SLHT EPP5HE Q2 Week1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
Minglanilla I District

EPP 4 (Home Economics)

2nd Quarter Week 1

Name : ________________________________________Grade/Section: ______________

I.MELC COMPETENCY CODE

Naisasagawa ang mga paraan sa (EPP5HE-0c-6)


pangangalaga ng sariling kasuotan.

II. OBJECTIVES
A. Napapangalagaan ang sariling kasuotan.
B. Naiisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis at maayos
ang kasuotan.
C. Naisasagawa ang mga paraan sa pangangalaga ng sariling kasuotan.

III. SUBJECT MATTER


Pangangalaga ng Kasuotan

IV. Reference
Batayang Aklat saEPP 5
Batayang Aklat sa EPP 6
LRMDS EPP 5
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5

V. PROCEDURE
A.READING
Ang matalinong pagpili ng angkop na kasuotan sa iba’t-ibang panahon ay
mawawalan ng halaga kung hindi naman ito aalagaan nang wasto.
Mahalaga ang pangangalaga ng ating kasuotan dahil nagpapakita ito ng
kalinisan at kaayusang panlabas.
Narito ang ilang mga paraan upang manatiling malinis at maayos ang
kasuotan.

1. Paglalaba

Upang matanggal ang dumi, alikabok at


pawis na kumapit sa damit ay kailangang
labhan agad ang mga damit na naisuot na.
Nakarurupok ng tela ang mga duming ito
bukod sa naging sanhi ng di kanais-nais na
amoy. Kapag nalabhan ito, napapanatiling
maayos ang damit kaya nagagamit pa ito ng
matagal na panahon. Upang matiyak na
malinis ang mga damit, mahalagang isagawa
nang maayos ang paglalaba.

2. Pamamalantsa
Nakakita ka na ba ng batang lukot-lukot ang
kasuotan? Kaaya-aya ba itong tingnan? Nakaranas
na ba kayong mamalantsa?
Ang mga bagong damit ay gusot-gusot kapag
natuyo na. Kaya dapat natin itong plantsahin. Sa
pamamagitan ng pamamalantsa, bumabalik ang
dating hugis at ayos ng damit. Kanais-nais tingnan
ang mga kasuotan kapag maayos at wasto ang
pagkakaplantsa.

3. Pagsusulsi
Nakikita natin ang ating mga nanay na ginanagawa ito. Alam

mo ba paano magsulsi? Ito ang pagtatahi nang pinong-


pino at pauli-ulit. Nakakahawig ito sa tahi ng makina.
Ginagamitan ito ng sinulid na kapareha ng kulay ng
damit o malapit na kulay. Pinong karayom din ang
ginagamit dito.
Kung minsan ay hindi maiwasang magkaroon ng punit ang damit lalo
na kung luma na ito at hindi naging maingat sa pagkilos ang nagsuot.
Sulsihan kaagad ang mga punit sa damit upang hindi lumaki pa ang sira.

4. Pagtatagpi

Ang butas sa damit na gawa ng upos ng sigarilyo, kagat ng dagat at


mapanirang kulisap ay kinukumpuni sa pamamagitan ng pagtatagpi. Ito ang
pagtatapal ng kapirasong tela sa butas ng isang damit.

5. Pag-aalis ng Mantsa
Hindi magandang tingnan ang damit na may
mantsa. Anumang mantsa ay dapat tanggalin
habang sariwa pa. Dapat tanggalin kaagad ang
mga mantsa sa damit sapagkat ito ay hindi
magandang tingnan. Bukod pa rito, mas mahirap
tanggalin ang mantsa kapag nagtagal o natuyo na
sa damit. Tiyaking natanggal na ang mantsa ng
damit bago ito labhan upang hindi masayang ang
lakas at oras sa pagtatanggal ng mga mantsa.

6. Pag-aayos ng mga Damit


Ikaw ba ang nag-aayos ng mga damit mo sa cabinet? Paano mo ito
inaayos?

Mahalagang magkaroon ng sariling lalagyan ng mga damit. Higit na


mapapangalagaan ang mga kasuotan kung may cabinet o aparador,
maaaring ilagay rin sa malinis at malaking kahon ng mga kasuotan.

B. EXERCISES FOR SKILLS/ ANALYSIS USING HOTS FOR CONTENT


SUBJECTS

EXERCISE 1
DIRECTIONS:
Hanapin sa hanay B ang mga dapat gawin sa Hanay A.
Hanay A Hanay B

1. A. Paglalaba

2. B. Pag-aayos ng damit

3. C. Pagsusulsi

4. D. Pag-aalis ng Mantsa

5. E. Pamamalantsa

EXERCISE 2
DIRECTIONS:
Sagutin ng TAMA kung nagpapakita ito ng pangangalaga sa
sariling kasuotan at MALI naman kung hindi.

1. Labhan kaagad ang damit na naisuot na.


2. Dapat tanggalin kaagad ang mga mantsa sa damit sapagkat hindi
ito magandang tingnan.
3. Tahiin ang mga dapit na may butas.
4. Itapon ang damit na may mantsa.
5. Isantabi ang mga damit na nagamit at hayaan ito ng ilang linggo.
6. Plantsahin ang mga gusot-gusot na damit upang maging kaaya-
ayang tingnan.
7. Ibabad nang sabay ang de kolor na damit at puting damit.
8. Mayroong sariling lalagyan ng mga damit.
9. Hayaan na lamang ang mga damit sa isang sulok.
10. Iwasang magkaroon ng mantsa ang iyong damit.
C. ASSESSMENT/APPLICATION
A. Piliin sa Hanay B ang paraan na dapat gawin upang mapanatiling
malinis at maayos ang kasuotan na binanggit sa Hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Kung ang kasuotan ay natapunan ng A. Pagsusulsi

pagkain, pintura, at iba pang likidong bagay.


2. Pagkakaroon ng punit o tastas sa damit. B. Pag-aayos ng
mga damit
3. Gawin ito pag gusot-gusot ang damit. C. Paglalaba
4. Gawin ito matapos maisuot ang damit D. Pag-aalis ng
Mantsa
upang maalis ang dumi at alikabok.
5. Gagawin ito matapos labhan at plantsahin E.
Pamamalantsa ang mga damit.

B. Isulat ang TAMA kung wasto ang kaisipan at MALI kung


hindi wasto. Gawin ito sa isang buong papel.
1. Mahalagang matutuhan ang wastong paglalaba sa murang edad.
2. Higit na kaakit-akit tingnan ang malinis na kasuotan ng isang bata.
3. Itupi ang mga damit ng maayos pagkatapos plantsahin.
4. Labhan kaagad ang mga damit na may mantsa.
5. Ilagay sa basurahan ang mga damit na di na ginagamit.
6. Ilagay sa lalagyan ng maruruming damit ang damit na may mantsa.
7. Ang katas ng kalamansi ay makatutulong maalis ang
kalawang sa damit.
8. Ilagay sa malinis at malaking kahon ang mga kasuotan kung
walang cabinet o aparador na paglalagyan.
9. Isaksak ang plug ng plantsa kahit basa ang kamay.
10. Gumamit ng kahit anong uri ng kulay ng sinulid sa
pagkukumpuni ng damit.

Prepared by: Edited by:

ANA MERT B. ALOLOD MARY JANE D. DINAMPO


Teacher I MT-2
Reviewed by:

RAUL JUMAO-AS
EPP/TLE Division Supervisor-Elementary

ANSWER KEY Assesment


Exercise 1 A. 1. D
2. A
1. C 3. E
2. D 4. C
3. A 5. B
4. E B. 1. Tama
5. B 2. Tama
3. Tama
4. Tama
Exercise 2
5. Mali
6. Tama 6. Mali
1. Tama
7. Mali 7. Tama
2. Tama
8. Tama 8. Tama
3. Tama
9. Mali 9. Mali
4. Mali
10. Tama 10. Mali
5. Mali

You might also like