Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ponema
Ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog. Ang pag-aaral ng
ponema ay binubuo ng segment at suprasegmental.
Segmental
Ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang
titik sa ating alpabeto.

Suprasegmental
Ay ang pag-aaral ng diin, tono, haba at hinto.

4 na Ponemang Suprasegmental
 Haba – Ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a,e,I,o,u) ng bawat
pantig. Maaring gumamit ng simbolong (.) para sa pagkilala sa Haba.
Halimbawa: Bu-kas Bukas
 Diin
Tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang
binibigkas. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may Diin ang malaking titik.
Halimbawa:
BUhay buHAY
LAmang laMANG
 Tono
Nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap. Tulad
ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.
Maaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa
mataas.
Halimbawa:
TALAGA=213
TALAGA=231
 Hinto
Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensahe. Maaring gumamit ng simbolong kuwit(,) dalawang guhit na
pahilis(//) o gitling(-)
Halimbawa:
Hindi, siya ang kababata ko.
Hindi siya ang kababata ko.
 Ponemang Malayang Nagpapalitan
Sa Filipino, may mga Tunog(ponema) na malayang nakapagpapalitan tulad ng
sa pagkakataon malayang nagpapalitan ang Ponema, nag-iiba ang baybay ng
salita ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan.
Halimbawa: Sa kaso ng titik E at I sa mga salitang LALAKI at BABAE. Iisa lamang
ang kahulugan ng LALAKE at LALAKI, gayundin ang BABAE at BABAI.

Mahalaga sa PAGPAPADULAS ng mga salita at pagpapabilis ng komunikasyon ang


paggamit ng ponemang malayang nagpapalitan. Kadalasan ding ginagamit ang
ponemang malayang nagpapalitan upang mabigyang diin ang mga salitang nag-
iiba ang tunog, depende sa lugar na pinaggagamitan sa iba’t ibang pulo o pook sa
Pilipinas iba-iba ang mga dayalekto o diyalekto.

You might also like