Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LUNA PROMOTIONAL VIDEO SCRIPT(Filipino)

Intro: Maraming Kwento ang matutuklasan


Sari-saring tanawin ang masisilayan
Maligayang pagdating sa aming sinilangan
Istorya ng Brgy. Luna, halina’t ating buksan

Scene 1: Wow! Tanging laman ng isip ko nang ako’y bumaba sa motorsiklo.


Scene 2: Una kong pinuntahan ay ang kanilang Brgy. Hall na mala-palasyo kung
tingnan.
Scene 3: Ako’y pumasok dito at una kong nakita ang mga nagagandahan at
nagwagwapuhang mga opisyales ng Brgy. Ako’y napalingon sa may dingding at
natanaw ko ang mga nakasabit na mga proyekto, mga aktibidades na ginanap at
mga parangal na kanilang natanggap sa bawat taon.
Scene 4: Sunod kong pinuntahan ang mga simbahang Katoliko at United Church
of Christ in the Philippines. Doon ko napagtantong ang mga mamamayan ng
Luna ay madasalin at malapit sa Panginoon.
Scene 5: Nang ako’y lumabas ng simbahan, bumungad sa akin ang ngiti nang
mga mamamayan ng Luna. Sa kabila nang unos at mga paghihirap na kanilang
dinanas lalo na sa pandemya ngayon, bakas pa rin ang ngiti sa kanilang mga
mukha.
Scene 6: Sa aking paglalakad patungong paaralan, natanaw ko ang iba’t ibang
kultura’t tradisyon na kanilang ginagawa na sa unang tingin mo pa lang ay
makikilala mo na silang Tatak Brgy. Luna.
Scene 7: Nang ako’y nasa paaralan na, napansin kong napakatahimik ng paligid
na tila walang mga guro sa loob. Ngunit nang ako’y bumisita sa bawat silid,
Nakita ko ang isang gurong nag piprinta ng modules, at maya-mayay may
dumating na isang magulang na kumukuha ng module para sa kaniyang anak.
Scene 8: Sa paglabas ko ng paaralan, dumiretso ako sa kanilang pinagmumulan
ng kabuhayan. Ang lawak ng taniman ng saging, mais, palay at iba pang mga
prutas at gulay. Talaga namang nakamamangha ang bawat tanawin na aking
nakikita.

Ending: Isang sibilisadong Barangay


Sa maraming aspeto’y nagtatagumpay
Sa panahong aking inilaan sa pagbisita
Ako’y namangha’t nahalina
Kaya’t ano pang hinihintay niyong lahat?
Pumunta na sa Brgy. Luna
At tiyak kayo’y sasaya …
Hanggang sa susunod na edisyon ng bidyo ng paglakbay
Paalam at Maraming Salamat!

You might also like