Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Learning Module in Araling Panlipunan 8

Araling Panlupunan 8
Quarter 2 Module 5
Ang Simbahang Katoliko: Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang
Panahon at Ang Krusada
Name: _______________________________________________ Grade&Section: _____________________
Inihanda ni: Bb. Cloue Faye I. Basallo

Lesson 1: Pagbagsak ng Imperyong Roman


Alamin
Sa araling ito, subukang suriin ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang
institusyon noong Panahaong Medieval na nagbibigay-daan sa pagkabuo ng “Holy Roman Empire”

Suriin
Pagbagsak ng Imperyong Roman
Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito
ang pagbagsak ng imperyong Romano noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at silangang Europe sa Gitnang
Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon.
Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan. Ang
mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng
imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang lipunan
sa dalawang panig- ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na pinuno
sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan.
Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag na kalagayan ng
pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Rome. Noong 476 C.E., tuluyan itong
bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng
Kristiyanismo.
Sa kabutihang-palad, ang simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga
barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating
lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa simbahang Katoliko sa
pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako
ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.
Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila na
binyagan sa pagka- Kristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari.

Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan


Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na
nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang
mga pari at mga hirarkiya.
Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng
Obispo. Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba’t ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang
Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari sa kanilang
pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng Obispo, hindi lamang mga gawaing espiritwal ang
pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at
pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at
katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.
Tinawag na mga Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang
sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan
ang isang Arsobispo sa mga Obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome, na tinawag
bilang Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa kanlurang Europe. Kabilang siya
sa mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng mga parokya.
Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga Kardinal sa
pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng
Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa.

Pagyamanin
Gawain 1
1. Anu-anong mga dahilan sa pagbagsak ng Imperyong Roman?
2. Paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong Romano?

Tuklasin
Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampulitika bilang
pinuno ng estado ng Vatican.
Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang
panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kanya
sa kasalukuyan.

Isaisip
Gawain 2
Panuto: Isulat sa papel ang sagot sa bawat tanong na nasa ibaba.
1. Ano ang ippinahihiwatig ng pagkakaroon ng matatag at mabisang organisasyon ng simbahan?
2. Bakit mahalaga ang pagpili ng pinuno ng simbahan? Ipaliwanag.
3. Sa kasalukuyan, ganoon pa rin ba kalakas ang kapangyarihan ng Papa kung ihahalintulad sa
kaniyang kapangyarihan noon sa Europa?
Learning Module in Araling Panlipunan 8

Lesson 2: Uri ng Pamumuno sa Simbahan


Alamin
Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng
Simbahang Katoliko Roman at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang
kanilang ma nagawa ang makikita sa sumusunod na talahanayan.

Suriin
Pinuno/ Papa Paraan ng Pamumuno
Constantine the  Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong
Great imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.
 Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng
Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinag- uri-uri ng
mga Obispo ang iba’t ibang malalaking lungsod sa buong
imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis
at dahil dito, kinilala ang Obispo ng Rome bilang pinakamataas
na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.

Papa Leo the  Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang
Great (440-461) nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San
Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang
mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na
kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng Rome bilang
pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang
daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo ng Rome.
Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang
kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa kanlurang
Europe. Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa silangang
Europe na kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng
Kristiyanismo hanggang sa panahong ito.

Papa Gregory I  Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa


paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng
Simbahan sa buong kanlurang Europe.
Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang
magawa niyang sumampalataya ang iba’t ibang mga barbarong
tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa
kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero
sa iba’t ibang bansa na hindi pa sumasampalatay sa Simbahang
Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan
ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa
Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany.
Papa Gregory VII  Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng
kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of
investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga
tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV
ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa simbahan si Haring
Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang
pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang
maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII ang
mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at humingi
ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang
pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang paghihirap
sa pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan nang malaon at
masidhing pag-aaregluhan.

Pagyamanin
Gawain 3: Pamumuno Ko, Nagawa Ko!
Papa/Pinuno Paraan ng Pamumuno Mga Nagawa
Constantine the Great

Papa Leo the Great

Papa Gregory I

Papa Gregory VII

Gabay na Tanong:
1.Batay sa teksto, paano nakatulong ang mga pinuno ng simbahan sa pagpapalakas ng pundasyon
ng Simbahang Katoliko Roman at Kapapahan?

2.Sa iyong palagay, naging matagumpay ba ang pamumuno ng mga Papa sa simbahan batay sa
binasang teksto? Patunayan.
Isaisip
Gawain 4: Tara’t Mag-isip!
A. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag ng isang organisasyon?
Ipaliwananag.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Isagawa
Batay sa binasang tekso, isa-isahin ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng
Papa sa Europe. Ipaliwanag.

Salik sa Paglakas
ng Kapangyarihan
ng Papa
Lesson 3: Pamumuno ng mga Monghe at Holy Roman Empire
Alamin
Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at
nanirahan sa mga monastery upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga
pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring secular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng control at pangangasiwa
ng Abbot at Papa ang mga monghe.

Suriin
Pamumuno ng mga Monghe
Mga Gawain ng mga Monghe. Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang
Griyego at Romano. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbagan at ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na
kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat
ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon
ay napangalagaan sa kasalukuyan. Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong
din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa.
Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa
kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag ng mga sariling hukuman
sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang sinumanang
nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan
para sa kaayusan, pamumuno at tulong.
Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos
ng Papa sa iba’tibang dako ng kanlurang Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa Kristiyanismo
ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland at Scotland; at ang mga German sa ilalim ng
direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa
simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome.
Ang Holy Roman Empire
481- Pinag-isa ni Clovis ang iba-ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman
496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan
511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak
687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks
717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel
751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo

Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay
na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe.
Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o
Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin,
pinakamahusay na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba’t ibang wika. Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar
sa Europe upang turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian
at Saxon at ginawang mga Kristiyano.
Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire).
Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang mga
iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Romano. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano,
German, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval.
Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis the Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong
mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang
imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay Charles the Bald ang France; kay Louis the
German ang Germany; atang Italy kay Lothair.Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga
haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani
sa Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko, politiko at
militari- ang piyudalismo.
Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”. Ayon sa ilang aklat,
nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Romano ng isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho.

Isagawa
Gawain 5: Iyong Gawin!
Punan ang chart ng hinihinging impormasyon ayon sa natutuhan mo sa binasang teksto.
Konsepto o kaalaman na aking natutuhan

3 1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

3. ________________________________________________

Konsepto o kaalaman na hindi ko gaanong naunawaan

2 1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

Tanong na nais ko pang mabigyan ng linaw


1
1. ________________________________________________

Lesson 4: Ang Krusada


Suriin
ANG KRUSADA
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni
Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong
Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim
ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa
pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga
kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga
kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief” mula sa lupa na kanilang masakop.
Unang Krusada
Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at
mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at
nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming
Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem
ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.

Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VIIng France at Emperor
Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang
pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ngDamascus. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay
nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si
Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo
silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem.
Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.
Krusada ng mga Bata
Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay naniwala na siya ay tinawag ni
Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata angsumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay
nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada
Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng
mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila
ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople
kungsaan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang
imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay
naging simula ng paghina ng Krusada.
Iba pang Krusada
Nagkaroon ng iba pang krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa
pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila
ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga
Turkong Muslim ang mga lupain.
Resulta ng Krusada
Kung mayroon mang magandang naidlot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap
ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang
Kristiyano ay napayaman din.
*Ang salitang Crusade ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang”cross”. Ang mga Krusador
ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.
Sa kabilang panig, ang Krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito.
Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang naging dahilan sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang
pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.

Buod
 Sa pagbagsak ng Imperyong Romano at pananalasa ng iba’t ibang pangkat ng mga barbaro ay natapos
ang Sinaunang Panahon at pumasok ang pagsisimula ng Panahong Medieval.
 Si Charlemagne o “Charles the Great” ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng Panahong
Medieval. Pinamunuan niya ang “Holy Roman Empire” na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong
Roman.
 Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalakay ng mga tribung
barbaro, naging kanlungan ng mga tao ang Simbahan.
 Naging mahalaga ang papel ng “Kapapahan” o ang tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
 Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga krusada ang pagpapalaganap ng relihiong Kristiyanismosa
iba pang panig ng daigdig.
 Bunsod ng pagtaas ng populasyon at pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad ng mga bayan. Ang
paglago ng bayan ay nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang paglago ng kalakalan ay nakatulong din
sa paglago ng mga bayan.
 Maaaring umangat ang isang tao sa lipunan dahil hindi nakabatay sa kapanganakan ang antas sa buhay
kundi sa kayamanan ng isang tao.
 ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa pagkakabuo ng
pandaigdigang kamalayan sa kasalukuyang panahon.
Pagtatasa: (Post-Test)
1. Ang salitang Crusade ay nagmula sa salitang Latin na “____________”.
a. crux b. cruz c. Panginoon d. Simbahan
2. Ang ___________ ay iang ekspedisyong military na inilunsad ni Pope Urban II noong 1095.
a. crusade b. revolution c. rebellion d. trade
3. Ito ang banal na pook na pinag-aagawan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim.
a. Israel b. Egypt c.Jordan d. Jerusalem
4. Sino ang humalili bilang kapalit ni Charlemagne noong siya ay namatay noong 814 CE?
a. Louis the Religious b. Pepin the Short c. Cyrus the Great
d. Pope Urban ll
5. Noong 481, pinag-isa ni __________ ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman.
a. Charlemagne b. Clovis c. Pepin the Short d. Charles Martel
6. Sila ang mga pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga
monastery upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.
a. pastor b. sakristan c. monghe d. papa
7. Paano pinalakas ni Constantine ang kapapahan?
a. sa paglusob ng mga barbaro
b. sa pamamagitan ng konseho ng constantinople
c. sa paglakas ng kalakalan
d. sa pagsasamantala ng malalakas na lokal na burgis
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pamumuno at pamamahala ng Obispo?
a. mga gawaing ispiritwal
b. pangangasiwa ng kalakal sa ibang bansa
c. pangangasiwa ng pangkabuhayan
d. pagkawanggawa ng simbahan
9. Siya nag nagbigay diin sa Petrine Doctrine
a. Papa Leo the Great
b. Constantine the Great
c. Papa Gregory I
d. Papa Gregory VII
10. Ito ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng
mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno sa
simbahan.
a. investiture
b. petrine doctrine
c. baptism
d. excomunicado

You might also like