DLL - Interaksyonal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GRADES 11 Paaralan North Fairview High School Baitang/Antas Grade 11

DAILY LESSON LOG


( Pang-araw-araw Guro Gng. Adelfa T. Abad Asignatura FILIPINO 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Na Tala sa Pagtuturo) Wika at Kulturang Filipino
Petsa/Oras Enero 22, 2018 Markahan Unang Semestre/Unang Markahan
Ikaanim na Linggo
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.(F11PT-Ia-85)
Isulat ang code ng bawa tkasanayan
D. Detalyadong Kasanayan sa 1. Nabibigyang-kahulugan ang gamit ng wika na interaksyonal.
Pampagkatuto 2. Nasusuri ang mga halimbawa ng interaksyonal na gamit ng wika.
3. Nakapagpapakita ng mga halimbawang sitwasyon gamit ang wikang interaksyonal.
II. NILALAMAN Gamit / Tungkulin ng Wika sa Lipunan - Interaksyonal
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Marquez, Sevillano Jr. 2016.Pintig Senior High School.Sibs Publishing House:Quezon City.
B. Iba pang Kagamitang Panturo iba’t ibang pahayag, laptop, LCD projector, , video sa you tube,
III. PAMAMARAAAN
A. Panimula MAGBALIK-ARAL TAYO! (5minuto)
Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Itaas ang kamay na naka-thumbs up kung ito’y nagpapakita ng regulatoryong gamit ng wika at
ekis kung hindi.
1. Pumunta ka sa tindahan at bumili ng isang bote ng mantika.
2. Pumunta sa Lokal na COMELEC na malapit sa inyong lugar. Magdala ng 2 valid ID. Sagutan at ipasa ang application form.
3. “Uuuy pare! Long-time-no-see. Maligayang kaarawan!
4. Siguraduhing umino ng 8 basong tubig araw-araw.
5. “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng litrato sa internet gamit ang aking social media accounts tulad ng
facebook at instagram.”
B. Pangganyak Alamin kung saang mga sitwasyon maririnig ang mga sumusunod na pahayag. (5minuto)
1. “Magandang umaga po.”
2. Maligayang kaarawan!
3. Binabati kita sa iyong tagumpay.
4. Maraming salamat.
5. Nakikiramay ako sa inyong pamilya.
C. Instruksyon MANOOD TAYO!
-Ipapanood ang isang video sa you tube na tungkol sa interaksyonal na gamit ng wika.
https://www.youtube.com/watch?v=VFT5f51ItgQ
-Matapos panoorin ang video, itanong ang mga sumusunod:
1. Tungkol saan ang inyong napanood?
2. Paano nagkakaroon ng interaksyon ang dalawang taong nag-uusap?
3. Bakit mahalaga ang interaksyonal na gamit ng wika?
D. Pagpapayaman MAGPANGKATAN TAYO
-Pagsasagawa ng pangkatang gawain. Pangkatin ang klase sa lima. Bawat pangkat ay magpapakita ng sitwasyong may interaksyonal na
gamit ng wika.Ang bawat pangkat ay mamarkahan batay sa mga sumusunod na pamantayan:
Angkop ang sitwasyong ipinakita sa gamit ng wika-8pts
Husay sa Pagganap ng mga mag-aaral – 5pts.
Kahandaan/pagkakaisa - 2pts
_____________________________________________
Kabuuan -15puntos

E. Pagtataya PAGBUBUSA (kailangang gawin na parang popcorn, kusang tatayo ang mga mag-aaral para magpahayag ng kani-kanilang mga
natutunan kaugnay ng aralin)
-Dugtungan ang pahayag…
Nalaman ko na ang interaksyonal na gamit ng wika ay _________________________________________.
G. Takdang-Aralin 1. Magbigay ng lima pang halimbawang pahayag na may interaksyonal na gamit ng wika.Ipaliwanag kung saang mga sitwasyon ito
ginagamit. Isulat sa inyong kwaderno
2. Magsaliksik kaugnay ng iba pang gamit ng wika.

H. Tala

I. Repleksiyon

You might also like