Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 10
Pagtukoy sa mga Salitang
Magkakapareho o
Magkakaugnay ang Kahulugan
ANGELICA M. RODRIGUEZ

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)


A Joint Project of the
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikasampung Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 11: Mga Salitang Magkakapareho o
Magkakaugnay ang Kahulugan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angelica M. Rodriguez


Editor: Sheryl C. Deocadez
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

*Natutukoy ang mga salitang


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- magkakapareho o magkakaugnay ang
unawa sa mga salitang magkakapareho kahulugan.
o magkakaugnay ang kahulugan.
*Nakabubuo ng sariling pangungusap
gamit ang mga salitang magkakapareho
o magkakaugnay ang kahulugan.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)


A. Mga Salitang Magkapareho o Maggkakaugnay ang kahulugan

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:

MELC (Week 3)

Natutukoy ang mga Salitang Magkakapareho o Magkakaugnay ang


Kahulugan. (F10PT-Ic-d-63)

Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos tukuyin
ang kapareho o kaugnay na kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan upang
mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Magiting na bayani ng ating bansa si Dr. Jose P. Rizal. Siya ay ______________ na


tao.
a. mabilis
b. matapang
c. mayaman
d. masama

2. Wasto ang pagkakasulat mo kaya ____________ ang iyong sagot.


a. tama
b. mali
c. tuwid
d. baluktot

1
3. Matangkad ang aking ama kaya sabi nila paglaki ko ako rin ay magiging
______________.

a. maliit
b. pandak
c. mababa
d. mataas

4. Masarap magluto si inay kaya, ang aming ulam ay palaging __________________.

a. malinamnam
b. matamis
c. maalat
d. maasim

5. Ang hanap-buhay ng aking ama ay ang pagiging isang “habal-habal” driver ito ang
kanyang ______________ na nagpatapos sa aming mga magkakapatid sa pag-aaral.

a. negosyo
b. trabaho
c. katuwaan
d. kinaaaliwan

6. Mahalimuyak ang bulaklak sa hardin. Tiyak na magugustuhan ito ni inay


sapagkat ______________ ito.

a. mabantot
b. mapanghi
c. mabaho
d. mabango

7. Ang alagang aso ni Kirvy ay maamo. Tuwang-tuwa ang mga bata dahil ito’y likas
na _____________.

a. mabait
b. marahas
c. mabagsik
d. mabangis

8. Pag-aralan nang mabuti ang aralin dahil ito ang magiging ___________ bukas.

a. laro
b. leksiyon
c. ganap
d. pagkakaabalahan

9. Musmos pa lamang si Angel ay natuto na itong kumanta. Kaya _________ pa


lamang ay hilig na nitong sumali sa mga patimpalak.

a. dalaga
b. binata
c. bata
d. matanda

2
10. Ang marusing na aso ay pinakain at pina-inum ni Julia kahit na _____________
ito at mabaho.

a. marumi
b. maayos
c. malinis
d. magara

11. Tunay na nakabibighani ang palamuti sa plaza ng Dipolog tuwing Disyembre


dahil sa iba’t ibang ________________ gaya ng mga makukulay na parol at
kumukutitap na ilaw.

a. basura
b. kalat
c. dekorasyon
d. sagabal

12. Makitid ang daan patungong kabilang baryo. Talagang mahihirapan ka sa


____________ na daanan.

a. malawak c. malapad
b. malaki d. makipot

13. Ang mapag-impok na tao ay yayaman ng todo. Ang sikreto nito ay ang pagiging
madiskarte at _____________ sa salapi.

a. magastos
b. magarbo
c. matipi d
d. ubos – biyaya

14. Si Dhalia ay mahilig sumali sa mga patimpalak malaki man o maliit ang
pa-premyo.

a. paligsahan
b. kasiyahan
c. pagdiriwang
d. selebrasyon

15. Masarap ang simoy ng hangin sa dalampasigan lalo na kapag maaliwalas ang
baybayin makakapag-isip-isip ka talaga.

a. damuhan
b. baybayin
c. kabundukan
d. disyerto

3
Modyul Mga Salitang Magkakapareho o
10 Magkakaugnay ang Kahulugan

Sa nakaraang modyul, natutunan mo ang tungkol sa pagbibigay ng


reaksiyon sa mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda at ang pagiging
makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento.

Balikan

Gawain A: Naalala Mo?

Balikan ang pangyayari sa isinalaysay sa akda. Gamit ang grapikong


representasyon, tukuyin ang mga makatotohanan at di-makatotohanang
pangyayaring binanggit at magbigay ng reaksiyon tungkol dito.

MENSAHE NG BUTIL NG KAPE

MAKATOTOHANANG DI-MAKATOTOHANANG
PANGYAYARI PANGYAYARI

REAKSIYON

4
Tuklasin

Gawain A: Kompletuhin Mo!

Panuto: Kompletuhin ang mga salita sa loob ng kahon gamit ang mga pantulong
na salita o mga salita na naka italisado ng sa ganoon mabuo ang nakatagong salita
sa kahon.

m s a 1. Si Carlo ay maligaya sa kanyang nakuhang


parangal sa paligsahan.

m i i t 2. Ang kagandahan ay hindi lamang makikita


sa panlabas o pisikal na itsura dahil ang taong
may mabuting kalooban ay siyang maituturing
na maganda.

m y m n 3. Si Henry Sy isa sa mga masalaping


indibidwal sa ating bansa.

a t a s 4. Kadalasan ang mga basketbolista ay


matangkad.

m t u s 5. Matalim ang kutsilyo kaya hindi dapat


paglaruan ng mga bata.

Suriin

Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga


kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-
aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pag-unawa sa
mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka
ng mahahalagang ideya sa mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan. Inaasahang magagabayan ka ng inihandang babasahin upang
masagot mo ang mga sumusunod na gawain. Halika at umpisahan na ang
masayang pagbabasa at pag-unawa sa paksa.

Magaling!

Palakpakan ang sarili sa pagsagot sa Gawain A, mula sa nasabing gawain ano


ang napapansin mo sa mga naka italisadong salita sa bawat pangngusap at sa iyong
nabuong salita mula sa kahon?

5
Tama, ang salitang naka italisado at nabuong salita ay magkapareho o
magkatulad ang kahulugan.
Alam mo ba na may kaugnayan ito sa modyul na iyong babasahin. Tungkol
sa mga salitang magkakapareho o magkakatulad ang kahulugan. Upang mas
lubusan mong maintindihan kung ano ito. Basahin nang tahimik ang “Alamin Mo”.

Alamin Mo!
*MGA SALITANG MAGKAKATULAD O MAGKAKAPAREHO ANG KAHULUGAN*
 Ang mga salitang magkakapareho o magkakatulad ang kahulugan ay
tinatawag na kasingkahulugan o Synoyms sa Ingles. Ito ay mga salitang
kagaya, katulad o kaparehong ibig sabihin at implikasyon ng isang salita.
- https://brainly.ph/question/513209
 Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o
magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.

 Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o mga


salitang naglalarawan.

 Ang mga Pang-uri ay may mga kasingkahulugan. Tingnan ang


mga halimbawa.
1. maganda marikit
2. masaya maligaya
3. mayaman masalapi
4. mataas matangkad
5. matulis matalim

 Ang mga salitang naglalarawan ay nagsasabi ng katangian gaya


ng uri, anyo, kulay, laki, amoy, lasa at kayarian ng tao, hayop,
bagay at pook o lugar.
 Mga salitang naglalarawan na angkop lamang gamitin sa tao, hayop, bagay,
at pook o lugar.
 Tao maganda, mabait, masaya
 Hayop maamo, mailap, maliit
 Bagay mabango, maliit, magara
 Pook malayo, malapit, tahimik
 Tandaan na mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang
madaling maibigay ang kasingkahulugan nito. Samadaling salita dapat
mayroon kang malawak na bokabularyo nang saganoon ay madali mong
matukoy ang kasingkahulugan nito. Para magawa ito ay magbasa nang
magbasa para lumawak ang iyong kaalaman.
 Mahalagang pag-aralan at matutunan ng isang mag-aaral na tulad mo ang
mga salitang magkakapareho, magkakahulugan/magkasingkahulugang
salita dahil sa papamigitan nito mas lubos mong mauunawan ang iba’t ibang
uri ng mga akdang pampanitikan dahil maibibigay mo ang kahulugan ng mga
talasalitaan o iyong mga salitang may mahihirap at may malalim na
kahulugan sa mga nasabing akda
.

6
“MGA SALITANG MAGKAKAPAREHO O MAGKAKATULAD ANG KAHULUGAN”

Halimbawa:
aksidente ⇔ sakuna

https://www.jnto.go.jp/safety-
tips/eng/emergency/earthquake/e08.html

aralin ⇔ leksiyon bata ⇔ musmos, paslit

https://www.kissclipart.com/teacher-draw- https://www.pngitem.com/middle/ixhoRRm_ki
clipart-teacher-drawing-w6mndz/ ds-painting-clipart-at-getdrawings-kids-
drawing-clipart/

paaralan ⇔ eskuwelahan mag-isip-isip ⇔ magmuni-muni

https://coloringcafe.com/coloring- https://pixy.org/4629182/
pages/school-house/

7
hanap-buhay ⇔ trabaho, okupasyon prutas ⇔ bungang-kahoy

https://www.123rf.com/photo_33890752_ https://depositphotos.com/85320510/stoc
stock-vector-different-people-professions- k-illustration-fruit-set-hand-drawn-
characters-set.html different.html

 Narito ang ilan pang mga halimbawa ng mga salitang magkapareho o


magkatulad ang kauhulugan:

 beranda – balkunahe  maingay – magulo


 buti – inam  malungkot – malumbay
 hiram – utang  masarap – malinamnam
 inalay – inihandog  mataas – matangkad
 iniirog – minamahal  mataba – malusog
 iniwan-nilisan  matalas – matalim
 kalaban – kaaway  matapang – mabagsik
 labis – sobra  mayaman – masalapi
 labis – sobra  natuklasan – nalaman
 lipulin – puksain  panatag – komportable
 lubog – lunod  porsiyento – bahagdan
 mabagal – makupad  tama – wasto
 madaldal – makwento  tirahan – tahanan
 madumi – madungis  ulam – putahe
 magmadali – mag-apura  upuan – silya

Kumusta! Madali lang ba?


Ngayon mayroon ka nang ideya tungkol sa mga salitang
magkakapareho o magkakatulad ang kahulugan. Simulan na ang pagsagot sa
mga sumusunod na gawain at higit sa lahat huwag kalimutan ang iyong mga
natutunan. Maligayang paglalakbay ng iyong isipan!

Gawain A: TANONG – SAGOT/Q & A!


Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang paksang iyong binasa?


Sagot: _________________________________________________________________
________________________________________________________________________

8
2. Ano ang ibang katawagan sa mga salitang magkakapareho o magkakatulad ang
kahulugan?
Sagot: ______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Bakit kailangang magkaroon ng malawak na bokabularyo sa pagbibigay ng


kapareho o katulad na salita?
Sagot: ___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Paano mo mapapalawak ang iyong bokabularyo?


Sagot: _________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

5. Bakit mahalagang matutunan ng isang mag-aaral tulad mo ang mga salitang


magkakasingkahulugan?
Sagot: _________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Gawain B: ISIP-ISIP
Panuto: Mag-isip nang mabuti ng isa pang kapareho o katulad na salita sa bawat
bilang. Gamiting gabay ang larawan o emoji sa itaas.

http://www.symbols-n- https://www.shutterstock.com/search/em
emoticons.com/p/facebook-emoticons- oji+muscle
list.html

1. lumbay ⇔ _______________ 2. tikas ⇔ _______________

https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_the_Philippines#/me
dia/File:Flag_of_the_Philippines.svg
https://webcomicms.net/balloon-picture

3. asul ⇔ _______________ 4. bandila ⇔ _______________

9
https://toppng.com/best-friends-emoji-png-emojis-de-mejores-amigas-PNG-free-PNG-Images_171812

5. kasama ⇔ _______________

Nakakabilib ka at naisip mo ang kasingkahulugan ng salita sa bawat bilang.


Batid ko ay lubusan mong naintindahan ang ating paksa. Teka lang at mayroon pa
akong inihandang gawain. Handa ka na?

Pagyamanin

Gawain A: KRUSIGRAMA/CROSSWORD PUZZLE


Panuto: Ibigay ang kapareho o katulad na salita sa bawat bilang para mabuo
ang puzzle.

Pahalang:
1. gobyerno
2. saloobin
3. alay
4. grupo
5. landas

Pababa:
1. mahusay
2. gunita
3. bantog
4. giyera
5. liham

10
Gawain B: WORD SEARCH
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon B ang kasingkahulugan ng mga salita sa
kahon A.
A. B.

1. KATARUNGAN
2. PANINIWALA
3. TALIWAS
4. SOLUSYON
5. MISTERYO
6. PATIMPALAK
7. SAKUNA
8. DALAMPASIGAN
9. WINASAK
10. BUNGA

Isaisip

Tandaan Mo
 Ang mga salitang magkakapareho o magkakatulad ang kahulugan ay
tinatawag na kasingkahulugan.

 Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o


magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.

 Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o mga


salitang naglalarawan.

 Ang mga salitang naglalarawan ay nagsasabi ng katangian gaya ng uri, anyo,


kulay, laki, amoy, lasa at kayarian ng tao, hayop, bagay at pook o lugar.

 Tandaan na mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang


madaling maibigay ang kasingkahulugan nito. Samadaling salita dapat
mayroon kang malawak na bokabularyo nang saganoon ay madali mong
matukoy ang kasingkahulugan nito. Para magawa ito ay magbasa nang
magbasa para lumawak ang iyong kaalaman.
Sa tingin ko ay nakuha mo na ang dapat mong matutunan at handing-handa
ka na sa mga susunod pang gawain.

Galingan mo! 

11
Isagawa

Gawain A: MAGMASID – MAG-ISIP – MAGSULAT (MMM)


Panuto: Magmasid sa inyong tahanan at paligid sunod ay mag-isip ng mga
pagkakapareho at pagkakatulad na mga salita sa mga sumusunod na kategorya:
tao, hayop, bagay, pagkain at pook o lugar, kapag nagawa mo na ito ay saka ka
sumulat ng iyong sariling pangungusap.
Gamitin ang tsart sa ibaba para sa iyong mga kasagutan.

Kategorya: Sagot: Pangungusap:


Tao
Halimbawa:
* Lolo Kiko *mabait – matulungin *Si lolo Kiko ay kilala sa pagiging mabait
sa aming lugar, matulungin siya hindi
lamang sa mga bata pati narin sa mga
matatanda.
1.
2.
Hayop
1.
2.
Bagay
1.
2.
Pagkain
1.
2.
Pook/lugar
1.
2.

12
RUBRIKS
Mga 1 2 3 4
Kriyterya
Hindi lumikom Lumikom ng Lumikom ng Lumikom ng
Paglikom ng ng anumang ilang mga kailangang maraming
mga impormasyon impormasyon impormasyon impormasyon
impormasyon kaugnay sa kaugnay sa na kaugnay sa kaugnay sa
paksa paksa paksa paksa.

Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang


ang organisasyon organisasyon, pagkakasunod-
organisasyon ng ngunit hindi pagkabuo ng sunod ng mga
Organisasyon mga ideya masyadong pangungusap ideya sa
mabisa kabuuan ng
pangungusap

Kailangang Mga kahinaan Mahusay dahil Napakahusay


baguhin dahil dahil maraming kakaunti dahil walang
halos lahat ng mali sa lamang ang mali sa
Paggamit ng pangungusap ay gramar,baybay mali sa gramar, gramar,
wika at may mali sa at gamit ng baybay at gamit baybay at
mekaniks gramar,baybay bantas ng bantas gamit ng
at gamit ng bantas may
bantas mayamang
bokabularyo

Mahirap basahin May kahirapang Malinis ngunit Malinis at


dahil sa hindi unawain ang hindi lahat ay maayos ang
maayos at pagkakasulat at maayos ang pagkakasulat
Pagkakasulat malinis na ng pangungusap pagkakasulat ng pangu-
pagkakasulat at ang mga ngusap
pangungusap

Puntos: Kahulugan:
14 – 16 – Natatangi Sanggunian: “Koleksyon ng mga Istratehiya
sa pagtutura at Iba’t ibang uri
11 – 13 – Natutupad ng Rubriks”
7 – 10 – Nalilinang
4–6 – Nagsisimula

13
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos tukuyin


ang kapareho o kaugnay na kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan upang
mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Magiting na bayani ng ating bansa si Dr. Jose P. Rizal. Siya ay ______________ na


tao.
a. mabilis
b. matapang
c. mayaman
d. masama

2. Wasto ang pagkakasulat mo kaya ____________ ang iyong sagot.


a. tama
b. mali
c. tuwid
d. baluktot

3. Matangkad ang aking ama kaya sabi nila paglaki ko ako rin ay magiging
______________.
a. maliit
b. pandak
c. mababa
d. mataas

4. Masarap magluto si inay kaya, ang aming ulam ay palaging __________________.


a. malinamnam
b. matamis
c. maalat
d. maasim

5. Ang hanap-buhay ng aking ama ay ang pagiging isang “habal-habal” driver ito ang
kanyang ______________ na nagpatapos sa aming mga magkakapatid sa pag-aaral.
a. negosyo
b. trabaho
c. katuwaan
d. kinaaaliwan

6. Mahalimuyak ang bulaklak sa hardin. Tiyak na magugustuhan ito ni inay


sapagkat ______________ ito.
a. mabantot
b. mapanghi
c. mabaho
d. mabango

14
7. Ang alagang aso ni Kirvy ay maamo. Tuwang-tuwa ang mga bata dahil ito’y likas
na _____________.
a. mabait
b. marahas
c. mabagsik
d. mabangis

8. Pag-aralan nang mabuti ang aralin dahil ito ang magiging ___________ bukas.
a. laro
b. leksiyon
c. ganap
d. pagkakaabalahan

9. Musmos pa lamang si Angel ay natuto na itong kumanta. Kaya _________ pa


lamang ay hilig na nitong sumali sa mga patimpalak.
a. dalaga
b. binata
c. bata
d. matanda

10. Ang marusing na aso ay pinakain at pina-inum ni Julia kahit na _____________


ito at mabaho.
a. marumi
b. maayos
c. malinis
d. magara

11. Tunay na nakabibighani ang palamuti sa plaza ng Dipolog tuwing Disyembre


dahil sa iba’t ibang ________________ gaya ng mga makukulay na parol at
kumukutitap na ilaw.
a. basura
b. kalat
c. dekorasyon
d. sagabal

12. Makitid ang daan patungong kabilang baryo. Talagang mahihirapan ka sa


____________ na daanan.

a. malawak
b. malaki
c. malapad
d. makipot

13. Ang mapag-impok na tao ay yayaman ng todo. Ang sikreto nito ay ang pagiging
madiskarte at _____________ sa salapi.
a. magastos
b. magarbo
c. matipi d
d. ubos – biyaya

15
14. Si Dhalia ay mahilig sumali sa mga patimpalak malaki man o maliit ang
pa-premyo.
a. paligsahan
b. kasiyahan
c. pagdiriwang
d. selebrasyon

15. Masarap ang simoy ng hangin sa dalampasigan lalo na kapag maaliwalas ang
baybayin makakapag-isip-isip ka talaga.
a. damuhan
b. baybayin
c. kabundukan
d. disyerto

Karagdagang Gawain

Gawain : MAGSALIKSIK KA
Panuto: Magsaliksik sa mga aklat sa Filipino o kaya sa internet ng mga karagdagang
halimbawa ng mga salitang magkakapareho o magkakahulugan. Sikaping
magkaroon ng higit pa sa 10 halimbawa.

Mga Salitang Magkapareho o Magkatulad ang Kahulugan

1. 6.
2. 7.
3. 8.
5. 9.
5. 10. O higit pa…

16
Sanggunian
Aklat:
Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa
Mag-aaral. Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 224)

Internet:

https://www.slideshare.net/flamerock/mga-salitang-magkasingkahulugan - Slide Share.com

https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/mga-salitang-magkasingkahulugan-33891029

http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/mga-salitang-magkasingkahulugan-synonyms.html

https://brainly.ph/question/513209 - 15princess23

https://brainly.ph/question/509000 - preciousclamor

https://brainly.ph/question/134771?source=aid1167720 - taehyungkim

https://brainly.ph/question/237066?source=aid1167720 - AlyssaJules, AwesomeHelper

https://brainly.ph/question/42832?source=aid1484881 - ellenettereyesdimas

https://brainly.ph/question/167152

https://brainly.ph/question/233624

https://prezi.com/mmwfxvtpk67d/group-5-kasingkahulugan-at-
kasalungat/?frame=47d377fec4b7ca41122265673579a8e39d6df36c

http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/mga-salitang-magkasingkahulugan-synonyms.html

https://www.slideshare.net/DominiqueVitug1/aralin-3-ang-apat-na-buwan-ko-sa-espanya

https://thewordsearch.com/maker/

17

You might also like