Filipino DLL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAILY LESSON PLAN

Learning Area: Filipino 3


Teaching Date: June 19, 2018 (Week 03)

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
TATAS

B. Pamantayan sa Pagganap
Pag-unawa sa Binasa

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakasusunod sa nakasulat na panuto
Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
mga salitang magkasingkahulugan
Nakikiisa sa mga pangkatang gawain
F3PB –Ic -2

II. NILALAMAN
Pagsunod sa Nakasulat na Panuto

A. Sanggunian

1. Mga Panhina sa Gabay ng Guro:


2. Mga Pahina sa Gabay Pangmag-aaral:

B. Kagamitan: tsart, larawan

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral
Itanong:
Ano ang kwentong binasa natin kahapon?
Ano kaya ang nangyari kina lolo at lola?

B. Tukoy-alam
Isulat ang sumusunod na panuto sa isang malinis na papel at ipagawa ang mga
ito sa mga mag-aaral. Tingnan kung masusunod ang mga ito ng mga mag-aaral.
1. Umupo nang maayos.
2. Itaas ang dalawang kamay.
3. Sabihin nang malakas ang iyong pangalan.

C. Paglalahad
Linangin ang salitang masipag.
Ipagamit ito sa sariling pangungusap.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.

Itanong : Bakit kaya gustong-gusto ni Ian ang araw ng Sabado?


Isulat sa pisara ang hula ng mga bata.

Hula Ko Tunay na Nangyari

D. Pagtatalakay
Ipabasa sa mga bata ang “Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p.10.

Itanong:
Sino ang bida sa kuwento?
Paano siya inilarawan sa kuwento?
Ano-ano ang patunay ng katangiang ito?
Bakit para kay Ian, masarap ang araw ng Sabado? Ganito rin ba ang
pakiramdam mo sa araw ng Sabado? Ipaliwanag ang sagot.

E. Paglalapat
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 11.
Sabihin sa mga bata na pumili ng isang center na nais nilang puntahan.
Ipagawa ang nakasulat na mga panuto sa center na pupuntahan. Bigyan sila ng
ilang minuto upang maisagawa ang mga panuto sa pupuntahan. Matapos ang
nakalaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang natapos na gawain at
pag-usapan ito sa klase.
- Art center – Gumuhit ng isang malaking puso. Magpunit ng maliliit na papel
mula sa colored magazine na makikita sa center. Idikit ito sa loob ng
malaking puso upang maging kulay nito.
- Music Center – Gumawa ng pangkat na may tatlong miyembro. Mag-aral ng
isang bagong awit.
- Writing center – Sumulat ng dalwang panuto na nais mong ipagawa sa ibang
kaklase.

F. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?

G. Pagtataya
Hayaang mamasyal ang mga bata sa loob ng silid-aralan .
Ipabasa at ipatala ang isang nakapaskil na panutong nasunod. Bigyan nang
sapat na oras ang mga bata na maisagawa ito.
Matapos ang laang oras, ipabasa sa mga bata ang nasunod nilang panuto.

H. Takdang-aralin
Magmasid sa iyong paligid. Isulat ang mga nakikita mong panuto.

V. MGA TALA:

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na naka-unawa sa ara

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang nakatulong ng lubos?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking


punongguro?

You might also like