Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Ikatlong Kwarter - Modyul 1:

Tekstong Impormatibo
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Kwarter – Modyul 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral

Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,


Bonifacio N.Gegato Jr, Marben A. Oco
Content Editor: Johanna Vanessa C. Obedencio
Language Editor: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Proofreader: Louella Jane B. Mariano
Tagaguhit: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B. Acosta
Mga Tagapamahala:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Assistant Regional Director

Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V


Schools Division Superintendent

Rowena H. Para-on, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov,ph
5
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Ikatlong Kwarter - Modyul 1


Tekstong Impormatibo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kumusta ka na mahal kong mag-aaral? Ito ang una mong aralin. Aking
ikinagagalak na iyong pag-uukulan ng pag-aaral ang tungkol sa mga iba’t ibang teksto
sa pagpapatuloy ng bawat modyul na ito.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng


kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa
serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng
sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na
maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling
pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng


iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na
maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik. Ang modyul na ito ay
hinati sa iilang mga bahagi na may magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na


sisikapin nating matamo sa buong semestre.

Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang kaalaman tungkol


sa paksa.

Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito matututunan mo ang araling itinakda


na hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip at
isagawa.

Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo


ang bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng pagtataya ng natamong
kaalaman.

Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang iyong


kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang iyong kailangang tapusin sa bahaging
ito.
Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na
Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang burador bago mo
pinal na isulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay
matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng pagbahagi
ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o mawawalan ka ng
dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong pagsisikap ay tiyak na
magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!
Mga May-akda

ALAMIN 1

Kumusta ka na kaibigan? Isang malaking karangalan para sa akin ang


makasama ka sa pag-aaral mo ng bagong aralin. Tiyak na kawiwilihan mo ang bagong
araling inihanda ko para sa iyo. Panibagong kaalaman na naman ang magpapayaman
sa iyong isipan at karanasan na magagamit mo sa pang-araw-araw na gawain.

Sa modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na binubuo ng balikan,


tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng
modyul na ito ay may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman
bago matapos ang aralin at mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran
(cognitive), pandamdamin (affective), at sayko-motor (psychomotor).

Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat mong malinang bilang


isang mag-aaral:

1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang uri ng teksto (F11PB-IIIa-98);


2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit sa tekstong
impormatibong binasa (F11PT-IIIa-88);
3. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong Impormatibo
(F11-PS-IIIb-91);
4. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Impormatibo (F11PU-IIIb-89);
5. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat
(F11EP-IIId-36);
6. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99);
7. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong impormatibong binasa
(F11PS-7-92);

2
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, subukin mong sagutin


ang pagsusulit na ito upang malaman natin kung ano na ang iyong nalalaman.

Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa inilaang


patlang ang salitang TUMPAK kung tama ang pahayag at salitang WASAK kung mali.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


_____ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ay nakabatay sa sariling
opinyon ng may-akda.
_____ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating
pangkasaysayan.
_____ 5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginamit sa tesktong
impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa
pagbibigay- diin sa mahalagang salita tulad ng pagsulat nang
nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang
impormasyon patungkol sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at mga
pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa
paborito mong isports.
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at
bakit nagaganap ang isang bagay o pangyayari.
_____ 10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang
representasyon.
_____ 11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
_____ 12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, facebook post at sanaysay.
_____ 13. Naglalayon ang tekstong impormatibo na magbigay o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t-ibang paksa tulad ng hayop,
isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya,
kalawakan, panahon at iba pa.
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad
ng ensiklopedya at sa ibat’ ibang website sa internet.
_____ 15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

YUGTO NG PAGKATUTO
3
BALIKAN

Sa nakaraang semestre, natutunan mo ang tungkol sa “Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”. Isulat sa loob ng diyamante ang
kahalagahan nito.

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

TUKLASIN
4
Basahin ang halimbawa ng balita at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

MIS.OR., Namayagpag sa RFOT 2019!


Misamis Oriental Division sa
nagdaang Regional Festival of Talents 2020
sa Lungsod- Sangay ng Malaybalay noong
ika- 20-21 ng Nobyembre, 2019
Nasungkit ni Jernie C. Lastima , mag-
aaral ng Baliwagan Senior High School
(BSHS), ang pagiging kampeonato sa
nasabing paligsahan sa tulong ng
tagapagsanay na si Gng. Maricar C.
Ranara, guro mula sa BSHS.
“Kung may aalis, may babalik. Kung
may nawala, may papalit”, ani Ranara. Hindi
siya makapaniwala nang masungkit ang pagkapanalo dahil sa limitado lamang ang
panahong iginugol para sa pagsasanay. “May plano talaga si God”, dagdag pa nito.
Matatandaan na bago pa ang kompetisyon ay naunang sumubok si Lastima sa
larong basketball. Bigo man s’yang makuha sa nasabing laro, ngunit may magandang
naghihintay sa kanya. Mas mahaba ang kanyang panahong iginugol sa nasabing
kompetisyon kumpara sa RFOT.
“Mahirap para sa sitwasyon ko lalo na’t nanggaling ako sa simpleng palaro-
laro lamang pero ngayon biglang nag-iba. Mula sa isports patungo sa larangan ng
kasanayan sa pagsasalita. Ganyan ka makapangyarihan ang ating Panginoon”,
pahayag ni Lastima matapos ang kompetisyon.
Halos mangiyak-ngiyak ang dalawa nang idineklara ang pagkapanalo sa
patimpalak sa Tagisan ng Talento sa Filipino. Nagpakitang-gilas si Lastima sa
Dagliang Talumpati na nilahukan ng mga mag-aaral ng Senior High mula sa Rehiyon
Diyes.
Matatandaan na ito ang pangalawang pagsalang ng BNHS sa nasabing
paligsahan. Sa ngayon, puspusan na ang kanilang ginagawang paghahanda para sa
darating na National Festival of Talents – Tagisan ng Talento sa Filipino (NFOT)2020
na idaraos sa Ilagan, Isabela.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang paksa ng balita?
2. Sino ang mga sangkot?
3. Saan nangyari ang paligsahan?
4. Kailan ito nangyari?

SURIIN
5
TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay
sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin
ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman
tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral
ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng
ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga
bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong
impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin nitong magbigay ng mahalagang
impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng
mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay
nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong
impormatibo: mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang
mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating
mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop
at iba pang nabubuhay.

 Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo
ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong
upang agad na makita at malaman ng mga mambabasa ang pangunahing
ideya ng babasahin.

 Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga
detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay


na binibigyang-diin:
 Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
Halimbawa:
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang
higit na mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.
 Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
Ito ay ang paggamit ng mga6estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis, nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” upang higit na madaling
makita ang mga salitang binibigyang- diin sa babasahin.
 Pagsulat ng mga Talasanggunian
Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang
sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging
batayan ng mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan


Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaring ang
pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng
balitang isinulat ng mga reporter ng mga pahayagan o mga pangyayaring may
historical account.

 Pag-uulat pang-impormasyon
Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay
gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying

 Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o
bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

Gawain 1

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang tesktong impormatibo?


2. Ano-ano ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?
3. Ano-ano ang mga elemento ng tekstong impormatibo?
4. Ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?
5. Bakit kailangang ilahad ng talasangguniang ginamit sa
tekstong impormatibo?
6. Sa paanong paraan magiging mas epektibong
maipararating ng manunulat ang mahahalagang
impormasyon sa kanyang mga mambabasa?

PAGYAMANIN 7
Basahin ang halimbawa ng tesktong impormatibo.

CYBERBULLYING

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya,


isang uri ng pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang
pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito
ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng
masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang
usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o
pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga
pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng
iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba
pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang
nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging
biktima nito. Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng
depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-
iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan,
pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging
biktima rin ng harapang bullying.

Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung
saan may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong
2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang
makatotohanang pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang
opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika
ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng
cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang
mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

Gawain 2

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:


(F11PS-IIif-92 Naipapaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tesktong binasa)

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?


2. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong katangian ng
tekstong binasa ang magpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo?
4. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon?
5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa
tekstong binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito?

Gawain 3
8
Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto na
nakasulat nang madiin sa bawat bilang.
(F11PT-IIIa-88 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang
salitang ginamit ng tesktong binasa.)

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di-piksyon: talambuhay, balita,at


artikulo sa magasin. Batay sa mga halimbawang ito, anong
pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa di-piksyon?
____________________________________________________________

2. Ang sumusunod ay mga babasahing piksyon: maikling kwento, tula, at


nobela. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o
katangian ang maibibigay mo para sa mga babasahing piksyon?
____________________________________________________________

3. Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa


pinagmulan ng salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong
impormatibo?
_____________________________________________________________

4. Ang ilan sa mga elemento ng tekstong impormatibo ay: layunin ng may-akda,


pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, estilo sa pagsulat at kagamitan o
sanggunian. Ano ang ibig tukuyin ng pahayag na pangunahing ideya?
____________________________________________________________

5. Kailangan ng mga pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing


ideya. Ano ang ibig ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?
_____________________________________________________________

Gawain 4
9
Gusto mong bumili ng aklat kaya nagpasama ka sa iyong kaibigan sa pagpunta
sa pinakamalapit na bookstore. Sapat lang ang pera mo para sa isang aklat o
babasahin. Alin sa sumusunod ang bibilhin mo? Lagyan ng tsek ang kahong katapat
nito.

aklat na di-piksyon tungkol sa pang-araw-araw na paksa sa buhay

aklat tungkol sa mga hayop, halaman at iba pang nabubuhay sa mundo

aklat tungkol sa mga natatangi at kagila-gilalas na mga tunay na pangyayari

aklat tungkol sa paborito mong isports

aklat tungkol sa pagbuo ng paborito mong craft o libangan

bagong nobela

isang magasin

talambuhay o memoir ng isa sa mga hinahangaan mong tao

Source: www.google.com,www.guinnessworldrecords.com, www.yesmen.magazines.com , www.philstar.com www.Do-It-


Yourself Magazine( Better Homes Garden), Joel Osteen the Power of Who I am Magazine, Sport Illustrated Kids Big Book of
Who BaskeballbySports

1. Bakit ang aklat o babasahing ito ang napili mo?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano ang naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o
babasahin?
_______________________________________________________________________
________________________________________________________.______________
_
3. Anong mga aklat ang magbibigay ng makabuluhang impormasyon? Sa anong uri ng
tekstong
impormatibo nabibilang ang aklat na ito? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
10
ISAISIP

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang


layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na
paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na ano,
ISAGAWA

Gawain 5

Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa


ng tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon
at isulat ito sa inilaang patlang.
(F11PB-IIIa-98 Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa)

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at
bakit nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may
pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni
Rodel na magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak
niya ngayon ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming
sa Kapaligiran.”

____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop.


Iba’t iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni
Donna ang istorya sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng
Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
11
____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang
balitang ito: “51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong
Enero 24-31, 2016.”
____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang
hawak niya. Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe
2015.”

Gawain 6

Batay sa binasang tekstong pinamagatang “Cyberbullying”, pagnilayan ang


sumusunod na sitwasyon at iugnay ito sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid
maging sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Isulat sa dyornal ang iyong
mga kaisipan.
(FIIPB-IIId-99 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig)

1. May kasabihang walang mambu-bully kung


walang magpapa-bully. Ano-ano ang
gagawin mo upang maiwasang maging
biktima ng cyberbullying?

2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya


o malapit na kaibigan mo ang magiging
biktima ng cyberbullying, ano-ano ang
gagawin mo o ninyo upang mapigilan ang
ganitong uri ng pang-aabuso at
mapanagot ang taong gumagawa nito?

3. Kung ikaw ang nambu-bully ngayon at


nalaman mo ang masasamang epekto
nito sa biktima mo na maaring bumalik sa
iyo sa mga darating na panahon, ano ang
gagawin mo upang makabawi sa
nagawang pagkakamali?

4. Bakit mahalaga ang pagiging responsable


sa paggamit ng internet at laging
pagsasaalang-alang sa pahayag na
“Think before you click”?

Gawain 7
12
Ngayon ay ikaw naman ang sumulat ng sarili mong halimbawa ng tekstong
impormatibo. Maari kang mag-isip ng sariling paksang susulatin na ihihingi mo ng
pahintulot sa iyong guro o maaari kang pumili sa mga paksang nakalahad sa ibaba:

 Mga paraan sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan


 Epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa
 Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant
noodles at iba pa
 Sanhi at Bunga ng COVID-19
 Isang balitang lokal na personal mong nasaksihan
 Kasaysayan ng iyong barangay o lugar

TAYAHIN

PANGHULING PAGTATAYA

Batay sa sariling paghihinuha, isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama


kung tama ang pahayag at isulat naman ang salitang MALI kung mali ito.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


_____ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad sa tekstong impormatibo ay
nakabatay sa sariling opinyon ng may-akda.
_____ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating
pangkasaysayan.
_____ 5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginagamit sa tesktong
impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa
pagbibigay-diin sa mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang
impormasyong patungkol sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at
mga pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa
paborito mong isports.
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at
bakit nagaganap ang isang bagay o pangyayari.
_____10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang
representasyon.
_____11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
_____12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, mga facebook post at
sanaysay.
_____13. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga
hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay,
13
heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad
ng encyclopedia at sa ibat’ ibang websites sa internet.
_____15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 8

Basahin ang balita sa ibaba at gumawa ng isang reaksyong papel. Isaalang-


alang sa pagsulat ang mabisang paraan ng pagpapahayag at ang kabuluhan ng teksto
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

(FIIPU-III-fg-90 Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa


reaksyong papel na isinulat at FIIEP-IIIj-37 Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa
binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig)

Lumabas sa imbestigasyon ng Commision of Human Rights (CHR) ng Negros


Occidental na ang isang mag-aaral, na nasa Baitang-8 na si Eric Hain Demafeliz ng
Bago City, ay nagpatiwakal dahil sa Cyberbullying.

Sa pagbisita ng imbestigador ng CHR-Negros Occidental na si G.Vincent


Parra, napag-alaman nitong inakusahan si Demafeliz ng pagnanakaw ng Computer
Tablet ng kanyang kaklase. Ipinakita ng gurong-tagapayo ang larawang kinuha mula
sa isang social media site kung saan may mga mensahe ng pag-akusa kay Demafeliz.

- Halaw mula sa https://www.sunstar.com.ph/article/404657

Binabati kita! Natapos mo nang gawin ang Modyul 1. Sa kabuuan,


napagtanto mo na ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-
piksyon. Ito’y naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw na walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. Hindi ito nakabatay
sa sariling opinyon lamang ng sumulat kundi mula ito sa mga datos na
kadalasang makikita sa mga pahayagan, balita, magasin, textbook,
encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet.

Maaari mong ipagpapatuloy ang mga gawain na matatagpuan sa


susunod na modyul. Nawa’y patnubayan ka ng Maykapal.

SUSI SA PAGWAWASTO
14
15
TALASANGGUNIAN

MGA AKLAT

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat.


Manila: Komisyon ng Wikang Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline.


Quezon City: Great Book Publishing, 2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon.


Malabon City: Mutya Publishing House, 2011.

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma.


Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc., 2016.

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


‘Pananaliksik. Manila: REX Bookstore,

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

INTERNET

https://www.sunstar.com.ph/article/404657
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/
https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830
https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyong_Kaala
man

16
For inquires or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address

You might also like