Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

Alaala ng

Tag-araw

1
Isinulat ni :
Ma. Isabel G. Rodriguez
S5A

Kabanata 1

Di ko napansing gabi na pala kaya agad


akong kumain pagkatapos ay pumunta na ako sa
kwarto ko. Bumalik na naman ang memorya ng
nakaraan kaya di ko maiwasang mapaiyak.

"Uy ate tahan na" may kumalabit sa akin.

"Ay tokwa't baboy sinabaw--AAANN!"


nalaglag ako sa kama sa pagkagulat "Aba naman
Maria, wag ka namang pasulpot-sulpot diyan,
mamamatay akong maaga sa'yo eh"

2
"Ayaw mo nun? Magkakasama na tayo?"
Sabi niya habang tumatawa, yung tawang parang
mangkululam.

Matagal ng naninirahan dito si Maria, dito


kasi naka tayo ang dating bahay nila na di kalaunay
naging location naman ng pagtatayuan ng village
namatay siya sa di malaman na dahilan kasi nung
panahon niya wala pang ospital dito.

"Ay nako Maria, mahabag ka naman sa akin


sa pinagsasabi mo, ayaw ko pang matigok ok?"
Inirapan niya lang ako.

"Ayaw ko pang mawala sa mundong


ibabaw"

"Tss. Alam mo Summer lahat naman ng tao


namamatay, walang permanente sa mundo." Sagot
naman niya habang nakapamewang sa harapan ko.

3
"Oo, alam ko naman yan Maria. Pero di ko
pa oras."

"Hmp" dabog niya naman.

"Bumalik ka na nga doon sa aparador mo"


sabay turo ko sa lumang aparador na malapit sa may
pintuan.

"Che! Makaalis na nga dito" sabi niya


naman pagkatapos ay flinip niya ang buhok niya.

"Geez, Ang pangit talaga ni Maria kahit


kailan"

Nagulat naman ako ng biglang may


tumamang unan sa mukha ko.

"Aw" sabay hawak sa mukha ko.

"Narinig kita Summer. Naririnig kita." Sabi


ng boses sa loob ng aparador.

4
"Aish." Binalot ko na lamang ang sarili ko
sa kumot at saka natulog.

Halos maglilimang taon na simula ng


mawala si Daddy pero napakasariwa pa rin ng alala
niya.

"Ma? Kailan po kayo uuwi?" Malalim na


buntong hininga lamang ang narinig ko sa kabilang
linya.

"Ah anak, sorry kong di pa muna


makakauwi si Mommy ngayon, may inaasikaso pa
kasi kami ng Tito Alfred mo dito sa Aklan" sanay
na naman akong marinig ang mga salitang yan.
Dahil yan ang palaging rason niya sa tuwing hindi
siya makakauwi.

"Ah, Sige po Ma" ilang segundo ang


lumipas bago ulit siya magsalita.

5
"Oh sige na anak, huwag mong
kakalimutang kumain sa tamang oras ha. At saka--"

"Ma" pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Bakit Summer? May problema ba?"

"Umm, pwede po ba akong mamasyal sa


resthouse natin sa batangas?" Di ko namalayang
lumuluha na pala ako. "Namimiss ko na po kasi si
Daddy eh" sabi ko habang pinupunasan ang luhang
patuloy pa rin sa pagpatak.

"Ganon ba anak?"

"O sige, ipapaasikaso ko na kay Mang


Pedring para pagdating mo maayos na roon"

"Thank you Ma"

"Wala iyon anak basta laging magiingat ha?


Tawagan mo lang ako kung may problema ok?"

6
"Ok po ma, I love you Ma"

"Mas mahal kita anak"

Kabanata 2

Agad akong nagpasundo kinabukasan sa


driver naming si Mang Berto. Dahil sa haba ng
biyahe agad akong nakatulog. Nagising na lamang
ako sa tama ng matinding sikat ng araw.

"Maam, narito na ho tayo" agad akong


napatingin kay Mang Berto na kinakatok ang
bintana sa gilid ko.

Binuksan niya ang pinto at kinuha ang gamit


ko. Pero agad ko itong kinuha. "Ako na po ang

7
magdadala, mukhang nagmamadali na po kayo,
malayo pa naman ang biyahe niyo pabalik"

"Salamat ho ma'am Summer, sige po mauna


na ho ako." Tumango lang ako at umalis na rin siya.

"Hay. Namiss ko 'tong bahay na 'to."


Ngumiti ako ng maluwag at saka pumasok sa gate.

"Magandang tanghali ho Ma'am Summer."


Ngiting sabi ng isang lalaking may katandaan na si
mang Pedring. "Kumusta naman ho ang biyahe
natin" tanong niya habang kinukuha sa akin ang
dala-dala kong gamit.

"Ay okay naman po Mang Pedring. Medyo


nakakapagod nga lang ang biyahe."

"Buti naman po at naisipan niyong dumalaw


rito. Ilang taon na rin ang nakalipas" ngumiti
lamang ako bilang sagot.

8
"Kung may kailangan ho pala kayo maaari
nyo hong tawaging si Sita diyan sa kabilang bahay.
Isa rin siya sa katulong kong mag-ayos dito sa
bahay"

"Hmm, sige po maraming salamat po" sabi


ko habang tumatango-tango.

Agad kong nilibot ang bahay, tulad dati wala


parin itong pinagbago. Maganda at maayos pa rin
ang kalagayan nito.

Pero may kulang nga lang.

Wala na yung imahe ng masaya at sama-


samang pamilya ngayon. Ako na lang.

9
Kabanata 3

Sariwang-sariwa pa sa memorya ko ang mga


alaala ng masaya naming pagbabakasyon dito dati.
Kahit saan ko ibaling ang tingin ko para bang
nandito pa rin kami at magkakasama. Pero masakit
tanggapin ang katotohanang hindi na kami mabubuo
pa dahil iniwan na kami ni Daddy.

Ng matapos ko na ang pagliligpit at


pagaayos ng gamit ay nagsimula akong maglakad
lakad sa labas hanggang makarating sa tabing dagat.
Umakyat ako sa isang puno ng mangga. Naka pants

10
naman ako at simpleng t-shirt kaya naman madali
akong nakaakyat.

Halos isang oras na akong narito at kanina


ko pa pinagmamasdan ang lalaking kanina pa
naglalakad sa may dalampasigan.

"Siguro isa siyang ligaw na kaluluwa." Sabi


ko sa sarili ko.

Agad akong bumaba sa puno at pinuntahan


siya. Mula dito sa kinatatayuan ko kitang kita ko
ang matipuno ng pangangatawan. Nakasuot siya ng
pants at polong blue. Matangkad siya at medyo
maputi. Hindi ko makita ang mukha niya dahil
nakatalikod siya sa akin.

Habang papunta sa kanyang kitang-kita ko


ang naiiwang bakas ng aking tsinelas sa buhanging
aking tinatapakan. Tumingin ako sa dagat at nakita
ang repleksyon ng langit. Di ko napansing palubog

11
na pala ang araw kaso nga lang natatakpan ito ng
ulap.

"Sayang yung sunset noh? Di natin makikita


ng maayos" sabi ko ng makarating mismo sa tabi
niya.

Mula sa aking peripheral vision ay nakita


kong lumingon siya sa direksyon ko kaya naman
tumingin ako sa kanya. Tama nga ako. Gwapo siya.

Pagtama ng mga mata namin ay halatang


nagulat siya, di niya siguro inaasahang nakikita ko
siya. Ngumiti lamang ako at tumango.

"Nagulat ka ba?" Muli akong tumingin sa


palubog na araw. "Mula pagkabata ay nakakakita na
akong Multo"

Yumuko ako para hawakan ang buhangin na


nasa paanan ko. "Pwede bang magtanong?" Sabi ko

12
at tumingin sa direksyon niya pero di ko siya nakita,
tumingin ako sa gilid ko at--

"Ano yun" narinig ko ang malalim niyang


boses kaya naman mabilis akong na out of balance
dahil sa pagkagulat.

"Ay kalabaw" tiningnan ko siya ng masama.


"Baliw ka ba? Di mo ba inisip na baka atakihin ako
sa puso ng wala sa oras dahil bigla ka na lang
sumulpot?!" Inirapan ko siya habang pinapagpagan
ang damit na puno na ng buhangin. Narinig kong
tumawa siya ng bahagya.

Aba't kung hindi lang 'to patay mapapatay


ko 'to. Hmp.

"Hindi mo man lang ba ako tutulungang


makatayo?" Sabi ko habang nilalahad ang maganda
kong kamay sa harapan niya.

13
Tumigil naman siya sa pagtawa at naging
seryoso. Aba ano 'to moody na multo?! Seriously?!

"Mukhang ikaw ata ang nahihibang, multo


ako diba? Kahit anong gawin ko di kita
natutulungan." Sagot naman niya gamit ang
malalim na boses habang sinusubukang kunin ang
kamay ko para ipakitang tumatagos lang ang kamay
ko sa kamay niya.

"Tss." Tumayo na lang ako mag-isa.


Pasalamat siya at multo siya.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin din


pala siya sa akin. Wah! Kung di ka lang multo
liligawan kita.

"So anong itatanong mo?" Sabi niya habang


nakakunot ang noo.

"Ah-eh. Itatanong ko lang sana kung isa


kang lost soul?"

14
"Lost soul?" Tanong niya ng may halong
pagtataka.

"Oo, yung yun tawag sa mga ligaw na


kaluluwa. Kadalasan sa kanila may hindi natatapos
na misyon dito sa lupa kaya naman nananatiling
nandito sa lupa, samantalang yung iba naman eh
trip lang talagang gumala." Sabi ko naman habang
pinapagpagan pa rin ang damit kong puno pa rin
buhangin.

"Siguro" napatigil ako at napatingin sa


kanya.

"Siguro ano?" Napataas ang kilay ko.


Pabitin pa eh. Pede namang ituloy-tuloy.

"Siguro nga may misyon pa ako, di ko pa


kasi nahahanap yung the one ko eh." Sabay kamot
sa ulo niya. Wah! Ang cute. Medyo mahaba kasi

15
ang buhok niya kaya naman medyo tumatakip ito sa
maganda niyang mukha.

"Aw, NGSB ?" Sa gwapo niyang yan?

"Hahaha di naman sa ganon, di ko lang


talaga mahanap yung babaeng pang habang buhay
ko." Ngumiti naman siya sa akin at tumingin muli
sa dagat.

"Eh pano yan patay ka na eh?" Tumawa ako


pero agad akong huminto dahil bigla namang
nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Parang
may kirot.

"S-sorry sa nasab--"

"Wag kang mags-sorry" tumingin siya sa


akin. Kaya naman iniwas ko ang mata ko sa kanya.
"Totoo naman yang sinabi mo eh, paano naman ako
makakahanap ng babaeng magmamahal sa akin
kung patay na ako? Diba?"

16
Tumingin ako sa kanya "Malay mo naman
meron." Ngumiti ako at ganon rin siya.

Di ko napansin na tuluyan na palang


lumubog ang araw.

"So, pano ba yan...---"

"Jared." Tumingin siya sa akin. "Jared is the


name ." saka naman siya ngumiti ng pagkalapad
lapad. Jeske. Ibaon mo na ako sa buhangin.
Kenekeleg eke. Feeling ko namula ako.

"So pano na Jared? Alis na ako. Paggabi na


kasi." Nagwave naman ako sa kanya pagkatapos ay
tumalikod at nagsimulang maglakad. Di pa man ako
nakakalayo ay narinig kong nagsalita siya.

"O-oy! Di mo pa sinasabi pangalan mo!"

17
Lumingon ako at saka sumigaw "Summer!
Summer pangalan ko!" Habang tumatawa at lalo ko
pang nilakihan ang pagkaway ko.

Kabanata 4

Lumipas ang ilang araw ay agad kaming


nagkapalagayan ng loob. Araw-araw ko siyang
binibisita dito sa tabing dagat pag malapit ng
lumubog ang araw pero ewan ko ba kay tadhana
lagi niyang tinatakpan eh. Badtrip.

"Halos ilang araw na rin akong nandito pero


di ko pa rin makita kita ang perfect na paglubog ng

18
araw. Hmp." Padabog kong sabi habang tinatabihan
siya sa pag-upo.

"Bakit?" Tanong niya. "Hindi ka pa ba


nakakakita ng Sunset?"

"Syempre nakakita na. Pero iba kapag --"


tumingin ako sa kanya, at nakita kong nakatingin
siya sa akin. Kaya bumaling naman ako sa iba.
"Kapag ... Kasama ko yung kaibigan ko" tumingin
ako sa kanya at nakitang parang lumungkot siya.

Ewan ko ba pero parang may nabuong wall.


Parang may awkwardness.

Di ko naman napigilan ang tahimik na


atmosphere kaya naman nagsalita ako.

"Hay. Ang boring naman." Nakatingin ako


sa dagat pero sinisilip ko ang magiging reaksyon
niya sa peripheral ko. "Buti nakakayanan mong

19
mag-isa dito sa mahabang panahon na walang
ginagawa."

Nagulat ako dahil tumayo siya.

"O-oy! san ka pupunta!" Dali-dali akong


tumayo at pinagpagan ang pwetan ko.

"Oy! Sama" tuloy-tuloy lang siyang


naglakad habang ako ay nakasunod lang sa likod
niya.

"Oy Jared--" magpoprotesta pa sana ako


kaso timigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Punta na ako dun" sabi niya habang


tinuturo ang langit.

Ewan ko ba kung bakit parang may kumirot


na ewan sa puso ko.

20
"Iiwan mo na ako?" Out of no where kong
nabanggit. No! Naf-fall na ba ako? Erase! Nako
Summer! Patay na yan! Kaluluwa na yan.

"Tss. Pupunta lang ako sa dagat." Tumawa


lang siya habang nakatingin sa akin. "Diba ang sabi
ang dagat ang nagrerepresent ng langit dito sa lupa,
dahil makikita ang repleksyon ng langit sa tubig ng
dagat."

Nagsimula naman siyang maglakad ulit.


Kaya naman natauhan ako. Tsk. Kahit kailan
napakalaking tanga mo talaga Summer.

"Diba ang sabi mo na b-bored ka?"

Agad ko siyang hinabol at tumabi sa


paglalakad. Unti-unti kong naramdaman ang
paghalik ng tubig dagat sa aking mga paa.

"Eh ano ba kasing gagawin natin dito?" Sabi


ko habang kinakamot ang ulo ko.

21
"Maghintay ka na nga lang kasi."
Napanguso na lang ako sa sinabi niya.

Nang umabot na sa bewang namin ang tubig


ay huminto siya, kaya napatigil rin ako.

"Ano ba yang---" napatigil ako sa


pagsasalita.

"Wow! Andaming isda!" Parang malalaglag


ang mata ko sa dami ng maliliit na isda dito
napakalinaw ng tubig kaya naman kitang kita ang
mga grupo ng maliliit na isda na sabay-sabay na
lumalangoy.

Iba-iba ang nakikita kong isda, yung iba sa


kanila eh yung nakikita sa aquarium. Sobrang
nagustuhan ko ito kaya naman dali-dali akong
pumunta sa pampang para kumuha ng kahit anong
lalagyan, agad akong nakakita ng plastic cup kaya
naman kinuha ko ito.

22
Ng papalapit ako kay Jared napansin kong
tumatawa na naman siya. "Mukhang tuwang tuwa
ka ah" ngumiti naman ako sa kanya ng napakalapad
at sinabing "Sobrang nagustuhan ko 'to!"

Halos ilang minuto na rin kaming


nagbababad sa tubig pero hanggang ngayon wala pa
rin akong nakukuha. Tsk. Sobrang bilis kasi ng isda
eh.

"A-ayun! Dali kunin mo!" Sigaw ko sa


kanya dahil papunta sa kanya ang isang maliit na 'di
ko alam tawag' na isda.

Nagulat naman ako dahil nakuha niya ito ng


walang kahirap hirap sinalok niya lang ito gamit
ang kamay niya at saka isinalin sa hawak kong cup.

"Nakakahawak ka pala ng bagay?!" Nagulat


naman siya sa tanong ko kaya napaigtad siya.

23
Habang ako ay sobrang nanlalaki ang mata dahil sa
pagkamangha.

"Oo naman" sabi niya habang nakangiti.


Potek! Bat lagi siyang ganyan. Siguro kung yelo
ako tunaw na ako nung isang araw pa.

"Lahat naman ng multo kayang humawak o


makahawak ng bagay basta gusto o desidido siyang
hawakan yun." Sabi niya habang nakahawak sa
batok niya.

"Weh?!" Sabi ko naman habang lubos


paring namamangha.

"Tss. Ayaw mong maniwala?"

Nagulat ako sa ginawa niya dahil hinawakan


niya ang kanang kamay ko gamit ang kaliwang
kamay niya at saka itinaas sa ere. "Kita mo?"

24
Agad na nag-init ang pisngi ko kaya mabilis
kong hinawakan ang pisngi ko gamit ang kaliwa
kong kamay.

Tsk. Ano ba Summer! Multo yan! Wag kang


ma-fall. Ano ba naman oh! Iniling ko na lang ang
ulo ko at saka nag-isip ng sasabihin.

"Ah-eh" mag-isip ka Summer. Bilis!

"T-teka!" Nagulat naman siya kaya mabilis


kong binawi ang kamay ko. "Bakit dati di mo ako
tinulungan tumayo aber?!"

Tumawa lang siya. Kaya pinagtaasan ko


naman siya ng kilay. Tumigil siya sa pagtawa.

"Ok, ok" tinaas ang kamay bilang pagsuko.

"ang cute mo kasing tingnan kaya di kita


tinulungan" sinamaan ko agad siya ng tingin at
binasa ko siya ng tubig, sumimangot naman ako

25
kasi di manlang siya nabasa. Tsk. Multo nga kasi.
Nasapo ko na kamang ang mukha ko sa
pagkadismaya.

"Pasalamat ka dahil multo ka! Kung pwede


lang kita I-dobol dead, nakooo!"

Madilim na kaya naman napagpasyahan ko


ng umuwi. "Summer!" Tawag niya sa akin ng
makarating na kami sa pampang.

"Oh?"

"Di ka pa uuwi? gabi na oh" sabi niya


habang nakatingin sa langit.

"Eh ikaw? Ok ka lang dito?" Sabi ko naman


wah! Ano bang nagyayari sayo Summer?! Aish!

"Tss. At ako pa pinoproblema mo ah.


Nakalimutan mo na bang multo ako? Ha?" Sabi
niya habang ginugulo ang buhok ko.

26
Nagpout naman ako kaya pinisil niya ng
bahagya ang pisngi ko. Ay nako nanananching pa
eh. Eme kinikilig ako.

"Tsk. Bukas na nga lang babush na." Saka


winave ang kamay ko bilang pamamaalam.

Di pa man ako nakakalayo ay agad siyang


sumigaw.

"Ingat pauwi! Baka matapilok ka tanga ka


pa naman!"

Itinaas ko na lamang ang kamao ko sa


hangin at narinig ko ang pagtawa niya.

"Tss. Di ko nakakalimutang multo ka"sabi


ko sa sarili ko ng makapasok ako sa bahay.

27
Wakas

Halos araw-araw ganun na ang naging


routine namin, pero di ko inaasahang iba na pala
ang nararamdaman ko sa kanya. Di ko inaasahang
nahuhulog na pala ako sa kanya. Di ko inaasahang
mamahalin ko siya. Minsan pag di ko siya agad
nakikita natatakot ako, natatakot ako kasi baka
ganon na rin ang nararamdaman niya. Baka iwan na
niya ako. Napapadalas na rin kasi ang di niya agad
paglitaw kapag tinatawag ko siya. Akala ko

28
umakyat na siya doon sa taas. At sumama na kay
Bro.

Tulad ngayon, kanina ko pa siya hinahanap,


kanina ko tinatawag ang pangalan niya pero wala pa
ring Jared na lumilitaw. Para na akong tanga dito at
pagabi na rin, kaya naman wala na akong nagawa
kundi mapaluhod at umiyak na lang.

"Bro naman! Kinuha mo na ba si Jared?!" Di


ko alam pero sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"Psst. Anong iniiyak iyak mo dyan?"


Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita. Kilala
ko ang boses na yun.

Tumayo ako at agad siyang niyakap pero


tumagos lang ako sa kanya kaya lalo lang aking
napahagulgol.

29
Tangines talaga! Bakit ba naman kasi sa
dinami-raming buhay eh patay pa talaga ang
natipuhan ko?!

"Tss. Iyak ng iyak eh" naramdaman ko


naman siya na hinila ako papalapit sa kanya at
niyakap ako kaya naman niyakap ko siya pabalik.

"Loko ka Jared, pinag-alala mo ako akala ko


kinuha ka na ni Lord"

Kumalas ako sa kanya at tiningnan ko sya sa


mata. Kitang-kita ko sa mata niya na parang
nasasaktan din siya. "Please wag mo akong iwan,
ayokong mawala ka sa akin." Humihikbi kong sabi.

Umiling siya sa akin at saka pinunasan ang


luha ko gamit ang hinlalaki niya. Kitang-kita ko ang
lungkot sa kanya, nakikita ko ring namumuo na ang
luha sa mga mata niya.

30
"G-gusto ko m-man" narinig kong nag crack
ang boses niya "Pero mukhang di ko mapapangako
yun." Tuluyan na siyang umiyak ng sabihin niya
iyon.

Para na kaming tangang nag-iiyakan habang


papalubog na ang araw. Kung may makakakita lang
sa amin ngayon este sa akin malamang iisipin
nilang nababaliw na ako, pero wala eh. Patay na
patay ako dito sa patay na 'to.

Hinawakan niya ang magkabilang pingi ko


at tiningnan ako ng sinsero diretso sa aking mga
mata pero tumingin lang ako sa baba.

"Summer makinig ka" tumingin ako sa


kanya. Bat ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?!

"Masaya akong nagkakilala tayo masaya


akong nakasama kita, masaya ako dahil dumating
ka, m-masaya ako k-kasi ng-ngayon lang ako

31
nagmahal ng ganito." Tuloy tuloy niyang sabi kahit
umiiyak pa rin siya.

Napansin kong nanlalabo na ang kamay


niyang nakahawak sa pisngi ko. "No.."

Agad kong hinawakan ang kamay niya.


"Wag, w-wag mo akong iwan" sabi ko sa kanya sa
gitna ng paghikbi ko. "No, hindi mo ako mahal"

Lumayo ako ng isang hakbang pero kinuha


niya lang ang kamay ko at hinatak ako papunta sa
kanya, kinulong sa kaniyang bisig at hinalikan ang
noo ko.

"W-wag kang mag-alala makakahanap ka


rin ng higit sa akin" di pa rin niya pinuputol ang
titig niya sa akin.

"M-mahal na mahal kita kaya please wag


mo akong iiwan di ko kaya" pagmamakaawa ko sa
kanya.

32
"Kakayanin mo Summer"

"Gawin mo na lang akong magandang ala-


ala." wala na rin akong nagawa kundi tanggapin na
baka ito na nga ang huli.

"Tumingin ka sa araw" Pinunasan ko ang


mukha ko at tumingin sa paglubog ng araw.

"Isipin mong napakagandang alaala kasabay


ng paglubog ng araw, isipin mo lang na may isang
taong--este--patay na, patay na patay at
nagmamahal sa'yo" sabi niya at bahagyang tumawa.
"Mahal na mahal kita Summer"

"Mas mahal kita kaya kahit labag sa loob ko


papalayain na kita"

Tumawa lang ako "ang sarap batukan ng


tadhana ano? Ilang linggo na ako nandito pero
ngayon ko lang nakita ang magandang paglubog ng

33
araw sinabay pa sa pag-eemote natin." Tiningnan ko
siya ng masama.

"Nakakainis ka Jared kung di lang talaga


kita mahal papatayin kita ulit--" "shh" pinutol niya
ako sa isang halik.

Mabagal pero sinserong paghalik. Pumikit


ako at damang-dama ko ang lungkot sa bawat
paggalaw ng aming mga labi. Lahat ng memories
naming magkasama simula ng una naming
pagkikita hanggang sa tagpong ito. Para akong
tinutusok ng paulit-ulit. Parang di ko kaya.

Unti-unti na namang tumulo ang luha namin


pero nagulat ako ng bigla akong bumagsak at
tumagos sa kanya nakita ko na lang ang sarili kong
naka upo at panay tulo ng luha sa buhanginan.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang


unti-unti niyang paglaho, sa huling sandali ang
umupo siya sa harapan ko at ginulo ang buhok ko.

34
"Mahal na mahal kita Summer babantayan
kita palagi wag ka mag-alala"

"Mahal na mahal din kita Jared" ngumiti ako


ng mapait "malaya ka na"

Ngumiti rin siya pabalik.

Umihip ang malakas na hangin kaya naman


napapikit ako. Pagdilat ko ay wala na siya.

"Mahal kita" sabi ko habang walang humpay


na tumutulo ang aking luha. Tss. Taksil na mga
mata.

Tumingin ako sa araw na tuluyan ng


lumubog.

"Mahal na Mahal"

35

You might also like