Halimbawa NG Tekstong Deskriptibo....

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Karanasang Di Ko Makakalimutan

Jheru Anselmo Mendoza

Lahat tayo ay may karanasang ‘di malilimutan – karanasan sa pag-ibig, sa pakikipagkaibigan, at sa pamilya. Kailan
nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan? Aling alaala ang lubos na nagdulot sa atin ng sakit?
Kailan ba tayo naging masaya? Naaalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na aking naranasan, kulang pa yata
ang isang libro para maikuwento ko ng buo ang simpleng buhay ko.
Ang aking pamilya ay malaki, pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kaming magkakasama noon.
Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararasan, kinakaya namin anumang unos ang dumating
dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng aking mahal na ina noon. “Ayos lang daw maghirap kami at magdildil
ng asin, basta kompleto at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang nahiwalay sa kanyang
pamilya noon, bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mamuhay nang mag-isa. Mahirap daw ang nag-iisa
sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa mundo! Kasi maayos niya kaming
napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon. Ang aking ama naman ay isang mabait at mabuting ama. Mahal
na mahal ko siya kahit minsan napapalo niya ako dahil nakakainom siya ng alak.
Lumipas ang ilang taon, na palaging masaya ang aking pamilya. Nguni ang ‘di namin nalalaman ay isang malaking
problema ang parating sa aming buhay na ganap na susubok sa aming katatagan. Sampung taong gulang pa
lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang nang malaman ng doktor na may kanser sa atay ang aking ama.
Nagulat kami sa nalaman naming balita. Gayunpaman ay pinilit naming maging masaya para sa aming ama dahil
ayaw naming makita niya kaming nalulungkot kami para sa kanya, at para kahit paano ay mabawasan ang
nararasanasan niyang paghihirap at kalungkutan.
Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamot dahil sa kakulangan sa pera. Lumala nang lumala
ang sakit niya, bumagsak ang dating masigla niyang katawan, at nangayayat siya nang husto. Ikatatlumpu ng
Hunyo 2004 noon, ito ang araw ng kanyang pagsilang. Nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang
ang nagdiwang ng kaarawan niya. Ang ama ko ay masaya noong araw na ‘yon kahit nararamdaman ko na parang
malungkot siya. Hindi niya pinakikita sa amin iyon. Gusto niyang maging masaya kami. Ang saya talaga ng araw
na ‘yon para sa akin. Ngunit iyon na pala ang huling kaarawan ng aking ama. Tatlong araw ang lumipas, iniwan
na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang aking ama. Napaluha na lang ako habang tinitingan ko ang walang
buhay na katawan niya. Pero naalala ko ang sabi sa akin ng aking ama noon; “Anak, ‘wag kang iiyak kapag nawala
na ako, ha.” Kaya noong libing niya hindi na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya; na hindi na siya
mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng Dakilang Ama.

Halaw mula sa isang sanaysay sa Wattpad.com

You might also like