Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 34

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 3 at 4

i
3
Araling Panlipunan
Kuarter 1 - Modyul 3
Populasyon ng Iba’t-ibang
Pamayanan sa Rehiyon 2
Araling Panlipunan – Grade 3
Alternative Delivery Mode
Kuarter 1 - Modyul 3 : Populasyon ng Iba’t-ibang Pamayanan sa Rehiyon 2
Unang Edisyon, 2020
ISBN No. ____________________

Paunawa hinggil sa karapatang sipi. Isinasaad ng Seksyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga
may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng
mga tagalathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim:Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD., CESO V
Schools Division Superintendent : ALFREDO B. GUMARU, JR., EdD., CESO VI
Asst. Schools Division Superintendent(s): MARITES L. LLANES, CESE
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : RUBY B. MAUR, EdD.
Development Team
Writers : JEAN N. CRISTOBAL, Don Faustino N. Dy ES, Cauayan City
Content Editor : NOIMI L. TATTAO, Cauayan South Central School, Cauayan City
JUVILYN ESPIRITU, SDO Quirino
ROSHALIE LUIS, SDO Cagayan
NOIMI TATTAO, SDO Cauayan City
JUNJUN RINGOR JR., SDO Isabela
Language Editor : LODESA G. DULNUAN, Don Faustino N. Dy ES, Cauayan City
Illustrators : JEAN N. CRISTOBAL, Don Faustino N. Dy ES, Cauayan City
Layout Artists : JEAN N. CRISTOBAL, Don Faustino N. Dy ES, Cauayan City
Focal Persons : HILARIO P. LAUIGAN, Division Learning Area Supervisor
CHERRY GRACE D. AMIN, Division LRMS Supervisor
MIRAFLOR D. MARIANO, Regional Learning Area Supervisor
RIZALINO G. CARONAN, Regional LRMS Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________________


Department of Education – Region II
Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

Telefax: (078) 304-3855; (078) 396 – 9728


E-mail Address: region2@deped.gov.ph
____________________________________________________________________
____________________
Alamin

Iba’t iba ang mga katangian ng bawat lalawigan


ng Rehiyon 2. Nakahati ang rehiyon sa sumusunod na
lalawigan: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at
Quirino.

Naiiba ang bawat lalawigan sa kanilang lokasyong


pangheograpiya. Magkakaiba sila sa laki, anyo at hugis.
Naiiba rin sila sa kani-kanilang populasyon.

Sa araling ito, inaasahang:

1. makagagamit ng talahanayan upang mailarawan ang


populasyon ng mga lalawigan sa Rehiyon 2;
2. nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang
pamayanan sa sariling lalawigan batay sa: a) edad; b)
kasarian; c) relihiyon at d) etnisidad
3. naisusulat ang mga mahahalagang impormasyon ng
populasyon sa sariling lalawigan batay sa: a) edad; b)
kasarian; c) relihiyon; at d) etnisidad
4. naipapaliwag ang kahalagan ng populasyon ng bawat
lalawigan sa Rehiyon 2.

1
Subukin
Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1.Anong lalawigan ang may pinakamalaking populasyon sa


Rehiyon 2?
A. Batanes
B. Cagayan
C. Isabela
D. Quirino

2. Anong lalawigan ang may pinakamaliit na populasyon sa


Rehiyon 2?
A. Quirino
B. Batanes
C. Isabela
D. Cagayan

3.Ang Cagayan ay may _________ na populasyon?


A. 17,246
B. 1,199,320
C.1,593,566
D. 452,287

4.Ilang lalawigan meron ang Rehiyon 2?


A. lima
B. tatlo
C. apat
D. isa

5. Ilan ang kabuoang populasyon ng Rehiyon 2 ?


a. 858,793
B.796,151
C. 623,123
D.3,415,410

2
Aralin Populasyon ng Iba’t-ibang Pamayanan
sa Rehiyon 2
1
Ang pamayanan ay maaaring barangay, bayan,
lalawigan, rehiyon, bansa o buong daigdig. Ito ay
kinabibilangan ng mga tao na siyang bumubuo ng
populasyon. Ang populasyon naman ay tumutukoy sa
kabuoang bilang ng mga naninirahan sa isang lugar o pook.
Mahalaga ang bawat tao dahil sila ang bumubuo ng
populasyon ng isang lalawigan.

Balikan

Tingnan ang isang mapa ng populasyon sa ibaba. Ikaw


ba ay pamilyar sa paggamit ng mapa? Alam mo ba kung
ano at para saan ang mapa? Sa ibaba, merong mapa ng
Rehiyon 2. Mapapansin mo ang iba’t ibang bilang ng
populasyon ng bawat lalawigan ng Rehiyon 2.

MAPA NG REHIYON 2

3
Base sa mapa na nasa itaas, ano kayang lalawigan sa
Rehiyon 2 ang may pinakamaraming populasyon? Anong
lalawigan naman sa Rehiyon 2 ang may pinakamaliit na
populasyon?
Ang nasa itaas ang tinatawag na mapa ng
populasyon. Ginagamit ang mapa ng populasyon sa
pagtukoy ng bilang ng mga taong naninirahan sa bawat
pamayanan. Nagagamit din ang ganitong mapa sa
pagtukoy at paghambing ng populasyon sa iba’t ibang lugar
na nakatira rito.

Mga Tala para sa Guro


Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga
panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa
mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsulat ng kanilang sagot sa mga gawain. Lahat
ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay
ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na
marka.

4
Tuklasin

Suriin natin ang populasyon ng Rehiyon 2. Sa tingin mo,


gaano kalaki o kaliit ang populasyon sa Rehiyon 2? Anong
lalawigan ang may pinakamalaki at may pinakamaliit na
populasyon?

Ang kabuoang lupain ng Region 2 kabilang ang lima na


lalawigan ay tinatayang umaabot sa mahigit sa 28,228.83
km2 na ektaryang lupain.

Tingnan natin sa ibaba ang isang talahanayan ng land


area at ang populasyon ng mga lalawigan sa Rehiyon 2.

Talahanayan ng Land Area at Populasyon ng mga


Lalawigan sa Rehiyon 2

Lalawigan Kapital Populasyon(2015) Lanf Area (km²)


Batanes Basco 17,246 219.01 km²
Cagayan Tuguegarao 1,199,320 9295.75 km²
Isabela Ilagan 1,593,566 12,414.93 km²
Nueva Vizcaya Bayombong 452,287 3,975.67 km²
Quirino Cabaroguis 188,991 2323.47 km²
Dagup 3,415,410 28,228.83 km²
(2015 Census of Population)

Ating pag-aralan ang talahanayan. Ang talahanayan ng


populasyon ay base sa isang datos galing sa Philippine
Statistics Authority. Makikita natin sa tahanayan ang
populasyon at land area ng mga lalawigan sa Region 2.

5
Ayon sa 2015 Census of Populasyon (POPCEN 2015) ang
Rehiyon 2 ay may kabuoang populasyon na 3,415,410 katao.

Makikita natin sa talahanayan na sa limang lalawigan


ng Rehiyon 2, ang lalawigan ng Isabela ang may
pinakamalaking populasyon. Meron itong 1,593,566 na
populasyon. Sumunod naman ay ang lalawigan ng
Cagayan na may populasyon na 1,199,320 at ang lalawigan
ng Nueva Vizcaya na may 452,287 na populasyon.
Pumangalawa sa pinakamaliit ay ang lalawigan ng Quirino
na may 188,991.Ang pinakamaliit na populasyon ay ang
lalawigan ng Batanes na may populasyon na 17,246.

Ang Paglaki ng Populasyon sa Rehiyon 2

Tinatayang kada taon ay lumalaki ang populasyon ng


bawat lugar at kabilang dito ang Rehiyon 2.

Narito ang isang talahanayan tungkol sa paglaki ng


populasyon sa Rehiyon 2.
Ang Paglaki ng Populasyon sa Bawat Lalawigan sa Kada Taon
(Base sa 2000,2010 at 2015 na Census)
Lalawigan 2010-2015 2000-2010
Batanes 0.72 0.08
Cagayan 1.23 1.25
Isabela 1.29 1.47
Nueva Vizcaya 1.36 1.39
Quirino 1.28 1.75
(Population of Region II Based on the 2015 Census of Population
reference # 2016-065)

6
Base sa talahanayan, ano kayang lalawigan ang may
pinakamataas at pinakamababang pagtaas ng
populasyon?

Makikita natin sa ating talahanayan na ang lalawigan


ng Nueva Viscaya ang may pinakamabilis na lumalagong
lalawigan sa rehiyon na may average na taunang pagtaas
ng populasyon na 1.36% sa panahon ng mga taong 2010
hanggang 2015.

At ito ay sinundan ng Isabela na may 1.29%, Quirino na


may 1.28%, at Cagayan na may 1.23%. Ang Batanes ay
lalawigan na may pinaka-mababang pagtaas ng
populasyon (population growth rate) ito ay may 0.72%.

Ang populasyon ng Rehiyon 2 Batay sa Edad

Napag-isip mo ba kung ano kayang edad ang may


pinakamaraming populasyon? Tingnan ang talahanayan sa
ibaba.

Edad Porsyento sa Edad Porsyento sa


Populasyon Populasyon
1- pababa 2.02 40 -44 5.94
1-4 8.49 45 - 49 5.44
5- 9 10.38 50 - 54 4.82
10 -14 9.79 55 - 59 4.01
15 -19 9.63 60 -64 3.04
20 - 24 9.23 65 - 69 2.02
25 - 29 8.10 70 - 75 1.25
30 -34 7.17 75 - 79 0.98
35 - 39 6.76 80 pataas 0.93
(PSA.gov.ph>files>attachments Region II-Cagayan Valley)

7
Ayon sa Philippine Statistic Authority, ang bata na may edad
na 5 hanggang 9 na taon ay binubuo ng pinakamalaking
pangkat ng edad na may 10.38% na kabuoang populasyon.
Sinusundan ng mga nasa pangkat ng edad 10 hanggang 14
na taon na may 9.79%, 15 hanggang 19 taon na may 9.63%
at 80 pataas na may 0.93% naman ang pinakamababa.

Ang Populasyon ng Rehiyon 2 Batay sa Kasarian

Sa kabuoang populasyon, 50.97% ang lalaki habang 49.01%


ay mga babae. At ang kabuoang populasyon ay 3,225,761.

Edad Lalaki Babae Kabuoan


4 pababa 178,657 166,422 345,079
5-9 174,383 161,848 336,231
10 -14 177,106 165,337 342,443
15 -19 174,781 164,079 338,860
20 - 24 150,597 141,611 292,208
25 -29 129,994 122,923 252,917
30 - 34 121,578 115,146 236,724
35 - 39 109,697 103,051 212,748
40 - 44 100,381 94,488 194,869
45 - 49 90,432 86,255 176,687
50 -54 76,034 73,089 149,123
55 -59 56,646 57,044 113,690
60 - 64 38,487 41,568 80,055
65 - 69 24,287 29,090 53,377
70 - 74 19,713 25,764 45,477
75 - 79 11,694 16,374 28,068
80 -84 5,885 9,565 15,450
85 pataas 4,358 7,397 11,755
Kabuoan 1,644,710 1,581,051 3,225,761
(PSA.gov.ph>files>attachments Region II-Cagayan Valley)

8
Ang Populasyon ng Rehiyon 2 Batay sa Relihiyon

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA) dito sa


Rehiyon 2, halos 76.15% ng kabuoang populasyon ay ang
nag-ulat na Roman Catholic ang kanilang relihiyon. Ang
sumunod na pinakamalaking relihiyon dito sa Rehiyon 2 ay
ang mga Evangelicals, 3.66% naman ay mga Aglipayano at
ang 15.65% ay galling sa iba’t-ibang pananampalataya.

Ang Etnisidad ng mga Tao sa Rehiyon 2


Ayon sa Philippine Statistics Authority, Population and
Housing ng 2000 Census ay karamihan ang mga etnikong tao
sa Rehiyon 2 ay mga Ilocano na may 68.57%. Ang mga
sumunod na tatlong prominenteng etnikong grupo ay ang
mga Itawit na may 8.63%, Ibanag na 8.51% at ang mga Itawis
na may 7.81% ng buong populasyon ng Rehiyon 2.

Suriin

Dahil alam mo na ang mga mahahalagang impormasyon


tungkol sa populasyon ng Region 2, ating pag-aralan ang
talahanayan na nasa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Talahanayan ng Populasyon ng mga Lalawigan

Lalawigan Kapital Populasyon / 2015


Batanes Basco 17,246
Cagayan Tuguegarao 1,199,320
Isabela Ilagan 1,593,566
Quirino Cabarroguis 188,991
Nueva Vizcaya Bayombong 452,287

1. Anong lalawigan ang may pinakamaraming populasyon?

9
2. Ayon sa talahanayan, ang lalawigan ng ________ ay
pangalawa sa pinakamaliit ng populasyon?
3. Ang Cagayan ay may populasyon na ____________.
4. Ang Quirino ay may populasyon na ____________.

Pagyamanin

Pag-aralan muli ang talahanayan na nasa ibaba. Sagutin


ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Ang paglaki ng Populasyon sa Bawat Lalawigan Kada


Taon
(Base sa 2000, 2010 at 2015 na Census
Lalawigan Porsyento ng Paglaki ng populasyon
sa bawat taon(Growth Rate)
2010-2015 2000-2010
Batanes 0.72 0.08
Isabela 1.23 1.25
Cagayan 1.29 1.47
Nueva Vizcaya 1.36 1.39
Quirino 1.28 1.75

1. Anong lalawigan ang may pinamaliit na population


growth rate sa taong 2010 hanggang sa 2015?

2. Anong lalawigan ang may pinakamalaking population


growth rate sa taong 2010 hanggang sa 2015?

3. Ang lalawigan ng Cagayan ay may population growth


rate na ______________ sa taong 2010 hanggang sa 2015.

4. Ang lalawigan ng Isabela ay may population growth rate


na ______________ sa taong 2000 hanggang sa 2010.

10
5. Sa taong 2000 hanggang sa 2010, ang population growth
rate ng lalawigan ng Isabela ay mas malaki kaysa sa
lalawigan ng Batanes dahil meron itong ______________ na
growth rate.

Isaisip

1. Sa limang lalawigan, ang Isabela ang may


pinakamalaking populasyon sa Rehiyon 2.

2. Ang lalawigan ng Batanes naman ay may pinakamaliit


ng populasyon sa Rehiyon 2.
3. Ang kabuuang populasyon ng Rehiyon 2 ay 3,451,410.
4. Ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ang may
pinakamabilis na lumalagong lalawigan sa rehiyon
na may average na taunang pagtaas ng populasyon
na 1.36% sa taong 2010-2015.
5. Ang lalawigan ng Batanes ang may pinaka-
mababang pagtaas ng populasyon sa taong 2010-
2015 (population growth rate) ito ay may 0.72%.
6. Ang edad na 5 hanggang 9 na taon ay binubuo ng
pinakamalaking pangkat ng edad na may 10.38% na
kabuoang populasyon.

7. Mayroong 76.15% ka tao ang nag-ulat na Roman


Catholic ang kanilang relihiyon o paniniwala.

11
Isagawa
Pag-aralan ang isang bar graph ng populasyon. Sagutin
ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang tamang titik sa
sagutang papel.

Column1
514,143 491,927 478,667 475,808
Column2
Series 1

0-4 GULANG 5-9 GULANG 10-14 GULANG 15-19 GULANG

1. Anong edad o gulang ang may pinakamalaking


populasyon?
A. 0-4 na gulang
B. 5-9 na gulang
C. 10-14 na gulang
D. 15-19 na gulang

2. Ano ang bilang ng populasyon na may edad na 5-9 na


gulang?
A. 514,143
B. 475,808
C. 491, 927
D. 478,667
3. Anong edad o gulang ang may pinakamaliit na
populasyon?
A. 0-4 na gulang
B. 5-9 na gulang

12
C. 10-14 na gulang
D. 15-19 na gulang
4. Ano ang bilang ng populasyon na nasa gulang 10-14?
A. 514,143
B. 475,808
C. 491,927
D. 478,667
5. Bakit mahalaga na malaman natin ang populasyon batay
sa edad?
A. Dahil sinabi ng guro ko na mahalaga ang
populasyon.
B. Alam natin kung anong edad ang
pinakamaraming populasyon.
C. Alam natin kung anong edad ang pinakamaliit na
populasyon.
D. Alam natin kung anong edad ang pinakamarami
at pinakamaliit na populasyon.

13
Tayahin

Tingnan ang isang graph na nasa ibaba . Sagutin ang mga


sumusunod na tanong. Isulat ang tamang titik sa sagutang
papel.

Populasyon ng Iba't-ibang Relihiyon o Paniniwala sa


Rehiyon 2
4,000,000

3,500,000

3,000,000

2,500,000

2,000,000

1,500,000

1,000,000

500,000

Romano Kalotiko Evangelicals Aglipayano Iba't-ibang Relihiyon

1. Anong relihiyon o paniniwala ang may pinakamataas


na populasyon?
A. Evangelicals
B. Iba’t-ibang
C. Aglipayano
D. Roman Catholic

2. Anong relihiyon o paniniwala ang pangalawa sa


pinakamataas na populasyon?
A. Evangelicals
B. Iba’t-ibang Relihiyon

14
C. Aglipayano
D. Roman Catholic
3. Anong relihiyon o paniniwala ang pangalawa sa
pinakamaliit na bilang?
A. Evangelicals
B. Aglipayano
C. Iba’t-ibang Relihiyon
D. Roman Catholic
4. Ano ang bilang ng mga tao na ang kanilang relihiyon
ay Evangelicals?
A. 0 hanggang 250,000
B. 250,000 hanggang 500,000
C. 500,000 hanggang 750,000
D. 750,000 hanggang 1,000,000
5. Bakit kailangan natin alamin ang populasyon ng iba’t
ibang relihiyon o paniniwala sa Rehiyon 2?
A. Sinabi ng guro kaya susundin ko ito.
B. Sinabi ng mga magulang ko kaya susundin ko ito.
C. Upang malaman natin kung ano ang iba’t ibang
relihiyon at ang kanilang bilang.
D. Upang malaman natin kung ano ang
pinakamahusay na relihiyon dito sa Rehiyon 2.

Karagdagang Gawain

Ngayon, alam mo na ang tungkol sa populasyon sa


Rehiyon 2. Alam mo na rin ang populasyon ng iba’t ibang
lalawigan sa Rehiyon 2. Ipaliwanag ang iyong sagot sa mga
katanungan sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.

A. Bakit mahalaga malaman natin ang populasyon ng isang


lugar o lalawigan.
________________________________________________
_______________________________________________.

15
Susi sa Pagwawasto

Subukin Suriin Pagyamanin

D 5. 1. Isabel 5. 0.08

A 4. 2. Batanes 4. 1.23

C 3. 3. Quirino 3. 1.29

B 2. 4. 1,199,320 Vizcaya

C 1. 5. 188,991 2. Nueva
1. Batanes

Isagawa Tayahin

c 5.
a 4.
d 5. b 3.
d 4. b 2.
d 3. d 1.
c 2.
a 1.

Sangunian
Philatlas.com/Luzon/r02.html

Google.com/seasrch?q=religion+of+people+in+region+2&rlz=1C1CH
BD_enPH902PH902&oq=religion+of+people+in+region

Census of Population(2015). “Region II(Cagayan Valley)”. Total


Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA Retrieved
June 20, 2016.

16
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4
Katangiang Pisikal na Nagpakikilala
ng Iba’t Ibang Lalawigan sa
Rehiyon
Araling Palipunan– Grade 3
Alternative Delivery Mode
Kuarter 1 Modyul 4 : Katangiang Pisikal na Nagpakilala ng Iba’t-ibang Lalawigan sa Rehiyon
Kompetensi: Katangiang Pisikal na Nagpakikilala ng Iba’t Ibang Lalawigan sa Rehiyon
Competency Code:MELC AP3 LAR-le7 Kuarter 1 Week 4
Unang Edisyon, 2020
ISBN No. ____________________
Paunawa hinggil sa karapatang sipi. Isinasaad ng Seksyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagalathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD., CESO V
Schools Division Superintendent : ALFREDO B. GUMARU, JR., EdD., CESO VI
Asst. Schools Division Superintendent(s): MARITES L. LLANES, CESE
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : RUBY B. MAUR, EdD.
Development Team
Writers : ROWENA C. CADELINA,Cauayan South Central School, Cauayan City
: WILBEL A. MANALIGOD, Cauayan South Central School, Cauayan City
: ROBELYN BLAS,Marabulig 1 ES, Cauayan City
Content Editor : NOIMI L. TATTAO, Cauayan South Central School, Cauayan City
Language Editor :LODESA G. DULNUAN, Don Faustino N. Dy ES, Cauayan City
: JOSEPH N. DULNUAN, Marabulig 1 ES, Cauayan City
Illustrators : Name, School, SDO
Layout Artists : Name, School, SDO
Focal Persons : HILARIO P. LAUIGAN, Division Learning Area Supervisor
: CHERRY GRACE D. AMIN, Division LRMS Supervisor
: MIRAFLOR D. MARIANO, Regional Learning Area Supervisor
: RIZALINO G. CARONAN, Regional LRMS Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________________


Department of Education – Region II
Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

Telefax: (078) 304-3855; (078) 396 – 9728


E-mail Address: region2@deped.gov.ph
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang makilala ang sariling
lalawigan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kinabibilangang lalawigan. Mahalaga sa atin ang ating lalawigan
sapagkat dito tayo nabibilang at dito rin nakatira ang ating
pamilya at mga kaibigan. Kaya’t marapat na alamin natin kung
ano ang natatangi sa ating lalawigan at mga karatig-lalawigan
sa rehiyon upang lubos na maipakilala ang mga ito sa mga tao
sa ibang lalawigan. Halika at pag-aralan natin ang
magagandang lugar sa ating lalawigan, ang mga anyong pisikal
na makikita rito kasama ang mga tanyag na lugar na
nagpakikilala sa ating lalawigan at ang pagiging kabilang sa
isang rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang:

1. Nasusuri ang mga katangiang pisikal ng mga lalawigan sa


rehiyon;

2. Natutukoy ang mga kahalagahan ng mga anyong lupa o


anyong tubig na nagpapakilala sa lalawigan at rehiyon;

3. Naihahambing ang katangiang pisikal ng iba’t ibang lalawigan


sa rehiyon; at

4. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga katangiang pisikal


na nagpapakilala ng lalawigan at rehiyon.

1
Subukin

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas na makikita sa


rehiyon 2?
A. Ilog Cagayan
B. Ilog Isabela
C. Ilog Quirino
D. Ilog Nueva Vizcaya
2. Saang lalawigan makikita ang dating kagubatan na ginawang
National Park?
A. Isabela
B. Nueva Vizcaya
C. Cagayan
D. Batanes
3. Anong uri ng anyong lupa ang lalawigan ng Isabela?
A. Bundok
B. Kabundukan
C. Bulkan
D. Kapatagan
4. Alin sa mga sumusunod ang makikita sa lalawigan ng
Cagayan?
A. Magat Dam
B. Bulkang Iraya
C. Bulkang Didicas
D. Victoria Cave
5. Ano ang pinakamalaking Talon ang makikita sa lalawigan ng
Isabela?
A. Talon ng Dibulo D. Blue Waterfalls
B. Talon ng Imugan
C. Bukal sa Baggao

2
Aralin Katangiang Pisikal na
Nagpakikilala sa Iba’t
1 Ibang Lalawigan ng
Rehiyon
Mahalaga ang iyong probinsiya dahil dito ka nabibilang,
dito ka nakatira kasama ang inyong pamilya at mga kaibigan.
Ang Rehiyon II, ay mayroong 5 probinsiya. Ang una ay
Nueva Vizcaya na isang bulubundukin. Maraming makikitang
mga magagandang talon, isa na dito ang talon ng Imugan. Dito
rin makikita ang ginawang National Park. Ang Cagayan ay
kakikitaan ng mga katubigan at bulkan. Sa Cagayan makikita
ang iba’t-ibang mga bulkan gaya ng Bulkang Didicas, Bulkang
Camiguin de Babuyanes, , Bulkang Cagua na sinasabing
“Bulkang Apoy”
Marami pang makikitang iba’t ibang uri ng anyong tubig
gaya ng Bukal at Blue Water Falls sa Baggao. Sa Batanes makikita
ang Bulkang Matarem at Bundok Iraya at Burol ng Racuh.
Ang Isabela ay isang kapatagan, makikita dito ang
kapatagan ng Mallig, at mga katubigan gaya ng Magat Dam sa
Ramon at baybayin ng Palanan.
Sa Quirino makikita ang iba’t-ibang pasyalan kagaya ng
Governors Rapid sa Maddela. Dito din matatagpuan ang
natatanging anyong lupa na Aglipay Cave.

3
Balikan

Suriin ang bar graph tungkol sa populasyon ng iba’t-ibang


probinsiya sa rehiyon. Ano ang masasabi mo sa pagkakaiba ng
bilang sa bawat probinsiya. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong batay sa mga bilang na nasa bar graph.

Isabela Cagayan Nueva Quirino


Pagbasehan
Vizcaya
Trabahador

Mangingisda

1. Anong lalawigan ang may pinakamalaking bilang ng


trabahador? ____________________________________________
2.Anong lalawigan naman ang may pinakamaraming
mangingisda? _____________________________________________
3. Bakit marami sa mga trabahador ang nakatira sa Cagayan?
___________________________________________________
4.Ano ang mga dahilan bakit gusto nilang manirahan
dito?________
5. Ano kaya ang katangiang pisikal ng lalawigan ng Cagayan at
bakit maraming gustong tumira na mangingisda dito?

4
Tuklasin
Inanyayahan ni Angel ang pamilya ng kanyang matalik na
kaibigan na si Jannette na magbakasyon sa kanilang lugar sa
Ilagan. Malapit na kasi ang pista sa kanilang lugar. Manggagaling
pa si Jannette sa Nueva Ecija.

Madali ang pumunta dito sa


aming lugar. Mula sa inyo,
Paano ba pumunta sa dadaan kayo sa bulubunduking
inyo? lugar ng Nueva Vizcaya, aakyat
kayo sa zigzag road ng Sta. Fe.
Dadaan din kayo sa bayan ng
Diadi, Cordon, gayundin sa
Lungsod Santiago. Madaraanan
niyo rin ang Echague, Alicia,
Lungsod ng Cauayan, Bayan ng
Reina Mercedes, Naguilian at
Gamu hanggang sa
makarating kayo dito sa
Lungssod ng Ilagan.

O sige, titingnan na lang namin


sa mapa ang papunta sa inyo.
Asahan mo kami sa pista. Sabik
na rin kaming makita kayong
lahat.

5
Suriin
Sagutin ang sumusunod:
● Ano ang usapan ng magkaibigang Angel at Jannette?
_____________________________________________________
● Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng mga lugar na
madadaanan ni Jannette mula sa Nueva Vizcaya hanggang
Isabela?
________________________________________________________________

Lugar Pisikal na Katangian


Sta. Fe Bulubundukin
Diadi
Cordon
Santiago

6
Pagyamanin
Gawain 1
Halina’t tayo’y maglakbay. Alam mo ba ang mga natatanging
lugar sa iyong lalawigan at mga karatig nito?. Sabihin kung saang
lalawigan matatagpuan ang mga kilalang anyong tubig at
anyong lupa nasa larawan.

1. Palanan,__________ 2. Kasibu, ___________

3. Nagtipunan, ______ 4. Ramon, __________

. Sabtang, ________ 6. Santa Ana, _______

7
Gawain 2
Panuto: Iguhit ang anyong lupa at anyong tubig na
nagpapakilala sa iyong lalawigan. Buoin ang brochure tungkol
dito at hikayatin ang mga tao na pumunta rito sa pamamagitan
ng pagpapakilala ng magagandang tanawin at pasyalan sa
Rehiyon 2.

Ang aking lalawigan ay _______________________________________.


Makikita rito ang tanyag na _________________________________.
Ang anyong tubig o lupa ito ay _______________________.
Marami ang pumupunta rito dahil______________________
Kaya inaanyahan naming kayong pasyalan ang tanyag na
lugar na ito sa aming lalawigan. Tiyak na Masisisyahan kayo rito.

Gawain 3
Ilarawan ang iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon mo, sa
pamamagitan ng pagkompleto sa mga sumusunod na
pangungusap.

1. Ang lalawigan ng _______________ ay napapalibutan ng mga


bulubundukin.

2. Ang Magat Dam ay makikita sa lalawigan ng____________

8
3. Ang lalawigan kung saan makikita ang Blue Water Falls ay
sa________________________

4. Saang lalawigan makikita ang sinasabing “Bundok ng mga


Hangin” _______________

5. Saang lalawigan makikita ang Governor’s Rapid?___________

Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Cagayan
Batanes

Isaisip
1. Ano – ano ang mga tanyag na anyong tubig at anyong lupa
sa Rehiyon 2? __________________________________________

2, Paano naging tanyag ang lalawigan ng Isabela at Cagayan?


_________________________________________________________

9
Isagawa

Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang


pangungusap.
1. Ang lalawigan ng Cagayan ay may___________ na baybayin
kaya pangingisda ang pangunahing hanap-buhay ng mga
tao dito.

2. Ang lalawigan ng Quirino ay isang tourist spot dahil sa


_______________________________________________________________

3. Ang lalawigan ng Isabela ay isang anyong lupa


na_____________________________________________________________

Bundok
Kapatagan
Governors Rapid
Maluwang

10
Tayahin

Ang parteng ito ng modyul ay sumusukat sa pang-unawa ng iyong


napag-aralan, ikaw ay maaring tumuloy sa susunod na aralin kung
ang iyong nakuha ay 3-5 na puntos, at kapag ikaw ay nakakuha
ng 0-2 ay balikan ang modyul.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Saang lugar matatagpuan ang Victoria Cave?
A. Cagayan
B. Batanes
C. Isabela
D. Nueva Vizcaya
2. Ano ang pinakamataas na talon ang makikita sa lalawigan
sa Isabela?
A. Talon ng Imugan
B. Bukal ng Baggao
C. Talon ng Dibulo
D. Blue Waterfalls
3. Ano ang katangiang pisikal mayroon ang Lalawigan ng
Nueva Vizcaya?
A. Lambak
B. Bulubundukin
C. Kapatagan
D. Maraming palayan
4. Anong lalawigan sa ating rehiyon na ang pangunahing
hanapbuhay ay pangingisda?
A. Isabela at Nueva Vizcaya
B. Quirino at Isabela
C. Nueva Vizcaya at Quirino
D. Batanes at Cagayan
5. Bakit dinarayo ng mga turista ang lugar ng Batanes?
A. Malalaking mga palengke
B. Magagandang mga halaman

11
C. Marami ang magagandang dalampasigan.
D. Magaganda ang pakikitungo ng mga tao.

Karagdagang Gawain

Iguhit ang pisikal na katangian ng iyong sariling lalawigan.

Mga Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos Puntos


1. Naiguhit ng maayos ang sariling lalawigan at 5
nakulayan ng tama at malinis
2. Naiguhit ng maayos ang sariling lalawigan ngunit hindi 4
maayos ang pagkakakulay.
3. Hindi naiguhit ng maayos ang sarilng lalawigan at hindi 3
malinis ang pagkakakulay.
4. Hindi detalyado ang pagkakaguhit ng sariling 2
lalawigan.
5. Hindi natapos ang gawain. 1

12
13
ARALING PANLIPUNAN 3 Kagamitan ng Mag-aaral pp.60-81
MELC, AP3 Quarter 1
K to 12 Curriculum Guide
Sanggunian
Subukin
1. a 2. b 3.d 4. c
5.a
Balikan
1. Quirino (Quirino at Isabela)
2. Depende sa sagot ng bata
3. Depende sa sagot ng bata
Tukalasin
1. Nu kasanuda makadanun mapan Isabela
2. Zigzag road ken patag nga lugar
Lugar Talugading-pisikal
Sta fe Bulubundukin
Diadi Bulubundukin
Cordon Kapatagan
Santiago Kapatagan
Gawain 1 Gawain 3 Isaisip Tayahin
1. Isabela 1. Nueva Vizcaya Depende sa sagot ng bata.
2. Nueva Vizcaya 2. Isabela 1. C
3. Isabela 3. Cagayan Isagawa 2. C
4. Isabela 4. Batanes 1.Maluwang 3. B
5. Batanes 5.Quirino 2. Governors Rapid 4. D
6. Cagayan 3.Kapatagan 5. C
Gawain 2 Karagdagang Gawain
Depende sa sagot Depende sa sagot ng bata
ng bata.
Susi sa Pagwawasto
Susi sa Pagwawasto

You might also like