Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

MIRANDA, SHARMAINE C.

BSA-3A

M2: Check In Activity (Aralin 1)

1. Anong estilo ng panimula ang ginamit ng manunulat nito?

Ang estilong ginamit sa manunulat sa panimula ay ang pagsisipi o halaw ayon sa saligang batas ng pilipinas
na “public office is a public trust” na siyang nagging simula at batayan na sinomang opisyal sa pamahalaan
ang gumawa ng impeachment offense ay kakaharap sa kanilang karampatang parusa. Ito ay bago ang
ilahad ng manunulat ang proseso ng impeachment process na tinuturing tanging paraan upang mapatalsik
ang mga tiwalang mataas na opisyal sa pamahalaan.

2. Anong uri ng paglalahad ang nasabing video explainer tungkol sa Impeachment Process? Bakit?

Ang nasabing bidyo patungkol sa impeachment process ay nagpapakita ng pagbibigay-katuturan,


pagbibigay-panuto at tala. Una, ito ay nagbibigay-katuturan sapagkat binibigyang linaw nito ang usaping
impeachment process at nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa mga terminolohiyang may kaugnay
sa usapin. Sa pagbibigay-katuturan ay naibahagi ang kahulugan ng impeachment, naibahagi rin ang mga
pagkakasala o kilalang impeachment offenses tulad ng paglabag sa konstitusyon, pagtataksil, pagsusuhol
korusyon at iba pa. Pangalawa, ito ang nagpapakita ng pagbibigay-panuto sapagkat ang pagsasagawa ng
impeachment ay may sinusundang proseso kung papaano magsailalim sa isang impeachment process.
Dito na pumapasok ang ikatlo na Tala, dahil ang proseso ng impeachment ay nakabase sa dalawang uri
kung ito ay fast-track procedure o longer procedure. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kaalaman sa
usapin, lubos na maunawaan nang may interes ng nakikinig ang kahalagahan ng isyu.

3. Anong katangian ng paglalahad ang mas nangibabaw sa nasabing video explainer?

Para sa akin, ang nasabing bidyo ay nagpapakita ng mga katangiang kalinawan, katiyakan, kaugnayan at
diin, ngunit sa aking pagsusuri, ang kalinawan ang siyang mas nangingibabaw sa video explainer dahil sa
maikling oras ng bidyong ito ay naunawaang maigi ang bawat sinasabi at pinaparating ng nagsasalita sa
mga manonood. Pinairal nito ang pagbibigay ng tiyak at purong katotohanan na impormasyon at
nakapokus lamang sa paksang tinatalakay.

You might also like