Professional Documents
Culture Documents
Fa 5 (Sample)
Fa 5 (Sample)
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit sa ating bansa kaya sa halip na tayo ay nasa
nakasanayang face-to-face classes, tayo ay nagkaroon ng online classes. Atin ding nakasanayan na ang
pagbubukas ng klase ng DepEd ay sa buwan ng Hunyo, ngunit ito ay ipinagpaliban ng ilang beses hanggat sa
nagkaroon ng desiyon na buksan ang klase sa buwan ng Oktubre. Sinasabi lamang nito na kinailangan nila ng
mas mahabang panahon upang planuhin at baguhin ang kanilang mga plano para sa taon na ito. At nang buksan
na ang mga klase, nakita ko ang paghihirap ng mga estudyante pati na rin ng mga guro ngayong online classes.
Isa ako sa mga estudyante na may pribiliheyong makapag-aral ngayong taon. Ako ay masuwerte na kompleto
ang aking kagamitan upang makapag-aral ng maayos. Ngunit, kaakibat nitong online classes ang pagkakaroon
ng digital divide sa mga mag-aaral. Tayo ay may iba’t-ibang sitwasyon sa ating tahanan at hindi rin natin
malalaman kung kalian maayos o hindi ang signal. Mayroon naming mga modyul na ipinadala ng mga paaralan
sa kanilang mga estudyante ngunit, naging kontrobersiyal ang mga ito sa social media. Marami akong nakitang
mga post sa Facebook tungkol sa maling mga impormasyon, pagkakamali sa gramatika at mga Math equations,
at mayroon ding mga gender stereotypes. Sa tingin ko ito ay isang malaking problema dahil mahirap na ngang
matuto ngayon at mas humihirap pa dali mali ang binabasa ng mga estudyante.
Nakikita ko ang pagsisikap ng aking mga kamag-aral pati na rin ang aking mga guro ngayong nasa gitna
tayo ng pandemya. Ngunit, minsan ay may paghihirap talaga sa paghahatid ng impormasyon sa mga mag-aaral.
Ayon sa DepEd, halos kalahati sa 800,000 na guro sa pampublikong paaralan ang walang pagsasanay sa
distance learning. Kitang kita ang madaliang pagpaplano at sapilitang pagbubukas ng mga klase ngayong taon.
Hindi ko hiling ang academic freeze dahil maraming mga Pilipino ang mawawalan ng kanilang trabaho ngunit,
kailangan talaga ng mas maayos na pagpaplano at pagsasagawa ng online classes dahil hindi sapat ang mga
aksyon na nagawa ng DepEd at CHED upang magkaroon ng maayos na distance learning.
Sanggunian:
Daluyan: Journal ng Wikang Filipino. (2015). Intelektuwalismo at Wika. Retrieved from
_____https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4939
Palatino, M. (2020). Are Schools in the Philippines Ready to Open in a Pandemic? Retrieved from
_____https://thediplomat.com/2020/08/are-schools-in-the-philippines-ready-to-open-in-a-pandemic/
Rey A. (2020). Walang signal? NTC skips Senate hearing on online learning. Retrieved from
_____https://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/ntc-skips-senate-hearing-online-learning-june-2020
Magsambol, B. (2020). 30 errors found in DepEd's learning modules. Retrieved from
_____https://www.rappler.com/nation/errors-identified-deped-learning-modules-distance-learning