Professional Documents
Culture Documents
Filipino Jagunap
Filipino Jagunap
Ang inyong kasagutan sa bawat tanong ay hindi dapat bababa sa isandaang (100) salita.
1. Ipaliwanag ang gamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at
wika ng pananaliksik?
Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa
Sa tulong ng wikang ito nagkakaroon ng pagkakabuklod-buklod ang lahat ng mamamayan sa
bansang Pilipinas. Ano man ang lahi at pinanggalingang etnikal na grupo sa tulong nito
nagkakaunawaan ang bawat isa at nagkakaroon ng komunikasyon verbal at di-verbal.
Wikang Filipino bilang Wika ng Bayan
Ang bawat isa sa atin o bawat lugar sa bansa ay may iba’t ibang uri ng wikang tagalog ngunit
maaaring nagkakaiba lang minsan sa puntong ginagamit. Muling nagtagpi tagpi ang damdaming
makabansa ng ating mga kababayan.
Wikang Filipino bilang Wika ng Pananaliksik
Ang wikang Pilipino ay umusbong at patuloy na umuunlad, masasabing umuunlad ito sapagkat
nagagamit ito sa pagpapalimbag ng mga aklat gayundin sa pagsusulat ng mga pamanahunang
papel o pananaliksik.