Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Saint Jude Academy of Mindanao, Inc.

Unang Buwanang Pagsusulit sa Filipino


Baitang 8

Pangalan : ________________________ Seksyon:____________ Iskor: __________

PANGKALAHATANG PANUTO: Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbubura.

I- Maramihang pag-pipilian. Gamit ang iyong pluma, Bilogan ang letra ng angkop na sagot sa mga sumusunod na
tanong.

1. Ito ay tinatawag na kambal Katinig na matatagpuan sa loob ng isang pantig ng isang salita?

A. Pares Minimal B. Diptonggo C. Klaster D. Malayang nagpapalitan

2. Ang sumusunod na pares ng salita ay pares minimal maliban sa ______?

A. dula-tula B. sampo-sampu C. araw-ayaw D. kwento-kwenta

3. Ang mga Sumusunod na Salita ay may klaster maliban sa _______?

A. Eksport B. Akyat C. Tsansa D. Prutas

4. Siya ang ama ng balarilang Filipino na nagbalangkas ng Abakada?

A. Ferdinand Blumentrit C. Fr. Pedro Chirino

B. Trinidad H. Pardo de Tavera D. Lope K. Santos

5. Sa kasalukuyan ang wikang opisyal ng pilipinas ay_____?

A. Ingles at Kastila C. Ingles at Pilipino

B. Ingles at Filipino D. Ingles, Kastila at Filipino

6.Noong 1937 iminungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa sa kanilang resolusyon na ang wikang pambansa ay
ibabatay sa _____?

A. Waray B. Filipino C. Tagalog D. Pilipino

7. Ang Bagong Alpabeto ay binubuo na ______ na titik.

A. 20 B. 26 C. 28 D. 31

8. Tulang pandamdamin o lirikong patungkol sa patay?

A. Soneto B. Oda C. Elehiya D. Liriko

9. Tulang Lirikong nagpapahayag ng papuri at masiglang damdamin patungkol sa isang kaisipan?

A. Soneto B. Oda C. Elehiya D. Liriko

10. Tulang binubuo ng 4 na taludtod namay 7 pantig sa bawat taludturan. Kakikitaan ng talinghaga?

A. Soneto B. Haiku C. Tanaga D. Liriko

II. Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

tugmang ganap saknong


kopla lalabing-animin aliw-iw o indayog
sesura Savory tugma
karaniwang tugma sukat

 
1. Ang _______ ay tawag sa estropang may dalawang taludtod.

2. Ang _______ ay nauukol sa pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog ng huling dalawa o higit pang mga
pantig ng mga huling salita sa isang saknong.

3. Kapag ang taludtod ay nagtatapos sa mga tunog na magkakahawig at magkakaiba ang tuldik ng mga huling
pantig, ito ay tinatawag na _______.

4. Ang sukat na _______ ang karaniwang ginagamit ng makata kapag iniisip niyang ang kanyang tula ay
bibigkasin.

5. Ang _______ ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

6. Ayon kay _______, ang tula ay isang sining ng paggamit ng mga salita upang lumikha ng ilusyon sa ating
mga pandama.

7. Ang tono kung paano binibigkas ang mga taludtod ay tinatawag na _______.

8. _______ ang tawag sa “ break or pause in a line or verse”.

9. Kapag ang mga taludtod ay nagtatapos sa magkakatulad na tunog at tuldik, ito ay tinatawag na _______.

10. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na _______.

III. Pagtatapatin ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang isulat sa patlang.

Hanay A Hanay B.

_____1. Maluway A. awit sa pakikidigma

_____2. Umbay B. awit sa paglilibing

_____3. Dung-aw C. awit sa pag-ibig

_____4. Hiliraw at pamatbat D. awit sa sama-samang paggawa

_____5. Balitaw at kundiman E. awit sa pagpapahayag ng kalungkutan at pagdurusa

_____6.indolin at kutang-kutang F. awit sa paggagaod o pagsasagwan

_____7.soliranin G. awit sa pamamangka

_____8.sambotani H. awit sa pagwagia t pagtatagumpay

_____9. Talindaw I. mga awiting panlansangan

_____10. Kumintang

Inaprobahan ni: Inihanda ni:

Estrella L. Marapao Rhojean Mae B. Lumantas


Punong Guro Guro sa Filipino

“Be strong and courageous! Do not be afraid or discouraged, for the Lord your God is with you wherever you go.” – Joshua 1:2-9

You might also like