Fil 105 M5 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

College of Teacher Education

First Semester, A.Y. 2020-2021


MODYUL 5

“Makrong kasanayan sa Pagbasa


Pagtuturo ng Pagbasa”

Panimula

Ang nilalaman ng modyul na ito ay naglalayung bigyan pansin ang mga mag-aaral na may paraan
ng pag-unawa sa pagbasa. Gayon din ang mabigyan o malapatan ng natatanging estratehiya ang mga
mag-aaral na nakapokus o masnakatuon sa kasanayang pagbasa

Araw at Oras

Oktubre 12-23, 2020

I. Layunin

1. Natutukoy ang importansya ng makrong kasanayan sa pagbasa


2. Nakakapagbigay ng estratehiya sa pagtuturo ng kasanayan sa pagbasa.
3.Nakakapagpakita ng halimbawang pwedeng sanayain sa pagtuturo ng makrong ksanayan sa pagbasa

II. Leyktur
Pagbasa: (Makrong kasanayan)
Ano ang Pagbasa?
• Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag.
Isa ito sa mga makrong kasanayang pangwika at isa sa mga pinakagamitin sa lahat.

• Ito ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa.

• Dahil sa Knowledge explosion, naging lalong mahalaga ang pagbabasa sa sangkatauhan.

Ang mga sumusunod ay mga halaga ng pagbabasa:


• Nakapagdudulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot.
• Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay.
• Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating pang-araw-araw na buhay.
• Nalalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong yumao na o hindi
nakikita.
• Naiimpluwensyan nito ang ating mga saloobin at palagay hinggil sa iba’t ibang bagay at tao.
• Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagtataas ng kalidad ng buhay ng tao.

Mga Uri ng Pagbasa:


Ang pagbasa ay maaaring mauri batay sa layunin. Kung gayon ito ay maaaring skimming o scanning.
• Skimming:
pinaraanang pagbasa ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.
• Scanning:
tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina.
Batay sa paraan, ang pagbasa ay maaring tahimik o pasalita.
• Tahimik: mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa.
• Pasalita: ginagamitan ng bibig, bukod sa mga mata kaya nagkakaroon ng tunog ang pagbasa.

Mauuri rin ang pagbasa batay sa bilis o tulin:


• Study speed o bilis habang nag-aaral bumasa: Ito ang pinakamabagal na pagbasa at ginagamit
ito sa mahihirap na seleksyon.
Hal. Pag-unawa sa Panuto/ dokumento
• Matulin na pagbabasa: Mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa batay sa
layunin ng bumabasa. Ito ang pinakamahalagang kasanayan ng isang ganap na mambabasa.

1. Pag-unawang Literal

• Pagpuna sa mga ditalye


• Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
• Pagsunod sa panuto
• Pagbubuod o paglalagom sa binasa
• Paggawa ng balangkas
• Pagkuha ng pangunahing kaisipan
• Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan
• Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan ang isang nalalaman na.
• Paghanap ng katibayan para sa laban sa isang pansamantalang kongklusyon
• Pagkilala sa mga tauhan

2. Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ang mga karagdagang kahulugan

• Pagdama sa katangian ng tauhan


• Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghangang salita
• Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
• Pagbibigay ng mga kuro-kuro at opinyon
• Paghula sa kalalabasan
• Paghinuha sa mga sinundang pangyayari
• Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
• Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa
• Pagbibigay ng pamagat

3. Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad

• Pagbibigay ng reaksyon
• Pag-iisip ng masaklaw at malawak
• Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad
• Pagdama sa pananaw ng may-akda
• Pag-unawa sa mga impresyon o kakintilang nadarama
• Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap
• Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talaan
• Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento
• Pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad

4. Pagsasanib ng mga kaisipan nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong


pananaw at pagkaunawa

• Pagbibigay ng opinyon at reaksyon


• Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayari sa
buhay
• Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaugnayan sa
karanasan
• Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon
• Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan.

5. Paglikha sa sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon.

• Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain


• Pagbabago ng wakas ng kwento
• Pagbabago ng pamagat ng kwento
• Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhan
• Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento
• Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa

MGA ISTRATEHIYA SA INTERAKTIB NA PAGBASA


Pagtatanong (Questioning)-
Bumuo ng mga tanong tungkol sa (kasalukuyang) binabasa

Paghuhula (Predicting)-
Hulaan ang mga sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan

Paglilinaw (Clarifying)-
Linawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa iyong mga tanong

Pag-uugnay (Assimilating)-
Iugnay ang teksto sa iyong karanasan o kaalaman.

Paghuhusaga (Evaluating)-
Husgahan/suriin ang mga element ng teksto.

APAT NA TEORYA NG PAGBASA


Teoryang Bottom-Up
Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na
nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang
ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang
katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula
sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto.
Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa
pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang
tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa.
Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa
mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up.
Teoryang Top-Down
Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming
dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto.
Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestaltna naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong
holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya
ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa
wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto.
Tinatawag din ang teoryang ito na inside out o cenceptually-driven dahil ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang
mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa
kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo
siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor
ng isang teksto.
Teoryang Interaktib
Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga
proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa
mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na
nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon
sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong
awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang
direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa
pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.
Teoryang Iskima
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa.
Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa
pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang
mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang
iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang
hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin
na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng
proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa

You might also like