Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Miliminas: Taong 0069

            Ang Miliminas ay isang sanaysay na sumasalamin sa nakapanlulumong

katotohanang kinakaharap ng bansa natin sa kasalukuyan lalo na ng mga kababayan

nating kapos at salat sa yaman. Iba`t-ibang aspeto ang tinalakay rito na eksaktong

nailarawan ang bulok na sistemang umiiral sa ating komunidad.

            Totoo ngang unti-unti ng nalulusaw ang respeto natin sa sarili. Kitang-kita

naman ito sa uri ng ating pananamit. Tila ba naging pambansang damit na ang mga

kasuotang halos ipakita na ang ating buong kaluluwa.  Hindi rin natin maikakaila ang

mga hindi kanais-nais na pangyayari sa kalsada na inilahad ng may-akda.Kaliwa`t

kanan ang mga aksidente dahil na rin sa walang habas na pagharurot ng mga

sasakyan na para bang may karerang nagaganap. Hindi ko tuloy maiwasang maitanong

sa sarili matapos mabasa ito kung bulag nga bang talaga ang mga pulis at traffic

enforcer na naatasan para siguraduhin ang ating kaligtasan.

            Nasaad rin sa akda ang perwisyong naidudulot ng palpak na serbisyo sa tubig

at kuryente. Ipinagkakait sa mga maralitang Pilipino ang magandang suplay na para

bang hindi sila marunong magbayad.Kung makaputol sila ng koneksyon ay mabilis pa

sa kisipmata, halos abutin naman ng pagputi ng uwak ang pagtugon nila sa ating mga

reklamo. Isa sa mga rason dito ay ang monolyong nagaganap sa kuryente na nasabi na

rin sa sanaysay. Hindi nababahala ang may-ari dahil wala naman silang kakumpitensya

at ang kawawang Juan dela Cruz ay walang magawa kundi patuloy pa ring magpaloko

sa kanilang kumpanya. Ang perang pinagpaguran nating kitain ay hindi maayos na

nasusuklian, bagkus ay dinanadagdagan pa ang ating mga kunsumisyon habang sila ay

nagpapakasasa sa perang ating binayad.

            Kabilang din sa mga pinatamaan ng may-akda ang gobyerno nating

napalilibutan ng mga ganid at makasariling buwaya.Animo`y nagkakaroon ng amnesia

matapos mahalalal ng bayan. Hindi na nakakagulat pa ang tindi ng korupsyon at


pagsamsam sa yaman natin. Tila ba sanay na ang mga mata at tenga natin sa

ladlarang pagnanakaw ng mga pulitiko. Hindi na bago sa sa atin ang balita ukol sa pork

barrel na literal na binababoy ang kaban ng bayan at integridad ng pamahalaan.

Nagpapanukala sila ng mga batas at proyektong sila rin mismo ang higit na

nagbebenepisyo. Milyun-milyong kickback ang naibubulsa nila habang bilyun-bilyon

naman ang patuloy pa ring naliligo sa dagat ng basura.

Nabanggit rin ang proseso ng hustisya sa ating lipunan. Ilang kaso pa rin ba ang

hanngang ngayon ay wala pang nailalatag na hatol. Halos mapudpod na ang dila ng

mga whistle blowers sa kakatestigo pero tila binabara ng mga suhol ang tuwid na daan

upang bumagal at tuluyang makalimutan natin ang mga anomalyang naibulgar. Maging

ang mga biktima ay sumuko na at nawalan na ng pag-asa. Ang iregularidad na ito ang

mitsa ng mas lalong pagkawala ng tiwala ni Juan sa administrasyong laging pinupuno

tayo ng pangako tuwing kampanya.

Sinasabi ko ang mga bagay na ito hindi para patuloy na kutyain at ipahiya ang

Pilipinas. Ang walang takot na paglantad ng sanaysay na ito sa nakapanlulumong

problemang patuloy nating itinatanggi ay parang isinampal mismo sa ating

pagmumukha. Hindi ito ginawa para saktan tayo pero upang tayo`y magising, tuluyang

maliwanagan at makialam. Paalala io sa atin na huwag makuntento sa kakarampot na

pagsulong lamang. Baliin na natin ang nakagisnang eleksyong pera ang nagdidikta at

nagiging pamantayan ng pagkatao.Wakasan na ang pagmamaang-maangan,pagkikibit-

balikat at pagsamba sa kayamanan. Gawin nating modelo ang mga kabataan sa

sanaysay na lumaban pa rin kahit na alam nilang malaking pader ang kanilang

tatamaan maimulat lamang ang bayan sa realidad. Huwag na nating hintayin pang

mangyari ang kinahinatnan ng Miliminas upang tayo`y tumayo sa ating kinauupuan.

Ang pagkilos para sa pagbabago ay dapat gawin hindi bukas kundi ngayon na.

Ipinasa ni: Lovely Mae G. Reyes Ipinasa kay: Bb. Ericka Joy H. Lovino

You might also like