Thesis Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KABANATA II

Makulay at makapangyarihan ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang wika.


Sadyang napakasarap pakinggan ng ating pambansang wika kung gagamitin lamang sa tama ng
nagsasalita. Batid sa ating lahat na may suliranin pagdating sa usapin ng wika dito sa ating bansa
sapagkat mas tinatangkilik ang wikang banyaga. Kahit saan ka magawi ay maririnig mo ang
hindi wastong paggamit ng ating wika kahit sa mga paaralan at mga establisyementong
propesyunal. Mababasa ang kamaliang ito maging sa mga tabloid at mga post sa social media at
sa pagsusulat sa mga artikulong ipinapahayag sa mamamayan. Ngunit mayroon pang pag-asa sa
kabila nang lahat ng ito. Ang mga kabataan ang may malaking responsibilidad sa pagpapaahon
ng ating wikang pambansa mula sa kinasasadlakan nito sa kasalukuyan. Ang mga kabataan ang
may kapangyarihan na iangat ang antas ng wikang Filipino kung may matinding pagnanais sila at
masidhing pag-ibig sa bayan. May pag-asa pa at hindi mawawalan ng pag-asa hangga’t buhay sa
bawat Pilipino ang kanyang pagmamahal sa wikang pambansa.

Ang mga kabataan ang may kapangyarihan na iangat ang antas ng wikang Filipino kung
may matinding pagnanais sila at masidhing pag-ibig sa bayan. May pag-asa pa at hindi
mawawalan ng pag-asa hangga’t buhay sa bawat Pilipino ang kanyang pagmamahal sa wikang
pambansa.

May mga palabas na hindi angkop para sa lahat ng manonood at ito ay maaaring
makapagturo sa mga kabataan ng karahasan at masasamang salita. Malaki ang nagiging epekto
ng gawit ng wika sa mass media sa totoong buhay ng bawat Pilipino. Masasabing ang kalagayan
ng wika sa mass media ay hindi na masyadong maganda dahil minsan ginagawa nang Taglish
ang pag-uusap at maging pagsusulat sa mga artikulong nababasa lalong-lalo na sa telebisyon.
Kadalasan ay pinapaikli ang mga salita hanggang dumadating na sa punto na hindi na ito
nagiging wasto. Mapapansin din sa mga tagalog na pelikula, teleserye, at iba pa na marami pa
din and salitang Ingles na kung tutuusin ay wala dapat dahil ito ay mga pelikulang dapat ay
Wikang Filipino ang ginagamit. Ang mga maliliit na bata ay natututo ng kung ano-anong bagay
na hindi pa naman dapat nila nalalaman dahil napapanood at naririnig nila sa mass media. Alam
ng isang tipikal na bata kung ano ang ibig sabihin ng mga nauusong salita na hindi alam ng mga
matatanda. Ang mass media dapat ang mangunang magpatibay ng pundasyon ng Wikang
Filipino dahil napakaraming Pilipino ang naniniwala sa sinasabi ng mass media. Mas magiging
mabunga ang ating sariling wika kung nagagamit ng wasto at makabuluhan.

Sa estado ng lipunan ngayon ay mahahalata ang napakabilis na pagbabago at pag-unlad.


Tunay na mararamdaman ang kaibahan ng pamayanan ngayon kung ikukumpara sa pamayanan
noon, ang panahon kung saan ang pamumuhay sa isang pamayanan ay payak. Malaking
impluwensya ang pamayanan sa paghubog sa katauhan ng isang indibidwal dahil sa isang
pamayanan unang natututo ang bata sa pakikipag-ugnayan sa iba. Ngunit kasabay ng pagbabago
sa lipunan ay naapektuhan din ang wikang Filipino. Masasabi na hindi wasto ang paggamit ng
wikang Filipino sa isang tipikal na pamayanan dahil unang una ay mali ang gramatika at
pangalawa ay hindi angkop ang paggamit ng wika kahit sa mga pormal na pagpupulong dahil
hindi maiiwasan na napapaikli ang mga salita. Kung ikaw ay magagawi sa isang barangay,
maririnig mo sa mga kalye ang mga makabagong salita na ginagamit ng mga kabataan dahil ito
ay pinauso ng isang sikat na personalidad. Dahil malaki ang porsyento ng bilang ng mga
kabataan sa pamayanan ay ang mga salitang “trending” ang karaniwang ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Naiimpluwensiyahan din ang maliliit na bata na gayahin ang mga salitang
nauuso sa telebisyon dahil naririnig nila kung kaya’t nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa
pagitan ng mga nakatatanda. Dahil sa hindi matatag na kalagayan ng wikang Filipino sa isang
pamayanan, nararapat lamang na lapatan ito ng solusyon dahil hindi maiiwasan na baka
dumating ang araw ay tuluyan nang masira ang wastong konsepto ng ating wikang pambansa sa
ating lipunan.

Sa sitwasyon na kinasasadlakan ng mundo ngayon, makikita ang sari-saring pagbabago at


pag-unlad ng iba’t ibang bagay mula sa pananamit, pagkain, mga pelikula hanggang sa wika at
mga salitang ginagamit sa araw-araw. Ilan sa mga sanhi nito ay ang mabilis na pagbabago lalong
lalo na sa teknolohiya, ang pakikisabay sa uso ng karamihan at ang pag-abuso sa karapatang
kalayaan sa pagpapahayag. Ang mga kabataan ng modernong panahon ay saksi sa mga
pangyayari kung saan unti-unting naibaon ang wika na ginagamit noong nakalipas na mga
dekada. Ang mga kabataan ang may pinakamalaking parte sa pagbabago ng iba’t ibang bagay
katulad ng wika dahil sila ay nabibilang sa henerasyon na may malawak na kapasidad sa
pagtuklas. Dahil dito, malinaw nilang nasusubaybayan ang mga pagbabagong nagaganap sa
paligid- partikular na ang wika sa social media. Ang mga kabataan din ang nagpapauso ng mga
salitang hindi na angkop sa wikang Filipino pero ang mga kabataan din ang may kapasidad na
pausbungin muli ang ating wikang pambansa kung gagamitin sa tama ang social media.
Ang mga mag-aaral ay gumagamit ng pormal ng wika sa paggawa ng mga takdang-aralin at mga
proyekto. Nagkakaroon din ng di-pormal na paggamit ng wika ang mag-aaral kung sila ay nasa
labas ng silid-aralan at tapos na ang klase at nakikipagkwentuhan sa kapwa mag-aaral. Sa
panahon ngayon marami nang bagong salita ang lumalabas at nadadala ng mga mag-aaral sa
paaralan tulad ng “pak ganern”,”boom panes” at marami pang iba na maaring makaapekto at
magamit sa paggawa ng mga takdang-aralin o mga proyekto. Isa rin sa nakakaapekto sa
paggamit ng wika ay ang pagtetext kung saan nagkakaroon ng pagdadaglat ng mga letra ng salita
dahil maaring ang nakasanayan sa pagtetext ang maisagawa sa mga akademikong sulatin.
Mahalagang mapangalagaan ang wastong estado ng wikang Filipino sa mga paaralan dahil ang
itinuturo sa paaralan ay maaaring dalhin ng mag-aaral sa kanyang pagtanda.

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mgak aisipan, damdamin at mihiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na


binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming
dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng kasaysayan, ito ay
tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa
iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag  (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal
at multicultural, nabubuklod an gating mga watak-watak na isla n g iisang mithiin na
ipinapahayag hinidl amang sa maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon di nsa isahang
midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa
pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
Batnag, A. (2001). Kabataan.  Kinuha
sa https://christopher1218.wordpress.com/2012/08/19/kasaysayan-ng-wikang-filipino/
KABANATA I

KALIGIRAN:

“Lodi”,”Petmalu”, at “Werpa.” Ilan lamang yan sa mga bagong salitang nauuso ngayon na tunay
ngang patok sa mga kabataan natin ngayon. Ang mundo natin ay tila lumiliit na rin kasabay ng
pagsulpot ng mga makabagong salita na patuloy na lumalaganap hindi lamang sa tahanan
maging sa larangan ng social media na tatak ng mga “millenials.” Mga salitang pinapaikli o dili
kaya ay binabaliktad, ang ngayon ay “in” sa mga bata ngunit malimit namang ika-init ng ulo ng
mga nakatatanda sapagkat marami sa kanila ang hindi makarelate at marami ang patuloy na
ikinukumpara ito sa kanilang kapanahunan.

Ang aming pananaliksik ay tungkol sa unti-unting pagbabago ng wika sa paglipas ng panahon.


Tunguhin ng pag-aaral na ito na malaman ang dahilan kung bakit mas pinapahalagahan at
tinatangkilik ng mga kabataan ngayon ang ibang wika kaysa sa wikang kinagisnan, ang Wikang
Filipino. Nais din naming malaman ang magiging epekto nito sa samahan ng pamilya maging
sa mga kabataan dala na rin ng unti-unting pagbabago ng ating henerasyon. Kasabay ng pag-
unlad na ito, hindi na lingid sa kaalaman ng marami na ang pag-usbong o paglitaw ng mga
makabagong wika na siyang maaring dahilan ng pakakaroon ng agwat o espasyo sa pagitan ng
mga kabatataan at nakakatatanda bunga ng modernisasyon na madalas nmagdulot ng hindi
pagkakaintindihan.

SANLIGAN NG PAG-AARAL:

Sa panahon natin ngayon, alam naman nating lahat na mas nangingibabaw ang mga makabagong
teknolohiya na naglipa na sa kahit saang bansa sa mundo. Kung kaya maraming mga kababayan
natin ang tumatangkilik dito.

Bilang isang Pilipino, nakasanayan nating gumamit ng ating sariling wika. Sapagkat bukod sa
pagpapakita nito ng pagiging makabayan, ay malaya din tayong nakapagpapahayag ng ating
sariling saloobin. Ginagamit din ang wika sa pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa Pilipino.
Ngunit, sa pagdaan ng mga panahon, ang ilang mga mga Pilipino lalung- lalo na ang mga
kabataan ay naging “Jejemon.Sa pagdaan ng panahon, ang mga Pilipinong bakla o beki ( mga
lalaking umaasta na parang babae) ay nakapagbuo na rin ng sarili nilang lengguwahe na
tinatawag na “ gay language” o salitang beki. Kasabay rin ng patuloy na pag- usbong ng mga
makabagong teknolohiya, marami na rin ang tila ba ay nakakalimot na sa sarili nating wika o
kaya ay isinasantabi ito sapagkat kanilang naririnig, nababasa at nakikita sa iba’t ibang media
tulad ng internet, telebisyon, telepono at iba pa. kaya malaki ang epekto nito sa kalagayang pang
wika ng kulturang Filipino. Gayon pa man, atin pa ring pagyabungin at paunlarin an gating wika
para sa kapakanan n gating bansa.
LAYUNIN:

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang nagigigng epekto ng mga makabagong salitang
dala ng mga millenials sa relasyon sa pagitan ng mga kabataan ngayon at sa mga nakatatanda.
Alam naman nating napakahalaga ng pakikipagkomunikasyon para sa mga nakatatanda; kaya
nais nating bigyan ng pansin ang nagiging resulta ng pagbabagong nagaganap ukol sa mga
bagong salitang nauuso.

TIYAK NA LAYUNIN:

1. Upang malaman malaman ang epekto ng pagbabago o ng mga bagong nauusong salita sa
relasyon ng mga kabataan at nakakatanda.
2. Upang malaman ang maaring kahantungan ng Wikang Filipino kung hindi ito gagamitin
at tatangkilikin ng mga kabataan ngayon.
3. Upang malaman kung bakit mas tinatangkilik ng mga kabataan ang mga nauusong salita
dala ng modernisasyon.
4. Upang malaman ang dahilan kung bakit di binibigyang pansin ang ating sariling wika.
5. Upang malaman ang magiging resultang pag-usbong ng mga makabagong salita sa
pakikipagkomunikasyon.
6.

SAKOP AT LIMITASYON:

Ang aming pananaliksik ay nakaplanong isagawa sa pagitan ng buwan ng Enero hanggang


Marso kung saan ang mga kabataan na nasa edad na 13-19 na nag-aaral sa San Jose National
High School- Senior High School na nasa ilalim ng General Academic Strand at mga magulang
na nasa edad na 45 pataas na naninirahan sa San Pablo City, Laguna ang napili naming tutugon
sa aming inihauing katanungan.

KAHULUGAN NG MGA SALITA:

MODERNISAYON- Ito ang pag-unlad ng isang bansa o lugar kung saan ang pangangailangan
ng mga tao ay natututgunan.

KOMUNIKASYON- Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasang ginagawa sa


pamamagitan ng sistema ng mga simbolo.

MILLENIALS- Ito ang tawag sa mga kabataan sa modernong panahon.


WIKA-Isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at kaugnay na
bantas upang maipahayag ang nais sabihin.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

Ang pananaliksik ay patungkol sa pag-usbong at paglaganap ng mga bagong salitadala ng pag-


unlad ay makatutulong sa mga respondent at mambabasa na magkaroon ng kaalaman tungkol sa
paggamit ng wika sa modernong panahon na maaaring ginagamit ng mga millennials sa
paklikipag-usap sa mga nakatatanda. Upang malaman din kung ano ang epekto, dahilan,at
solusyon upang malutas ang problemang ito. Makatutulong ito sa mga kabataan at matatanda na
mabigyan ng limitasyon ang paggamit ng mga balbal na salita.

Sa mga Kabataan:

Makatutulong ang pananaliksik na ito upang imulat natin an gating mga mata sa reyalidad at mga
pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran at wikang kinagisnan.ipakita sa kanila at ipaunawa
na sa kabila ng modernisasyong kinakaharap at pagbabago ng wikang ating ginagamit ay
mayroong mga epekto at limitasyon din sa paggamit nito at hindi sa lahat ng pagkakataon ay
maiintindihan ito ng mga taong nakakasalamuha natin.

Sa mga Magulang:

makatututlong ito upang maliwanagan ang bawat miyembrong pamilya lalo’t higit sa lahat ng
mga magulang na napakahalaga ng wika sa komunikasyon upang magkaroon ng
pagkakaintindihan ang bawat isa. Makatutulong ito upang maunawaan nila na sa kabila ng pag-
usbong at pagyabong ng modernisasyon sa panahon natin ngayon ay kasabayo dili kaya’y
nakapaloob dito ang pagkakaimbento ng mga lengguwaheat salita na sabi nila ay “ nauuso” o
wika ng mga millenials.

Sa mga Mananaliksik:

Makatutulong itro sa mga mananaliksik upang mapalawak ang kaalaman tungkol sa pag usbong
at paglaganap ng mga nauusong salitang dala ng modernisasyon at upang malaman ang epekto
nito sa pagitan ng mga kabataan at mga nakatatanda.
KABANATA III

DISENYO NG PAG-AARAL:

Ang aming pananaliksik ay isasagawa sa pamamagitan ng kwalitatibong paraan ng pangangalap


ng datos. Nais naming makakuha ng impormasyon sa aming pangunahing respondent tungkol sa
epekto ntg mga nauusong salita sa relasyon nila ng kanilang pamilya. Ang gagamitin naming ay
ang pamamaraang phenomenology dahil an gaming pag-aaral ay kailangang makakakalap ng
sapat na datos tungkol sa reyalidad ng buhay patungkol sa unti-unting pagbabago ng wika
kasabay ng modernisasyon sa iba’t ibabg paraang gamit nito.

PAGSUSURI NG DATOS:

Ang isinasagawang papel pananaliksik ay naglalayong malaman ang epekto at lunas sa unyti-
unting pagkakaroon ng pader na harang sa pagitan ng mga kabataan at nakatatanda na dahilan
upang hindi sila magkaintindihan na sanhi ng pagbabago ng wikang ginagami dala na rin ng
modernisasyon. Qualitative o ang paggamit ng naglalarawang salita ang napili naming gamitin sa
pagbuo ng maayos at malayang pangangalap ng datos. Matapos makakuha ng sapat na
impormasyon at datos ay pagsasama-samahin ang kasagutan ng mga mag-aaral ng San Jose
Senenior High School at mga magulang na naninirahan sa San Jose San Pablo City upang
malaman ang kanilang mga dahilan o opinion hinggil sa mga inihaing katanungan.

PROSESO NG DATOS:

Ang mga metodolohiyang ginamit ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aartal ay ang mga
sumusunod na pamamaraan:

Una, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng interbyu o pakikipanayam sa piling limang(5)


mag-aaral mula sa San Jose Nstional High School- Senior High School at (5) magulang na taga
san Pablo.

Ang mananaliksik ay naghanda ng (10) mga katanungan. Lima sa mga kabataan at lima din sa
mga magulang. Ang mga katanungan ay patungkol sa epekto ng pag-unlad sa pagbabago ng
wika at paano ito maaring makaapekto sa samahan ng mga bata at mga may edad.

Pangalawa, ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng “qualitative data” uang mas mapaganda ang
daloy ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga naglalarawang salita malayang naipapahayag ang
nakolektang datos na bubuo at magbibigay sasaysay sa isinsagawang pananaliksik. Sa
pamamagitan pa rin ng paglalarawan,maipapaliwanag ng mga mananaliksik ang epekto ng wika
sa modernong kabataan at nakatatanda. Sa pamamagitan din nito, may mabubuong imahesa
isipan ng mga nakakbasa ng papel pananaliksik at mauunawaan nila ang kahalagahan ng wika sa
samahan ng bawat pamilya.

Ang mga inilahad na paraan ang gagamitin ng mga mananaliksik upang matunton kung ano ang
epekto ng pag-unlad sa pagbabago ng wikamg kinagisnan. Malalaman natin kung tunay bang
may epekto ang modernisasyon sa pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa paqgitan ng mga
kabataan at mga may edad.

METODOLOHIYA:

Sa proseso ng papel pananaliksik, magsasagawa ang mga ito na kung saan ang mga piling mga
mag-aaral lamang sa San Jose Senior High School at mga magulang an gaming iinterbyuhin.
Ang interbyu ang pinakaangkop na paraan para sa mga respondent upang mailahad ng ayos ang
kanilang mga saloobin sa bawat tanong na ibibigay o itatanong. Sinasabing sa
pananaliksikkailangan mangalap ng kaalaman at ang kaligiran nito kaya interbyu an gaming
napili upang makakuha o makapangolekta ng mga naangkop na impormasyomn kakailanganin.

POPULASYON NG PAG-AARAL:

Ang mga respondent na kakailanganin name ay sampu(10) mag aaral kasama na rin ang mga
magulang upang malaman lung ano ang epekto at dahilan tungkol sa paggamit ng mga kabataan
sa wika sa modernong panahon na maaring ginagamit sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.
Ang mga kabataan na nasa edad13-19 at mga mauling na nasa edad na45 pataas an gaming
magiging resppondente.

You might also like