Summative Test AP - 7 Week 5-8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAHABANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

Taong Panuruan 2020-2021


Week 5-8
Pangalan:_________________________________________________Seksyon:_______________________ Iskor:_____________________
I.Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
patlang.
_____1. Ayon sa tulang “Likas na Yaman ng Asya”, pagpapastol ang isa sa mga hanapbuhay ng Hilagang Asya. Alin sa mga sumusunod ang
produktong may kaugnayan sa hanapbuhay na ito?
a. wool b. caviar c. jutes d. goma
_____2. Ang China sa Silangang Asya ay nangunguna sa produksyon ng mais ngunit maliban dito may yamang mineral rin na nakukuha sa
bansang ito. Anong uri ng mineral ang mayaman at nangunguna ang China?
a. carbon b. chromite c. ginto d. tanso
_____3. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay?
a. maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley
b. palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. sagana sa matatabang lupa ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito
_____4. Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga produktong palay. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunang
kabuhayan ng mga naninirahan dito. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kasaganaang ito?
a. mainam na klima c. malamig na panahon
b. malawak na lupain d. masisipag na magsasaka
______5. Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pang-ekonomiya ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang nagpapakita ng implikasyon ng likas na yaman sa ekonomiya?
a. ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
b. ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay nagmumula sa pagsasaka
c. may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling ikabubuhay lamang
d. marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na panustos sa kanilang pagawaan

_____6. Paano nakakaapekto ang larawan sa itaas sa pamumuhay ng mga Asyano?


a. natutustusan nito ang pangangailangang pinansiyal ng mga mamamayang Asyano
b. nagpapakita ito ng ebidensiya na napakayaman ng kontinente ng Asya
c. bagamat ito ay may naitutulong sa pamumuhay ng mga Asyano, maaari itong magdulot ng pagkaubos ng likas na yaman
d. makakaapekto ito ng malaki sa mga mahihirap na mamamayan sapagkat ang mga mayayamang mangangalakal lamang ang nakikinabang

_____7. Batay sa larawan, ano ang kapakinabangang makukuha ng mga Asyano sa kanilang mga yamang tubig?
a. ito ay magdudulot ng mga suliranin tulad ng pagbaha c. ito ang nagiging pangunahing industriya ng mga mahihirap na mga bansa
b. ito ay maaaring mapagkunan ng pagkain at hanapbuhay d. ito ang natatanging pinagkukunang yaman ng mga mahihirap na bansa
_____8. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa ay nagmumula sa pagsasaka. Kung malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan ang mga
pangangailangan ng bansa ngunit ang patuloy na paglaki ng populasyon ay nagdudulot ng suliranin ng kakulangan. Anong pakikiangkop ang
ginagawa ng bansa upang mapalaki ang produksiyon nito?
a. pagpapakilala ng family planning sa mga mamamayan
b. paghihikayat sa mga mamamayan ng urban/backyard gardening
c. paggamit ng mga makabagong makinarya upang mapalaki ang produksiyon
d. pagpapalawig ng mga kursong agrikultural sa mga kolehiyo
_____9. Ang pag-iral ng suliraning dulot ng COVID-19 sa kasalukuyan ay may malaking epekto sa yamang lupa ng ating bansa tulad ng industriya
ng pagsasaka. Naging mahirap sa mga magsasaka ang pagbebenta at pagdadala ng kanilang mga produkto sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod
ang hindi kabilang sa hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka?
a. pagtatalaga ng mga mobile market na siyang nagdadala ng mga produkto sa mga pamayanan.
b. paglulunsad ng Online Market and Delivery upang mas maging madali ang pamimili ng mga mamamayan
c. pag-aangkat ng mga lokal na pamahalaan sa mga produkto ng mga magsasaka upang ibahagi sa mga mamamayan bilang ayuda ng
pamahalaan
d. paghihikayat sa mga magsasaka na ibahagi o ipamigay na lamang ang kanilang aning produkto upang hindi ito masira at mabulok
_____10. Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay humaharap sa suliraning dulot ng COVID-19 na lumilimita sa paggalaw ng tao. Ang
suliraning ito ay nagdudulot ng limitasyon ng mga mamamayan sa pagkuha ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. Bilang isang mag-
aaral, ano ang maaari mong gawin upang kahit papaano ay matugunan ang inyong pangangailangan?
a. pangangampanya sa social media para sa agarang ayuda mula sa pamahalaan
b. pakikipag-uganayan sa mga non-government organization na nagbibigay ng food packs
c. pagbabadyet ng inyong konsumo sa araw-araw upang hindi kaagad maubos ang pagkain
II. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
patlang.
___1. Alin ang tumutukoy sa nagaganap na interaksiyon sa pagitan ng isang pamayanang biyolohikal at walang buhay na organismo?
a. biome b. ecosystem c. ecology d. homeostasis
___2. Aling yamang likas na pinagmumulan ng mga produktong gawa sa kahoy?
a. yamang lupa b. yamang gubat c. yamang tubig d. yamang mineral
___3. Anong suliranin ang tumutukoy sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat?
a. pollution b. deforestation c. overgrazing d. desertification
___4. Ano ang mangyayari kung magpapatuloy sa pagkakaingin ng mga tao sa kabundukan?
a. uunlad ang kabuhayan c. sasapat ang pagkain para sa lahat
b. dadami ang makukuhang prutas d. guguho ang lupa at babaha ng husto sa mababang lugar
____5. Dahil sa pagkawala ng natural habitat ng mga hayop sa kagubatan, maaapektuhan ang life cycle. Ano ang ipinauunawa nito?
a. maraming suliranin ang mararanasan ng tao
b. mag- alaga ng maraming hayop upang maiwasan ang pagkaubos nito
c. mababawasan ang pagkahamak ng tao mula sa mga mababangis na hayop
d. mababawasan o mauuwi sa pagkaubos ang lahat ng uri ng hayop sa kagubatan at masisira ang life cycle
___6. Alin sa sumusunod ang tumutugon sa kontaminasyon ng lupa, tubig, at hangin sanhi ng pagtatapon ng mga bagay na toxic mula sa mga
tahanan at pagawaan?
a. polusyon b. climate change c. deforestation d. global warming
____7. Alin sa sumusunod ang may kinalaman sa polusyon sa tubig?
a. paglilinis ng mga palaisdaan d. paggawa ng mga palaisdaan mula sa kakahuyan ng bakawan
b. paggawa ng parke sa dalampasigan c. pagkakalat at pagtapon ng dumi sa dagat
8. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa mabilis na pagtaas ng temperatura sa daigdig sanhi ng akumulasyon ng carbon dioxide at singaw ng
mainit na hangin na napigil ng masa ng malamig na hangin sa loob ng daigdig?
a. climate change b. pollutants c. global warming d. greenhouse gases
____9. Sa pagtaas at pagkalat ng greenhouse gases mula sa usok ng mga sasakyan, pabrika, at produksiyon ng kuryente ay nagkaroon ng iba’t
ibang suliraning pangkapaligiran sa Asya. Ano ang epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano?
a. ang pagkakaroon ng balanseng ekolohikal sa Asya c. ang paglaki ng bilang ng mga taong may hanapbuhay at sasakyan
b. ang pagkasira ng kapaligiran at pagkakasakit ng mga tao d. maraming tao ang mahihikayat na huwag nang magtrabaho sa mga pabrika at
planta ng kuryente
____10. Ano ang maaaring idulot ng lumalalang climate change?
a. magdudulot ito ng mas mahinang bagyo dahil sa labis na init sa karagatan
b. magdudulot ito ng pagkamatay ng lahat ng hayop sa gubat dahil sa sobrang init
c. magdudulot ito ng pagbabago sa mga tumutubong halaman sa ating kagubatan
d.magdudulot ito ng pagbaha sa mabababang lugar dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig dagat
III.A. Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong kuwaderno.
____1. Ang dalawang batayan sa paghahati ng grupong etnolinggwistiko.
A. relihiyon at lahi B. wika at kaugalian C. etnisidad at wika D. etnisidad at pamahalaan
____2. Ang pangunahing pagkakakilanlan ng grupong etnolinggwistiko ay_________.
A. pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa C. pagkakapareho at pagkakaiba ng kultura ng mga tao sa isang bansa
B. pagkakapareho ng mga tao sa isang bansa D. pagkakapareho at pagkakaiba ng wika ng mga tao sa isang bansa
___3. Inaasahang tagal ng buhay ay ang karaniwang bilang ng taon na itinatagal ng buhay ng tao sa isang bansa.
A. populasyon B. life expectancy C. yamang-tao D. migrasyon
___4. Populasyon ng isang lugar o bansa na may kakayahang maghanapbuhay upang mapaunlad ang sarili at ang bansa sa kabuuan.
A. populasyon B. life expectancy C. yamang-tao D. migrasyon
____5. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa.
A. populasyon B. life expectancy C. yamang-tao D. migrasyon
____6. Ang pangunahing pagkakakilanlan ng grupong etnolinggwistiko ay_____.
A. pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa C. pagkakapareho at pagkakaiba ng kultura ng mga tao sa isang bansa
B. pagkakapareho ng mga tao sa isang bansa D. pagkakapareho at pagkakaiba ng wika ng mga tao sa isang bansa
____7. Ang dalawang batayan sa paghahati ng grupong etnolinggwistiko.
A. relihiyon at lahi B. wika at kaugalian C. etnisidad at wika D. etnisidad at pamahalaan
____8. Populasyon ng isang lugar o bansa na may kakayahang maghanapbuhay upang mapaunlad ang sarili at ang bansa sa kabuuan.
A. populasyon B. life expectancy C. yamang-tao D. migrasyon
___9. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa.
A. populasyon B. life expectancy C. yamang-tao D. migrasyon
____10. Inaasahang tagal ng buhay ay ang karaniwang bilang ng taon na itinatagal ng buhay ng tao sa isang bansa.
A. populasyon B. life expectancy C. yamang-tao D. migrasyon
IV.A. Panuto: Tukuyin at isulat kung TAMA o MALI ang ipinahahayag ng mga sumusunod na pangungusap
________ 1. Ang population growth rate ay ang pagtataya ng bahagdan ng bilis ng pagdami ng populasyon sa isang bansa bawat taon.
_________2. Ang kaginhawahan ng buhay at progreso sa larangang medical at teknolohikal, ay may kaugnayan sa paghaba ng buhay ng mga tao
sa mga mauunlad na bansa.
_________3. Itinuturing na matanda ang populasyon ng isang bansa kung ang malaking bahagdan ng populasyon ay may gulang na 15 pababa.
_________4. Mababa ang kabuuang bilang ng mga nagtatrabahong lalaki dahil pa rin sa mga oportunidad na naibibigay sa kanila upang
magtrabaho gawa ng kanilang katayuan sa buhay.
_________5. Ang bansang China, India at Indonesia ay tatlo sa pinakamalaking populasyon sa daigdig.
IV.B Panuto: Hanapin sa hanay B ang katambal ng kahulugang nasa hanay A. Piliin ang tamang sagot.

Hanay A Hanay B
___1. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang a. migrasyon
lugar/bansa.
___2. Ito ay ang kabuuang panloob na kita b. Literacy rate
ng isang bansa sa loob ng isang taon.
____3. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyong c. Populasyon
walang hanapbuhay o pinagkakakitaan.
____4. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon d. Unemployment rate
na marunong bumasa at sumulat.
____5. Ito ay ang pandarayuhan o paglipat ng lugar e. GDP
o tirahan

You might also like