Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

How do you know when you’re already in love with someone?

Are there
any signs? Mahal mo na ba kapag masaya kang kasama siya? Kapag
iniisip mo lang siya nakangiti ka na? Kapag ba bumibilis ang tibok ng
puso mo tuwing malapit siya? O baka naman kapag nagsimula kanang
masaktan at siya ang dahilan?

I wish I knew it sooner, para hindi ganito kalalim ang binagsakan ko.
Akala ko simpleng paghanga lang ang meron ako sa kanya. Sinong
niloloko ko? Sa apat na taon, wala na akong ibang nagustuhan bukod sa
kanya. Sa apat na taon nakuntento akong pinagmamasdan lang siya sa
malayo.

Sana pala hindi ko na lang naranasan maging masaya kasama siya kung
ganito rin naman ang balik. Ano yun free trial? Kasi tumagal lang ilang
linggo ang saya e…

Sana pala hindi ako pumayag sa alok niya. Ng dahil sa lintek na talent ka
ek-ekan nayan ganito ako ngayon, nasasaktan. Ewan ko rin kay Vance e,
kung bakit ako pa. Pwede namang siya na lang kasi maganda naman
talaga yung boses niya. Nagtataka ako kung bakit sa dami-rami ng
kakilala niya, sa akin pa siya lumapit.

E di sana hindi ako nangarap ng napakataas, hindi pa nga lumilipad


bagsak na agad. Hindi pa nga pumapalaot, lumubog na. Nakakatawang
kung anong saya ko nong nakaraan, binawi naman ng isang gabi lang.

Hinayaan ko lang yung sarili ko na umiyak. Para na siguro akong timang


dito, umiiyak habang kumakain. Baka akala ng taong nakakakita sakin
baliw na ako. Siguro malapit na… char!

Nandito ako ngayon sa bridge. Dito ako pumunta ng hindi ako


pinayagang lumabas ng guard kasi hindi padaw tapos yung program.
Paiyak na ako ulit non e kaso umurong yung luha ko , natabunan ng inis!
Nanggigil talaga ako sa guard na yun napaka epal! e andami kong nakita
na estudyante na lumabas. Magdadrama pa ako e! Yung tipong umiiyak
ka habang tumatakbo kaso naudlot kasi hindi ka pinalabas ng guard!
Panira ng moment.

“This maybe too early but will you be my girlfriend?”

Please say no.

Narinig kong naghiyawan ang mga tao. I guess it’s a yes?

Sana pala hindi ako dito pumunta kasi rinig na rinig ko pa rin sila.
Pupunta sana ako ng kabilang building kaya dito ako pumunta sa bridge
para makatawid papuntang kabila, kaso sarado pala. Nilagyan kasi nila
ng gate, isa pang panira.
Tumakbo ako papasok at umakyat ng hagdan papuntang roof deck. Ang
layo pa naman non, mga ilang floors pa bago ako makarating doo. Wala
man lang elevator.

Hayst.

Okay lang para narin hindi ko sila marinig. Too late you already heard
everything. Sila na ngayon…

Mas binilisan ko pang tumakbo para mawaglit lang yun sa isip ko. May
nakakasalubong akong ibang college students na pababa. Yumuko
nalang ako at nagpatuloy sa pagtakbo.

Narating ko yung roof deck ng hingal na hingal. Para akong sumali sa


marathon! Humawak ako sa tuhod ko at naghabol ng hininga. Takbo pa!
pwede naman kasing lakad lang. Ng pantay na yung paghinga ko, sinuri
ko ang paligid, ayos ako lang mag-isa dito. Hindi naman nakakatakot kasi
madami namang ilaw.

Humila ako ng isang nakakalat na upuan at dinala malapit sa may pader


at tumuntong doon. Hanggang balikat ko yung pader, ang itaas naman
non ay nakadiamond shape na makapal na alambri at pinatungan ng
green na net. Nagmistulang harang para narin safe at hindi mahulog
yung bola kung saan. Ginagawa din kasi tong volleyball court, madalas
din dito nagkaklase yung may PE na subject.

Humawak ako sa net at pinagmasdan ang tanawin sa harap ko.


Nagmistulang nagkikispalang mga bituin ang ilaw na galing sa mga
establisiyimento at mga kotse. Ang ganda dito, nakakarelax idagdag pa
yung lamig ng hangin. Hindi ako nagagawi dito kapag gabi kasi
panghapon yung klase ko sa PE, kaya ganito na lang ang mangha ko.
Sana pala noon ko pa nalaman to! Puro ka nalang sana self. Wala naman
yang magagawa.

Huminga ako ng malalim, kasing lalim ng pinagbagsakan ko. Char

You might also like