Professional Documents
Culture Documents
Simbang-Gabi (Church Sermon)
Simbang-Gabi (Church Sermon)
Magandang gabi po sa ating lahat. Masaya po tayo na muli aalalahanin at magdiriwang ng kapanganakan
ng ating Panginoon Hesu-Kristo. Iba po ang nagagawa ng Pasko sapagkat sa mga panahong ito
nagkakaroon ng reunion sa family, nagsasama sama ang mga magkakapamilya, may mga blessing tayong
natatanggap. Kaya naman kahit tayo ay dumaranas ng pandemic, makikita po natin na Di kayang pigilan
ng covid-19 ang mga pinoy pagdating sa pag diriwang ng Pasko. Kahit andami nating naranasan itong
2020, may Joy pa din kapag may Christmas light at Christmas tree, may hamon, regalo at iba pa.
Ngunit sa ating mananampalataya, higit sa mga bagay, palamuti at mga pagkain sa pasko ay yung
mensahe nito na siyang ating sasariwain ngayong gabing ito. “ANG MENSAHE NG PASKO”.
Lucas 2: 8-12
Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa
8
nang gabing iyon. 9 At tumayo sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at
nagliwanag sa kapaligiran nila ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon na
lamang ang kanilang pagkatakot. 10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag
kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na
magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. 11 Isinilang sa inyo ngayon
sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. 12 Ito ang inyong
palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at
nakahiga sa isang sabsaban.”
Natakot ang mga Pastol dahil nga sa nakita nila. Ngunit sabi ng angel huwag
kayong matakot dahil may dala akong magandang balita.
Sa mga verses natin ipinakita na tapat ang Dios sa kanyang pangako sa mga taga Israelite.
Ang mga hula ng mga propeta patungkol kay Hesus na tagapagligtas ay nangyari at ayon
sa pangako ng Dios. Ang nakakamangha pa sa pagiging tapat ng Dios sa kanyang
pangako, kahit napakahabang panahon Di nya ito nakakalimutan. Ang pagitan ng Old at
New Testament ay 400 years. Bukod pa don yung day pangako sa pamamagitan ni
propeta Mika yung oras at araw na pinangako at kelan natupad. Kaya kung
pagsasamasamahin natin, mababang panahon bago natupad. Pero ang punto natin,
TAPAT ANG DIOS. KAPAG NANGAKO SIYA TUTUPARIN NYA. Ito ang isa sa
mga mensahe ng Pasko, ang katapatan ng Dios.
Application
Sa pagdiriwang natin ng kapaskuhan, ating isa puso at isip na kaya May pasko ay dahil day
katapatan ng Dios sa kanyang pangako patungkol sa kapanganakan nag kanyang bugtong na
Anak. Kaya ang pasko ay hindi tungkol sa regalo, handa, palamuti. Bagamat ang mga bagay na
ito ay hindi masama pero Kapag ang pagdiriwang natin ay nakaangkla sa katapatan ng Dios,
May regalo o wala, May handa o wala, May palamuti o wala magpupuri tayo, hindi tayo
malulungkot dahil ang Pasko ay pagpapakita ng katapatan nag Dios.
At ang katapatan niya ay Di nakadepende sa katapatan nag tao. Kaya nga niya sinugo ang
kanyang Anak bilang tagapagligtas ay dahil ang tao ay nawalay sa Dios at magdudulot ito ng
walang hanggang kaparusahan sa impiyerno.
Kaya nga kapatid, ang Pasko ay naging posible dahil sa katapatan ng Dios. Huwag tayong
lumayo sa mensaheng ito. Kung ang pasko ay nagpapakita at nagpapaalala sa atin ng katapatan
ng Dios, pinapakita lang nito na pwede tayong magdiwang ng kapaskuhan kahit nasa gitna ng
pandemic dahil hindi naman nakasalalay sa uri ng pamumuhay ang pagdiriwang ng pasko kundi
sa kung sino ang Dios, Siya ay TAPAT.
Dito papasok yung kaisipan na, sino tayo para alalahanin ng Dios? Sino tayo para
ibigay niya ang Kanyang bugtong na Anak? Sabi ng verse natin, tinawag na
tagapagligtas si Kristo ang Panginoon. Ang meaning po ng “Christ” ay anointed
One at ang meaning ng Lord o Panginoon ay supreme in authority. Sa madaling
salita, ang tagapagligtas, si Hesus ay sya lamang ang hinirang, pinili bilang
tagapagligtas wala na iba. Siya ang Anak ng Dios na May kapamahalaan sa lahat.
Kaya ang sabi ng angel, huwag kayong matakot May dala akong magandang
balita na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Magandang balita
dahil ang tao ay May tagapagligtas. Magdudulot ng malaking kagalakan dahil
ang ibig sabihin ni kaligtasan ay pagkahango mula day kaparusahan dulot ng
kasalanan.
Application
Ano po ang pinapakita nito sa atin?
Ang sabi sa Luke 15: 7, libo libong angel sa langit ang nagkakasiyahan Kapag ka May
isang makasalanan na nanunumbalik sa Dios. Pansinin po natin, sabi ng verse natin
magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao ang pagdating ng tagapagligtas. Sa
langit nagdudulot ng malaking kagalakan Kapag ang isang makasalanan ay nanumbalik
sa Panginoon. Ang punto ko mga kapatid, ang tunay na celebration ng Christmas ay
ang pagliligtas ng Dios sa atin.
Ang layunin kung Bakit dumating ang tagapagligtas ay dahil mang ligtas. Kaya kung
ikaw ay nakakilala sa Dios, ikaw ay nananampalataya, dumating sayo ang tunay na
layunin ng pasko. Yan ang kahulugan ng Pasko, pinanganak tayo sa pamilya ng Dios o
naging born again tayo. Malinaw po, nagkakasiyahan sa langit Kapag nanunumbalik ang
isang makasalanan sa Dios hindi dahil May handa tayo, May gift tayo o May Christmas
tree tayo.
Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng
12
14
“Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”
Sa verse po natin, may hukbo ng mga anghel sa kalangitan, sila’y nagpupuri at umaawit
sa Dios. Ito po nagpapakita na ang sentro ng kapaskuhan ay ang Dios. Ang sentro ng
mga anghel ay ang papuri nila sa Dios. Nawa ito din po ang ating maging attitude
ngayong kapaskuhan, ang pagpupuri sa Dios.
3. Pagpaparangal sa Dios