Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

1

PANIMULA

Nangangahulugan ang isang bansa na malaya kung ito ay may sariling wika.

Ang wika ay paraan ng komunikasyon. Wika ang daan sa pagkakaintindihan ng mga

tao. Isa itong instrumento upang lubusang maipahayag ng isang tao ang kanyang isipan

at damdamin.Sa pamamagitan nito, tayo ay maaring makapangatwiran, sumang-ayon,

tumanggi at makapagbigay ng kuro-kuro at mga kaalaman.

Subalit higit pa sa isang midyum ng komunikasyon, ang wika ay nagtataglay ng

ating kabihasnan at kasaysayan. Hindi maitatanggi na naimpluwensyahan na ng mga

dayuhang mananakop angating kalinangan. Ang kulturang ito ay di lamang

masasalamin sa mga bagay at tradisyon sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ating wika.

Ang wika bilang bahagi ng dinamikong kultura, ay dumaraan din sa ebolusyon at

pagbabago sa panahon. Masasabi pa na ang wika ay produkto ng kasaysayan.

Marami ang nagsikap at patuloy na nagsisikap na mapayaman at mapaunlad

ang wikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang

Filipino bilang wikang panturo o midyumng edukasyon. Naniniwala ang mga

makabayang dalubwika o linggwistiko na ang paggamit ng pambansang wika sa

pagtuturo ng kaalaamang teknikal at agham ang susi sa pagkakaisa at pag-unlad ng

bansa. Ito’y dumaan sa maraming proseso ng pagdadalisay at pagpapayaman tungo sa

isang intelektwal na wika.

Kapansin-pansin na ang bansang may maunlad na wika ay mayroon ding

maunlad na kabuhayan at sulong o advance na teknolohiya. Patuloy ang mga

pagbabagong dulot ng globalisasyon at teknolohiya sa iba’t ibang aspekto ng lipunan.


2

Dahil dito, pinaniniwalaan na magiging instrument sa pagsulong ng kaunlaran ang

paggamit ng kanluraning wika. Nagbunga ang nasabing konsepto ng unti-unting

pagkalimot sa kahalagahan ng sariling wika.

Sa kagustuhang maitaguyod at mapaunlad pa ang ekonomiya ng bansa ay

nabuo ang konsepto ng ASEAN Integration. Ang ASEAN Integration ay resulta ng

kasunduan ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations kung saan sa

taong 2015 ay inaatasan ang bawat pamahalaan ng sampung miyembrong bansa na

gumawa ng mga panloob na polisiya upang maging isang ganap na isang rehiyon ang

timog-silangang Asya lalong-lalo na sa aspeto ng kalakaran, trabaho at edukasyon.

Kabilang din dito ang pagbabago ng iskedyul ng pagbubukas ng klase para makasabay

sa kalendaryo ng mga kalapit na bansa na karamihan ay nagsisimula sa buwan ng

Agosto. Sa pagbabagong ito inaasahan ng mga pamantasan ang mga pagkakataon na

mapalakas at mapalawak ang pagkakataon para sa mga “exchange” ng mga

estudyante at maging mga guro.

Kasabay ng implementasyon ng Association of Southeast Asian Nations

(ASEAN) Integration 2015, ang pagpapatupad ng rebisyon sa kurikulum ng CHED. Ang

CMO No.20 series of 2013 ng CHED na inilabas noong Hunyo 28, 2013 ay naglalaman

ng pagtatanggal ng Filipino sa kurikulum ng kolehiyo at paglilipat nito sa ika-11 at ika-

12 na baitang sa Senior High School.

Ayon kay San Juan (2013), iba ang pagtuturo ng nasabing asignatura sa

kolehiyo dahil mas malalim ang pagtalakay at pag-aaral dito kumpara sa hayskul.

Dagdag pa ni San Juan, “Yung Filipino doon is utilitarian o technical Filipino. Filipino na

gagamitin sa paggawa ng report o simpleng presentation pero hindi yung Filipino na


3

gagamitin mo sa pagtatalakay ng social issues, eco, science, health policies etc.” Iginiit

niyang multidisciplinary o para sa lahat ang Filipinong itinuturo sa kolehiyo.

Ang panukalang ito ay isang pagtaliwas sa Saligang Batas hinggil sa ating wika

na matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyon 6 hanggang 9. Kaakibat nito ang

kahalagahan ng paggamit ng Filipino bilang epektibong salik ng pagkatuto. Nananatiling

sentro ng kurikulum ng Filipino ang pagpapa-igting ng intelektwalisasyon ng wikang ito

upang higit pa itong maging epektibo at higit pang yumabong.

Layunin ng Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na mabatid ang epekto ng ASEAN Integration sa

pagpapaunlad ng wikang Filipino at sisikaping maabot ang mga layuning:

1. Matukoy ang epekto na dulot ng ASEAN Integration sa pagpapaunlad ng

wikang Filipino.

1.1 Positibo

1.2 Negatibo

Kahalagahan ng Pag-aaral

Isang pag-aaral ang isinagawa ng mananalaksik upang tuklasin ang epekto ng

ASEAN Integration sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Ang mananaliksik ay pumili ng

ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa ikalulutas ng pag-aaral.


4

Anuman ang matuklasan sa pag-aaral na ito ay magsisilbing patnubay at

makakatulong sa mga sumusunod:

Para sa namamahala ng CHED, inaasahan na ang pag-aaral na ito ay

makakatulong upang makapagpatupad ng mga panukala na magpapaunlad sa wikang

Filipino.

Para sa Pamantasan, mapupukaw ang kanilang kamlayan sa pagpapayabong

ng wikang Filipino sa pamamagitan nang makabuluhang pagtuturong asignaturang

Filipino.

Para sa mga Guro, malaki ang pakinabang ng pag-aaral na ito sa kanilang

pagtuturo ng wikang Filipino. Hinihimok nito ang mga guro na maitaas ang kalidad ng

pagtuturo sa asignaturang Filipino.

Para sa mga Mag-aaral, nabibigyan sila ng kamalayan sa mga pagbabagong

nagaganap dulot ng modernisasyon at naipapaunawa ang kahalagahan ng wikang

Filipino sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral ay sumasaklaw sa iba’t ibang pananaw ng mga guro ng kolehiyo

na nagtuturo ng Filipino sa lungsod ng Kidapawan sa epekto ng ASEAN Integration sa

pagpapaunlad ng wikang Filipino at ang epekto nito sa kalidad ng edukasyon sa bansa.


5

Mga Terminong Ginamit

 ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) – asosasyong kinabibilangan ng

sampung bansa sa Timog-Silangang Asya kabilang na ang Pilipinas.

 ASEAN Integration – pagsasanib ng sampung kasaping bansa na naglalayong

paigtingin ang pagkilos nito sa ekonomiya sa pandaigdigang pamilihan.

 CHED (Commission on Higher Education) – ito ang namamahala sa tersyaryang

edukasyon.

 CMO No. 20 Series of 2013 – ang pagtatanggal ng Filipino sa kurikulum ng

kolehiyo at paglipat nito sa ika-11 at ika-12 na baiting o Senior Hayskul.

 Kurikulum – binubuo ng mga asignatura at kursong itinuturo sa isang

paaralan/pamantasan.

 Wikang Filipino – wikang Pambansa ng Pilipinas.


6

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Malaki ang implikasyon ASEAN Integration sa sector ng edukasyon. Kailangang

itaas ang antas at kalidad ng Sistema ng edukasyon sa bansa upang makasabay ang

Pilipinas sa ibang bansa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naisakatuparan ang K to 12

Basic Education Program, nang sa gayon ay maging sapat ang bilang ng mga taon na

iginugugol ng mga estudyante sa paaralan at hindi na nila kailangan pang mag-ulit ng

dalawang taon kung mag-aaral o magtatarabaho sa ibang bansa. Kaakibat din ng

programang ito ang pagtatanggal ng Filipino sa kolehiyo at idagdag na lamang ito sa

kurikulum na hain ng K to 12 Program.

Mahalaga rin,at marahil nga’y mas mahalaga, na kaya nating magsalita sa isa’t

isa sa Filipino at sa marami pa nating mga wika. Naglalayong patatagin ng ASEAN

Integration ang mga ugnayang pang-seguridad, pang-ekonomiya, at pangsosoyo-

kultural. Mahirap magpalalim ng pagkilla sa sarili kung sa maraming bagay ay

makaungos tayo, maliban sa paggamit nang maalam sa sariling wika o mga wika.

Ayon kay Galicia (2007), ang wika ay nag-uugnay at nagsasaad ng kaisipan sa

bawat kilos at gawi ng lahat ng nilalang. Ang wika ay isang behikulo sa mabisang

pagpapahayag, pagtatalakayan at pagkakaunawaan. Ito ay daan ng pambansang

pagkakaisa at kaunlaran ng isang bansa at lipunan. Ang wika ay pinakamahalagang

biyaya ng Diyos sa tao, at ang paggamit nito ay isang katangiang ikinaiba nito sa iba

pang nilalang ng Diyos.

Bukod sa mahalaga ang wika sa pakikipagtalastasan, makikita rin ditto ang

mayamang kulutra ng Pilipinas at binubuo nito ang identidad ng Pilipinas bilang isang
7

payak na bansa. Mas nakakabuti ang paggamit ng Wikang Filipino sapagkat

napagyayaman ito at mas makikilala ang ating kultura sa pamamagitan ng ating sariling

wikang ginagamit.

Inamin ni Virgilio Almario (2015), kailangan pang magkaroon ng “closer

relationship” ng DepEd, lalo pa’t walang ibang instituston na nag-aalaga sa Filipino

bilang asignaturang itinuturo sa mga paaralan.

Ayon kay San Juan (2013), iba ang pagtuturo ng nasabing asignatura sa

kolehiyo dahil mas malalim ang pagtalakay o pag-aaral dito kumpara sa hayskul.

Dagdag pa niya, “Yung Filipino doon is utilitarian o Technical Filipino na gagamitin sa

pagtalakay ng social issues, eco, science, health policies etc.” iginiit niya ring

multidisciplinary o para sa lahat ang Filipinong itinuturo sa kolehiyo.”Gusto naming

‘yung mananatiling Filipino sa tertiary level ay intellectual, at magagamit ng mga

estudyante” dagdag pa ni San Juan.

Ayon naman kay Geronimo (2013), “hindi tayo gaya sa mga maunlad na bansa

na mayroong malaking pagpapahalaga sa kanilang wika at hindi kailanman naging

“opsyonal” ang wika ng kanilang pagkakakilanlan at kasaysayan.” Kaugnay nito,

nararapat lamang na matibay ang pagpapahalaga ng mga mamamayan sa sariling

kultura, lalo na sa sariling wika sapagkat iyon ang magiging kontribusyon ng bawat isa

sa mundo. Bubuo sa ASEAN identity ng Pilipinas ang sarili nitong wika’t kultura, kaya

naman labis ang kahalagahan ng pagtuturo ng Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon

sa bansa.
8

Nakasaad din sa konstitusyon ng Pilipinas ang mga batas ukol sa pag-gamit ng

wikang Filipino sa lahat ng antas ng Edukasyon. Kaakibat nito ang kahalagahan ng

paggamit ng Filipino bilang epektibong salik ng pagkatuto. Nananatiling sentro ng

kurikulum ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapaigting ng intelektwalisasyon ng wikang ito

upang higit pa itong maging epektibo at higit pang yumabong.

Isang mahalagang sangkap sa mainam at maayos na pagkatuto ng mga mag-

aaral ang pagkakaunawa sa wikang ginagamit sa pag-aral. Bagamat hindi man

gaanong napapansin ay lubhang nakakaapekto ito sa kakayahang matuto at umunawa

ng mga mag-aaral. Sa napipintong ASEAN Integration, napakahalagang mas paigtingin

natin ang wikang Filipino. Ang pagbabahagian ng kultura ang layunin ng ASEAN

Integration kaya nga dapat nating mas paigtingin ang ating sariling wika dahil nga

bahagi ng ating kultura ang ating wika. Ang wika ang isang malaking kontribusyon ng

bawat isa sa mundo.

Tutol naman ni Melania Abad-Flores, propesor ng Filipino sa University of

Philippines-Diliman (UP-Diliman), dapat alalahanin na hindi lamang pulos mabuti ang

dulot ng Globalisasyon sapagkat nagdudulot ito ng pagkawala ng sariling

pagkakakilanlan ng isang bansa sa pamamagitan ng pag-usbong ng ideyolohiyang

dayuhan.“Ang liit na nga ng Filipinas, kalat-kalat pa tayo. Wala na rin tayong konsepto

ng ‘bansa’ tapos lalamunin pa tayo ng konseptong globalisasyon.” dagdag pa ni Flores.

Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang

maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak na pagsusuri

masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo ng anumang uri ng

kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon. Hindi maiaalis na mas


9

mahihirapan ang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang dayuhan sapagkat dadaan pa

sa tatlong proseso ang pagkatuto, ito ay ang mga Persepsyon o Kaalaman, Pagsasalin

at Pag-unawa.

Ayon kay Flores (2014), ang wikang ito ang magbibigay sa atin ng talino, tapang

at lakas na magsisilbing panimulang-puhunan natin bilang isang bansa.

Hindi na kailangan isalain pa ang isang konsepto sa kubmalay para maunawaan

ito. Kaya mabilis ang pagkatuto o pag-unawa ng mga mag-aaral sa isang impormasyon.

Samakatwid upang mapabilis ang pagkatuto ng mga kaalaman teknikal mula sa ibat

ibang panig ng daigdig, kinakailangang maisalin ang mga ito sa wikang mauunawaan at

malapit sa puso ng mga mamamayang Pilipino. Kailangan natin ang pagsasaling-wika o

translation.

Hinihiram natin ang mga salita ayon na rin sa pangangailangan, ang mga salita

ay may tinutukoy na natatanging pakahulugan. Mahalaga ang nasabing panghihiram

sapagkat ang bawat kataga ay may tinutukoy na gawi, ibig sabihin esensyal ang

naganap na panghihiram sapagkat hindi lamang ang salita ang inadapt, kungdi pati ang

kalinangang kasama nito. Sa panghihiram na ito ng mga salita, nagiging bahagi na rin

sila ng ating kultura.

Ang panghihiram ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod o pagtraydor sa ating

wika. Bagkus, nagpapakita ito ng pagiging bahagi ng mga salitang ito sa ating kultura.

Binanggit ni Virgilio Alamario sa kanyang artikulong Filipino ang Filipino na “kung ano

ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.” Sa kaso ng Pilipinas, masasalamin ang isang

makulay at buhay na kulturang makikita sa wikang Filipino.


10

Konseptwal na Balangkas

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

ASEAN Integration: Epekto sa Pananaw ng mga guro ng kolehiyo


na nagtuturo ng Filipino sa lungsod
pagpapaunlad ng wikang Filipino
ng Kidapawan sa epekto ng ASEAN
Integration sa pagpapaunlad ng
wikang Filipino

Fig. 1. Isang Konseptwal na Balangkas na Naglalarawan sa Ugnayan ng


Malaya at Di-malayang Baryabol.

Pangunahing Palagay

Ipinapalagay ng mananaliksik na may epekto ang ASEAN sa pagpapaunlad ng

wikang Filipino.
11

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito nakasaad ang pamaraang ginamit sa pag-aaral ng

pananaliksik. Ito ay ang disenyo ng pag-aaral,pagpili ng respondente ,instrumentong

gagamitin sa pag-aaral, sampol, pangangalap ng datos, at ang pag-aanalisa ng mga

datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay isasagawa ayon sa disenyong deskriptiv na pag-aaral.

Sinubukang mailarawan ng mananaliksik ang iba’t ibang epekto ng ASEAN Integration

sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Pagkatapos nito ay aalamin kung ano ang mga

naging pananaw ng mga guro ng kolehiyo na nagtuturo ng Filipino sa lungsod ng

Kidapawan sa epekto ng ASEAN Integration sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Pamamaraan ng Pagpili ng Sampol

Gagamitin ng mananaliksik ang purposive sampling sa pagpili ng respondent.

Bawat guro sa kolehiyo sa lungsod ng Kidapawan na nagtuturo ng Filipino ay siyang

gagamitin sa pag-aaral na ito.

Bago isinigawa ng mananaliksik ang pag-aaral ay kumunsulta ito sa mga

bihasang guro upang bigyang bisa ang mga pahayag na ilalapat sa talatanungan.
12

Respondente

Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay ang mga guro ng kolehiyo

na nagtuturo ng Filipino sa lungsod ng Kidapawan.

Lokal ng Pag-aaral

Ito ay isasagawa sa mga napiling kolehiyo o pamantasan (CMC, KDCI, CdK,

USM-KCC) kung saan nabibilang ang guro na nagtuturo ng Filipino sa lungsod ng

Kidapawan.

Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral

Ang mananaliksik ay bubuo ng isang talatanungang gagamitin sa paglilikom ng

mga datos. Ang instrumentong gagamitin ay ibabatay sa mga pananaw nina Virgilio

Almario, Geronimo at David Michael San Juan.

Kinakapalooban ng mga personal na impormasyon ng mga tagatugon ang

talatanungan na gagamitin, katulad ng pangalan, kolehiyo o pamantasang tinuturoan at

sa ibabang bahagi ay naglalaman ng mga pananaw at rating scale. Ang mga

respondent ay pipili ng mga pananaw at nilagyan lamang ng tsek (/) ang katapat na

numero na kumakatawan sa kanilang mga sagot.


13

Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ay gagawa ng liham na humihingi ng pahintulot sa

pamantasa/administrasyon para sa gagawing pag-aaral. Mga guro ng kolehiyo na

nagtuturo ng Filipino sa lungsod ng Kidapawan na napili ayon sa kanilang mayoryang

tinuturoan.

Ang talatanungan ay personal na ipamamahagi ng mananaliksik at naipaliwanag

nang maayos kung paano nila ito sasagutan. Nabigyan ang mga mag-aaral ng sapat na

panahon upang sagutan ang talatanungan upang mailagay nang maayos ang kanilang

pansariling pananaw.

Sa bawat talatanungan na ipapamahagi ay may espasyong nakalaan para sa

kanikanilang pangalan, antas at kolehiyo o pamantasan na tinuturoan upang masiguro

ng mananaliksik na tama ang mga respondenteng sasagot dito.

Matapos maisagawa ang pamamahagi ng talatanungan ay susunod ang

pagtatally. Itatala alahat ng nalikom na impormasyon mula sa naging tugon ng mga

respondent sa talatanungang na ipapamahagi ng mananaliksik.

Sa panghuling hakbang, isasagawa ang pag-aanalisa ng mga datos upang

malaman ang iba’t ibang pananaw ng mga mag-aaral sa epekto ng ASEAN Integration

sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino.

Ang mga resultang lalabas ay ipapakita sa pamamagitan ng talahanayan at

nabigyan ng karampatang interpretasyon.


14

Ang mananaliksik ay nagsagawa ng pilot testing upang malaman ang paunang

reaksyon sa mga pahayag na nabibilang, isinagawa ito sa mga mag-aaral ng USM-

KCC.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Sa pag-aaral na ito, ang weighted mean ay gagamitin para malaman at makuha

ang pangunahing pananaw ng mga guro sa lungsod ng Kidapawan na nagtuturo ng

Filipino sa epekto ng ASEAN Integration sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino.


15

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAG-AANALISA NG MGA DATOS

Ilalahad sa parteng ito ang kinalabasan ng pagsusuri at pagpapakahulugan ng

mga datos na nakalap mula sa pag-aaral na may pamagat na “ASEAN Integration:

Epekto sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino”.

Makikita sa talahanayan 1(Positibo) at talahanayan 2 (Negatibo) ang mga resulta

na nakalap ng mananaliksik na nagmula sa mga guro sa lungsod ng Kidapawan na

nagtuturo ng Filipino sa kolehiyo ayon sa kanilang pagsang-ayon sa mga pahayag na

ipinamahagi bilang mga talatanungan.

Ang mga paaralang napili na pinagkunan ng mga gurong naging respondente ng

pag-aaral ay ang mga sumusunod;

Central Mindanao Colleges (2), Kidapawan Doctor’s Colleges Inc. (3), Colegio de

Kidapawan (1) at University of Southern Mindanao KCC (1). Sa kabuuan, may (8)

respondente siyang ginamit sa pag-aaral na ito.

Nakakuha ng mean na 4.71 ang unang bilang at ito ay nangangahulagan na ang

mga respondente ay lubos na sumasang-ayon sa pahayag na “Mas mapapaunlad pa

ng Pilipinas ang Wikang Filipino dahil sa pagiging bukas sa mga bansang kasapi sa

ASEAN.”
16

Talahanayan 1. Talatanungan para sa mga guro na nagtuturo ng Filipino


sa Kolehiyo sa Lungsod ng Kidapawan.(Positibo)
Mga Pahayag Mean Deskripsyon

1. Mas mapapaunlad pa ng 4.71 Lubos na sumasang-ayon


Pilipinas ang Wikang Filipino
dahil sa pagiging bukas sa mga
bansang kasapi sa ASEAN.
2. Mas malalim ang pagtuturo 4.43 Lubos na sumasang-ayon
ng Asignaturang Filipino sa
Kolehiyo kung ikukumpara sa
Senior High School.
3. Ang asignaturang Filipino sa 4.57 Lubos na sumasang-ayon
Kolehiyo ay Intelektwalisado at
mas magagamit ng mga mag-aaral.
4. Mas mahalaga ang paggamit ng 4.57 Lubos na sumasang-ayon
Filipino sa pagtuturo sapagkat
malakiang maitutulong nito sa
intelektwalisasyon.
5. Mas paiigtingin ang paggamit sa 4.57 Lubos na sumasang-ayon
Wikang Filipino dahil nasasalamin
nito ang isang makulay at buhay na
kultura ng Pilipinas.
6. Makikita sa wika ang mayamang 4.57 Lubos na sumasang-ayon
kultura ng Pilipinas at binubuo nito
ang identidad ng Pilipinas.
7. Mas nakabubuti ang paggamit ng 4.86 Lubos na sumasang-ayon
wikang Filipino sapagkat
napapayaman ito at mas makikilala
ang ating kultura sa pamamagitan
ng ating sariling wikang ginagamit.
8. Isang mahalagang sangkap sa 4.57 Lubos na sumasang-ayon
mainam at maayos na pagkatuto
ng mga mag-aaral ang
pagkakaunawa sa wikang
ginagamit sa pag-aaral.
9. Labis ang kahalagahan ng 4.43 Lubos na sumasang-ayon
pagtuturo ng Filipino sa lahat ng
antas ng edukasyon sa bansa.
10. Ang panghihiram ay hindi 4.43 Lubos na sumasang-ayon
nangangahulugan ng pagtalikod
o pagtraydor sa ating wika.

Submean: : 4.57 Lubos na sumasang-ayon


17

Ang pangalawang pahayag naman ay nakakuha ng mean na na nagpapakita na

ang mga respondente ay lubos na sumasang-ayon sa pahayag na 4.43 “Mas malalim

ang pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo kung ikukumpara sa Senior High

School”.

Ang pangatlo naman na bilang ay nakakuha ng mean na 4.57 na

nangangahulugan na sila ay lubos na sumasang-ayon sa pahayag na “ Ang

asignaturang Filipino sa Kolehiyo ay Intelektwalisado at mas magagamit ng mga mag-

aaral”. Ayon kay San Juan (2013), “Yung Filipino doon is utilitarian o Technical Filipin

na gagamitin sa pagtalaky ng social issues, eco, science, health policies etc.” “Gusto

naming ‘yung mananatiling Filipino sa tertiary level ay intellectual, at magagamit ng mga

estdyante” dagdag pa ni San Juan.

Ang pang-apat na pahayag ay nakakuha ng mean na 4.57 na ang ibig-sabihin ay

lubos silang sumasang-ayon sa pahayag na “Mas mahalaga ang paggamit ng Filipino

sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon”.

Ang panlimang pahayag ay nakakuha ng kabuuang mean na 4.57 na

nagpapakita na sila ay lubos na sumasang-ayon sa “Mas paiigtingin ang paggamit sa

Wikang Filipino dahil nasasalamin nito ang isang makulay at buhay na kultura ng

Pilipinas”. Ayon kay Flores (2014), ang wikang ito ang magbibigay sa atin ng talino,

tapang at lakas na magsisilbing vpanimulang-puhunan natin bilang isang bansa.

Ang pang-anim na pahayag ay nakakuha ng mean na 4.57 at nangngahulugan

na ang mga respondente ay sumasangayon sa pahayag na “Makikita sa wika ang

mayamang kultura ng Pilipinas at binubuo nito ang identidad ng Pilipinas”.Ang paggamit


18

ng Wikang Filipino sapagkat napagyayaman ito at mas makikilala ang ating kultura sa

pamamagitan ng ating sariling wikang ginagamit.

Sa ika-pitong pahayag nakakuha ang nasabing pahayag ng mean na 4.86 na

nagpapakita na sila’y lubos na sumasang-ayon sa pahayag na “Mas nakabubuti ang

paggamit ng wikang Filipino sapagkat napapayaman ito at mas makikilala ang ating

kultura sa pamamagitan ng ating sariling wikang ginagamit”.

Sa pangwalong pahayag sa talahanayan, ito ay nakakuha ng mean na 4.57 na

nagpapakita na ang mga respondente ay lubos na sumasang-ayon sa pahayag na

“Isang mahalagang sangkap sa mainam at maayos na pagkatuto ng mga mag-aaral

ang pagkakaunawa sa wikang ginagamit sa pag-aaral”.

Sa pang-siyamna pahayag nakakuha ito ng mean na 4.43 at nagpapakita na

sila’y lubos na sumasang-ayon sa pahayag na “Labis ang kahalagahan ng pagtuturo ng

Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon sa bansa”.

Sa pansampung pahayag at ang huling pahayag sa talahanayan, ang

kabuoang mean na nakuha ng bilang na ito ay 4.43 na nagpapakita na ang mga

respondete ay lubos na sumasang-ayon sa pahayag na “Ang panghihiram ay hindi

nangangahulugan ng pagtalikod o pagtraydor sa ating wika”. Mahalaga na mas maging

bukas tayo na ang ating wika ay buhay na kung saan maaring nanghihiram tayo ng

ibang wika at di kalaunan ay kinakasanayan at nagiging parte narin ng wikang Filipino.


19

Talahanayan 2. Talatanungan para sa mga guro na nagtuturo ng Filipino sa


Kolehiyo sa Lungsod ng Kidapawan. .(Negatibo)

Mga Pahayag Mean Deskripsyon


1. Pag-alis ng Wikang Filipino sa 4.43 Lubos na sumasang-ayon
kolehiyo ay nangangahulugang
pagtalikod sa ating Wika
2. Hindi tayo kagaya nang sa mga 4.43 Lubos na sumasang-ayon
maunlad na bansa na mayroong
malaking pagpapahalaga sa kanilang
wika “opsyonal” ang wika ng kanilang
pagkakakilanlan at kasaysayan.
3. Hindi maiaalis na mas mahihirapan 4.29 Lubos na sumasang-ayon
ang mga –aaral sa paggamit ng
wikang dayuhan sapagkat dadaan
pa ito sa tatlong proseso ng pagkatuto,
ito ay ang mga Persepsyon o
kaalaman, pagsasalin at pag-unawa.
4. Magiging balakid sa pagiging 4.29 Lubos na sumasang-ayon
intelektwalisado ng mga Pilipino
ang pag-aalis ng Filipino sa
Kolehiyo.
5. Hindi lamang pulos mabuti ang 4.14 Sumasang-ayon
dulot ng globalisasyon sapagkat
nagdudulot ito ng pagkawala ng
sariling pagkakakilanlan ng
isang bansa.
Submean: 4.31 Lubos na sumasang-ayon
Over-all Mean 4.44 Lubos na sumasang-ayon
Leyenda:
Iskeyl Interval Deskripsyon
5 4.21-5.00 Lubos na sumasang-ayon
4 3.42-4.20 Sumasang-ayon
3 2.61-3.42 Di-gaanong sumasang-ayon
2 1.81-2.60 Di suamasang-ayon
1 1.00-1.80 Lubos na di sumasang-ayon
20

Ang unang pahayag ay nakakuha ng mean na 4.43 na nagpapakita na ang mga

respondente ay lubos na sumasang-ayon sa pahayag na “Ang pag-alis ng Wikang

Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugang pagtalikod sa ating Wika”. Ang resulta ng

pahayag ay nagpapakita na ang mga guro ay may pagpapahalaga sa ating wika na

kung saan ayaw nilang limitahan ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.

Sa pangalawang na bilang at isang negatibong pahayag, ito ay nakakuha ng

mean na 4.43 na nagpapakita na sila’y lubos na sumasang-ayon sa pahayag na “Hindi

tayo kagaya nang sa mga maunlad na bansa na mayroong malaking pagpapahalaga sa

kanilangwika “opsyonal” ang wika ng kanilangpagkakakilanlan at kasaysayan.”

Sa pangatlo na pahayag at isang negatibong pahayag, nakakuha ito ng mean na

4.29 at nagpapakia ito na ang mga respondent ay lubos na sumasang-ayon sa pahayag

na “Hindi maiaalis na mas mahihirapanang mga –aaral sa paggamit ng wikang dayuhan

sapagkat dadaan pa ito sa tatlong proseso ng pagkatuto,ito ay ang mga Persepsyon o

kaalaman, pagsasalin at pag-unawa”.Sa isang payak na pagsusuri masasabi nating ang

paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman ay

nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon.

Ang pang-apat na pahayag sa talahanayan ay nakakuha ng kabuuhang mean

na 4.29 na nangangahulugan na sila’y lubos na sumasang-ayon sa pahayag na

nagsasad na “Magiging balakid sa pagigingintelektwalisado ng mga Pilipino ang pag-

aalis ng Filipino sa Kolehiyo”.

Sa huling pahayag sa talahanay nakakuha ang pahayag ng mean na 4.14 na

nangangahulugan na sila’y sumasang-ayon sa pahayag na “Hindi lamang pulos mabuti


21

ang dulot ng globalisasyon sapagkat nagdudulot ito ng pagkawala ng sariling

pagkakakilanlan ngisang bansa”. Dagdag pa ni Flores na isang propesor sa University

of Philippines-Diliman “Ang liit na nga ng Filipinas, kalat-kalat pa tayo. Wala na rin

tayong konsepto ng ‘bansa’ tapos lalamunin pa tayo ng konseptong globalisasyon”.


22

PAGBUBUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod

Ang nilalayon ng pag-aaral na ito ay matukoy ang Epekto ng ASEAN Integration

sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino.

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay natukoy positibo at negatibong epekto

na dulot ng ASEAN Integration sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa iba’t ibang pananaw ng mga guro na nagtuturo

ng Filipino sa kolehiyo sa Epekto ng ASEAN Integration sa pagpapaunlad ng Wikang

Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga guro na nagtuturo ng Filipino sa

kolehiyo sa lungsod ng Kidapawan.

Ang mga paaralang napili na pinagkunan ng respondente ay ang mga

sumusunod; Central Mindanao Colleges (2), Kidapawan Doctor’s Colleges Inc. (3),

Colegio de Kidapawan (1) at University of Southern Mindanao KCC-CIT (1). Sa

kabuuan, may (8) respondente siyang ginamit sa pag-aaral na ito.

Ang mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng respondente.

May dalawang bahagi ang talataungan: ang una ay kinakapalooban ng mga personal

na impormasyon ng tagatugon, katulad ng pangalan at pamantasang pinagsisilbihan.

Ang pangalawang bahagi naman ay naglalaman ng mga pahayag at rating scale.


23

Konklusyon

Batay sa pag-aaral, lumabas ang sumusunod:

Sa sampung (10) pahayag na nagmula sa positibong pananaw, pinakamataas

ang pahayag na “Mas nakabubuti ang paggamit ng Wikang Filipino sapagkat

napapayaman ito at mas makikilala an gating kultura sa pamamagitan ng sariling

wikang ginagamit” na may mean na 4.86 na nangunguhulugan na sila ay lubos

sumasang-ayon sa pahayag na ito. Pinakamababa naman sa positibo ay ang pahayag

na “Labis ang kahalagahan ng pagtuturo ng Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon sa

bansa.” at ang pahayag na “Ang panghihiram ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod

o pagtraydor sa ating wika” na parehong may mean na 4.43 na nangangahulugang sila

rin ay lubos na sumasang-ayon. Ang mga pahayag sa positibong pananaw ay

nakakuha ng submean na 4.57 nagpapakita ng pag-sangayon sa mga pahayag na

napaloob dito. Sa limang (5) pahayag naman sa negatibong pananaw, pinakamataas

ang mga pahayag na “Pag-alis ng Wikang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugang

pagtalikod sa ating Wika” at “Hindi tayo kagaya ng sa mga bansa na mayroong

malaking pagpapahalaga sa kanilang wika “opsyonal” ang wika ng kanilang

pagkakakilanlan at kasaysayan” na nakakuha ng 4.43 na mean na nagpapakita na sila

ay lubos na sumasang-ayon sa mga pahayag na ito. Pinakamababa naman ang

pahayag na “Hindi lamang pulos mabuti ang dulot ng globalisasyon sapagkat

nagdudulot ito ng pagkawala ng sariling pagkakakilanlan ng isang bansa” na nakakuha

ng mean na 4.14 na nangangahulugnag sila ay sumasang-ayon sa pahayag. Ang

submean ng negatibong pananaw ay may kabuoang 4.31 nagpapakita na sumasang-

ayon sila sa mga pahayag na napapaloob dito.


24

Sa submean ng positibong pahayag na nakakuha ng 4.57 na nagpapakita na

ang mga respondent ay lubos na sumasang-ayon na may positibong epekto ang

ASEAN Integration sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Sa kabuuan, ito ay may

over-all mean na 4.44 na nangangahulugang sila ay lubos na sumasang-ayon sa mga

pahayg na napapaloob sa positibo at negatibong pananaw.

Rekomendasyon

Batay sa resulta ng pananaliksik na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral, kailangang tangkilikin nila ang ating sariling wika sapagkat

mas mapapaunlad pa nila ang wika sa pagtangkilik nito. Dahil sa pagiging bukas ng

ating pamahalaan sa pagbabago ay malaki ang magiging epekto nito sa pagpapaunlad

ng ating wika. Hindi lamang ito mangangahulugan ng paglilimita sa paggamit ng wika

kundi ang paglilimita sa ating wika na umusbong at yumabong.

2. Sa mga guro, kinakailangang ipakita nila sa mga mag-aaral na sila rin mismo

ay tinatangkilik ang sariling wika sapagkat malaki ang kanilang impluwensiya sa loob at

labas ng paaralan. Inaasahan rin na maging mas bihasa ang mga guro sa paggamit ng

ating wika upang mas maggamit nila ito sa pagtuturo ng maayos.

3. Sa Pamantasan, kailangang isa-alangalang ng institusyon ang pagpapalago

ng ating sariling wika dahil ito ang ginagamit sa pagtuturo at mabisang pagkatuto lalo

na para sa mga mag-aaral ng tersiyarya. Iminumungkahi na patuloy nilang gamitin ang

ating wika sa pagtuturo upang ito ay mas mapalago at mapa-unlad.


25

4. Sa CHED, inaasahan na mas magiging bukas ang kagawaran na lalong

palakasin pa at bigyang tuon ang pagpapaunlad ng ating wika. Makakatulong ang

kagawaran sa maaring pagpapatupad ng mga panukala na nakasentro sa

pagpapaunlad ng ating wika upang maiangat na rin ang kalidad ng edukasyon sa ating

bansa.
26

TALASANGGUNIAN

AGTARAP, M.C.M. (2016). Epekto ng Taglish at Engalog sa Intelektwalisasyon


ng Wikang Filipino.

BUGARAN, G. P., et.al. (2014).Kahalagahan ng Pagpapanatili ng Asignaturang Filipino


sa Kolehiyo. Retrieved on June 19, 2014, Retrieved from
http://plaridel.ph/2014/06/19/pagtanggal-ng-asignaturang-filipino-sa-kolehiyo-filipino-
department-umapila-sa-ched-2

T.U.Santos.(2014). Pag-aalis ng Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo Tinutulan


Retrieved on August 21, 2014. Retrieved from
http://varsitarian.net/filipino/20140821/pag_aalis_ng_filipino_sa_kurikulum_ng_kolehiyo
_tinutulan

J. Y. Geronimo,(2015) Filipino sa K to 12 curriculum: 'Hindi masyadong pinag-aralan


Retrieved on August 14,2015. Retrieved from, https://www.rappler.com/nation/102511-
filipino-k12-curriculum-virgilio-almario

M/ Fajardo., et.al. Pagtanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Retrieved on


November 27, 2016, Retrieved from.
http://chromaproductions.tumblr.com/post/153715111470/pagtanggal-ng-asignaturang-
filipino-sa-kolehiyo (retrieved on November 27, 2016)
27

APENDISES
28

APENDIKS A

TALATANUNGAN PARA SA MGA GURO NA NAGTUTURO NG FILIPNO SA


KOLEHIYO SA LUNGSOD NG KIDAPAWAN.
Pangalan:__________________________________ Petsa:_________

Kolehiyo/Pamantasan:________________________

Panuto:

Sagutan ang mga pahayag sa ilalim na naglalaman ng iba’t ibang pananaw

tungkol sa Epekto ng ASEAN Integration sa Wikang Filipino. Lagyan lang ng tsek (/)

ang mga pahayag ayon sa iyong sariling pananaw. Basahin ang leyenda upang

malaman ang katumbas ng bawat bilang sa pahayag.

Leyenda:

Iskeyl Deskripsyon
5 Lubos na sumasang-ayon
4 Sumasang-ayon
3 Di-gaanong sumasang-ayon
2 Di sumasang-ayon
1 Lubos na di-sumasang-ayon

Mga Pahayag 5 4 3 2 1

1. Mas mapapaunlad pa ng Pilipinas ang


Wikang Filipino dahil sa pagiging
bukas sa mga bansang kasapi sa
ASEAN.
2. Mas malalim ang pagtuturo ng
29

Asignaturang Filipino sa Kolehiyo


kung ikukumpara sa Senior High
School.

3. Pag-alis ng Wikang Filipino sa


kolehiyo ay nangangahulugang
pagtalikod sa ating Wika.

4. Ang asignaturang Filipino sa kolehiyo


ay Intelektwalisado at mas magagamit
ng mga mag-aaral.

5. Mas mahalaga ang paggamit ng


Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki
ang maitutulong nito sa
intelektwalisasyon.

6. Hindi tayo kagaya nang sa mga


maunlad na bansa na mayroong
malaking pagpapahalaga sa kanilang
wika “opsyonal” ang wika ng kanilang
pagkakakilanlan at kasaysayan.

7. Mas paiigtingin ang paggamit sa


Wikang Filipino dahil nasasalamin nito
ang isang makulay at buhay na
kultura ng Pilipinas.

8. Makikita sa wika ang mayamang


kultura ng Pilipinas at binubuo nito
ang identidad ng Pilipinas.

9. Hindi maiaalis na mas mahihirapan


ang mga –aaral sa paggamit ng
wikang dayuhan sapagkat dadaan pa
ito sa tatlong proseso ng pagkatuto,
ito ay ang mga Persepsyon o
kaalaman, pagsasalin at pag-unawa.

10. Mas nakabubuti ang paggamit ng


wikang Filipino sapagkat
napapayaman ito at mas makikilala
30

ang ating kultura sa pamamagitan ng


ating sariling wikang ginagamit.

11. Isang mahalagang sangkap sa


mainam at maayos na pagkatuto ng
mga mag-aaral ang pagkakaunawa sa
wikang ginagamit sa pag-aaral.

12. Magiging balakid sa pagiging


intelektwalisado ng mga Pilipino ang
pag-aalis ng Filipino sa Kolehiyo.

13. Labis ang kahalagahan ng pagtuturo


ng Filipino sa lahat ng antas ng
edukasyon sa bansa.

14. Ang panghihiram ay hindi


nangangahulugan ng pagtalikod o
pagtraydor sa ating wika.

15. Hindi lamang pulos mabuti ang dulot


ng globalisasyon sapagkat nagdudulot
ito ng pagkawala ng sariling
pagkakakilanlan ng isang bansa.

Submean:
Over-all Mean:

APENDIKS B
31

Republika ng Pilipinas
Pamantasan ng Katimugang Mindanao
Kampus sa Lungsod ng Kidapawan
Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham
Sudapin, Lungsod ng Kidapawan

Setyembre 11, 2017

DR. RONIELYN F. PINSOY


Punong Tagapagpaganap ng Kampus
Pamantasan ng Katimugang Mindanao
Kampus sa Lungsod ng Kidapawan

Madam:
Magandang araw po!
Ako po ay mag-aaral na nasa ikaapat na taon sa kolehiyo at kasalukuyang
kumukuha ng Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya Medyor sa Filipino sa Pamantasan
ng Katimugang Mindanao Kampus sa Lungsod ng Kidapawan.
Kaugnay nito, humihingi po ako ng inyong pahintulot na makapagbigay ng isang
pagsusulit sa mga piling guro ng inyong institusyon. Kinakailangan ko pong makuha
ang mga akmang datos bilang bahagi ng aking pananaliksik na may pamagat na
“ASEAN INTEGRATION: EPEKTO SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO.”
Inaasahan ko po ang inyong positibong tugon sa bagay na ito.Maraming salamat po at
pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal.
Lubos na gumagalang,

JASON JEFF R. SAGUTAON


Mananaliksik

Pinatotohanan ni:

PHOEBE NORVIN B. LACBAYO


Tagapayo

Inirekomendang Pinahintulutan ni:

CRISTINA Q. DELA CRUZ, EdD


Dekana, Edukasyon, Sining at Agham

Pinagtibay ni:

RONIELYN F. PINSOY, EdD


Punong Tagapagpagganap ng Kampus

Republika ng Pilipinas
Pamantasan ng Katimugang Mindanao
32

Kampus sa Lungsod ng Kidapawan


Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham
Sudapin, Lungsod ng Kidapawan

Setyembre 11, 2017

JANICE MARIE MEARNS-MARTINEZ


Pangulo
Colegio de Kidapawan

Thru: Dr. NELLY CORDERO


Dekana ng Departamento ng Edukasyon
Colegio de Kidapawan
Madam:

Magandang araw po!


Ako po ay mag-aaral na nasa ikaapat na taon sa kolehiyo at kasalukuyang
kumukuha ng Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya Medyor sa Filipino sa Pamantasan
ng Katimugang Mindanao Kampus sa Lungsod ng Kidapawan. Kinakailangan ko pong
magsagawa ng sarbey sa mga piling guro sa Filipino sa inyong institusyon bilang
bahagi po ng aking pananaliksik.
Kaugnay nito, humihingi po ako ng inyong pahintulot na makapagbigay ng isang
pagsusulit sa mga piling guro ng inyong institusyon. Kinakailangan ko pong makuha
ang mga akmang datos bilang bahagi ng aking pananaliksik na may pamagat na
“ASEAN INTEGRATION: EPEKTO SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO.”
Inaasahan ko po ang inyong positibong tugon sa bagay na ito.Maraming salamat po at
pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal.

Lubos na gumagalang,

JASON JEFF R. SAGUTAON


Mananaliksik

Pinatotohanan ni:

PHOEBE NORVIN B. LACBAYO


Tagapayo

Republika ng Pilipinas
Pamantasan ng Katimugang Mindanao
33

Kampus sa Lungsod ng Kidapawan


Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham
Sudapin, Lungsod ng Kidapawan

Setyembre 11, 2017

EDWIN GANTUANGCO
Pangulo
Kidapawan Doctors College Inc.

Sir:

Magandang araw po!


Ako po ay mag-aaral na nasa ikaapat na taon sa kolehiyo at kasalukuyang
kumukuha ng Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya Medyor sa Filipino sa Pamantasan
ng Katimugang Mindanao Kampus sa Lungsod ng Kidapawan. Kinakailangan ko pong
magsagawa ng sarbey sa mga piling guro sa Filipino sa inyong institusyon bilang
bahagi po ng aking pananaliksik.
Kaugnay nito, humihingi po ako ng inyong pahintulot na makapagbigay ng isang
pagsusulit sa mga piling guro ng inyong institusyon. Kinakailangan ko pong makuha
ang mga akmang datos bilang bahagi ng aking pananaliksik na may pamagat na
“ASEAN INTEGRATION: EPEKTO SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO.”
Inaasahan ko po ang inyong positibong tugon sa bagay na ito.Maraming salamat po at
pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal.

Lubos na gumagalang,

JASON JEFF R. SAGUTAON


Mananaliksik

Pinatotohanan ni:

PHOEBE NORVIN B. LACBAYO


Tagapayo

KURIKULUM VITAE
34

PERSONAL NA DATOS:
Pangalan : Jason Jeff R. Sagutaon
Petsa ng Kapanganakan : May 6, 1998
Lugar ng Kapanganakan : Amas Prov. Hospital, Kidapawan City,
North Cotabato
Tirahan : 116 Brgy. Paco Kidapawan City, North
Cotabato
Kasarian : Lalaki
Mga Magulang : G. Alberto R. Sagutaon (Deceased)

Gng. Gloria R. Sagutaon


Ikalawang Ama : G.Melchor P. Tano
Mga Kapatid : Cheryl S. Sarabia
Chistine R. Sagutaon
EDUKASYONG NAKAMIT
Elementarya : Paco Central Elem. School
S.Y. 2009-2010
Sekondarya : Paco National High School
S.Y. 2014-2015
Tersarya : Pamantasan ng Katimugang Mindanao,
Kampus sa Lungsod ng Kidapawan
S.Y. 2017-2018
ORGANISASYON :

Samahan ng Kabataang Makata (SKM)


USM-KCC, S.Y 2015-2018

Chi Alpha Ministries (XA)


USM-KCC, S.Y 2015-2016

White Flag Ministry


USM-KCC, S.Y 2015-2016

SEMINAR AT PAGSASANAY:
35

Seminar –Workshop on Integrative


Teaching
USM-KCC Social Hall
July 12, 2017

Seminar-Workshop on Problem-Based
Based Teaching
USM-KCC Social Hall
July 12, 2017

Seminar-Workshop on Multi-Cultural
USM-KCC Social Hall
July 12, 2017

Seminar Workshop on Research


Methods and Statistical Analysis
with
Statistical Utilization
USM-KCC Social Hall
January 27-28, 2017

Current Trend on Socio-Emotional


Theory with Such of Social Graces
USM-KCC Social Hall
March 21, 2015

Palihan sa Paglinang Estitetiko:


Sulat at Kritisismo Gamit ang
Wika
S.Y. 2016-2017

Field Study and Pre-Service Training


and MOA
NDKC
S.Y. 2015-2016

You might also like