Professional Documents
Culture Documents
Kwento Ni Mabuti Pagsusuri
Kwento Ni Mabuti Pagsusuri
Kwento Ni Mabuti Pagsusuri
Mga Tauhan:
Mabuti: isang guro sa pampunlikong paaralan. Hindi mabuti ang tunay niyang pangalan, nagging
mabuti lamang ang tawag sa kanya sapagkat ito ang palagi niyang sinasabi sa klase sa simula at
katapusan. Kung minsan ay sinasabi niya rin ang salitang mabuti kapag wala na siyang masabi o
nalilimutan niya ang mga dapat niyang sabihin.
Fe: Ang estudyante ni Mabuti sa kwento kung saan siya ang batang nadatnan ni Mabuti sa sulok
ng silid-aklatan.
Si Fe ay biligan sapagkat dati ay negatibo siya mag-isip, simpleng problema, pakiramdam niya
siya na ang may pinakamabigat na rpoblema sa buong mundo. Ngunit nang makilala niya si
Mabuti, na sa kabila ng problema nito ay mabuti, nagging positibo na ang paningin niya sa
buhay.
Tagpuan:
Sa Paaralan
Ang uri ng paglalarawan ng tagpuan ay pahiwatig sapagkat hindi direktang sinabi sa akda na sa
ganitong lugar ginanap ang istorya.
Tunggalian:
Tao sa Sarili
Para sa akin ito ay tao sa sarili sapagkat si Fe lang naman mismo ang nagtakda sa
kanyang sarili na alamin kung ano ang suliranin ni mabuti.
Naging tao sa sarili rin ito sapagkat sa kabila ng mga problema ni mabuti ay nagging
positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay at ang tanging makapagsasabi lang sa ating sarili
kung kaya pa natin ay tayo rin mismo.
Suliranin sa Kwento:
Banghay:
Paningin:
Unang Tauhan
Unang tauhan sapagkat inilagay ng may-akda na si Genoveva Matute ang kanyang sarili sa isa sa
mga tauhan at ito ay si Fe. Bilang patunay ito ang unang pangungusap sa akda “Hindi ko na siya
nakikita ngayon” .
Teorya: