Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

lINGGO 1 Aralin 1

TALAAN NG NILALAMAN

PAGSULAT SA PILING LARANGAN

UNIT 1: Akademikong Pagsulat


ARALIN 1:

TALAAN NG NILALAMAN ......................................................................... Error! Bookmark not defined.


Pamantayang Pambaitang ....................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Aralin 1: Kahulugan at katangian ng akademikong pagsulat....................... Error! Bookmark not defined.
Panimula ...................................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Pagpapaunlad ........................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Paglalapat ....................................................................................................................................................9
Pagtataya.................................................................................................................................................. 10
Pagninilay .................................................................................................... Error! Bookmark not defined.
Sanggunian: .................................................................................................................................................6

Page i
KWARTER
lINGGO 1 Aralin 1 FILIPINO 10
1

PAMANTAYANG PAMBAITANG: Nauunawaan ang kalikasan, layunin, paraan ng


pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
(Akademik) at makasulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan

Pamanatayang Pangnilalaman: Kasanayang Pampagkatuto:


Nauunawaan ang kalikasan, layunin at 1. CS_FA11/12PN0a-c-90 Nakikilala ang iba’t
paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ibang akademikong sulatin ayon sa: (a)
ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
ibang larangan (Akademik)

Pamantayan sa Pagganap:
Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng
mga orihinal na sulating akademik ayon sa
format at teknik

Pagpapahalaga:
1. Pagkilala sa mga tuntunin at ang kahalagahan nito sa buhay.

Inaasahang Pagganap: Goal – makabuo ng isang portfolio


Ang mga mag-aaral ay inaasahang Role – kabilang sa pangkat ng mga
makabuo ng isang portfolio ng mga manunulat na nagpakadalubhasa sa
orihinal na sulating akademik ayon sa akademikong sulatin
format at teknik Audience – guro at kapwa mag-aaral
Situation – kayo lilikha ng isang portfolio
bilang taunang kahingian sa pangkat na
kinabibilangan
Product – isang portfolio
Standards: bibigyan puntos ayon sa
nabuong portfolio at pinagsama-samang
puntos ng mga sinulat na akademikobg
sulatin

Page ii
lINGGO 1 Aralin 1

tatayain ang gawain sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

[4-1] Mas [6-5]


Mababa Kailangan pa [8-7] [10-9] Marka
Pamantayan kaysa ng Magaling Napakahusay
Inaasahan Pagsasanay
Nilalaman May ilan Sinubukang Taglay ang Nasunod ang
lamang tiyak maisama ang halos lahat ng tamang bilang
na bahagi ng lahat ng tiyak bahagi at ang nga nilalaman
portfolio na na bahagi, mahahalagang at kumpleto
taglay subalit nilalaman ang mga tiyak
maraming na bahagi
kulang
Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos ng
Kalinisan kaayusan at matutong hindi magulo ginawang
magulo ang magsaayos ng ang portfolio, porfolio at
portfolio mga nilalaman may ilan nasunod ng
at bahagi ng lamang format mataman ang
portfolio na di nasunod format
Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa
Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago
loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang
panahon panahon panahon ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa
pasahan dahil pasahan
ipinaalala ng
guro

Page iii
lINGGO 1 Aralin 1

ARALIN 1

Photo Essay
Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Photo Essay
Bilang mag-aaral,

Ang mga paunang kaalaman ko tungkol sa aralin ito:


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Ang mga tanong ko para sa araling ito:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

PANIMULA
Lagi nang naririnig ang kasabihang ang isang larawan ay katumbas ng sanlibong salita.
Sinasabi nitong masaring maipahayag ang mga komplikadong idea sa pamamagitan lamang
ng isang larawan.

Kasaboy ng pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon, partikular ang pag-usbong mga smart


phone at social media, popularidad ng photo essay. Kahit sino ay maaari nang gumawa nito.
Tumingin lang sa mga social meda site, blog, at website ng iba't ibang organisasyon at
tatambad na ang sari-saring sanaysay na may larawan. Ang lan sa mga ito ay nang-aaliw at
nagbibigay ug impormasyon samantalang ang iba ay nag-iimbita ng debate o nagpapasidhi
ng damdamin. Amuman ang layunin, may ipinahahayag na mensahe ang Photo Essay.

TIYAK NAKASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian
(d) Anyo sa pamamagitan ng pagsusuri sa halimbawa ng isang Photo Essay at pagsagot sa
mga tanong.

Page 1
lINGGO 1 Aralin 1

MAHALAGANG PAG-UNAWA

1. Mula sa pangalang photo essay, may dalawang pangunahing sangkap ang genre na ito:
photo at essay. Tiyaking sa pagsulat ng akda, pantay na naipapakita ang dalawa: ang
kapangyarihan ng larawan na magkuwento at ang kakayahan ng wikang maglahad o
magsalaysay.

MAHALAGANG TANONG
1. Paano mailalarawan ang isang Photo Essay?

PAGPAPAUNLAD Alam mo ba?:

Ang Photo Essay  May iba't ibang estilo sa


pagkatuto at ang
Ang photo essay ay koleksiyon ng mga larawang maingat pinakakaraniwan ay ang biswal
na inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng na pagkatuto. Ang
mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na paglalangkap ng mga larawan
konsepto, o magpahayag ng damdamin. Hindi limitado sa isang teksto ay hindi lamang
ang paksa ng photo essay. Maaaring ito ay serye ng mga nagpapayaman ng nilalaman
imahen sa mataong bangketa, magulong konsiyerto, o ng isang akda, lalo rin itong
tahimik at payapang bukirin. Maaari ring tungkol ito sa nagiging interesante para sa
isang natatanging tao o mga kakaibang pangyayari. mga mambabasa.
 Kahit may mensaheng
Ang photo essay ay katulad din ng iba pang uri ng
inilalahad ang isang larawan,
sanaysay na gumagamit ng mga teknik sa
kailangan pa rin ang teksto
pagsasalaysay. Ang kaibahan lamang ay ang paggamit
upang maging tlyak sa
ng mga larawan sa pagsasalaysay. May mga photo
impormasyon, Ang larawan
essay na binubuo lamang ng mga larawan. Ang iba
lamang ay maaaring maging
naman ay binubuo ng mga larawan na may maiikling
bukas sa iba't ibang
teksto. May mga nagsasabing photo essay ang isang
interpretasyon. Ang teksto ang
sulatin kung ang kalakhan nito ay teksto at sasamahan
magbibigay ng obhetibo o
lamang ng ilang larawan. May iba namang nagsasabing
estandardisadong
ang mga larawan dapat ang lumulutang sa anyong ito at
pagpapakahulugan dito.
hindi ang mga salita.

Page 2
lINGGO 1 Aralin 1

Kalikasan ng Photo Essay

Hindi katulad ng tradisyonal na sanaysay na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa


pamamagitan ng mga salita, ang mensahe ng photo essay ay pangunahing makikita sa serye
ng mga larawan. Sa anyong ito, ang mga larawan ang pangunahing nagkukuwento
samantalang ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang sa mga larawan. Gumagamit
lamang ng mga salita kung may mga detalyeng mahirap ipahayag. Kung larawan lamang
ang gagamitin.

Kung kronolohikal ang pagkukuwento sa sanaysay, kailangang kronolohikal din ang ayos ng
mga larawan. Halimbawa nito ang dokumentasyon sa buhay sa isang araw ng labandera o
basurero.

May iba namang inaayos ang mga larawan ayon sa damdaming maaaring pukawin nito, Ang
larawang nagtataglay ng pinakamataas na emosyon ay karaniwang inilalagay sa gitna o sa
bandang hulihan. Ngunit kadalasan, ang pag-aayos ng mga larawan ay nakabatay sa kung
paano nauugnay ang isang larawan sa isa pa. Ang mahalaga, sa unang basa o tingin,
kailangang malinaw na kung ano ang mensahe ng Photo Essay.

Pagbuo ng Photo Essay

Siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa. Kailangang alamin din kung magiging interesado ba
sa paksa ang magbabasa o titingin nito. Kung tungkol ito, halimbawa, sa reunion ng pamilya o
dokumetasyon ng isang sporting event, hanapan ito ng ibang anggulo. Ipakita kung ano ang
bago. Tandaan, ang mga larawan ang tuon ng sanaysay kaya kailangan ng masusing
pagpaplano.

Mahalaga ring kilalanin kung sino ang mambabasa. Intensiyon bang ipabasa o ipakita ito sa
mga kaklase, sa guro, o sa mas malawak na publiko? Siguraduhing madaling ma-access ng
mambabasa ang ginawang materyal. Kung ang target, halimbawa, ay mga kaklase, mainam
kung, maiugnay nila ang kanilang mga sarili sa piniling paksa. Maaaring hindi magtatagumpay
ang photo essay kung gagamit ng abstraksyon sa presentasyon ng mga larawan. Ito ay dahil
ang mya larawang abstrak ay bukas sa iba’t ibang interpretasyon depende sa pananaw ng
tumitingin. Maaaring hindi maging tiyak ang tumbasan ng teksto at larawan dahil hindi
maikakahon ang pagpapakahulugan sa isang imaheng abstrak. Maaaring hindi maisulong ng
manunulat ang naratibong nais niyang ipaunawa sa mga mambabasa.

Kailangang malinaw sa kung ano ang nais patunguhan ng photo essay. Bakit ka gagawa nito?
Ano ang iyong layunin? Gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin ng proyekto.
Kung ang layunin ay suportahan ang isang adbokasiya o hikayatin ang mambabasa na
kumilos, kailangang masalamin ito ng mga piniling larawan.

Kung ipapalagay na makatatayo nang walang suportang teksto ang mga larawan, hindi na
kinakailangan pang magsulat ng maikling paglalarawan o paliwanag. Ngunit minsan ay

Page 3
lINGGO 1 Aralin 1

nakatutulong ang teksto sa pagpapayaman sa kahulugang makukuha sa mga larawan. Sa


pagkakataong ito, isulat ang kasaysayan o background ng bawat larawan at ng iba pang
mahahalagang impormasyon na hindi karaniwang makukuha sa pagtingin lamang sa mga
larawan. Gamitin ang pagsulat ng teksto upang malinawan ang mambabasa.

Kailangan ding may kaisahan ang mga larawan sa photo essay. Isaalang-alang ang
consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay maliban na lamang kung,
may nais na idiing ideya o damdamin. Halimbawa, mas matingkad ang kulay at matindi ang
contrast ng ilang larawan kumpara sa iba dahil nais na iparamdam ang pagbabago ng tono.

Sa panahong ito na karamihan sa mga cellphone o smartphone ay may camera na,


karaniwan na lamang ang pagkuha ng mga larawan. Sa pagsulat ng photo essay, tiyakin na
sariling mga larawan lamang ang gamit. Huwag kumuha ng larawan mula sa Internet o
anumang sanggunian at palabasing sariling kuha ang mga ito. Kung may imaheng hindi
sariling pag-aari na nais isama sa photo essay subuking humingi ng permiso sa may hawak ng
karapatang-ari nito. Tiyakin ding kikilalanin siya bilang may-ari ng larawan. Huwag ding
gumamit ng mga larawang plagiarized. Ang pagnanakaw ng larawan ay ang pagkuha at
paggamit ng larawan ng iba at pagpapalabas na sariling kuha ang mga ito. Ang plagiarism
naman sa pagkuha ng larawan ay nagaganap kapag ginagaya ang konsepto ng ibang tao
sa kanilang mga larawan. Halimbawa, may isang larawan ng lalaki at babaeng magkahawak
kamay ngunit nakatingin sa magkaibang direksyon. Maaaring ang konsepto ng larawan ay sa
dalawang tao o maaring sa potograpo. Ngunit ang mahalaga ay may ibang nakaisip ng
larawan kaya huwag na itong gayanin at palalabasin na sariling koosepto ang naisip. Kung
nais gayahin ang konsepto ng larawan, magpaalam sa may ari ng karapatang intelektuwal at
kilalanin siyang mabuti bilang pinaghiraman ng konsepto. Panghuli, huwag gumamit ng
larawang minanipula o sinadyang ayusin upang mapalabas lamang ang gustong imahen,
Halimbaws, kung nais makakuha ng larawan ng maruming dagat, huwag sadyaing tpunan ng
basura ang dagat para lamang makakuha ng gayong imahem. Huwag ding sumulat ng
sanaysay na taliwas ang mga detalye sa isinasaad ng latawan.

Paglalapat
Suriin ang sanaysay na may larawan. Pagkatapos, sagutin ang mga kaakibat na tanong.

 Sa dagat ng Donsol,
https://www.gmanetwork.com/news/newstv/reeltime/311507/photo-essay-sa-dagat-ng-
donsol/story/

Mga tanong
1. Ano ang paksa ng nabasang photo essay?

Page 4
lINGGO 1 Aralin 1

2. Ano-ano ang mahahalagang impormasyon na nabasa sa sanaysay?


3. Ano ang iyong nadarama habang binabasa ang photo essay?
4. Paano isinaasyos at itinanghal ang mga larawan?
5. Paano sinuportahan ng mga larawan ang mga teksto? Masasabi mo bang
magkaugnay and dalawa? Ipaliwanag.

PAGTATAYA
Subukin ang Natutunan

1. Ano ang isang photo essay?

2. Paano ito natutulad o naiiba sa isang karaniwang sanaysay?

3. Bakit dapat kilalanin ang mga manunulat na pinagmulan ng photo essay?

4. Bakit dapat maging tiyak sa layunin sa pagsulat ng photo essaY?

5. Paano matitiyak na sinusuportahan ng mga larawan at ng teksto ang isa't isa sa isang photo
essay?

6. Paano tumutugon ang kalikasan ng photo essay sa katangian ng mga estudyanteng


mambabasa sa kasalukuyan?

sa

PAGNINILAY
Ang mga natutunan ko sa aralin:
_________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Ang mga tanong ko mula sa naging aralin:


_________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Napagtatanto ko mula sa aralin:


_________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Page 5
lINGGO 1 Aralin 1

SANGGUNIAN:
Reyes at Petras. Pagsulat sa Piling Larangan Akademik. DIWA LEARNING SYSTEM INC.
Makati City, Philippines

Page 6

You might also like