Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lalaki sa Dilim: Benjamin Pascual

TAUHAN
Rafael Cuevas - ang lalaki sa dilim na gumahasa kay Ligaya. Isang mayaman na mahilig sa babae at doktor sa mata na
anak ni Don Benito. Kalaunan ay nagbago upang itama ang kanyang mga nagawang mali.
Don Benito - ang masayahing ama ni Rafael. Kalaunan ay nawala ang kasiyahan dahil sa pag-iisip sa mga problema ng
anak.
Ligaya - ang bulag na nagahasa ni Rafael. Isang menor de edad na tumigil sa pag-aaral nang dahil sa kapansanan. May
magandang prinsipyo sa buhay dahil hindi niya ipinalaglag ang bata at nakatayo siya naranasang karahasan.
Aling Sela - ang ina ni Ligaya. Handang magsakripisyo para sa kinabukasan ng dalawang anak.
Seto - nakababatang kapatid ni Ligaya. Siya ang umaalalay kay Ligaya kapag kailangang pumunta sa kung saan.
Margarita - ang asawa ni Rafael at anak ni Mr. Carrasco. Isang opera singer na mahilig manlalaki. Hindi niya alam ang
realidad ng buhay dahil sa impluwensiyang kanluranin.
Mr. Carrasco - ang ama ni Margarita.
Nick Cuerpo - kaibigan ni Rafael. Nabulag sa pambababae kaya hindi niya nagagawa ang kanyang responsibilidad sa
asawa’t anak.
Marina Cuerpo - asawa ni Nick. Mapagmahal sa mga anak dahil natitiis niya ang asawa para sa ikabubuti ng kanyang
mga anak.
Lucas - kaibigan ni Rafael at Nick na mahilig din sa babae.
Ted - ang unang nakarelasyon ni Margarita.

TAGPUAN
 Bahay at klinika ni Rafael
 Bahay nila Ligaya
 Nayt klab kung saan nambabae sila Rafael

BANGHAY
Simula

Isang gabi ay binigyan ng stag party si Rafael ng kanyang mga kaibigan sa isang nayt klab. Nagkagulo sa nayt klab kaya
tumakas si Rafael at nakarating sa bahay na yero. Nakita niya ang isang babae at ginahasa ito. Nakonsensiya siya sa
kanyang ginawa kaya binigyan niya ito ng sulat na may kasamang P50,000. Nagpagamot sa kanya ang babae at nalaman
niyang buntis ito.

Gitna

Nalaman niyang may “lover” si Margarita at nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama. Ilang araw ay nakauwi na rin si
Ligaya at ipinanganak ang kanyang anak kaya pumupunta siya dito, at para narin makawala sa lungkot dahil sa nangyari
sa kanila ni Margarita. Nahuli siya ni Margarita at dahil doon ay naghiwalay sila. Namatay si Don Benito dahil sa
kalungkutan at dahil doon ay nagpakalasing siya.

Wakas

Pagkamatay ni Don Benito, namatay din si Margarita at Nick. Ilang araw ay inamin niya kay Ligaya na siya ang lalaki sa
dilim. Pinatawad siya ni Ligaya at sinabi ni Rafael na pakakasalan niya ito dahil napa-ibig na siya kay Ligaya.

BUOD
Isang gabi ay binigyan ng kanyang mga kaibigan ng isang stag party si Rafael. Nagkagulo sa nayt klab at dahil
dun ay dumating ang mga pulis kaya tumakas si Rafael, sakay ng taksi ay nagtungo siya sa mga bangketa. Nakarating siya
sa loob ng isang bahay na yero, nakita niya ang isang babaeng natutulog at bunga ng kalasingan ay nagawa niyang
gahasain ito. Hindi niya alam na ang babae ay bulag, at bigla siyang tumakbo papalayo para hindi na makita ng mga tao
doon.

Bunga ng konsensiya ay ginawa niyang maghugas kamay. Sa tulong ng isang bata ay naibigay niya sa babae ang
isang sulat na sinasabing magpagamot siya kay Rafael Cuevas, kasama din ng sulat ang perang nagkakahalaga ng
P50,000. Nagpagamot sa kanya ang babae kaya nalaman niya ang pangalan nito, siya ay si Ligaya. Nang patuloy ang
panggagamot kay Ligaya ay sinabi ng kanyang ina na si Aling Sela ang nangyari kay Ligaya dahil baka makasama ito sa
tuluyan niyang paggaling. Nalaman niya na si Ligaya ay buntis at nais niyang kumbinsihin ito na ipalaglag ang bata dahil
baka makasira ito ng kanyang kinabukasan.

Nalaman ni Rafael na may “lover” ang kanyang asawa na si Margarita at ito ay si Nick, ang kanyang kaibigan.
Ilang araw ay nakauwi na si Ligaya at nanganak, si Rafael ang naging ninong ng bata. Halos araw-araw siyang pumupunta
kila Ligaya para makita ang kanyang anak. Napagtanto ni Margarita na pareho lang sila ni Rafael kaya pumunta siya kay
Ligaya at nahuli ang asawa na nandoon. Nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama na humantong sa paghihiwalayan.
Sinabi ni Rafael ang lahat sa ama, dinamdam ito ni Don Benito at kalaunan ay namatay. Nalungkot si Rafael,
naramdaman niya na mag-isa nalang siya kaya nagtungo siya sa nayt klab at nagpakalasing.

Ilang araw ay nalaman niya na namatay si Margarita pati narin ang “lover” nito. Ang pumatay sa kanila ay si
Marina, ang asawa ni Nick dahil nalaman nito na kinuha ni Nick ang kanilang mga anak kaya nagawa niyang patayin ito.
Napagisip-isip niya na pwede na siyang gumawa ulit ng masayang pamilya. Inamin ni Rafael ang ginawa niya kay Ligaya
at pinatawad siya nito. Sinabi ni Rafael na pakakasalan niya si Ligaya dahil napa-ibig na siya dito.

ARAL
Simulan nang itama ang mga maling nagawa, habang may pagkakataon ay magbago para sa ikabubuti ng iyong
kinabukasan.

SAKIT NG LIPUNAN
Ang pangunahing sakit na tinutukoy sa akda ay ang panggagahasa sa mga kababaihan. Ang isa pa ay ang pagiging maloko
ng mga kalalakihan.

SOLUSYON
Iwasang sumama sa mga kaibigan na walang ginawa kundi ang magpakasaya sa nayt klab gabi-gabi. Humingi ng tulong
sa Diyos para maiwasan ang ganitong mga gawain.

REPLEKSYON
Ang akdang ito ay isang patunay na ang buhay ay may malubak na simula ngunit maaaring magkaroon ng magandang
katapusan. Maging matatag sa pagharap ng problema ng buhay, lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan at kailangan
lang nating maging positibo sa mga pangyayari. Huwag tayong maging negatibo dahil mas lalala ang mga pangyayari.
Magtiwala tayo sa Diyos, Siya ang tutulong sa atin sa pagharap ng mga problema sa buhay.

You might also like