Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Naglunsad ang paaralang Tomas Claudio Colleges ng isang General

Assembly na pinamagatang “Education and Liberal Arts Program” na ginanap


noong Setyembre 4, 2020, Biyernes, sa oras na ika-2:00 ng hapon gamit ang
aplikasyong Google Meet. Nagsimula ang programa sa pag-awit ng Philippine
National Anthem at pag-awit ng TCC Hymn sa pangunguna ni Ginang Aprilyn
P. Natividad. Nanguna naman sa pagbibigay ng Welcome Address ang
napakaganda at nagpipitagang Academic Coordinator ng Education and Liberal
Arts na si Ginang Dr. Eva R. De Rosas. Nagkaroon rin ng maikling mensahe
ukol sa pagtitipon na ginanap sa pangununa ni Ginoong Dindo Punzalan,
Prinsipal ng Basic Education at ang kagalang galang na Presidente ng paaralan
na si Ginoong Dr. Rodolfo S. San Felipe. Matapos magbigay ng mensahe,
sumunod naman ang pagpapaliwanag ng Modes of Learning na gagawin ng
mga guro at kamag-aral sa kanilang klase sa pamumuno ni Ginoong Dr. Ruel G.
Manalo, BSE- Program Coordinator and Assistant Principal ng Basic
Education. Matapos maipaliwanag ang paraan kung paano matututo ang mag-
aaral ng Tomas Claudio Colleges ngayong New Normal, nagbigay naman ng
kanyang pahayag ukol sa magiging disiplina ng mag-aaral habang sila’y nasa
Online Class si Ginang Ednalyn O. Bautista na nasundan naman ng
pagpapaliwanag ng Safety Protocols ni Binibining Joyce Colleen R. San Juan,
Safety Officer. Natukoy nya rito ang paraan ng paaralan na tanggapin ang mga
taong bibisita sa Tomas Claudio Colleges. Nabanggit din kung paano i-sanitize
at i-tsek ang bawat tao na bibisita sa paaralan upang malabanan ang Covid-19.
Nailathala din kung paano ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay at ang
mga bagay na dapat gawin sa panahon ng epidemyang ito. Natapos ang
assembly ng maayos at matiwasay dahil sa may disiplinang pakikinig ng bawat
nakidalo rito kahit na ito’y ginanap online. Mahirap man ang sitwasyon ngayon
para maglunsad ng programa ngunit hindi naman hadlang ang pandemyang ito
upang matuto at magpatuloy sa pag-abot ng ating pangarap gamit ang
edukasyon. Manalangin palagi sa Poong Maykapal at magtiwala na matatapos
rin itong bangungot na ito. Magandang Hapon sa inyong lahat, ito si Yljen Kaye
C. Fernandez, ang inyong magandang taga-ulat!

You might also like