutulong hindi sa sarili kung hindi sa
pangkalahatan
➢ Media isang organisasyon, dalayun ng isang impormasyon na namanagitan
sa nagpapadala at pinadalhan tinatawag ito sa “Latin na medium” ginamit ito
na media kung maramihan.
➢ Ang simbahan ay tumutolong pagbuo ng halaga ng isang tao, nagtuturo kung
ano ang katotohanan.
➢ Ang mga ibat-ibang katangian ng lipunang sibil ay ang:Pagkukusang-loob,
Bukás na pagtatalastasan; Walang pang-uuri; pagiging organisao at may
isinusulong na pagpapahalaga

Isagawa
Gawain 6
Panuto: Pumili ng isang patalastas o balita sa pahagan, gupitin at idikit sa inyong
kuwaderno, pagkatpos ipaliwanag kung paano ito: (a)nagbibigay aliw (b) nagbibigay
alam (c) naghihikayat (d) Nagbibigay paliwanag.

Pamagat ng isang artikulo

A. Nagbibigay aliw B. Nagbibigay alam

C. Naghihikayat D. Nagbibigay paliwanag

Ano ang natutunan mo sa modyul na ito?

8
Tayahin
Panuto. Basahin at unawain ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot,
isulat ang mga titik sa isang kalahati na pahabang papel.
1. Bakit mahalaga na magkaroon ng pagkapantaypantay sa kakabaihan at
kakalakihan sa ating lipunan?
A. Dahil lahat tayo ay may karapatan bilang tao
B. Dahil lahat tayo nilikha ng Dios
C. Dahil ito ay mahalaga para sa kaunlaran ng ating bayan
D. Para makamtan ang kapayapaan ng ating lipunan
2. Anoang pangunahing layunin ng simbahan bilang isa lipunang sibil?
A. Matuturoan ang mga kabataan sa paglilingkod ng buong maykapal
B. Matutruan ang mga kabataan ng banal na aral upang makipakinabang sa
ating lipunan
C. Magtuturoan ang mga kabataan sa mga magagandang asal
D. Matuturoan ang lahat ng ating mamayan sa paggalang sa ating Karapatan
Para sa katanungan 3-5 basahin ang sanaysay:

Si Tess at Ted ay mag-asawa may apat na anak ang dalawa ay nag aaral sa
kolehiyo, yong dalawa naman ay nasa high school. Si Ted ay nagtatrabaho
bilang isang computer programmer sa isang kompanya, si Tess ay nasa bahay
lamang nag-aalaga ng mga bata sabay gumagawa at natitinda ng pagkain sa
sariling nilang restaurant para masuportahan ang ibang mga pangailangan sa
bahay. Pero sa hindi inakalang pangyayari nag sara ang kompanya ni Ted at
humina naman ang bentahan ng tindahan ni Tess dahil sa banta ng isang
pandemyang na sa kasalukuyan nating hinaharap ang – COVID 19.

3. Ano-anong ang puwedenggawin ng mag-asawang Ted para maihaon nila ang


araw-araw na pangangailangan?
A. Hihingi ng tulong sa mga kapit bahay
B. Ibebenta ang kanilang kagamitan upang matustusan ang kanilang
pangangailangan
C. Magbebenta ng pagkain gamit ang electronic media
D. Hihingi ng tulong sa punong barangay

4. Bilang isang computer programmer, paano gamitin ni Ted ang kanyang


kakayahan para matulungan ang kanyang asawa na si Tess para mabuhay
ang kanilang restaurant?
A. Si Ted ay gagawa ng isang advertisement ng kanilang produkto gamit ang
electronic media
B. Si Ted ay magtayo ng Internet shop sa kanilang lugar
C. Si Ted ay mag online tutorial
D. Ibinigay na ni Ted sa kanyang asawa ang responsibilidad kung papaano
makabangon

9
5. Paano makatutulong ang online selling sa pagbebenta ng pagkain ni Tess at
Ted sa kanilang kapitbahay na takot lumabas sa kanikanilang tahanan?
A. Sila ay makatulong para hindi mahawaan ng virus ang kanilang
kapitbahay
B. Sila ay makatulong sa kanilang kapitbahay para mabawasan ang mga
gastusinin
C. Sila ay makaroon ng pag barter ng kanilang produkto
D. Walang maidalot na kagandahan ang online selling

6. Ano ang ibig sabihin ng “Hindi man tayo nakapupunta sa simbahan, ngunit ang
simbahan ay pumupunta sa sarilinating tahanan”?
A. Ang Kaparian, Pastor at Imam ay pumupunta sa ating tahanan
B. Ang ating mga lider sa simbahan ay patuloy naghahatid ng banal na aral
gamit ang ibat-ibang plataporma ng media
C. Ang simbahan ay ating tahanan
D. Tayo ay magkaroon ng kapayapaan

7. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:


A. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon
B. nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
C. maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
D. ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon.

8. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:


A. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
B. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
D. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.

9. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:


A. kawalan ng pangmatagalang liderato.
B. pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
C. kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib
D. panghihimasok ng estado

10. Ang samahang nagsasagawa ng __________ ay maituturing na isang


lipunang sibil.
A. pagtipon-tipon ng mga kabataan
B. pagmamasid sa isang ibon
C. pagtatanim ng mga puno
D. paglilinis ng baybayin’g dagat ( coastal area)

10
Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang iyong kuwaderno, sumulat ng isangkaranasan gamit ang isang
pamagat Iglesia’ng paglalakbay (My Church Journey) mula noong bata kapa
hanggang sa kasalukuyan. Isulat ang mga mahalaga mong natutunan na hindi mo
makalimutan.

My Church Journey

Sanggunian
AKLAT:
Gayola,Sheryll T.,Guevara,Goeffrey A., et.al.2015.Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Modyul para
sa Mag-aaral.pp 1-16. FEP Printing Corporation.

Website
https://www.wordproject.org/bibles/tl/20/22.htm#0

https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-4
https://www.coursehero.com/file/48299202/Modyul-4-Lipunang-Sibil-Media-at-Simbahan-2docx/
https://esp9dnhs.files.wordpress.com/2014/08/modyul4-lipunangsibil.ppsx

11

You might also like