Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ika-7 ng Oktubre, 2019

KGG. BIENVENIDO ATIENZA


Punong Barangay
Bihis, Sta. Teresita, Batangas

Kgg. Punong Barangay,

Magandang Araw po.

Ang Mataas na Paaralan ng Sta. Teresita ay humihingi po ng tulong sa inyong opisina para po
sa seguridad ng paaralan higit sa lahat ay para sa mga mag-aaral. Sa kadahilanan po noong
nakaraang araw ay nagkaroon ng isang insidente na kung saan nabasag po ang mga bintana
ng isang gusali sa aming paaralan sa pamamagitan ng pamamato sa mga ito. Ang nasabing
insidente ay makikita po sa larawan na nakalakip sa liham na ito. Dagdag pa dito ay
humihingi din po kami ng tulong sa inyong barangay tanod upang mabantayan ang aming
paaralan lalo’t higit sa mga araw na walang pasok.
Lubos po kaming umaasa na mabigyang pansin ninyo ang liham na ito.
Marami pong salamat.

Sumasainyo,

ATENA A. RIVERA, Ed.D.


Punongguro IV

You might also like