Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Teacher-made Learner’s Home Task

School:____________________________________________ Date: __________________


Grade / Section: ____________________________________ Subject Area/s: _____________________

I. MELC: Nasusuri ang Katangiang Pisikal ng Daigdig (AP8HSK-Id-4)


II: Objective/s:
Knowledge: Nakabubuo ng mga katanungan na maiuugnay sa heograpiya.
Skills: Masusuri at mapahahalagahan ang katangiang pisikal ng daigdig bilang
tirahan ng tao
Values/Attitude: Nakapagbibigay kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya sa pagtatalakay sa
pagsisimula ng kabihasnan ng daigdig.
III: Subject Matter: Araling Panlipunan 8
IV: References:
Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2000. pp. 3-15, DepEd Learning Portal
V: Procedure:
A. Readings

Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Samakatuwid,
ang Heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

Limang Tema ng Heograpiya:

1. Lokasyon
Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
2. Lugar
Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook.
3. Rehiyon
Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.
4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan
5. Paggalaw
ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar pa tungo sa ibang lugar; kabilang din ditto ang paglipat
ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.

Grid ng Daigdig
Upang masukat ang kinaroroonan ng isang lugar, naglagay ang tao ng mga kathang-isip na guhit sa
mundo. Nagsisimula ito sa magkabilang dulo ng mga polo na may tawag na Timog Polo sa bandang itaas at
Hilagang Polo sa bandang ibaba. Ang guhit na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at timog
ay tinatawag na ekwador. Ang maliliit na mga bilog na naka-parallel sa ekwador at ng polo. Tinatawag itong
parallel ng latitud dahil sa kanilang relasyon sa ekwador.

Meridian
Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa isang polo.

Parallel
Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan para sila magsalubong.
Latitud
Ito ang tawag sa pagitan ng dalawang guhit ng parallel. Bawat pagitan ay may sukat na 10° o 15°. Ito rin ang
pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng ekwador.

Longhitud
Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian at sinusukat ng digri.

Klima
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa
matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba – iba ng mga klima sa daidig ang natatanggap na sinag
ng araw sa isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula
sa sea level.

Mga Anyong Lupa at Tubig


Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa apat na
malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica; Amerika - dobleng
kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia kasama ang Oceania. Ang mga nabanggit na
apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 porsyento ng 53.28 milyong milya kwadrado ng kalupaan. Bunga ng
distribusyon ng mga nabanggit na masa ng lupa, nahiwa-hiwalay nila ang katubigan sa tatlong pangunahing
rehiyong katubigan: Pacific Ocean; Atlantic Ocean at maliit na karagatang Arctic; at Indian Ocean. Para sa mga
oceanographer o mga siyentista na nag-aaral tungkol sa karagatan ng daigdig, tatio lamang ang matatawag na
karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian. Ang Pacific ang pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong
bahagi (1/3) ng daigdig.

B. Exercises

Exercise 1:
Panuto: Nasa loob ng mga kahon ang magulong ayos ng mga titik. Ayusin mo ito upang mabuo ang
isang salita na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang a p r o h e o


pisikal ng daigdig?
g aiy

a a
2. Anong replica ng mundo na ginagamit sa paaralan?
p a

3. Ang guhit na makikita sa kalagitnaan at pahalang


sa pagitan ng hilaga at timog e k a

w d

4. Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula n i i e

m r d
sa isang polo patungo sa isang polo.

5. kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon i l m


o lugar sa matagal na panahon
a k

Exercise 2:

Panuto: Basahing mabuti ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig?


a. Topograpiya c. Kultura
b. Araling Panlipunan d. Heograpiya
2. Ano ang pinakamalaking karagatan sa buog mundo?
a. Arctic Ocean c. Pacific Ocean
b. Indian Ocean d. Atlantic Ocean
3. Ano ang instrument na ginagamit sa pagtukoy ng direksyon?
a. ruler c. globo
b. mapa d. compass
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa liman tema ng heograpiya?
a. Lokasyon c. Lugar
b. Latitud d. Paggalaw
5. Ano ang tawag sa nilagay ng tao na kathang isip na guhit sa mundo upang masukat ang kinaroroonan ng
isang lugar?
a. meridian c. parallel
b. latitude d. grid
6. Alin sa mga tema ng heograpiya ang tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook?
a. lugar c. rehiyon
c. lokasyon d. paggalaw
7. Ano ang klima ng Pilipinas?
a. Tropical c. Rigid
b. Polar d. Temperate
8. Alin sa mga sumusunod ang salitang Griyego na pinagmulan ng Heograpiya?
a. gio at graphien c. geo at graphia
b. geo at graphien d. heo at grapi
9. Ano ang tawag sa kalagayan ng atmospera ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon?
a. panahon c. klima
b. heograpiya d. tropical
10. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.
a. Interaksiyon ng tao c. lokasyon
b. rehiyon d. lugar
C. Assessment:

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Hindi dapat kumulang sa tatlong pangungusap
ang mga sagot.

1. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t-ibang panig ng daigdig?


2. Ano ang iba pang katangian ng daigdig na matutukoy mo?

Prepared by:

Charisse Gay F. Molejon Verified by:


Teacher

Noe P. Ursal
School Head

Address: Horacio Franco MNHS, Libjo, Tabogon, Cebu


Contact No.: 0975-654-2506
Email Address: hfmnhs

You might also like