Pagsasarili

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANAHON NG HAPONES

Makatuwiran sana ang layunin ng bansang Hapon na makapagtatag ng isang Asya na may kakayahan at
kalayaang pang-ekonomiya na hiwalay sa mga taga-Kanluran ngunit hindi makatuwiran ang naging
pamamaraan nila upang makamit ito.

Hindi makatuwiran na isang lahi lamang ang mamumuno upang makamit ang layuning ito. Sang-ayon
ako na ang Asya ay para sa mga Asyano, ngunit ito ay hindi para sa mga Hapones.

Hindi rin makatuwiran ang paggamit nila ng karahasan upang makamit ito. Mas dinaig pa nila ang mga
Kastila at Ameriakno pagdating dito na pinatunayan ng malagim na sinapit ng Tsina (Rape of Nanking) at
Filipinas (Rape of Manila). Walang-awa nilang ginahasa ang mga kababaihan at walang pakundangnang
pinaslang ang libo-libong sibilyan sa mga bansang nasakop nila. Hindi rin mabubura sa kasaysayan ang
malagim na “Death March” kung saan libo-libong sundalong Amerikano at Filipino ang nasawi sa malupit
nilang mga kamay.

Higit sa lahat, dapat ding banggitin na hindi naman naging tapat ang mga Hapones sa layuning ito. Sa
bandang huli, napatunayan na simula pa lamang ay kabutihan lamang ng bansang Hapon ang kanilang
inisip. Ginawa lamang nilang dahilan ang pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere upang
maging legal ang kanilang lihim na agenda – ang maging isang imperyalistang bansa.

PANAHON NG PAGSASARILI
1. Noong Hulyo 4, 1946, ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay sa Batas
Komonwelt Bilang 570. 

2. Sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 12 na nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay noong


Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa. Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso
29 hanggang Abril 4 taun-taon.

3. Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23, 1955 na
nag-uutos sa paglilipat ng petsang Linggong Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay
ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon (Agosto 19).

4. Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg.


7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
Pilipino ang gagamitin.

5. Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang Sirkular 21
na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan

6. Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhana


ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24,
1967.

7. Noong Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum
Sirkular Blg. 96 nanag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga
transaksyon ng pamahalaan. 

8. Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng Linggong Wika.
9. Ang “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/398403#readmore

You might also like