Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
MARCELO H. DEL PILAR NATIONAL HIGH SCHOOL
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan

Learning Competency: Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang


tungkulin bilang isang mamimili
Learning Competency Code :AP9 MKE-Ih-18

Suriin Natin
Paano ba maging isang matalinong mamimili? Paano mo masisiguro na ang iyong
binili ay sulit sa ibinayad mo para rito? Basahin at unawain ang iyong mga karapatan
at tungkulin bilang isang mamimili.

Mga Karapatan ng Mamimili


1. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan. Ang pagkakaroon
ng sapat na suplay at tamang presyo sa mga produkto ay karapatan ng bawat
mamimili. Dapat na isaalang-alang ng pamahalaan ang kakayahan ng mamimili sa
pag-abot sa presyo at maging ang suplay nito sa merkado lalo na sa mga pangunahing
pangangailangan.
2. Karapatan sa kaligtasan. Ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa mamimili
hinggil sa produkto o sangkap nito ay isang karapatan.Kaya naman dapat isaalang-
alang sa etiketa ng produkto ang sangkap nito, paraan ng paggamit at mga babala sa
lenggwaheng naiintindihan ng lahat.
3. Karapatan sa patalastasan. Ang pagkakaroon ng lubusang kaalaman hinggil sa
produkto o serbisyong bibilhin ay kailangan upang maiwasan na madaya o
mapagsamantalahan. Ang pagbibigay ng mapanlinlang na patalastas ay hindi
ayon sa karapatang ito.
4. Karapatan sa pagpili.Nasadesisyon ng mamimili ang pagbili sa produkto o
serbisyo. Walang sinuman ang maaaring pumilit sa iyo na bilhin ang produktong hindi
mo gusto.
5. Karapatang dinggin. Kailangang isaalang-alang ng gobyerno ang mga mamimili
sa paggawa ng mga patakaran.Anggobyerno ang dapat magtaguyod sa mga karapatang
ito.
6. Karapatang bayaran at tumbasan ang anumang kapinsalaan. Ang isang
depektibong produktong nabili ay dapat palitan o bayaran. Ang pagkakamaling

Address: Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan


Telephone No.: (044) 795-5343
E-Mail Address: 300751@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
MARCELO H. DEL PILAR NATIONAL HIGH SCHOOL
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan
makapagbigay ng mababang uri ng produkto o serbisyo bunga ng kapabayaan o
masamang hangarin ay dapat ding bayaran o tumbasan ayon sa kapinsalaan.
7. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili.Sa pagaaral
ng ekonomiks lalawak ang iyong kaalaman at matututunan mo ang iyong mga
karapatan at maipagtatanggol ito. Makakatulong ito upang makaiwas ka sa pandaraya
o panloloko ng mga mapagsamantalang negosyante.

8. Karapatan sa malinis na kapaligiran. Upang masiguro ang kaligtasan ng mga


mamimili, kinakailangan ng inspeksyon pagdating sa sanitasyon ng mga pamilihan.
Dito kailangang tiyakin ng bawat nagnenegosyo ang kalinisan ng kanilang kapaligiran
at paninda. Ngayong alam mo na ang iyong mga karapatan, pag-aralan naman natin
ang iyong mga tungkulin. Tandaan, kaakibat ng iyong karapatan ang iyong
pananagutan.

Mga Tungkulin ng mga Mamimili


1. Mapanuring kamalayan – tungkulin ng bawat mamimili na maging alerto at
mapanuri sa lahat ng produktong kanyang binibili. Tungkulin mo sa iyong sarili na
hindi madaya sa lahat ng pagkakataon.
2. Pagkilos – ang pagsasawalang-kibo ay hindi nakakatulong upang labanan ang
pagsasamantala ng mga mandarayang mangangalakal. Kailangan ng pagkilos at
pagbabantay upang maipaabot sa ating gobyerno at komunidad na hindi natutulog ang
matalinong mamimili.
3. Pagmamalasakit na panlipunan – maging kabahagi sa pagpapaunlad ng mga
lokal na industriya. Lalo na sa panahon na ito ng pandemya na marami sa ating mga
kababayan ang nawalan ang hanapbuhay at nagsarang mga negosyo. Sa pagtangkilik
natin sa mga lokal na produkto ay makakatulong tayo upang sumiglang muli ang ating
ekonomiya.
4. Kamalayan sa kapaligiran – tungkulin natin ang pangangalaga sa ating mga likas
na yaman na siyang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap para sa paggawa ng
produkto. Nakasalalay sa atin ang kinabukasan na masilayan at mapakinabangan din
ng susunod na henerasyon ang mga yamang ito.

Gawain 3 : Pagyamanin
KARAPATAN O TUNGKULIN? Panuto: Suriin ang bawat aytem at tukuyin kung
ang bawat pahayag ay tumutukoy sa karapatan o tungkulin ng isang mamimili. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
2|Page
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
MARCELO H. DEL PILAR NATIONAL HIGH SCHOOL
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan
1. Pagbili sa mga nais bilhin ng hindi pinipilit.
2. Pagkakaroon ng wastong etiketa at presyo sa mga produktong bibilhin.
3. Pagtangkilik sa ating mga lokal na produkto.
4. Paglahok sa mga gawaing magtataguyod sa iyong karapatan bilang isang mamimili.

5. Pagsasauli sa mga nabiling depektibong produkto.


6. Hindi nagpapadaya o nagpapaloko.
7. Pagsusuri ng husto sa mga produkto bago bilhin.
8. Wastong paggamit sa ating mga likas na yaman.
9. Pagdinig sa iyong reklamo bilang isang mamimili.
10. Pag-aksyon upang labanan ang pagsasamantala sa pamilihan.

h. Kamalayan sa kapaligiran
____9. Hindi pagsasawalang-kibo kung maypandarayang naranasan. i. Karapatan sa isang malinis
na kapaligir
____10. Pagtataguyod sa mga samahang mangangalaga sa karapatan j. pagkakaisa
ng mamimili. k. karapatang pangkabuhayan

Gawain 8 : “PROTEKSYON AT KAALAMAN PARA SA MGA KONSYUMER NG BAYAN”

G Paggawa ng infographic poster tungkol sa pagbibigay-proteksyon sa


konsyumer at pagiging isang matalinong mamimili
Goal

R Matalinong Konsyumer
Role
A Guro at mag-aaral
Audience

Pagguhit/Paggupit ng mga graphic visual (larawan, graph at iba pa) na


S maaaring maging representasyon sa paksang:
Situation Proteksyon sa Konsyumer at Pagiging isang Matalinong Mamimili

P Paggawa ng isang infographic poster tungkol sa proteksyon sa


Product / Performance konsyumer at pagiging isang matalinong mamimili

3|Page
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
MARCELO H. DEL PILAR NATIONAL HIGH SCHOOL
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan
*Ang infographic ay isang mabilis at malinaw na representasyon ng impormasyon,
datos o kaalaman sa pamamagitan ng mga graphic visual. Sa gawain na ito,
matutulungan ang mga mag-aaral na mag analisa ng mga datos o impormasyon
tungkol sa konsyumerismo at pagiging isang matalinong konsyumer. Ang mga mag-
aaral ay maaaring pagguhitin o paggupitin ng mga larawan tungkol sa paksa at
maglagay ng maiikling paliwanag o deskripsyon sa bawat datos na ialalagay sa
infographic.

Kraytirya Napakahusa Mahusay (2) Nalilinang (1)


y (3)
Nilalaman Lahat ng Dalawa sa Isa sa
 Batas na sumusunod sumusunod ay sumusunod
nagpoprotekta
sa konsyumer ay natalakay natalakay nang ay natalakay
 Ahensyang nang malinaw at nang
pumoprotekta
malinaw at wasto sa malinaw at
sa konsyumer
 katangian ng wasto sa infographic wasto sa
matalinong infographic infographic
mamimili

Kalidad ng Malinaw at Ilan sa Hindi


impormasyon wasto ang impormasyon malinaw at
lahat ng ang wasto ang
impormasyo nangangailanga lahat ng
n na n ng kaunting impormasyo
S inilarawan sa paglilinaw sa n na
Standards and Criteria infographic infographic inilarawan sa
for Success infographic

Pagkamalikhain Ang mga Ang mga Hindi sapat


impormasyo impormasyon at ang mga
n at datos ay datos ay ginamit na
naipakita bahagyang larawan,
nang naipakita sa graph at iba
malinaw sa pamamagitan ng pa sa
pamamagita mga larawan, pagpapakita
n ng mga graph at iba pa. ng mga
larawan, impormasyo
graph at iba n at datos sa
pa. infographic.

Kabuuang Iskor

4|Page

You might also like