Professional Documents
Culture Documents
Pangkat 5 Bsp2c Naratibong Ulat
Pangkat 5 Bsp2c Naratibong Ulat
Pangkat 5 Bsp2c Naratibong Ulat
PANGKAT 5
TUNGKULIN/RESPONSIBILIDAD/ GINAWA SA
MIYEMBRO NG PANGKAT INAASAHANG PROYEKTO
Kapalac, Geneca
Rancio, Celine
Nazol, Estenythly
I. PLANO
II. PAGSASALAYSAY
A. UNANG BAHAGI
Sa pamamagitan ng isang talataan, isalaysay dito ang ginawang pagpaplano at napag-usapan
bago isakatuparan ang kabuuan ng inyong ginawa.
Ilagay rin ang naging problema at naging solusyon sa mga ito na kinaharap ng pangkat.
Ang proyektong aming ginawa ay binuo namin sa pamamagitan ng mga planong
pinagsama sama. Ang unang hakbang na ginawa namin ay ang pagpili ng paksa sa ibinigay
ng aming guro. Pangalawa ay hinati namin ang paksa namin upang may magawa ang bawat
isa pangatlo ay kami ay naghanap kami sa internet ng makakatulong upang mas
maintindihan namin ang aming paksa ng aming matapos ang mga ito ay nagplano kami
paano namin ito ibabahagi sa kapwa namin mga mag aaral. Napagdesisyonan namin na isa
nalang ang mag eedit ng video kaya natapos din namin ang aming presentasyon. Sa araw ng
pag pepresenta ng video ay naging problema namin ang manonood dahil ito ay napaka aga
at may sumabay na may klase ang ibanh mag aaral kaya kami ay naghakot ng nag hakot ng
manonood sa aming presentasyon.
B. IKALAWANG BAHAGI
Isalaysay ang pangyayari habang umeere ang vidyo.
Ibahagi rin kung ano ang naging pakiramdam habang umeere ito.
Ibahagi rin kung ano ang naging tulong ng inyong kurso sa pagsasagawa ng gawaing ito.
Sa pagsisimula ng vidyo ay pinanguhan ito ni Bb. Nazol para sa panalangin,
pangalawa, ang pagbati naman at ito ay pinamunuan ni Bb. Jessica. Pangatlo, pinamunuan
naman nina Bb. Geneca at Bb. Celine ang presentasyon ng paksa at paglalahad ng kaalaman
tungkol sa nasabing paksa. Pag apat, ang paglalahad ng mga kaalaman at datos ay
pinamunuan ni Bb. Mara. Sa intermisyon/presentasyon ng bidyo ay pinamunuan ni Bb. Ida.
Sa pagtatapos ng aming presentasyon, ang namuno nito upang magbuod ng naging
diskusyon ay si Bb. Joyce at sa pasasalamat naman ay si Bb. Celine. Ang kabuuan ay isinulat
ni Bb. Isabel. Habang umeere ang vidyo ng aming grupo ay labis ang aming kaba. Iniere ang
aming vidyo ng umaga at sadyang kakaunti pa lamang ang gising ng mga oras na iyon at ang
iba naming inaasahang mga kamag-aral at mga inimbitahan ay may mga ginagawa o di kaya
naman ay may mga klase kaya't gayon na lamang ang aming kaba sa mga oras na iyon.
Habang lumilipas ang mga minuto ay nagiging kampante na ang aming grupo dahil na rin
naabot namin ang inaasang numero ng mga tagapanood. Labis ang aming naging
pasasalamat dahil sa pagsuporta ng mga tagapakinig at tagapanood. Isa ang aming kurso sa
naging dahilan upang mapagtagumpayan namin na makamit ang inaasahang mga
tagapanood. Halos kabuuan ng mga naging tagapakinig namin ay nagmula sa aming kurso.
Lingind man sa kanilang kaalaman ay labis kaming nasiyahan sa kanilang ginawang
pagsuporta at bilang pagbawi ay malugod din kaming nakinig at nanood ng kanilang
isinagawang programa.
C.IKATLONG BAHAGI
Isalaysay ang inyong natutunan sa pagsasagawa ng gawain ito.
Gayundin ang kaugnayan nito sa kursong inyong kinikuha.
III. ISKRIP (PAKILAGAY KUNG MAARI ANG PDF NA IWINASTO NG GURO : yung pdf po ang ilalagay dito)
Estenythly: Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito, para sa aming lahat upang
magampanan namin ang aming sariling tungkulin lalo na po sa gagawin ng aming grupo ngayon. Bigyan mo po
kami ng sapat na lakas ng loob para po sa gagawin naming presentasyon ngayon, patnubayan niyo po kami
para magawa at mapaliwanag namin ng tama ang aming gagawing presentasyon. Bigyan mo po kami ng
matiwasay na pag-iisip, gabay, talino, at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng
tulong at patnubay sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo din ang aming mga guro sa matiyagang
paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw, at sa patuloy na pagpapatnubay at pagbibigay gabay sa
amin. Pagpalain mo rin ang aming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin sa lahat ng bagay.
Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming
sandigan at aming kalakasan. Amen!
Pagbati
Jessica: Sa ating mga panauhin, sa aming minamahal na guro na si Bb. Jessa Cada na namuno sa pag gagabay
sa amin upang maisakatuparan ang programang ito, sa ibang mag-aaral at sa mga tagapag-salita sa araw na
ito, isang mapagpalang araw sa inyong lahat.
Ngayon ay mauunawaan natin ang tungkol sa usapin na Impluwensya ng Midya sa Lenggwahe. Nawa'y
magbigay linaw ito sa ating lahat. Maraming salamat po.
Presentasyon ng paksa
Celine : Ang wika ay isang paraan upang maibahagi natin ang nais sabihin o mga saloobin na ating
naiisip. Ito ang nagsisilbing tulay upang pagdugtong dugtungin ang mga mamamayan ng isang bansa dahil sa
pamamagitan nito ay naipapakita at naipapakilala natin ang ating mga sarili sa iba pang mga tao. Sa
pamamagitan din ng ating wika ay malalaman natin ang iba't ibang impluwensya na humulma at naka
impluwensya sa ating kultura katulad na lamang ng salitang español. At sa paglipas pa ng panahon may mga
wika pang nadagdag sa ating bansa na labis na naka impluwensya sa atin. Halimbawa nalamang ay ang wikang
Ingles. At dahil nadin sa media ay mas naimpluwensyahan pa ang ating paraan ng pananalita.
Sa iyong palagay isa nga bang malaking impluwensya ang media at may malaking dulot din ba ang
mga makabagong teknolohiya sa pagbabago ng ating wika? Paano nga ba Ito nakakaapekto sa ating mga
mamamayan? Maraming iba't ibang lenggwahe ang ating natututunan dahil sa iba't ibang taong ating
nakakasalamuha, sa paggamit ng midya nakakakuha din tayo ng panibagong salita na ating maaaring gamitin
sa pakikipagkomunikasyon.
Geneca: Nang isinilang ang tao, kakambal na nito ang pisikal at mental na potensyal sa paggamit ng iba't ibang
wika, ma ilocano man, ma inglesh, Tagalog, Cebuano, Ilonggo, Bisaya, at iba pa. Wika ang naging dahilan para
magkaisa at magkaunawaan ang bawat isa, ito ang naging tulay para makapag komunikasyon, isa simbolo para
mapalawak ang ating isip at puso para mapalawak ang ating relasyon sa bawat isa. Sa pamamagitan ng
paggamit ng wika, nauunawaan at nagkakaisa ang bawat tao, malapit man o malayo ang mga ito. Ngunit higit
sa lahat ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat tao at nagiging salamin kung anong kultura, tradisyon,
at paniniwala mayroon ang isang bansa na siyang ating kinalalakihan at nag sisilbing gabay ng bawat
mamamayan, wika na siyang naging identidad ng isang tao. Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa
pagkakaroon ng mas epektibong at malawakang komunikasyon, sandigan at pundasyon ng mabuting
pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan. Ito ay sumisimbolo sa mga bagay na nagbibigay ng pangalan,
kahulugan at interpretation sa pamamagitan ng mga salita, simbolo o titik na ating nakikita,naririnig, at
nababasa.
Diskusiyon
Sa isang artikulo ni Tullao (2009) tungkol sa ekonomiks at kalakan, sinabi niya na “ang wikang
nauunawaan ng nakararami at hindi ang wikang nangingibabaw ang higit na mabisang gamitin upang
maabotang pinakamaraming mamamayan na tutugon sa problema sa katatagang ekonomiko.” Magiging
lalong matagumpay ito sa tulong ng mass midya na siya namang magpapadaloy ng transaksiyon sa lipunan.
Binigyang kahulugan naman ni Anderson na sinipi ni Higson (2002) ang pambansang identidad bilang
share identity ng isang politikal at heograpikal na espasyo, kilala din sa tawag na ‘nasyon’ o bansa. Higit pa ang
identidad na ito sa pisikal na katangian na nagkakapareho, ngunit kadalasan ay nagkakaiba sa kanyangkapwa.
Ginagampanan ngayon ng mass midya ang tungkuling ito bilang instrumento rin sa paghuhulma ng identidad
ng lipunang nagkakaisa, nagiging makabuluhan at komunidad na homogenous ang hangarin.
Ayon kay Dinglasan(2016) ang wika ay isa sa mga pinakamahalagang imbensyon ng tao dahil ito ay may
mga katangian na tumutulong sa pagkakaroon ng magandang pakikipag-ugnayan ng mga tao. Ito ay may
malaking kontribusyon sa pag-unlad ng modernong teknolohiya. Ang nakapagtataka ay ang patuloy na
pagbalewala ng mga Pilipino sa ating kinagisnang wika at ang mas pagpapahalaga sa wikang Ingles lalo na sa
social media partikular sa facebook at twitter. Naging madali sa atin makasagap ng impormasyon sa
pamamagitan ng social media kaya naimpluwensyahan tayong mga Pilipino na gumamit ng kanilang wika lalo
na ang wikang Ingles. Nagkakaroon din ng pagbabago sa ating wika na maaaring magdulot ng paglimot sa
kulturang iningatan ng mga ninuo natin. Dahil laganap na ang iba’t ibang uri ng media ay mabilis tayong
magkarooon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng bansa. Sa kasalukuyan, makikita na kagaya ng
ibang kagamitan, sumasabay rin sa uso ang wika kaya kung ano ang nakikita ng karamihan sa internet ay
ganun rin ang wikang ginagamit nila. Ngunit bakit nga ba tila madalas ginagamit ang wikang Ingles kaysa sa
wikang Filipino? Sa panahon ngayon, maraming nadidiskubreng paraan ng pagpapahayag ang mga kabataan
gamit ang social media. Ang ilan ay ginagamit ang social media sa pagpapahayag ng kanilang damdamin at
karanasan gamit ang wikang Ingles, ang iba naman ay ginagamit ito sa pang-aabuso ng kapwa katulad na
lamang ng tinatawag na “cyberbullying”. Dahil dito, nagigising ang mga kabataan sa realidad at napapagtanto
nila na responsibilidad nilang gamitin ang wika at mga bagong salita sa tamang paraan. Buhay ang wika kapag
nakakasabay ito sa tawag ng panahon ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan nating sumabay sa
uso. Wika ang nagbubuklod sa mga tao kaya naman napakahalagang gamitin ang wikang Filipino sa pakikipag
usap upang magkaintindihan maging luma man ito o bago.
Ang lubos na pagpapahalaga sa wikang Ingles ay magdudulot ng kalituhan sa ating pagkakakilanlan sa oras
na ibaon natin ang wikang kinagisnan kaya kung maaari ay wikang Filipino ang ating tangkilikin. Isaalang alang
din natin ang respeto sa paggamit nito, at ang naiambag ng mga nakalipas na henerasyon sa wika natin
ngayon. Maging sensitibo tayo sa paggamit ng wika sa social media sapagkat hindi man natin napapansin ay
maaaring nakakaapekto sa ibang tao ang ating mga ipinapahayag.
Sanggunian:
Wika at Media. 2015. https://wikaatmedia.wordpress.com/
https://pahayagan101.wordpress.com/2016/11/13/paano-ginagamit-ang-wika-sa-social-media/
https://www.academia.edu/19852413/Ang_Papel_ng_Mass_Midya_sa_Wika_Kultura_at_Ekonomiya
https://pdfslide.tips/documents/ang-epekto-ng-social-media-sa-wikang-filipino-sa-mga-mag-aaral-ng-pntc-sa-
unang.html
INTERMISYON
Ida : Ang napanood niyo sa video ay mga trivia na makakadagdag sainyong kaalaman upang mas maintindihan
niyo ang amin paksa
PAGBUBUOD NG DISKUSYON
Joyce : Ang pagbabago sa ating kapaligiran ay hindi natin maiiwasan. Walang masama sa paggamit ng ibang
wika katulad ng Wikang Ingles, ngunit huwag nating gawin ang wika sa paraan na nakikiuso lamang, ang
tamang paggamit pa rin ng wika ating laging pahalagahan dahil sa wika pa rin tayo magkakaintindihan at
magkakaunawaan. Lingid sa kaalaman ng nakakarami na sa bawat paggamit natin ng midya ay
naiimpluwensyahan pati ang ating wika. Ito ay sa nakakabuting mang paraan o hindi. Nababago ang ating
pananalita sa paglipas ng panahon dahil sa malaking dulot na rin ng teknolohiya. Isa sa mga nagiging problema
sa wika ay ang maling pagbigkas ng salita. Ang paggamit ng midya ay hindi masama kung ito ay nagagamit ng
wasto. Walang masama sa pagtangkilik sa ibang wika, ngunit sana'y mas bigyang pansin pa rin ang sariling atin,
dahil hindi rin palaging ang pagsabay sa uso ang solusyon ng ating pag unlad.
PAGPAPASALAMAT
Celine : Isang magandang umaga para sa ating lahat. Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga
panauhin sa kanilang pakikiisa at pagdalo sa araw na ito. Nawa'y marami kayong natutunan at napakinggan,
ito'y inyong isapuso at isaisip sa anumang oras. Mahalin natin ang ating wika at gamitin natin ito ng wasto. Ito
pa rin ang susi sa ating komunikasyon sa ibang tao upang maunawaan ang bawat isa. Bigyang halaga natin ang
ating laging ginagamit sa bawat araw, ang wika. Muli, maraming salamat sa inyong pakikiisa at pakikinig.
IV. LARAWAN AT KAPSYON
Jayona, Isabel
Lider, Pangkat 5
Mga Miyembro:
Lopez, Joyce Anne
Platero, Mara Victoria Nica M.
Reyes, Jessica Joy
Kapalac, Geneca
Rancio, Celine
Portugal , Diane Ida
Nazol, Estenythly
Isinangguni kay: