Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG PROSESO SA PAGBASA/PAG-AARAL NG PANITIKAN

Walong Pamamaraan o Prosesong Ginagamit sa Pagbasa ng Panitikan


(Cooper at Purves, 1973)
1. Paglalarawan
Magagawa ng mag-aaral na maipahayag sa sariling pangungusap,
pasalita o pasulat man ang tungkol sa kanilang pagbasa.
2. Pagtatangi
Napag-uuri ng mag-aaral ang mga seksyong binasa, halimbawa,
pagkilala ng genre, pag-alam sa may-akda at pagtukoy sa kaisipan o
tema ng binasang akda.
3. Pag-uugnay
Nagagawa ng mag-aaral na maiugnay ang mga sangkap na ginamit
sa isang akda.
Halimbawa: Bakit palaging sinasambit ang salitang “mabuti” sa
“Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute?
4. Interpretasyon o Pagsusuri
Puspusang ipinaliliwanag at pinangangatwiranan ng mga mag-aaral
ang temang nais ibahagi ng may-akda sa kanyang mga mababasa.
5. Paglalahat
Magagawang mailapat ng mag-aaral ang kanyang natutuhan buhat
sa akda sa pagbabasa ng iba pang akda. Katulad rin ito ng paglalapat
ng mga kasanayang natutuhan sa Panitikang Filipino sa pag-aaral ng
Panitikang Inlges.
6. Pagpapahalaga
Karaniwang ginagawa pagkatapos basahin ang isang akda, ngunit
hindi tuwirang itinuturo ang pagpapahalaga, lilitaw ito sapagkat hitik
na hitik sa pagpapahalaga ang panitikan.
Patnubay sa Pagtuturo ng Pagpapahalaga sa Panitikan (Alcantara,
1987)
a. Dapat tanggaping lahat ang sagot ng mag-aaral sa tanong ng guro.
Hindi siya dapat nanghuhusga na ginamit ang pamanatayang galing
sa sarili.
b. Hinihikayat niya ang pagbibigay ng iba’t ibang sagot sapagkat
batid niyang walang lubos na tama o maling sagot sa tanong na
pagpapahalaga.
c. Ginagalang niya ang karapatan ng mga mag-aaral kung nais nilang
lumahok o hindi sa talakayan.
d. Ginagalang niya ang bawat mag-aaral.
e. Ginaganyak niya ang bawat mag-aaral na sumagot nang may
katapatan.
f. Nakikinig o nagtatanong siya upang malinawan ang nais mabatid
ng mga mag-aaral.
g. Iniiwasan niya ang pagtatanong na magbibigay sa pagkabahala sa
mga mag-aaral; at
h. Nagtatanong siya na may pagmamalasakit sa kalooban ng mag-
aaral
7. Pagtataya
Ang pagsukat sa natutuhan ng mga mag-aaral sa kanilang nabasang
kwento sa pamamgitan ng pagtatanong tungkol sa kwentong binasa
kung naiintindihan ba talaga.
8. Paglikha
Ang pinakatampok sa proseso sa pagbasa/pag-aaral ng panitikan
dahil mahalag dito ang masagisag na pamamatnubay ng guro upang
makalikha ang mga mag-aaral ng sariling kwento, sanaysay, tula o dula.

IBA'T IBANG PAGDULOG SA PAGTUTURO NG PANITIKAN


MORALISTIKO- itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang
bukal ng mga kaisipang batayan ng waston pamumuhay at
pakikipagkapwa.
SOSYOLOHIKAL- ang akda ay nagmula sa kawalan. Ang mga
pananaw at saloobin ng mga karakter ay hinubog ng mga
pangyayari.
- Salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook, kultura,
tradisyon kaugalian at paraan ng pamumuhay. Dito
naniniwala ang kritiko na ang panitikan ay hindi
humihiwalay sa lipunan.

SIKOLOHIKAL- makikita ang takbo ng isip ng may katha,


antas ng buhay,  paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan
at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may akda

FORMALISMO- pinagtutuunan ng pansin ang mga istraktura o


pagkabuo.-kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang
pahayag(sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik
ngpagkakabuo ng akda)

IMAHISMO- umusbong noong 1900-nagpapatalas sa pandama


ng mga mambabasa.
-larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda-mga salitang
kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa.

HUMANISMO-“Ang tao ang sentro ng daigdig.”-binibigyang-


pansin ang kakayahan o katangian  ng tao samaraming
bagay.

MARXISMO-pinakikita ang pagtutunggali o paglalaban ng


dalawangmagkasalungat na puwersa. Halimbawa:Malakas at
mahina, mayaman at mahirap, kapangyarihan at naapi
FEMINISMO -Maaring ti ngnan ang imahen,
pagpapakalarawan, posisyon at Gawain ng mga babae sa loob
ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng
mga babae sa akda.-Layon nitong
labanan ang anumang diskriminasyon,exploitation, at
operasyon sa kababaihan.

EKSISTENSIYALISMO-Binibigyang-diin ang bahagi ng akda


na nagpapakita ng mgapaniniwala, kilos at gawi ng tauhan.-
Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang
sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sagayon
ay hindi maikahon sa lipunan.

KLASISISMO- Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri.-


Layon ay katotohanan, kabutihan, at kagandahan-
Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo,magkakasunud-
sunod at may hangganan.

ROMANTISISMO-Binibigyang-halaga ang indibidwalismo,


rebolusyon,imahinasyon at likas.-Pagtakas mula sa realidad o
katotohanan.
 
-Nagpapakita ng pagmamahal ng ato sa kanyang kapwa,bayan at
iba pa.-Mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan
sapamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o
saparaang nakakatawa ngunit kung ito’y titignan ng
mabutiaymakikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan.
REALISMO Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning
ilahad ang tunay nabuhay.-Pinapaksa ang kalagayn na nangyayari
sa lipunan tulad ngkurapsyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon.-Madals din itng naka pokus sa lipunan at
gobyerno

You might also like