Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

1

MODYUL 1 KAHULUGAN NG EKONOMIKS SA PANGARAW- Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay


ARAW NA PAMUMUHAY gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay
ARALIN 1 Kahulugan ng Ekonomiks sa Pangaraw-araw na kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at
Pamumuhay serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano
KAHULUGAN NG EKONOMIKS karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang
nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil
Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na
may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang
nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng
pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na
limitadong pinagkukunang-yaman.
oikonomia na nagmula naman sa dalawang salita: ang oikos ay
nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala (Brown, Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may
2010). limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba
pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming
yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang sambahayan, tulad ng lokal at
paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital
pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon.
goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng
Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at
produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa
nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa
gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na
maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng
pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang
sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan
sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba.
sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay
na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya. Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng
ekonomiks ay pang-araw-araw na suliraning kinakaharap hindi
2

lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng bawat indibidwal lumilikha ng produkto at serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas mura
pati ang mga mag-aaral na katulad mo. at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming
pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Maaari
MAHALAGANG KONSEPTO SA EKONOMIKS
ding mailarawan ang incentives sa kung magbibigay ng
Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas
choice. Sa pagproseso ng pagpili mula sa mga choice, hindi na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang pagpili o
May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at
pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga
the margin.” Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal
ang trade-off, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri
ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang
ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing desisyon
Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at
Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. mataas na grado, ay masasabing maaaring maging matalino sa
Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best paggawa ng desisyon ang isang tao.
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon
Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity
(Case, Fair at Oster, 2012). Ang opportunity cost ng paglalaro sa
cost, incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa
naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na ipinagpalibang
matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa
gawin.
sa pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.

Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat


Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
produkto o serbisyong pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na
ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na natutungkol
bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo na iniaalok ng mga sa paggamit at alokasyon o pamamahagi ng mga kapos na
3

pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makalikha ng KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS


pinakamahusay at de-kalidad ng mga produkto at
Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat
serbisyong makatutugon sa paparaming pangangailangan
makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng
at hilig ng tao sa paraang pinakamatipid at pinakamabisa.
matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang
Ang pokus o diwa sa pag-aaral ng ekonomiks ay kung
mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
paano tutugunan ang mga suliranin at pangangailangan ng
mga tao sa lipunan kayat ito’y nabibilang sa agham Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa
panlipunan. Sinusuri at tinatalakay sa agham na ito ang mga ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na
suliraning pangkabuhayan lalung-lalo na iyong may may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
kinalaman sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at programang
bawat pamilya at ng buong bansa. ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad
Sa pag-aaral ng ekonomiks, inuunawa ang mga konsepto at ng ekonomiya.
suliranin ng kakapusan at paparaming pangangailangan at
Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa
hilig-pantao, alokasyon, alternatibong desisyon, at
pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon
pamamahala ng mga gawaing pamproduksyon at
ang pamilyang iyong kinabibilangan. Sa mga isyu tungkol sa pag-
pangkalahatang kaunlaran.
aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa
Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong upang
pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang
magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili ang tao.
kaalaman sa alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay
makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon
tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon ng iyong pamilya.
MODYUL 2 KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA PANGARAW-
ARAW NA PAMUMUHAY Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na
Aralin 1 Kahalgahan ng Ekonomiks sa Pangaraw-araw na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong
Pamumuhay kapaligiran. Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali,
4

at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon para


sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.

MODYUL 3 IBA’T-IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

Aralin 1 Iba’t-ibang Sistemang Pang-ekonomiya

ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA


Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang
Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-
institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan
ekonomiya na umiiral sa daigdig:
ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-
yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang Traditional Economy
lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang
makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung
Traditional Economy. Ang kasagutan sa pangunahing
paano epesyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng
katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at
bansa.
paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang- mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot
ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain,
produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Ang at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay
sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay
katanungan. batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sapagkat
sa Traditional Economy, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa
5

alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon
paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.
ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang
dapat gumamit.
pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring
pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa
karapatan, ari-arian, at kontrata na pinasukan ng mga pribadong
Market Economy
indibidwal.
Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing
Command Economy
katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng
malayang pamilihan. Sa ganitong Sistema, ang bawat kalahok- Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng
konsyumer at prodyuser, kumikilos alinsunod sa kanilang komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang
pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong
nasa lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong
papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang- ahensiya (central planning agencies).
ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan. Ang market
Katunayan ang pagpapasya sa proseso ng gawaing pang-
economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng
ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang.
kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo,
Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa
pangangasiwa ng mga gawain.
paglikha ng kapital. Samantala, madaling nalalaman ang
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng
ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa
malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng
ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may pagtatakda sa halaga ng mga produktong nagmumula rito.
katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa
6

Ang patakaran sa command economy ay ipinatupad sa sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng
dating Soviet Union. Sa kasalukuyan, nanatiling may ganitong pamahalaan.
sistemang pang-ekonomiya sa Cuba at North Korea.

Mixed Economy
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban
Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na
ng elemento ng market economy at command economy. Walang
makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at
maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay
kung paano episyenteng magagamit ang mga
kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang
pinagkukunang-yaman ng bansa.
sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-
pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol
ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning
ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang
nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto
mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang
at serbisyo.
nabuo at may katangian na bunga ng pagsasanib o kumbinasyon
Sa Traditional Economy, ang anumang produkto na
ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang
kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam
pangangailangan at kung sino pa ang dapat gumamit.
ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga sa
Sa market economy, ang kalahok-konsyumer at prodyuser,
kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.
ay kumikilos alisunod sa pansariling interes na makakuha
May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon,
ng malaking pakinabang.
imprastraktura at mga organisasyon. Ang sistemang mixed
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami
economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadog
ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang
pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito ay
malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
hindi nanganghulugang ganap na awtonomiya para sa kanila
7

Sa command economy, nasa komprehensibong kontrol at lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga
regulasyon ng pamahalaan ang planong nauukol sa yamang tubig, yamang mineral, at yamang gubat. Hindi tulad ng
pagsulong ng ekonomiya. ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay
fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng
Halimbawa ng mga bansang gumagamit ng command lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang
economy ay ang North Korea at Cuba. tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.
Ang mixed economy ay may katangian na bunga ng
Paggawa Bilang Salik ng Produksyon
pagsanib o kombinasyon ng command at market economy.
Sa sistemang pang-ekonomiya na mixed economy ay Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi
nagpapahintulot sa mga pribadong pagpapasya ng magiging kapakipakinabang kung hindi gagamitin at gagawing
pribadong kompanya at indibidwal ngunit karamihan pa rin produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ang mga
sa mga desisyong pang-ekonomiya ay ginagabayan ng manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa
pamahalaan. pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Ang lakas-paggawa ay
tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o
serbisyo. May dalawang uri ang lakas-paggawa: ang mga
MODYUL 4 Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon manggagawang may kakayahang mental o silang mga tinatawag
na may white-collar job. Mas ginagamit ng manggagawang may
Aralin 1 Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon
kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa
MGA SALIK NG PRODUKSIYON paggawa. Halimbawa ng mga ito ay ang mga doctor, abogado,
inhinyero, at iba pa. Ang katawagang white-collar ay unang
Lupa Bilang Salik ng Produksiyon
ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong
Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman 1919.
ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang
8

Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng
may kakayahang pisikal o silang mga tinaguriang may blue collar malaking kapital upang makamtan ang pagsulong. Ang kabayaran
job. Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon ay tinatawag na
sa paggawa. Halimbawa nito ang mga karpintero, drayber, interes.
magsasaka, at iba pa. Sahod o sweldo ang tawag sa pakinabang
Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksyon
ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod. Ang mga
manggagawa ay may malaking ginagampanan sa ating pang araw- Itinuturing na pang-apat na salik ng produksyon ang
araw na pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto entrepreneurship. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng
at serbisyo ang tumutustos sa ating pangangailangan. isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang
tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang
Kapital Bilang Salik ng Produksyon
makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa,
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay
produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga na makaaapekto sa produksyon. Taglay ng isang entrepreneur ang
makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa. Ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inibasyon at handa sa
mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng pagbabago. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng
panibagong kalakal ay isang halimbawa ng kapital. Ang kapital ay ika-20 siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa isang
maaari ding iugnay sa salapi at imprastraktura tulad ng mga gusali, entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang inobasyon o patuloy na
kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan. pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto at serbisyo ay
susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang
nakadepende sa lupa at lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng
F. Denison na may pamagat na “The Contribution of Capital to makabagong pamamaraan at estilo sa paggawa ng produkto at
Economic Growth” (1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa pagkakaloob ng serbisyo, ang sumusunod ay ilan sa mga katangian
pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong na dapat taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur:
9

1. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo. 4. Ang lupa, bilang salik ng paggawa, ay fixed o takda ang
2. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan. bilang kaya’t mahalaga ang wastong paggamit nito.
3. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa 5. Ang likas na yaman at hilaw na sangkap ay dapat gawing
kahihinatnan ng negosyo. produkto upang maging kapaki-pakinabang.
6. Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa
Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito produksiyon ng kalakal o serbisyo.
ay kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa 7. Ang white-collar job bilang uri ng lakas-paggawa ay
pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing hindi nakatitiyak ang tumutukoy sa mga manggagawang mas ginagamit ang isip
entrepreneur sa kanyang tubo dahil hindi pa niya alam ang kaysa lakas sa paggawa.
kahihinatnan ng kaniyang pagnenegosyo. 8. Ang blue-collar job naman ay tumutukoy sa mga
manggagawang may kakayahang pisikal.
Ang produksyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung
9. Ang paggawa ng produkto o serbisyo ng mga manggagawa
walang produksyon ay wala rin tayong produkto at serbisyo na
ang siyang tumutustos sa pangangailangan ng mga tao.
ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa, kapital, at
10. Kapital ang tawag sa kalakal na nakalilikha ng iba pang
entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa
produkto.
prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag ugnay-ugnay, ito
11. Ang pagsulonh ng ekonomiya ng isang bansa ay
ay magdudulot ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating
nakadepende sa lupa, lakas-paggawa at kapital.
pang araw-araw na pangangailangan.

12. Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at


Mula sa binasang teksto tungkol sa produksiyon. Narito ang
kagustuhan ng tao na magsimula ng negosyo.
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan:
13. Entrepreneur naman ang tawag sa tagapag-ugnay ng
1. Hindi lahat ng bagay sa paligid ay maaaring ikonsumo agad naunang salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto
ng tao. o serbisyo.
2. May mga bagay na kailangan pang idaan sa proseso upang 14. Ang innovation o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa
maging higit na kapaki-pakinabang. kaniyang produkto o serbisyo ay susi sa pagtamo ng
3. Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng pagsulong ng isang bansa.
produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga 15. Ang produksiyon ang siyang tumutugon sa
salik. pangangailangan ng tao.
10

ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin na mas


maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung
ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang.
MODYUL 5 Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa
Aralin 1 Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan.
Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo kakulangan sa supply ng produkto dahil sa kalamidad, tataas
ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang
May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng
paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap. Gayundin
isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang
naman kapag may banta ng kaguluhan sa isang lugar o may
dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng
inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao ay
kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mga
pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan
salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.
ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa
Pagbabago ng presyo – may pagkakataon na nagiging mga susunod na araw o panahon. Kung positibo o maganda
motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay
ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang
mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang
kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga insentibo.
mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami
Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang
silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili
isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi
kung mataas ang presyo nito.
upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa
Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang
kay John Maynard Keynes, isang ekonomistang British, sa kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman
kanyang aklat na The General Theory of Employment, Interest, ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang
and Money na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng binabayaran niyang utang.
kita ng tao sa kanyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang
Demonstration Effect – madaling maimpluwensiyahan ang tao
lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa
na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao ang
banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng
11

media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa MODYUL 6 Mga Karapatan at Tungkulin bilang Isang
nasabing salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan Mamimili
ng nabanggit ay may mababang pagkonsumo lalo na sa mga
bagay na uso at napapanahon lamang. Aralin 1 Mga Karapatan at Tungkulin bilang Isang Mamimili

BATAS NA NANGANGALAGA SA KAPAKANAN NG


MAMIMILI

Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the


Philippines) ang mga kalipunan ng mga patakarang nagbibigay
ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mamimili.
Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit
ng lahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga
pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng
mga negosyo at industriya. Ang sumusunod ang binibigyang-
pansin ng batas na ito:

a. Kaligtasan at proteksiyon ng mamimili laban sa panganib sa


kalusugan at kaligtasan.
b. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang
gawaing may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at
industriya.
c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mamimili.
d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan at mamimili
sa pagbalangkas at pagbuo ng mga patakarang
pangkabuhayan at panlipunan.

Walong Karapatan Ng Mamimili

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Depatment of


Trade and Industry o DTI) ay naglabas ng walong karapatan ng
mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa
pamilihan.

1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan


12

May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang
masisilungan, pangangalagang pangkalususugan, edukasyon at kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na binili mo. May
kalinisan upang mabuhay. karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o
mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili
kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang
hangarin. Dapat na magkaroon ng walang bayad na tulong sa
2. Karapatan sa Kaligtasan pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol.
May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at 7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong
mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga Mamimili
panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.
May karapatan sa consumer education, nagtatanong at
3. Karapatan sa Patalastasan nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay nagtataglay ng
May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang
madaya at mapanligaw na patalastas, mga etikita at iba pang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong
hindi wasto at hindi matapat na gawain. Ito ay kailangang pangmamimili.
malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang 8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
pagsasamantala ng iba.
May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat
4. Karapatang Pumili na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang
May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking
paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong
pribadong kompanya man, dapat na magkaroon ka ng katiyakan kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling
sa kasiya-siyang uri at halaga ang produkto nila. lahi.

5. Karapatang Dinggin Limang Pananagutan Ng Mga Mamimili

May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay
ay lubusang isinaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng nagpalaganap rin ng limang pananagutan ng mga mamimili. Ang
anumang patakaran ng pamahalaan. sumusunod ay ang mga pananagutang binabanggit:

6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang 1. Mapanuring Kamalayan – ang tungkuling maging listo at
Kapinsalaan mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng
mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
13

2. Pagkilos – ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa
kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan
tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy tayong at mg mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas”.
pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.
Environmental Management Bureau (DENR-EMB)-
3. Pagmamalasakit na Panlipunan – ang tungkulin na namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-
alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).
kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalo na ang pangkat
ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan /
pambansa, o pandaigdig na komunidad. pinagbabawal / maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-
salot.
4. Kamalayan sa Kapaligiran – ang tungkulin na mabatid
ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) -
pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang
kayamanan para sa ating kinabukasan. mga subdivision.

5. Pagkakaisa – ang tungkuling magtatag ng samahang Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng
mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang kabayaran ng seguro.
maitataguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
Philippine Overseas Employment Administration (POEA) -
Consumer Protection Agencies reklamo laban sa illegal recruitment activities.

Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga
tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili: hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang
mga accountant, doctor, engineer, atbp.
Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/
pinagbabawal / maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at Securities & Exchange Commission (SEC) - hinggil sa
make- up. paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na
gawain.
City/Provincial/Municipal Treasurer - hinggil sa timbang at
sukat, madayang (tampered) timbangan at mapanlinlang na
pagsukat.
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag
sa batas ng kalakalan at industriya- maling etiketa ng mga 1. Binibigyan ng malawak na karapatan ng pamahalaan ang
produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga bawat mamimili sa pamamagitan ng Consumer Act of the
mangangalakal. Philippines.
14

2. Tungkulin ng mamimili ang pagiging responsable sa kanyang


pamimili at pagdedesisyon.

3. Upang maging responsableng mamimili kinakailangang


maitakda ang sarili niyang pangangailangan at kagustuhan.

4. Mahalagang magbayad ng wastong halaga ang mamimili para


sa kanyang pagkonsumo.

5. Pangunahin sa mga tungkulin ng DTI ang pagtiyak sa kalidad


at kaligtasan ng mga produkto.

6. Mahalagang sundin ng mamimili ang mga payong hakbangin


sa pagkonsumo ng bilihin.

7. Ang mga babala at paalala na nakatatak sa isang produkto ay


kailangang basahin ng mamimili bilang limitasyon.

8. Sa usapin pa lamang ng pag-aanunsyo masusuri na may


potensiyal na panganib na maibubunga sa kanilang sarili ang
pagkonsumo ng mamimili.

9. Tangkilikin ang mga produktong nilikha ng Pilipinong bahay-


kalakal.

10. Tandaan na ang pagkonsumo ng produktong dayuhan ay


nakapagpababa ng kita ng bansa

You might also like