Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAP W-7

ARALIN 7
TEKSTONG ARGUMENTATIBO: IPAGLABAN ANG KATUWIRAN

Balik-Aral

1. Ano-ano ang dahilan ng manunulat kung bakit pinamagatan niya itong “Takot sa Anti-Terrorism bill”?
 Pinamagatan nya itong “Takot sa Anti-Terrorism bill” dahil nangangamba at natatakot ang karamihan
sa pagpapatupad ng nasabing Anti-Terrorism bill.

2. Ano ang konteksto kung bakit sa tingin ng manunulat ay malaki ang magiging hamon ng “Takot sa Anti-
Terrorism bill” sa mamamayang Pilipino?
 Ang terorismo ay isang lehitimong panganib sa kahit anong bansa. Ngunit ang pagpasa ng isang batas
laban sa terorismo na may maraming probisyong tila nagwawalang-bahala sa karapatang pantao ng
mga mamamayan ay dapat tutulan, ayon sa maraming grupo at mga indibidwal sa Pilipinas.

3. Sa tingin mo ba ay gumamit ng mga tamang argumento ang manunulat upang mailahad ng maayos ang
ideya nito? Ilatag ang iyong mga dahilan.
 Oo, gumamit ng mga tamang argumento ang manunulat dahil naisalarawan at naihayag nya ang mga
iba't-ibang opinyon ukol sa nasambit na batas. Ang mga ideya or pangunahing kaisipan ay naisulat ng
may pantay na paglalahad ng katwiran sa batas na ito.

4. Kung ikaw ang tatanungin, papayag ka bang maipasa nag Anti-Terrorism Bill? Bakit o bakit hindi?
 Hindi, dahil walang tinutugunan sa lahat ng ito ang agarang pagpasa sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Bagamat sadyang totoo ang banta ng terorismo, naniniwala kami na magdaragdag ito ng pangamba.
Kung susuriing mabuti, makikitang napakaunti ng probisyon na diretsong tutugon sa terorismo sa
bersyong ipinapasa ng ating mga mambabatas. Sa halip, nakababahala na higit lamang nitong
pinalalabo kung sino ang pwedeng tawagin na terorista habang mapanganib na nililimitahan ang
proteksyon laban sa mga hindi makatarungang pag-aresto. Kung maipapasa, ito’y maaaring maabuso
kahit ng mga susunod pang administrasyon laban sa mga Pilipino.

5. Itala ang mga kalakasan at kahinaan ng tekstong argumentatibo na binasa batay sa nauunawaan sa aralin.
 Ang kalakasan ng tekstong argumentatibo ay ang pagkakaroon ng malinaw na ebidensya at opinyon sa
pagtatalakay ng paksa. Ang kahinaan naman nito ay dapat marunong kang mangatwiran sa bawat
paksa na ibinigay sa pananaliksik. Hindi mo makakamit ito kung wala kang malinaw at lohikal na
ebidensya ukol sa inihayag na paksa.

Panimulang pagtataya
Sabihin kung argumentatibo ang pahayag o hindi. Ilagay ang AG kung argumentatibo ang pahayag o DAG
kung Hindi Argumentatibo ang pahayag.

1. DAG
2. DAG
3. DAG
4. AG
5. AG
Gawaing Pang-unawa
A. Nilinaw sa binasa ang mga layunin at katangian ng isang tesktong argumentatibo. Humanap ng anomang
kliping sa diyaryo na naglalaman ng balita, editoryal, o iba pang uri ng artikulo na tumatalakay sa mga
napapanahong lokal, pambansa, o pandaigdigang isyu. Pumili lamang ng isang artikulo na may paksang
interesante sa iyo.
Suriin ngayon ang artikulo sa pamamagitan ng pasaklaw na pangangatuwiran (iyong mula sa masaklaw na
pahayag patungo sa pinakamahahalagang ideya) gamit ang inverted pyramid.

Masaklaw na pahayag
Detalye mula sa Pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit.

Evaluation
Sa loob ng tatlong pangungusap, ihayag ang kung paano mo nauunawaan Aralin 7.
 Naunawaan ko ang Aralin 7 sa pamamagitan ng paggamit ng pag-iintindi ng husto sa mga nasambit na
gawain sa aralin. 

Gawaing Pantahanan
Gawain sa bahay:
1. Pagkatapos basahin ang teksto ay talakayin ito sa sarili at mamili ng posisyon kung sa tingin mo ay
nakasasama o nakabubuti ba ang political dynasty sa bansa. Gumawa ng isang maiksing tekstong
argumentatibo gamit ang mga katangian batay sa napag-aralan.

2. Batay sa binasang teksto, maglahad ng mga pagkakataon o sitwasyon na sa tingin mo ay nakaaapekto ang
political dynasty sa pamilya, sa kaibigan, sa paaralan, at sa komunidad. Tiyaking malinaw ang iyong mga
proposisyon at argumento. Isulat sa ibaba ang iyong kasagutan.
a. Sa pamilya

b. Sa kaibigan

c. Sa paaralan

d. Sa komunidad

You might also like