Professional Documents
Culture Documents
Literatura NG Aba
Literatura NG Aba
TSAPTER III
REHIYON I
MGA LALAWIGANG BUMUBUO
ILOCOS NORTE, ILOCOS SUR, LA UNION, PANGASINAN
Iba ang tatak ng mag Ilokano kung ambag sa literatura ang pinag-uusapan.Tulad ng mga anyo ng
literatura sa bansa, ang mga Ilokano ay may sariling bersyon ng epiko, kantahing-bayan, bugtong
kasabihan na pasulat o pasalita ang anyo. Sumalunga sa maraming pagbabago ang literaturang Ilokano
kung kaya hindi kataka-taka na ito’y umunlad sa iba-ibang paraan. Nabahiran din ito ng mga temang
panrelihiyon sa pananakop ng kastila. Itinanghal noong ika -19 siglo ang komedya o moro-moro sa
Ilocos. Nakalikha rin sila ng mga maikling kwento na itinuring na imitasyon sa mga kwentong Amerikano.
Karaniwan sa paksang tinalakay sa kwento ay giyera, mga aktibidad ng gerilya, karahasan at kamatayan.
1. LEONA FLORENTINO
2. LEON PITCHAY
3. JOSE BRAGADO
4. PEDRO BUCANEG
5. CARLOS BULOSAN
6. SEVERINO MONTANO
7. ANDRES CRISTOBAL CRUZ
8. ISABELO DE LOS REYES
REHIYON 1
Ilocos Norte ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng ILocos sa Luzon ang kabisera
nito ay ang lungsod ng Laoag at nakaharap ang lalawigan ng Ilocos Norte sa Dagat Luzon sa kanluran at
sa kipot ng Luzon sa Hilaga. Matatagpuan ito sa hilagang-kanluran bahagi ng ng pulo ng Luzon at ang
hangganan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng Cagayan at Apayao, at sa timog ay ang mga
lalawigan ng Abra at Ilocos Sur
Mga magandang tanawin sa Ilocos Norte
Tanyag na simbahang Katoliko sa lalawigan ng Ilocos Norte
Simbahan ng PAOAY (St. Augustine Church)
Napabilang sa UNESCO World Heritage Site noong 1993
Pagudpud ay isang bayan sa tabi ng dalampasigan sa hilangang dulo ng Luzon na kilala bilang
bakasyunan.
Mga kapistahan sa Ilocos Norte
“Tan-ok ni Ilocano: the festival of festival” pistang ipinagdiriwang taon-taon bilang larawan ng kanilang
sariling pagkakakilanlan tulad ng kanilang kultura, kabuhayan, produkto, relihiyon at kasaysayan.
Mga produkto
• Agrikultura-palay, mais, bawang, halamang ugat, tabako, at iba pang prutas at gulay
• Palaisdaan- Isda
• Alagang hayop-baboy, kambing at baka
• Paggawa ng pagkain-asin, bagoong, basi, suka,
karne, chicharon at bukayo
ILOCOS SUR
• Ang lalawigan ng Ilocos Sur ay nahahati sa dalawang lungsod
• Mga Lungsod
-Lungsod ng Vigan
-Lungsod ng Candon
MGA MAGAGANDANG TANAWIN
Vigan
Tirad Pass
Wind Mill
Santa Maria Falls
Mga kapistahan sa Ilocos Sur
• Longganiza Festival-Ang longganisang Vigan na hango sa bersyon ng Mexican salami ay naging
paborito nang ulam sa anumang okasyo, mula pa noong panahon
naging pangunahing livelihood ito ng mga bingueño at ginawang kanilang One Town
One Product (OTOP). Kinikilala na rin ngayon ang Vigan bilang top producer ng
longganisa.
Tuwing ikatlong lingo ng Enero ay ipinagdiriwang ng Vigan ang kanilang pista na
kumikilala sa kanilang patron na Saint Paul The Apostle
Ang mga tao sa Ilocos Sur ay nabubuhay sa pagsasaka. ang kadalasang itinatanim nilang mga
pagkain ay bigas, gulay, root crops, at mga prutas. Ang mga itinatanim naman nilang hindi
nakakaing halaman ay tabako, bulak at tigergrass.
LA UNION
Ang La Union ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang
kabisera nito ay ang lungsod ng San Fernando. Pinalilibutan ito ng Ilocos Sur sa hilaga, Benguet sa
silangan, at Pangasinan sa timog. Sa kanluran ng La Union ay ang Dagat Timog Tsina.
Mga produkto
• Agrikultura – palay, mais, bawang, halamang ugat, tabako at iba pang prutas at gulay
• Palaisdaan- Isda
• Alagang hayop- baboy, kambing at baka
• Paggawa ng pagkain- asin, bagoong, basi, suka, karne, chicharon at bukayo.
Industriya
• Paggawa ng tabako
• Paghahabi
• Paggawa ng kasangkapan sa bahay seramiko
at kasangkapang gawa sa bakal
Paggawa ng asin, patis at bagoong
Pagmimina
Pag-aalaga ng hayop
Wika
ILokano ang karaniwang wika dito. Ang mga naninirahan sa barangay ng santo tomas at
rosario ay nakakapagsasalita din ng Pangasinense habang ang nakatira sa hangganan ng
Cordillera ay nagsasalita ng Ibaloi at Kankanay. Ingles at filipino ang batayan ginagamit sa
patuturo sa mga paaralan dito.
Magandang Tanawin
Pagoda Hill
Ukkalong Falls
St. Catherine Paris
Pindangan Festival
PANGASINAN
Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Matagpuan ang lalawigan sa
kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat Tsina.
Sinasalita ang pangsinan bilang ikalawang wika ng mga etnikong minorya sa Pangasinan. Ang
pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa pangasinan ay ang mga Iloko, Bolinao at Tagalog.
WIKA
Ingles at Filpino ang kadalasang wika dito at ang ginagamit sa pagtuturo sa paaralan.
Panngasinense ang wikang ginagamit ng mga taong naninirahan sa gitnang bahagi ng Pangasinan at
Ilokano ang pangunahing wika sa pinakamalaking bahagi ng lalawigan.
Industriya
Agrikultura ang pangunahing industriya ng lalawigan. Ang iba pang prominenteng industriya ay
paggawa ng bagoong, mga produktong likhang kamay at paggawa ng mga gamit-pambahay
Produkto
• Bigas
• Bagoong
• Daing
• Fresh bagus
• Mais
• gulay
Magagandang Tanawin
Manaog Church
Hundred Islands
Tara Falls
Festivals
Bangus Festival
Bagoong Festival
Panitikan na isinasanay sa Pangasinan
Mga kaugalian sa pag-aasawa
• Kasunduan sa pag-aasawa
• Panunuyo
• Pagkatapos ng kasal
• Regalo sa magandang kapalaran
Paniniwala sa Burol
• Pagsabog ng bigas o asin
LITERATURA NG REHIYON
Bugtong (Pangasinan):
Hindi tao, hindi hayop
Kumakain nang marami (hindi) walang panlasa
Sagot: lagari
Kawikaan (Iloko):
Ti nakersang a dakulap ang magaspang na kamay
Isu’t dalan ti pirak. Ay daan ng pilak
Kasabihan (Pangasinan):
Agnabirbir so tuo hindi nakilala ang tao
Ed dakep na kawes to. Sa kapal ng kanyang suot.
Epiko
BUOD “ BIAG NI LAM-ANG” (Ilokano)
Biag ni Lam-ang (Tagalog: "Buhay ni Lam-ang") ay isang epikong tula ng mga Ilokano mula sa
rehiyon ng Ilokos sa Pilipinas. Sinalaysay at sinulat sa orihinal na wikang Ilokano,
pinapaniwalaang na pinaghalong gawa ito ng iba't ibang mga lumilikha ng tula na pinasa sa
pamamagitan ng mga salinlahi, at unang sinulat noong 1640 ng isang bulag na manunulat na
si Pedro Bucaneg.
• ALAMAT
ANG ALAMAT NG LAWA NG PAOAY (Ilokano)
TULA
NALPAY A NAMNAMA (Leona Florintino)
BIGONG PAG-ASA (Salin ni Isagani R. Cruz)
Literatura ng CAR:
Awiting bayan
SA BUNDOK (Ifugao)
Awit na Pangkasalan
CHUAY (Igorot)
PAPURI (Kalinga)
Kwentong-bayan
ANG PAGKAKALIKHA SA MGA IGOROT
Epiko ALIM (Ifugao)
Epiko
may nakilala siyang isang magandang babae, si Ines Kannoyan at umibig siya rito. Pumunta siya
sa bahay nila Ines upang umakyat ng ligaw kasama ang kanyang puting tandang at ang kanyang
paboritong aso. Nang makarating siya sa bahay ay nainis siya sa dami ng naunang manliligaw sa kanya.
Inutusan niyang tumilaok ang kanyang tandang at sinunod naman siya nito. Noon din ay gumuho ang
bahay nila Ines at nangamatay ang lahat ng kanyang manliligaw. At inutusan naman niyang tumahol ang
kanyang aso at tumahol nga ito. Mabilis na bumalik sa dati ang gumuhong bahay. Lumabas si Ines at ang
kanyang mga magulang upang salubungin siya. Ipinaramdam ng tandang ang pagmamahal ni Lam-ang
kay Ines Kannoyan. Ang aking panginoon na si Lam-ang ay iniibig ka at gusto ka niyang pakasalan, sabi
ng puting tandang kay Ines sa lenggwaheng naiintindihan niya. Pakakasalan kita kung matutumbasan mo
ang aming kayamanan, sagot ni Ines Kannoyan. Ang pagsubok'na ibinigay ni Ines ay hindi
nakapagpahina kay Lam-ang. Umuwi siya kaagad at bumalik kasama ang isang malaking bangka na puno
ng ginto, hinigitan nito ang halaga ng kayamanan nila Ines. Ikinasal sila at namuhay ng masaya. Lumipas
ang mga taon at dumating ang pagkakataon ni Lam-ang na humuli ng isda na tinatawag na rarang. Ito ay
isang obligasyon ng bawat may asawang lalaki sa kanilang komunidad upang manghuli ng rarang. Ngunit
nararamdaman ni Lam-ang na mapapatay siya ng isang berkahan, (isang uri ng isda na kabilang sa
pamilya ng mga pating) kapag pumalaot na siya upang manghuli ng rarang. Ngunit kailangan niyang
tuparin ang kanyang tungkulin at isang gabi ay pumalaot siya sa karagatan. Napatay siya ng berkahan
tulad ng kanyang inaasahan. Tumangis si Ines sa kalungkutan. Umisip ang kanyang puting tandang ng
paraan upang buhaying muli si Lam-ang. Umarkila si Ines Kannoyan ng mga maninisid upang hanapin
ang mga buto ni Lam-ang sa ilalim ng dagat. Madaling nahanap ng mga maninisid ang lahat ng mga buto
at pinagsama-sama ni Ines ang mga ito. Kasama ang puting tandang at ang paboritong aso ni Lam-ang ay
namanata siya gabi-gabi hanggang sa isang araw ay nabuhay si Lam-ang. At mula noon ay namuhay sila
ng masaya.
Sa isang lugar ng Ilocos, may matatagpuang malawak na lawang dinarayo pa ng mga turista.
Noong unang panahon, walang tubig ang lugar na ito. Makikita rito ang maraming tanim, malalagong
punong kahoy at malalaking bahay na pag-aari ng mayayamang taong nakatira rito. Sila ay matiyaga,
matulungin sa kapwa, at higit sa lahat, may takot sa Diyos. Kaya naman natutuwa ang Diyos sa kanila at
hindi Niya pinabayaan ang mga ito.
Dumaan ang maraming taon. Ang mga tao sa lugar na iyon ay lalo pang yumaman. Ngunit
nagbago sila ng pag-uugali. Sila ay naging mayabang at labis ang naging pagtitiwala nila sa kanilang
sarili. Naging mainggitin din sila sa kanilang kapwa. Kapag nakita nilang nagpatayo ng bahay ang
kanilang kapit bahay, nagpapatayo rin sila, ng higit pang malaki rito. Kapag nagsuot ng bagong damit ang
kanilang kapwa, magsususot din sila ng higit pang magarang damit. Kapag may bumili ng alahas, bibili
rin sila ng mas marami. Nagsisimba sila para hindi magpuri sa Panginoon kundi upang ipakita at
ipagmayabang ang kanilang mga kasuotan at alahas. Anupa’t tuluyan nilang nakalimutan ang Diyos na
nagpala sa kanila.
Sa lugar na ito ay may mag-asawang hindi gumaya sa kapitbahay. Bagkus, sila’y nanatiling tapat
sa Panginoon. Nagsisimba sila upang manalangin. Nanatili silang mabait sa mga mahihirap lalo na yaong
naliligaw sa kanilang lugar.
Isang gabi napanaginipan ng mag-asawa na maparusahan nag kanilang lugar dahil sa labis ang
kasamaang ginagawa ng mga tao. Narinig nila sa kanilang panaginip ang isang tinig na nag-uutos sa
kanila na makakabuting lumikas muna sa bundok na matagpuan sa likod ng simbahan. Ipinagbilin din ng
tinig na kapag narinig nila ang unang kulog, agad na silang umakyat sa bundok na iyon.
Kinaumagahan ipinamalita ng mag-asawa sa kanilang mga kanayon ang tungkol sa kanilang mga
panaginip. Sinabi nila ang tungkol sa ipinagbilin ng tinig. Ngunit sa halip na maniwala ang mga tao,
pinagtawanan pa nila ang mag-asawa.
Isang araw may isang lalaking pulubi na dumating sa lugar na iyon. Nakakaawa ang kanyang
kaanyuan. Nagmakaawa siya sa mga tao ngunit walang sinumang pumansin sa kanya. Biglang naglaho
ang matanda at lumitaw sa kanyang kinatatayuan ang isang makisig na lalaki na nakasuot ng kakaibang
damit
Pagkaraan ng ilang sandali’y nagkatipun-tipon ang mga ulap at pagkatapos ay kumidlat, kumulog
at humangin ng pagkalakas-lakas. Nahintakutan ang lahat ng tao sa lugar na iyon.
Magdamg na umulan kaya’t tumaas sang tubig hanggang sa nalampasan na nito ang bubungan ng
simbahan. Nang humupa ang ulan, malaking lawa nag nakita ng mag-asawa sa dati nilang lugar.
Nalungkot ang mag-asawa sa dati nilang lugar. Nalungkot ang mag-asawa sa sinapit ng kanilang
kanayon. Sa lawang iyon nakita nila ang mga isdang kakaibang kulay at hitsura
Lumipas ang mga taon. Tinawag ng mga tao ang lawang ito ng Paoay Lake (Lawa ng Paoay) na
matatagpuan sa Ilocos Norte.
TULA
BIGONG PAG-ASA (Salin ni Isagani R. Cruz)