Bati ng isang duguang babae sa dulo Dulo sa silid ng paaralang wasak Wasak na bukas, wasak na landas
Mahal kong pamilya!
Mga anak ko! Kayo’y nasaan na? Haligi ng tahana’y binuwal nila Ang aking bana!
Sa mundong humihinga walang nakalalamang
Paniniwala’y iba ngnunit di mangmang Apo, Bae at Timuay ang aming tagapagturo Ngunit sila ay biglang naglaho
Mahal na Banwa’y nasaan?
Sinunog, sinira, kultura’y niyurakan Nasa pula? Mga makaliwa? Hindi naman Kami lang ay naipit, sa gulo napapagitnaan
BANG! BOOM! PRATATATAT!
Patuloy ang ingay na ayaw ng lahat
Iyan kay su Lumad
Dagdag ng isang matadang Datu Tila kalawakang natahimik Siya pala’y naglaho
BANG! Tunog ng malamig na bakal.
BANG! Sa kabundukan umalingaw-ngaw BANG! Alingaw-ngaw na may ilaw BANG! Katawang malamig, sa gubat na masukal
Kulturang kanyang pinangalagaan
Kinaiyahang kanyang pinahalagahan Ipinagtanggol ang pagkakikilanlan Ipinakita ang kagitingan
Di kayang pigilan ang mga gahaman
Mata nila’y nakatuon sa likas yaman Isa? Dalawa? Tatlo? Di na mabilang Mga katawang natagpuan sa lasang
Sapa’t ilog sa salami’y sing linaw
Kagandahan ay natatanaw Luntian na mga kagubatan Ito ang mahal naming kinaiyahan
BOOM! Mga lawaa’y natumba
BOOM! Mga hayop nataranta BOOM! Mga bundok ay kinalbo’t binutas BOOM! Lumabas ang ginintuang katas
Sa isang idlap ay napalitan na
Ang tubig na asul ngayo’y naging pula Kagubatang sagana ay kinalbo Upang bulsa nila’y lumobo Ang kalikasa’y piniga Ginto ang kanilang ninanasa Pagkatapos nila’y iniwan Patay na ilog at kalbong kagubatan
Mga puno ay naglaho
Ibang uri ng pananim ang tumubo Ekta-ektaryang pinatag na mga lupain Dagat ng pinya at saging na hindi sa’min
Oh Magbabaya! kami’y protektahan
Naway ilayo sa kapahamakan Mundong ito ay nagbago na Mga sakim at gahaman nagsilipana
BANG! BOOM! PRATATATAT!
Ito na ang wakas, tapos na ang lahat
Ayaw ng kaguluhan Gusto nami’y Kaisahan Bagkus kun’di maiiwasan Kami’y handang lumaba’t ipaglalaban ang kultura at karapatan
Mapayapang pamamaraan ay tatanawin
Ngunit pangayaw ay nasa isip din Kami’y watak-watak ngunit kapag nagsama Sisiguraduhing kami’y maririnig at inyong madarama
PRATATATAT! Si Datu ang inuna
PRATATATAT! Sinunod si Apo, si Bae, si Ina! PRATATATAT! Mga bata’y nagsigawan, May pula! May pula! PRATATATAT! Dumaloy ang pula sa lupang pamana.
Hindi kami nang-aagaw ng atensyon
Kailangan lang naming ng solusyon Iyan kay su Lumad ta Mindanaw Kami ang mga Lumad sa Mindanao