Test Construction

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

LOWER ORDER THINKING SKILLS

PAGPILI I: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Sino sa mga sumusunod na bayaning Pilipino ang namuno sa sinasabing pinakamahabang rebelyon ng mga
katutubo sa bansa laban sa mga dayuhang mananakop noong panahon ng mga Kastila?

A.) Diego Silang C.) Andres Bonifacio


B.) Francisco Dagohoy D.) Francisco Maniago

2.Siya ang naging gobernador heneral ng Pilipinas noong panahon ng mga Kastila na napalapit sa puso ng mga
Pilipino.

A.) Narciso Claveria C.) Carlos Maria De La Torre


B.) Rafael de Ezquierdo D.) Miguel Lopez de Legazpi

3.) Anong taon namatay ang mga paring martir na GOMBURZA?

A.) 1871 C.) 1873


B.) 1872 D.) 1874

4.) Kailan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?

A.) Hunyo 19,1861 C.) Hunyo 19,1862


B.) Hulyo 19,1861 D.) Hulyo 19, 1862

5.) Ang mga sumusunod ay nanguna sa Kilusang Propaganda maliban sa isa, sino ito?
A.) Jose Rizal C.) Marcelo del Pilar
B.) Graciano Lopez Jaena D.) Gregorio del Pillar

6.) Kailan naganap ang unag sigaw sa Pugad Lawin?


A.) Agosto 21, 1893 C.) Agosto 23, 1896
B.) Agosto 22, 1894 D.) Agosto 24, 1897

7.) Sino sa mga sumusunod ang utak ng Katipunan?


A.) Andres Bonifacio C.) Teodoro Patino
B.) Emilio Jacinto D.) Apolinario Mabini

8.) Sino sa mga sumusunod ang unang patnugot ng La Solidaridad?


A.) Antonio Luna C.) Graciano Lopez Jaena
B.) Marcelo H. del Pilar D.) Mariano Ponce

9.) Ano ang sagisag sa panulat na ginamit ni Antonio Luna?


A.) Laong Laan C.) Plaridel
B.) Tikbalang D.) Taga-Ilog

10.) Alin sa mga sumusunod ang isinulat ni Graciano Lopez Jaena?


A.) Fray Botod c.) El Filibusterismo
B.) Noli Me Tangere D.) Mi Ultimo Adios
HIGHER ORDER THINKING SKILL QUESTIONS

PAGPILI II: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa katabing patlang ng numero.

_____ 1. Ang mga sumusunod ay naging mabuting kontribusyon ng pamahalaang Komonwelt maliban sa isa. Alin
ito?

A. Nakapaglunsad ng mga proyekto para sa mga mamayan at nakuha ang kanilang suporta para rito
B. Nagawang ipag-giitan ang sariling paninindigan sa ilang isyu
C. Pananatiling nakadepende sa pamahalaang Amerika
D. Napigil ang pagdating at pananakop ng mga Hapon.

____ 2. Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod na tungkulin o gawain na dapat gampanan ng pamahalaan?

A. Ipagkaloob ang lahat ng hinaing ng bawat mamamayan maging ito man ay walang basehan.
B. Ipagtanggol ang bansa laban sa lahat ng kaaway na may layuning sakupin o pinsalain ito.
C. Palakasin ang ekonomiya.
D. Pangalagaan ang Karapatan ng lahat ng mga mamamayang nasasakupan nito.

____ 3. Ano sa iyong palagay ang naging basehan kung bakit itinuturing na alinsunod sa paraang konstitusyunal ang
pagkakaalis sa pwesto ni dating Pangulong Estrada?

A. Maraming sektor ng pamahalaan ang humiling na magbitiw siya sa tungkulin


B. Siya ay sinampahan ng kasong impeachment..
C. Naparatangan siyang nagdispalko ng pera ng bayan.
D. Ang pagpapasalamat niya sa panahong ipinaglingkod niya at boluntaryong pag-alis niya sa Malacanang ay
katumbas ng pagbibitiw.

____ 4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na pamahalaan?

A. Upang madaling matugunan ang lahat ng pangangailangan ng nasasakupan


B. Ito ang pundasyon sa pananatili ng buhay at ari arian ng mga mamamayan.
C. Sapagkat sa pamahalaan lamang umaasa ang bawat mamamayan
D. Upang maiwasan ang kaguluhan sa bansa.

____ 5. Alin sa mga sumusunod ang maling pahayag patungkol sa dating pangulong Ramon Magsaysay?

A. Tinaguriang Idolo ng Masang Pilipino


B. Nagpabagsak sa kilusang HUKBALAHAP sa ilalin ng kanyang pamumuno.
C. Naging Kalihim ng Tangulang Pambansa sa ilalim ng administrasyong Quirino.
D. Humaliling Pangulo kay Manuel Roxas
____6. Anu ano ang mga programang ipinatupad ni dating Pangulong Corazon Aquino upang malutas ang mga
suliraning naiwan ng nagdaang administrasyon maliban sa?

A. Pagdedeklara ng pamahalaang rebolusyonaryo na papalit sa nakaraang pamahalaan.


B. Pagpapanatili ng Konstitusyon ng 1973
C. Pinakawalan ang mga presong pulitikal o nakulong dahil lamang sa paniniwalang pampulitika
D. Pakikipagmabutihan sa iba’t ibang sektor at grupong rebelte ng bansa gaya ng MILF, MNLF at NPA.

____ 7. Alin ang hindi kabilang sa mga naging epekto ng pagdedeklara ng Martial Law ni dating Pangulong Marcos?

A. Maaaring lumabas ang mga mamamayan anumang oras nila naisin.


B. Pagpapasara ng mga pahayagan at istasyon ng radyo
C. Paghina ng kapangyarihan ng mga husgado kabilang ang Korte Suprema
D. Pagkuha Ni Marcos sa lahat ng kapangyarihang pulitikal

____8. Sa iyong palagay alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng aral ng naganap na Edsa People Power
noong 1986?

A. Hindi lahat ng rebolusyon ay kailangan maging madugo.


B. Sa pagsasama sama at pagkakaisa ng mga mamamayan ay may mabubuong lakas na hindi maaaring
mapantayan ng anuman.
C. Kung magkakaisa ang mga Pilipino maraming adhikain ang kayang gawin para sa lipunan.
D. Walang kakayanan ang mga mamamayan upang magpabagsak ng mapang-abusong pamahalaan.

____9. Si Benigno “Ninoy” Aquino ay itinuturing na isang bayani ng maraming Pilipino, alin sa mga sumusunod
ang maling pahayag tungkol sa kanya?

A. Siya ang nagsabi ng mga katagang “The Filipinos are worth dying for.”
B. Naging tagapamagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng HUK sa panahon ni Pangulong Magsaysay.
C. Lumaban at nagwagi laban kay Ferdinand Marcos sa halalan ng pagkapangulo.
D. Nagsibing war correspondent sa Digmaan sa Korea.

____ 10. Ang Korte Suprema ang pinakamataas na korte sa bansa na pinamumunuan ng punong mahistrado, alin sa
mga sumusunod ang hindi katangian upang mahalal bilang punong mahistrado?

A. Kailangan na siya ay isang natural born Pilipino,


B. Hinihirang ng Senado mula sa mga kandidatong inerekomenda ng Judicial and Bar Council
C. Nagpraktis bilang abogado sa pilipinas ng hindi bababa sa 15 taon.
D. Naging hukom ng isang mababang korte
BINARY TYPE

PAGPAPASYA: Isulat sa patlang ang T kung tama at M kung mali ang mga ang isinasaad ng mga sumusunod na
pahayag.

____ 1. Si Dr. Jose Rizal ay isinilang noong Disyembre 30,1896.


____2. Ang pahayagang La Solidaridad ay nabuo sa pamumuno nina Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez Jeana.
____3. Ang Kartilla ay kalipunan ng mga aral at gabay para sa mga katipunero.
____4. Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Apolinario Mabini.
____5. Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
____6. Ang GOMBURZA ay mga paring Espanyol.
____7. Si Andres Bonifacio ang Supremo ng Katipunan mula taong 1895.
____8. Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal.
____9. Ang grupong Magdiwang ay naniniwalang kailangan ng palitan ang liderato ng rebolusyon.
____10. Ang kilusang propaganda ay may mga mithiin na ipinapahayag sa pamamagitan ng panulat, literature at
propaganda.

SUPPLY TYPE

PAGPUPUNO: Punan ng tamang sagot ang mga patlang.

1. Ang kasaysayan ay nagmula sa salitang Griyego na _____ na may kahulugang pagkatuto.


2. Ang teorya ng _____________ ay unang ipinanukala noong 1912 ng meteorologong si Alfred Wegener.
3. Ang Pilipinas ay binubuo ng _____ mga isla.
4. Maliban sa Baguio at Tagaytay kung saan higit na malamig ang panahon, ang klima ng Pilipinas ay _____.
5. Ang Mt. Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay may taas na _____ na metro.
6. Ang pagkaubos ng mga kagubatan ay tinatawag na ____________.
7. Ayon sa statistika, ____ sa 100 Pilipino ang hindi nakapag-aral.
8. Nasa kamay ng isang pinunong tintawag na _____ ang pamamahala ng isang barangay.
9. Ang mga mahalagang mensahe ng datu iy isinisigaw sa buong barangay ng isang ______ o tagapgbalita.
10. Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa nag-iisang Diyos na tinatawag na __________.
MATCHING TYPES

PAGTATAPAT I: Iugnay ang hanay A sa mga pangyayari sa hanay B. Isulatang wastong letra ng saot sa katabing
patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

____1. Manuel Roxas A. Edsa People Power


____2. Corazon Aquino B. Pilipino Muna
____3. Carlos P. Garcia C. Martial Law
____4. Ferdinand Marcos D. Philippines 2000
____5. Fidel V. Ramos E. Bell Trade Act

PAGTATAPAT II: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

HANAY A HANAY B

____1. Mga katutubong pari A. Timawa o malayang tao


____2. Grupong nagdedesisyon sa mahahalagang bagay sa
barangay B. Aliping Saguigilid
____3. Aliping nakatira sa loob ng bahay ng amo at tumutulong
sa mga gawaing bahay. C. Maginoo o Maharlika
____4. Nakikipaglaban sa digmaan at tumutulong sa datu
Sa pagtatanim sa bukid at iba pang pangangailangan D. Babaylan
____5. Aliping nakatira sa gilid o labas ng bahay na tumutulong
sa pagtatanim at pagaalaga ng hayop. E. Aliping Namamahay

PAGTATAPAT III: Piliin sa Hanay B ang mga bayaning may kaugnayan sa pahayag sa Hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

____1. Siya ang may akda ng Noli Me Tangere


At El Filibusterismo A. Andres Bonifacio
____2. Ang utak ng Katipunan at nagsulat ng Kartilla.
B. Marcelo H. del Pilar
____3. Unang patnugot ng La Solidaridad at may akda ng
Fray Botod. C. Jose Rizal
____4. May sagisag na Plaridel at sumulat ng Amain Namin
at Pasyong Dapat Ipag-alab ng Taong Babasa D. Graciano Lopez Jaena
____5. Ang tumayong Supremo ng Katipunan at sumulat ng
Katungkulang Gagawin para sa mga kasapi. E. Emilio Jacinto

Pagsusulit sa Araling Panlipunan


Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
Para sa Baitang 7
SUSI SA PAGWAWASTO:

PAGPILI I (LOTS) PAGPAPASYA ( BINARY TYPE)

1. B 1. M
2. C 2. T
3. B 3. T
4. A 4. M
5. D 5. T
6. C 6. M
7. B 7. T
8. C 8. T
9. D 9. M
10. A 10. T

PAGPILI II (HOTS) PAGPUPUNO (SUPPLY TYPE)

1. C 1. OTOPIA
2. A 2. CONTINENTAL DRIFT
3. D 3. 7,107
4. B 4. TROPIKAL
5. C 5. 2,954
6. B 6. DEPORESTASYON
7. A 7. 3
8. D 8. DATU
9. C 9. UMALOHOKAN
10. B 10. BATHALA

MATCHING TYPES

PAGTATAPAT I PAGTATAPAT II PAGTATAPAT III

1. E 1. D 1. C
2. A 2. C 2. E
3. B 3. E 3. D
4. C 4. A 4. B
5. D 5. B 5. A

REPERENSYANG AKLAT:
LANDAS NG LAHI 7 – BINAGONG EDISYON
KASAYSAYAN AT PAMAHALAAN NG PILIPINAS
Juan Alvin B. Tiamson
Zenaida A. Gonzales, PhD
Trinitas Publishing Inc.-2009

You might also like