Professional Documents
Culture Documents
Panimula
Panimula
Ano nga ba ang katangian ng bugtong? Ayon kay Almario, ang bugtong ay isang anyo ng tula na
nagpapakita ng talim ng pangmasid. Sa loob ng dalawa o mahigit pang taludtod, sinisikap ipahayag ng
nagpapabugtong ang natuklasang kakaiba at kakatwa sa kalikasan. Ang anumang napansing anomalya sa
kaligiran at sa buhay ay itinatanghal sa paraang mahiwaga at kagila-gilalas. 1
“From the olden times, as an early exercise of the primitive mind in its
adjustment to the world about it, comes the riddle… The fresher the vision,
when the world was young, so much keener was the interest in the
childlike man. Hence children love riddles; hence savages and primitive
people put them. All folklore is full of them. They are the mystery and at
the same time the rational ism of the juvenile mind. As civilization advances
they still sustain life, but they grow more complicated, more conscious and
“[Riddles] are essentially metaphors, and metaphors are the result of the
ubiquitous element of humor and wit. The essence of the ludicrous is the
which a person would not ordinarily expect to resemble each other. Sophisticated
persons and those of orthodox mind, whether that ortho doxy be of religion, social
custom, or materialistic science, seldom appreciate or even understand riddles (Potter 1972,938).” 3
Si Archer Taylor, isang kinikilalang otoridad sa bugtong, ay kinilala ang ilan sa mahahalagang anyo ng
bugtong:
“…the true riddle (or, in brief, the riddle); the neck riddles; the arithmethical
puzzle; the clever questions with its several types, notably the biblical question
different. The neck-riddle narrates an event known only to the poser of the
death, hopes to save his neck. Clever questions of several sorts demand the
Ngunit ano nga ba talaga ang maaaring maiugnay na pagpapaiwanag hinggil sa bugtong? Ang bugtong ay
isang aliwan ng bata’t matanda. Kaya inaasahang may dalawang antas ang mga ito, may pangkat ng
bugtong na higit na magaang at pambata kaysa higit na mabigat lurukin at pangmatanda. Isa itong laro
na humahamon sa kapangyarihan ng obserbasyon at sa matalik na kaalaman ng tao sa kaniyang
komunidad at daigdig. Ngunit sapagkat isang laro ay laging may sangkap ng masayahing himig. (Sino ang
may sabing laging malungkutin ang tula’t awit ng mga Filipino?) Kaya tigib ito sa siste at diwaing
mapagpatawa. Mas nakatatawa, mas mahusay. Ang hiwaga o gilalas ay pinatitimyas ng masayahing
himig. Anupa’t ang layuning masayahin ng bugtong ang tiyak na nagdidikta sa masayahin ding mga
sangkap ng anyo nito.
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Maliwanag ang paksa ng bugtong na ito: ilarawan ang isang isdang kataka-taka na natagpuan ng
nagpabugtong sa Mariveles. Nakakita na rin ba kayo ng isdang nasa loob ang kaliskis? Ngunit bago
lurukin ang bugtong, masdan ang katangian nitong biswal sa pagkakasulat o pagkakalimbag. May dalawa
itong taludtod na halos magkasinghaba ang itsura. Mapapansin ding halos iisa ang tunog ng mga dulong
salita. Gayon ang anyo nitong biswal, dahil may sukat ito at tugma. Na katangian ng lahat ng tradisyonal
at sinaunang tula sa Filipinas.May sukat itong wawaluhin at tugmang katinig. Narito pa ang isang
bugtong na gumagamit ng isdang nataka-taka:
Isda ko sa Quilao-Quilao
Gayunman, may malaking pagkakaiba ang dalawa kapag tunay na pinaghambing. Bilang bugtong,
mataas ang kalidad ng ikalawa kaysa una. Sa paanong paraan? Unang titigan ang binanggit na pook na
kinakitahan sa isda. Mariveles sa una, Quilao-Quilao sa ikalawa. Maganda ang Mariveles bilang pangalan.
Maaaring korupsiyon ito ng Espanyol na “maravilla” na mula sa Latin na “mirabilis” at nagsasaad mismo
ng kahulugang kataka-taka. Hindi ka dapat magtaka sa isdang may kaliskis sa loob dahil bayan iyon ng
Kataka-Taka. Ngunit ito rin ang limitasyon ng bugtong. May totoong bayan ng Mariveles, Bataan. Sa
gayon hindi puwedeng gamitin ang bugtong doon at mabubukong likhang-isip lamang. O kung
nagkataong may pilosopilyo sa naglalaro at sinabing taga-Mariveles siya ay mababawasan ang bisà ng
pagiging pantastiko nito. Hindi nasasaklaw ng ganitong limitasyon ang Quilao-Quilao. Sa kasalukuyan
nitong ispeling, lalo itong mistulang isang di-kilalang lupain ng kataka-taka, na kapag totoong nilirip—
Kilaw-Kilaw—ay nagdudulot naman ng nakaaaliw na laro sa paraan ng pagkilos ng isda. Ang pangalan
mismo ng bayan ay nagpapatunay na isa itong bayan ng isda.
Ngayon, suriin naman ang pambugtong. Sa una, “nasa loob ang kaliskis.” Kataka-taka ngunit waring
pisikal na anomalya lamang sa kalikasan. Kahawig lamang ito ng mga kakatwa sa Guinness World
Record, ng baboy na dalawa ang ulo o lalaking buntis sa front page ng mga tabloid. Sa bagay na ito higit
na mahiwaga ang “hindi mahuli’t may pataw.” Nagdudulot ito ng parikalà (irony), na isang di-karaniwang
tayutay sa pagtula. Paanong hindi mahuhuli ang isang isda na may pataw na pampabigat at pampabagal
sa pagkilos nito? Sa ganito’y higit na mahirap hulaan ang bugtong sa dila kaysa bugtong sa sili.
Sinabi naman ni Eugenio na “Riddles belong to large class of enigmatic and puzzling questions that one
person poses to another during a riddling session. They rank with myths, fables, folktales and proverbs,
most riddles are characterized by brevity, wit and felicitous phrasing, and as such effective ways of
transmitting folk wisdom to succeeding generations in capsule form.” 6
Narito ang isang halimbawa ng higit na mahaba at palagay ko’y higit ding masalimuot na bugtong:
Haligi’y bali-bali;
Higit na mahaba ito, may apat na taludtod, at sa gayo’y may higit na detalyeng pambugtong ang
paglalarawan sa mga haligi, bubong, at loob ng “bahay ni Ka Tale.”Sa biswal na anyo nitong may apat na
taludtod at may sukat na puipituhin ang bawat taludtod ay isa rin itong tanaga. Mas mataas din ang
antas ng tugma. Ang dalawang naunang bugtong ay nasa antas lamang ng tugmang karaniwan. May
tunog na pantigan ang “Mariveles” at “kaliskis” at ang “Kilaw-Kilaw” at “pataw” ngunit hindi magkaantas
ang bigkas: Malumay ang “Mariveles” ngunit mabilis ang “kaliskis,” samantalang mabilis ang “Kilaw-
Kilaw” ngunit “malumay ang “pataw.” Sa kabilang dako, dalisay sa tunog at sa bigkas ang “Tale” at “bali-
bali” at ang pares ng “kawali” at “pusali” kayâ maaaring ituring na may dalawahang tugmang sunuran
ang tanaga: aabb.
Ngunit may isa pang marikit na katangian ang “Bahay ni Ka Tale” na wala sa dalawang bugtong ng isda.
Isa itong bugtong tungkol sa alimango. Ngunit naglilingkod din ito sa ibang uri ng maikling tula. Isa rin
itong salawikain at maaaring ituring na isang komentaryong panlipunan. Ang “bahay ni Ka Tale” ay
maaaring isang pagpuna sa “bahay ng bansa.” Ang katawa-tawang bugtong tungkol sa kakatwang itsura
ng alimango ay isa ring mapang-uyam na paglalarawan sa kawalan ng kalinisan at katumpakan ng bagay-
bagay sa isang tahanan o sa isang bansa.
Ang uri ng “Bahay ni Ka Tale” ang tinatawag kong bugtong-salawikain. Ito rin sa palagay ko ang binhi ng
mahusay na makabagong tula. Mahirap na gawain ito para sa makata. At siyempre, naghahanap din ng
di-karaniwang paghihirap at tiyaga sa panig ng bumabása upang ganap na mapahalagahan. Sa loob ng
klase, nakasalalay sa pambihira ring tiyaga at pagsisikap ng guro ang matagumpay na pagbása sa
ganitong panitikan bilang panitikan.
Ang bugtong ay saligan sa paraan at sistema ng pananalinghaga. Nakapaloob sa bugtong ang katibayan
ng malikhaing pag-ugit sa haraya. Umiiral din sa nasabing anyo ang pambihirang disiplina sa wika upang
angkop na mailaman ang kaisipan o damdamin sa lalong pinakamaikling pananalita. Sa gayon, ang
salimuot ng diwa at sari-saring taktikang pampanulaan sa bugtong ay maaaring pamantayan sa antas ng
kamalayan at karanasang Pilipino.
Karaniwang ginagamit ang bugtong sa paligsahan ng palaisipan. Kung may pagdiriwang o umpukan,
nagiging laro ito para subukin ang kakayahan ng isa’t isa sa pagmamasid ng bagay-bagay. Isa ang
magsisimula sa pamamagitan ng pagpapahula sa mga kaumpok ng isang bagay, at kung masagot, ang
sumagot ang siya namang bibigkas ng bugtong para sagutin ng lahat. Magpapatuloy ang laro hanggang
sa masaid ang alam na bugtong ng mga magkakaharap.
Ngunit sa sinaunang lipunan, ang bugtong ay hindi isang laro lamang. Bukod sa pag-aaliw, nagagamit ito
sa edukasyon ng kabataan at sa pagpapatalas ng kapangyarihang magmasid, mag-isip at maghambing.
Sapagkat malimit na nauukol sa bagay-bagay na makikita sa paligid, ang bugtong ay isang uri ng
pagpapamalay sa kabataan tungkol sa komunidad at daigdig. Hinahamon din nito ang isip para bumuo
ng mga lohikong pagtutulad ng mga bagay na sa unang wari ay kataka-taka. Sa gayon, ang disiplina sa
pagbuo ng bugtong gayundin sa pagsagot nito ay nagbubukas ng bagong karanasan sa bawat isa –
nagpapamalay ng di pa alam na kilatis sa isang bagay na kung tutuusin ay alam na alam na – at
nagtuturo ng bagong pananaw sa katotohanan ng bagay-bagay.
Sa panahon ngayon kung saan, napakabilis pagbabagong nagaganap partikular sa pag-unlad sa larangan
ng agham at teknolohiya ay ito na rin ang nagiging tuon ng mga pangkat sa lipunan bilang malaking
bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito na dala ng mga
makabagong kasangkapan at teknolohiya ang nagsisilbing lalong tagapagpahina ng tradisyunal o
sinaunang kinagisnan nating mga Pilipino kagaya na lamang ng paggamit sa bugtong bilang isang
libangan at tagapagpatalas ng isipan. Nauwi na ang atensyon ng tao sa paggamit at paglalaro ng mga
bagong labas na gadget na uso at mainit na tinatangkilik ng karamihan lalo’t higit sa Kamaynilaan.
Kaya naman tila naging isang napakalaking hamon para kay German V. Gervacio na lumikha ng isang
mumunting aklat ng mga bugtong na tumatampok sa mga paksain nakapaloob sa kamalayang Pilipino sa
ika-21 siglo.
Aniya, batid niya ang malaking impluwensya sa makabagong panahon ng iba’t ibang salik ng lipunan at
kultura na nagiging dahilan upang unti-unting gumuho ang tradisyunal o isa na marahil sa
pinakamatandang anyong pampanitikan. Malinaw na ang aklat na kaniyang nilikha ay naglalayong
bumuhay sa isipan ng mga Pilipino hinggil sa naging impluwensya ng teknolohiya at modernismo at kung
paano nito unti-unting ginugunaw ang mundong nauna nang nilikha ng bugtong.
Ngunit sa halip na hamakin ang teknolohiya at modernisasyon sa pagkawasak ng mga bugtong ay ito pa
ang nagsilbing daluyan ni Gervacio ng kanyang mga makabagong bugtong na siyang tumatalakay sa mga
bagay, imahen, kahulugan at prinsipyong nakaugnay sa mga ito.
At upang maipakita niya na siya ay may pantay na pagtingin sa lahat ng wika sa Pilipinas ay hindi ito
naging eksklusibo lamang sa isa o dalawang pangunahing wika. Sa halip, ay nagbigay din siya ng mga
bugtong na halaw sa Kabisayaan at sa kapuluan ng Mindanao.
Bukod pa sa mga bugtong ay ibinigay rin niya ang mga katangian at istruktura ng bugtong na nabanggit
sa Vocabulario de la Lengua Tagala. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ito ay isang pagsubok sa siste. Inaasahan na ang bugtong na hulaan ng tagapakinig ang mga
bagay na tinutukoy sa pamamagitan ng pagkilala sa pagkakatugma ng literal na paglalarawan at
kung ano talaga ang bagay na iyon.
2. Isang uri ito ng Initiatory form of oral lore. Pagmumulat ito at pagpapatalas ng sensibilidad ng
tagapakinig upang salatin mula sa kaniyang karanasan kung ano ang tamang sagot sa bugtong.
3. Bukod sa sinusubok nito ang siste at talim ng isip ng tao, nagiging pagsubok na rin ito ng gunita
at alaala.
4. Gumagamit ang bugtong ng mga literal na katotohanan. Ngunit para masagot ito, kinakailangan
ng metaporikal na pagtingin.
5. Dahil inaangat nito ang kasanayan sa pag-oobserba ng mga kasangkot, ang pagsagot sa bugtong
ay isang pagkilos ng imahinasyon at hindi ng lohika. Nagdudulot ang pagsagot sa bugtong ng
kapangyarihan ng kalikasan, ang kalikasang madalas ay mas mahirap maunawaan.
Batayang salik ng bugtong ang pananalinghaga. Kailangan ng matalisik na pangmasid para mailarawan
ang isang bagay sa paraang hindi karaniwan at nakagugulat. Halimbawa, ang bugtong na ito:
(Hal. B1)
Sagot: FX
Ang sagot sa bugtong ay FX. Ngunit kailangan muna ang matiyagang pag-iisip para makuha. Bukod sa
dapat malinaw ang itsura ng ulo, tiyan, puwitan at tuhod bilang mga bahagi ng katawan ng tao,
kailangang maiugnay ang paglalawaran para maiugnay ito sa katangian ng FX. Sa loob ng mga taludtod,
lumilitaw na ang pinakasusi lamang sa paglutas ng hiwaga ay ang tungkol sa pagsusog sa larawang
mabubuo para matukoy ang paksa. Ngunit, kung hindi maiisip na ang FX nga ay naglalaman ng tatlo sa
harapang bahagi nito, apat sa gitna at nag-uumpugan ang tuhod ng magkakaharap na taong nakaupo sa
likuran ay hindi kaagad mahuhulaan ang palaisipan.
Gayunman, ang talinghaga ay napagitaw nang walang ginagamit na di-karaniwang salita. Ang tatlo,ulo,
apat, tiyan, puwitan, tuhod ay mga salitang alam ng nakararami sapagkat ito ay numero at bahagi ng
katawan ng tao. Isa ito sa halina ng pananalinghaga ng bugtong ni Gervacio.
(Hal. B5)
Sagot: escalator
Ganito rin ang makikita sa bugtong na ito. Ang sagot sa bugtong ay escalator. Karaniwan at alam ng
lahat ang inilalahad, pati na ang pinapaksang bagay. Ang higit na mahalaga ay ang di-karaniwang
pagtuklas sa katangian at kaugnayan ng bagay-bagay. Sa ganito lalong nagiging kataka-taka ang
paghahambing.
Wala ring dapat maging puwang ng kalabuan sa bugtong. Ang ibig sabihin ay iisa at walang ibang sagot.
Kapag nagkaroon ng dalawa o higit pang interpretasyon, ang bugtong ay nawawalan ng bisa.
Patok sa takilya
Pinipilahan ng gutom
na masa.
(Hal. B101)
Sagot: NFA rice
Sasabihing maraming puwedeng maging sagot sng bugtong na ito. Maaaring ito ay maging feeding
program o Lotto. Hindi gaanong naiiba, sa gayon, ang hiwaga ng palaisipan. Ngunit bunga ng iba pang
sangkap na pampanulaan na ginagamit sa bugtong, ang sagot ay sadyang isa lamang – NFA rice. Ang
paghangad ng mga nagugutom na tao sa uri ng bigas na ito ay inihalintulad sa pagpila ng mga tao sa
panonood ng pelikula. Bukod pa sa ganitong pagtatanggal sa iba pang posibleng sagot, ginamit pa ni
Gervacio ang huling taludtod bilang tulong sa paglutas.
Ang ganitong paraan ng paglalaro ng salita ay isang birtud ng iba pang bugtong ni Gervacio. Halimbawa,
sa bugtong na ito:
(Hal. B65)
Sagot: stapler
Ang sagot ay stapler. Iwinangis ang isang madiing pagkagat na nagdulot ng pagkaiwan ng ngipin ay
itinulad sa aksyon at bakas na naiiwan ng kapag ginagamit stapler.
Mapapansin na bagamat makabago ang paksa ng mga bugtong na itinanghal ni Gervacio nananaig pa rin
ang layuning pangmadla. Ang mga bagay na pinapaksa ay alam ng madla. Ang mga salitang ginagamit ay
karaniwang payak at madaling maunawaan ng lahat.
Ngunit hindi mararamdaman ang pagsikil sa kalayaang indibidwal ng makata. Naipakilala niya ang
kanyang malikhaing sarili sa pagpapasok ng makabagong pananaw at modernisasyon ng mga bagay-
bagay at pambihirang pasapol sa kahulugan at salimuot sa mga salita. Sa pamamagitan ng mga
talinghaga, nabubunyag ang kahusayan at talino ni Gervacio para makapagturo ng makabagong lohika at
paghahambing. Mula sa mga karaniwang mga salita, gaya ng, ulo, tiyan, impyerno, langit, ngipin ay
nagaganyak niya ang masa na magsiyasat sa paligid at pagyamanin ang kanilang karanasan. Itinuturo ng
kaniyang talinghaga ang pagpapatalas ng pandama upang higit na magagap ang hiwaga ng daigdig.
Makikita rin ang mataimtim na paglahok ng makata sa gawin ng lipunan. Bahagi siya sa pagbubunyag ng
misteryo ng paligid sa kontemporaryo at modernisadong panahon. Sa gayon ang kaniyang mga bugtong
ay isang malaking ambag para sa muling pagbuhay sa interes at kamalayan ng masa hinggil sa
tradisyunal na anyong pampanitikang ito. Ito ay pagsulong ng kamalayan at pandama at hindi
pampalabo at panlilinlang.
Nagbigay si Eugenio ng mga pamantayan ng katangian ng mga bugtong sa Pilipinas na ayon sa kaniya ay
maaaring nasa anyong patula at o tuluyan. At ang pinakapaboritong anyo ng bugtong na patula ay may
tugma at may dalawang linya, gaya na lamang ng kaniyang mga ibinigay na halimbawa:
Isang bayabas
Bahay ko sa pulo
Isda sa quilaoquilao
Kung minsan naman, ang mga linya ay mayroong di pantay na haba; subalit ang mahalaga ay
nagtutugma ang mga ito:
Balong malalim
Dagdag pa ni Eugenio, “more striking effects are achieved when the rhyming lines are: (a) balance or
parallel statements; and (b) parallel statements expressing contrast. 8
Taon-taon namamatay.
(kalendaryo)
Sarsang di mapagsawsawan
Parilyang di-mapagihawan.
(sarsaparilya)
(aso)
(tulay)
Ilan pa sa mga katangian ng bugtong ayon kay Eugenio ay ang metapora. Aniya, “Imagery. As with
proverbs, much of the beauty and charm for riddles lies mainly in what Potter calls the “startling beauty
of imagery the simple native mind is capable of thinking and expressing.” It is the metaphoric riddles,
which with their fanciful but apt and striking imagery give artistically accurate pictures of the object
being described, that one remembers the best. Even a cursory examination of Philippine riddles will
reveal the richness and variety of imagery, giving us insights into the workings of the imagination and
methods of perception of the folk mind.”9
Bukod sa mga ito, ang ilan pang istaylistikong kasangkapan sa bugtong ay ang paradoha o ang
kabaliktaran ng kung ano ang inaasahan. Halimbawa:
(amor seco)
(kandila)
Sagot:
(2) Aso kong pungggok
Sa trono’y iniluklok
Sagot:
Pinipilahan ng gutom
na masa.
ay hindi lamang nagpapahiwatig ng isang ordinaryong pisikal na kalagayan subalit isang penomenong
nakaangkla sa politikal at ekonomikal na kalagayan. Sa ganitong paraan, masasabing ang mga bugtong ni
Gervacio ay sumisilip sa mga karanasan ng mga tao at ito ay nalikha sa panahon ng kontemporanyong
panahon. Nagpupimiglas at nadudumilat ang iba’t ibang konsepto mula sa iba’t ibang kamalayan hatid
ng mga karanasang ito.
Sa unang bugtong malinaw na may konsepto tayo ng pagsunod sa kautusan ng mas lalong malakas o
may hawak ng kapangyarihan. Ang karanasang ito ay normal na penomena partikular sa mahihirap na
bansa na walang ibang paraan kundi mangutang sa mayayamang bansa. Ang konseptong ito ay nanatili.
Ang ikatlong bugtong ay sumasalamin sa matagal nang suliranin ng lipunan. Kahirapan. Makikita kung
paano nito tinalakay ang maituturing na isang sa matandang suliranin ng marami sa ating mga
kababayan. Kaya naman ginagawa nila ang lahat mapunan lamang ang kanilang kumakalam na sikmura
sa kabila ng mababang kalidad ng pagkain.
Maganda ang ginawang aklat ni Gervacio sapagkat muli niyang binuhay ay isang napaparam na genre ng
panitikan. Sa ganitong paraan hindi lamang niya binuhay ang bugtong sapagkat nabuhay din sa isipan ng
mga Pilipino ang pagbangon ng kamalayan sa penomenang sosyal, politikal, ekonomikal, historikal at
sosyal na dala ng makabagong panahong ito.
Marahil ay malaki ang maitutulong ng aklat na ito upang ibangon ang gumuguhong kamalayan ng tao
pagdating sa kalakarang umiiral sa kasalukuyan. Ito marahil ay magsisilbing isang instrumento hindi
lamang para sa pagpapatalas ng isip, pagpapalalim ng kritikal na pag-iisip at pagpapatatag ng identidad.
Sa kabila ng panahon ng globalisasyon ay muling binuhay ni Gervacio ang panlaban ng mga Pilipino
upang ibangon ang komunidad na nagtataglay ng mayamang pagkakakilanlan at pagkabansa.
Sa simula’y hindi salita kundi tunog at himig. Ang makulay na daigdig ng ating mga ninun ay hitik sa
musika ng kalikasan: kaluskos ng dahon, aliw-iw ng batis, dagundong ng kulog, tikatik ng ulan, tiririt ng
pipit, pagaspas ng bagwis, lawiswis at alit-it ng kawayan. Ang mga tunog na ito ang inihanap ng
katugmang katinig at patinig sa kaniyang dila. Nang lumaon, natuklasan niya ang di matingkalang kilos at
galaw ng kalikasan: ang paghapay ng niyog sa kaliwa’t kanan, ang pagtaas at paghupa ng alon; ang
pagsikat at paglubog ng araw, ang pagsupling at pagkaluoy ng damo, ang pagbuka at pagtiklop ng
makahiya. Ang mga pangyayaring ito ay sinukatan niya ng salita.
Kailangan niya ng salita para maikuwento o mailarawan ang kaniyang personal na karanasan sa kapwa-
tao; para ito matandaan at maisalin sa susunod na henerasyon. Kaya naman sinasabi ngayon na ang
wika ang imbakan ng naging pagsulong ng buhay at kasaysayan ng tao mula sa piping pagmamasid sa
galaw at tunog ng kalikasan.
Sapagkat ang mga unang tula ay pabigkas, unang-unang sangkap nito ang panghalina sa pandinig. Bawat
katinig o patinig hindi lamang titik o letra tulad ng nakasulat sa abakada ngayon. Kung paniniwalaan ang
pagsusuri ng mga lingguwista at mananaliksik-wika, bawat titik sa pagbigkas ay isang sinaunang sagisag
at larawan ng kilos at buhay na isinakataga ng ating mga ninuno. Sa gayon, ang pagkakabit-kabit ng mga
titik para bumuo ng mga pantig ay makahulugang pagtatangka na ilarawan para ulinig ang nakikita,
nahihipo, nalalasahan, naaamoy bukod sa naririnig. Ang buong wika ay isang sistema ng samot-saring
karanasang pinagdaraanan ng tao at ng kaniyang lipunan. Isang paglalarawan ito ng daigdig na kaniyang
nakilala at nakabuhayan.
Ang paglikha ng sukat at tugma sa tula ang isang pangunahing instrumento ng tao-makata sa paghuli sa
himig at tunog. Nakasalig ang ganitong paggamit ng wika sa pagkaunawa ng sinaunang tao sa takbo ng
buhay. Bagama’t nagdaan ang ating mga ninuno sa masalimuot at iba’t ibang daloy ng karanasan, higit
na kumintal sa kanilang isip ang paulit-ulit na kilos ng panahon at bagay-bagay sa paligid. Paulit-ulit ang
umaga’t hapon, paulit-ulit ang pagdilim at pagbibilog ng buwan, paulit-ulit ang tag-araw at tag-ulan,
paulit-ulit ang pagpupunla at pag-aani ng palay at waring katulad lamang ng panahon sa buhay ng tao
mula duyan hanggang kabaong.
Ito ang pagkahilig ng ating mga ninuno sa tugma at sukat. Higit sa lahat, pag-uulit ng buod ng sukat at
tugma. Pag-uulit ng magkakatunog na katinig o patinig ng tugma; pag-uulit naman ng pantig ang sukat.
Tulad ng isang pangungusap, may simula at wakas din ang buhay. At tulad ng himig ng isang
pangungusap, nagdaraan ang tao sa yugto-yugto ngunit sukat na pantig at parirala ng karanasan.
Maaaring may pagkakaiba ang partikular na karanasan ng isang tao sa kapwa tao, ngunit itinuturo ng
batas ng kalikasan ang pagkakahawig ng kabuuang saklaw ng buhay ng mga nilalang. Ito ay
ipinahihiwatig ng mga taludtod na may iisang sukat at tugma sa loob ng isang saknong na pampanulaan.
Marahil, ang batayang pilosopiya na ring ito ng tugma at sukat ang dahilan kaya pilit itinatakwil ng mga
makabagong makata ang naturang sangkap ng tula. Nakaugat ang bagong kamulatan sa paniniwalang
makasarili – ang indibidwalistang pagsusuri sa bagay-bagay at diin sa kaibahan ng bawat tao sa kapwa
tao. May kaniya-kaniya kakayahan ang tao para lumikha ng sariling daigdig at sumuway sa anumang
pangkalahatan at mapanlagom na batas.
Maaari rin namang ang mga alagad ng malayang talduturan ay bumatikos sa tugma at sukat nang hindi
gagap ang tunay na kabuluhan at gamit nito sa tula. Sapagkat wika nga ni T.S. Eliot, “no verse is free for
the man who wants to do a good job.” Hindi matatakasan ng sinumang dinidibdib ang pagkamakata ang
tugma at sukat. Sa halip nagpapakadalubhasa dito ang isang mahusay na makata upang mahubog niya
ito at magamit bilang sariling kasangkapan sa pagtula.
Ang lahat ng ito marahil ay batid ni Gervacio sapagkat buhay na buhay ang naturang sangkap sa
kaniyang ginawang aklat ng mga bugtong. Sa akda ay makikita ang paralel na ugnayan ng istruktura ng
sukat at tugma. Nagsilbing batayan ng kaniyang pag-aaral ang Vocabulario de la Lengua Tagala kung
saan matatagpuan ang karaniwang istruktura ng bugtong.
Halimbawa:
Bituka ni Tabakalera
Sagot: sigarilyo
Mesang di kinakainan
Hinahalikan ng buwan.
(b) Ang dalawang taludtod ay may dayalektikal na relasyon, tesis at antithesis. Ang ikalawang linya’y
nagsisilbing panglito at tagapagpaliwanag.
Halimbawa:
Habang kinukuhanan ng basura
Sagot: pitaka
Halimbawa:
Sagot: hinliliit
Halimbawa:
Sagot: buko
Sagot: mall
Sagot: spaghetti
Bukod sa nasunod ni Gervacio ang tradisyunal na paraan sa pagsulat ng makabagong bugtong ay
nagawa niya ring buhayin ang komunidad na nalikha ng anyong ito. Isang komunidad na may kamulatan
sa mga kaganapan ng lipunan mula sa sosyal, politikal, historikal, ekonomikal, sikolohikal at iba pa.
Kaya naman talagang isang inobatibo at epektibong aklat ang nalikha ni Gervacio upang banggain at
ilandtad ang mga mapang-api at mapang-abusong elemento ng lipunan. Kaya naman masasabi kong ang
bugtong na nilikha ni Gervacio ay kumakatawan sa napapanahon at modernong karanasan at ideolohiya
ng mga tao sa globalisadong mundong kaniyang ginagalawan.