Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT

KULTURANG PILIPINO
Baitang 11
Aralin 6.Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Ikalawang Bahagi)
Unang Araw Gawain Blg. I.20

Paksa: Kasaysayan ng Wikang Pambansa Ikalawang Bahagi (Panahon ng mga Amerikano, Hapones, at
Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan)
Kompetensi: Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika
(F11PB-If-95)
Layunin: Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika sa Panahon
ng mga Amerikano, Hapones, at Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan
Sanggunian: Dayag, Alma M., et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. p. 95-104
Konsepto:

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Panahon ng mga Amerikano
Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa pamumuno ni
Almirante Dewey. Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino. Lalong nabago ang sitawasyong
pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay
ng mga Pilipino. Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo nang panahong iyon. Sa dinarami-
dami ng wika’t wikain sa Pilipinas ay isang wikang dayuhan ang naging wikang panturo at ito rin an
ginamit na wikang pantalastasan. Buhat sa antas primary hanggang kolehiyo, Ingles ang naging wikang
panturo. Dahil sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan,
nagkaroon ng pambansang Sistema ng edukasyon sa kapuluan. Inaasahang sa pamamagitan ng sistema
nila ng edukasyon, magiging tama ang edukasyon ng mamamayan, masaklaw, at magtuturo sa mga
Pilipino ng pamamahala sa sariling bayan, at higit sa lahat ay mabibigyan din sila ng isang wikang
nauunawaan ng lahat para sa mabisang pakikipagtalastasan sa buong kapuluan. Ang komisyong
pinangungunahan ni Jacob Shurman ay naniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primarya.
Nagtakda ang komisyon Batas Blg.74 noong ika-21 ng Marso, 1901 na nagtatag ng mga paaralang
pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo. Hindi naging madali para sa
nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles sa mga mag-aaral sa ikauunawa nila ng tinatawag na tatlong
R (reading, writing, arithmetic). Hindi maiwasan ng mga guro ang paggamit ng bernakular sa kanilang
pagpapaliwanag sa mga mag-aaral. Naging dahilan ito upang ang Superintende Heneral ng mga paaralan
ay magbigay ng rekomendasyon sa Gobernador Militar na ipagamit ang bernakular bilang wikang
pantulong. Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng
mga librong pamprimarya na Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya, at Ingles-Bikol. Noong 1906,
pinagtibay ang isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng
bakasyon ng mga mag-aaral.
Nang sumunod na taon, may ipinakilalang bill sa Asembleya na nagmumungkahi sa paggamit ng mga
diyalekto sa pambayang paaralan ngunit ito ay hindi napagtibay. Nang mapalitan ang direktor ng
Kawanihan ng Edukasyon, napalitan din ang pamamalakad at patakaran. Ipinahayag ng bagong direckor
na wikang Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at ipinagbawal ang paggamit ng bernakular.
Ang sumusunod ay nakasaad sa service manual ng Kawanihan ng Edukasyon:
Naniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang
Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano. Mga sundalo ang unang
nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong kinilala sa tawag na Thomasites. Noong taong 1931, ang
Bise Gobernador Heneral George Butte na siyang Kalihim ng Pambayang Pagtuturo, ay nagpahayag ng
kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral. Sinabi
rin niyang hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang
wika ng tahanan. Sumang-ayon sa kanya si Jorge Bocobo at Maximo Kalaw. Ngunit matibay ang
pananalig ng Kawanihan ng Pambayang Paaralan na nararapat lamang na Ingles ang ituro sa pambayang
paaralan. Ang sumusunod ay ilan sa mga dahilang nagtataguyod ng paggamit ng Ingles: (1) Ang
pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa suliraning administratibo. Ang mga mag-
aaral ay mahihirapang lumipat sa ibang pook ng kapuluan sa kadahilanang iba-iba ang itinuturong wika sa
iba-ibang rehiyon. Kung Ingles lamang ang ituturo sa lahat, walang magiging suliranin dito. (2) Ang
paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang na rehiyonalismo sa halip na
nasyonalismo. (3) Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular. (4)Malaki
naa ng nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang maging
wikang pambansa. (5) Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa. (6)
Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal. Ang paggamit ng wika ay makatutulong sa katayuan ng
Pilipinas sa daigdig ng pangangalakal. (7) Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-
agham. Kailangang malaman ng mamamayan ang mga katawagang ito upang umunlad ang kalinangan sa
Pilipinas. (8) Yamang nandito naa ng Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito. Kung ang mga
tagapagtaguyod ng paggamit ng wikang Ingles ay maraming dahilan, ang nagtataguyod naman ng
paggamit ng bernakular ay may katwiran din. Ito ang sumusunod: (1) Walumpung porsiyento ng mag-
aaral ang nakaaabot ng hanggang ikalimang grado lang kaya pagsasayang lamang ng panahon at pera ang
pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman sa kanilanng sosyal at praktikal na pamumuhay. (2)
Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primary. (3) Kung
kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog ito sapagkat
isang porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles, Limampung porsiyento ng
mamamayan ang hindi nakauunawa ng Ingles, apatnapung porsiyento ng mga bata ang hindi natatanggap
sa paaralang pambayan taon-taon. (4) Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles
ang gagamitin dahil hindi naman natututo ang mga mag-aaral kung paano nila malulutas ang mga
problemang kahaharapin nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi nila magagamit ang
Ingles maliban kung sila’y magpapatuloy sa unibersidad o pupunta sa ibang bansa. (5) Ang paglinang ng
wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nadyonalismo. Bagama’t hindi pa
nakakamtan ng Pilipinas ang kasarinlan, naniniwala silang ang kalayaan ay kailangan sa paglinang ng
isang nasyonal na personalidad. (6) Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng
lahat katulad ng paggamit ng bernakular. Ang pagkakaroon ng malaking gastos upang malinang ang
pagtuturo ng wikang Ingles ay hindi dapat idahilan sapagkat alam naman nilang hindi ito magbubunga
nang mabuti. (7) Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
Nakalulungkot isiping ang magiging kontribusyon ng Pilipino sa pandaigdigang panitikan ay nakasulat sa
wikang Ingles. (8) Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular,
kailangan lamang na ito ay pasiglahin. Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, nagsagawa
ang Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo ng mga alituntuning dapat sundin. Ito ay ang sumusunod:
paghahanap ng guro na Amerikano lamang; pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at
iba pang aralin; pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas
ng edukasyon, pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan, pagsasalin ng teksbuk sa
wikang Ingles, paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan, at pag-alis at
pagbabawal ng wikang Espanyol sa Paaralan.

Nagsagawa ang mga Amerikano ng mga pag-aaral, eksperimento, at sarbey upang malaman kung
epektibo ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Ang unang pagsisiyasat ay ginawa ni Henry Jones Ford.
Iniulat nito na “gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng milyon-milyon para maisulong ang
paggamit ng Ingles upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol at mga dayalek sa mga ordinaryong
usapan, at ang Ingles na sinasalita ay kay hirap makilala na Ingles na nga.” Ganito rin ang obserbasyon
nina Propesor Nelson at Dean Fansler (1923) na maging ang kumukuha ng mataas na edukasyon ay
nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles. Sa sarbey na ginawa nina Najeeb Mitri Saleeby at ng
Educational Survey Commission na pinamunuan ni Dr. Paul Monroe, natuklasan nila ang kakayahang
makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan
paglabas nila ng paaralan. Sa madaling salita, kahit na napakahusay ng maaaring pagtuturo sa wikang
Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang
bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na Gawain.
Makikita ang mga duda ni Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa pagtuturo sa ulat ng 1925 Monroe
Survey Commission. Sa kadahilanang maraming bata ang humihinto ng pag-aaral sa loob ng limang taon,
nasasayang lamang ang malaking gastos upang makapagpadala ng mga Amerikanong guro upang
magturo ng Ingles dahil hindi mapapantayan ng isang Pilipinong sinanay na magturo ng wika ang
kakayahang magturo ng Ingles ng isang Amerikano. Suportado ni Joseph Ralston Hayden, Bise
Gobernador ng Pilipinas noong 1933 hanggang 1935, ang sistemang Amerikano ng edukasyon, ngunit
tinanggap din niyang wikang katutubo ang ginagamit ng karaniwang Pilipino kapag hindi kailangang
mag- Ingles. Iginiit din ni Saleeby na makabubuti ang magkaroon ng isang pambansang wikang hango sa
katutubong wika nang sa gayun ay maging Malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong
bansa. Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal, naging paksa ang pagpili sa wikang
pambansa. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging
wikang pambansa. Ang panukala ay sinusugan naman ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang pangulo
ng pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Nakasaad ang probisyong pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon
3 ng Saligang Batas ng 1935. Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na
nagsasaad ng opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre, 1936.
Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay, at alituntunin na magiging batayan sa pagpili
ng wikang pambansa ng Pilipinas. Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang
Pambansa. Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.

Panahon ng mga Hapones


Noong panahon ng mga Hapones nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa. Sa pagnanais na
burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa anumang
aspekto ng pamumuhay ng mga Piipino. Maging ang paggamit ng lahat ng mga aklat at peryodiko
tungkol sa Amerika ay ipinagbawal din. Ipinagamit nila ang katutubong wika, partikular ang wikang
Tagalog, sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Masasabing ito ang panahong namayagpag ang
panitikang Tagalog. Sa panahong ito ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos nag
awing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo). Upang maitaguyod din ang
patakarang military ng mga Hapones pati na rin ang propagandang pangkultura, itinatag ang tinatawag na
Philippine Executive Commission na pinamunuan ni Jorge Vargas. Nagpatupad ang komisyong ito ng
mga pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas. Pagkaraan
lamang ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksan muli ang mga paaralang bayan sa lahat
ng antas. Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit bingyang-diin ang paggamit ng Tagalog upang
maalis naa ng paggamit ng wikang Ingles. Ang gobyerno-militar ay nagturo ng Nihonggo sa mga guro ng
paaralang-bayan. Sinusuri ang kakayahan ng guro sa wikang Nihonggo upang kapag sila ay naging bihasa
na ay sila naman ang magtuturo. Ang mga nagsipagtapos ay binibigyan ng katibayan upang maipakita
ang kanilang kakayahan sa wikang Nihonggo. Ang katibayan ay may tatlong uri: Junior, Intermediate, at
Senior. Sa panahong ito ay isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas.
Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan
sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones ang mga layunin ng kapisanang ito. Si Benigno Aquino ang
nahirang na direktor nito. Pangunahing proyekto ng kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa
buong kapuluan. Katulong nila sa proyektong ito ang Surian ng Wikang Pambansa. Noong mga panahong
iyon, maraming debate tungkol sa wika ang nagsulputan. Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga
tagapagtaguyod ng wikang pambansa at liberal na aral sa tradisyon ng mga Amerikano. Hindi naman ito
lantarang ipinakikita dahil ang bayan ay nasa ilalim ng Batas Militar. Mayroon ding debate sa pagitan ng
mga Tagalista laban sa mga kapwa Tagalista naa ng pinagtatalunan ay tungkol lamang sa maliliit na
bagay, katulad ng kung saan gagamitin ang gitling. Nagkaroon din ng argumento ang mga Tagalog sa di
Tagalog. Isa pa rin ang usapin sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga may kaalmang
panglingguwistika na kapwa naman para sa wikang pambansa ngunit nagnanais lamang na matalakay ang
wika batay sa pagiging agham nito. Hindi sumang-ayon ang mga Tagalista sa labis na pagiging
tradisyonal ng mga may kaalamang panlingguwistika dahil sa kanilang palagay ay hindi na ito
makatwiran. Noong panahon ng mga Hapones naging masgla ang talakayan tungkol sa wika. May tatlong
pangkat na namayagpag sa usaping pangwika. Ito ang pangkat ni Carlos Ronquillo, pangkat ni Lope K.
Santos, at pangkat nina N. Sevilla at G.E. Tolentino. Bagama’t maliliit na bagay lamang ang kanilang
mga di napagkakasunduan ay tumawag ito pansin. Sa pagnanais ng mga Hapones na itaguyod ang
Wikang Pambansa ay binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa noong panahong iyon. Si Jose Villa
Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di Tagalog. Para sa madaling ikatututo ng kanyang
mga mag-aaral ay gumawa siya ng kanyang tinawag na “A Shortcut to the National Language.” Iba’t
ibang pormularyo ang kanyang ginawa upang lubos na matutuhan ang wika. Hindi maikaailang sa
panahon ng mga Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa wika. Marahil ay dahil na rin sa
pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin ang wikang Ingles. Noong mga panahong ito napilitan ang
mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat gamit ang wikang ito. Panahon ng
Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay masarili simula
noong Hulyo 4, 1946. Pinagtibay rin naa ng wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570. Ito ang panahon ng pagbangon sa mga nasalanta ng digmaan. Dahil bumabangon
pa lamang ang Pilipinas nang mga panahong iyon, sumentro sa mga gawaing pang-ekonomiya ang mga
Pilipino. Naramdaman pa rin ang impluwensiyang pang-ekonomiko at panlipunan ng mga Amerikano.
Maraming mga banyagang kapitalista, na karamiha’y Amerikano, ang dumagsa sa ating bansa.
Nakaapekto ito sa sistema ng ating edukasyon na tumutugon sa pangangailangan ng mga korporasyon at
kompanya. Ito ang naging sanhi ng pagkabantulot sa pagsulong, pag-unlad, at paggamit ng wikang
pambansa. Bagama’t ang pelikulang Pilipino at komiks ay gumagamit ng wikang Pilipino, naging
paboritong midyum pa rin ang Ingles. Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang
pambansa. Mula Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon. Nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro
Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos
ay ipalimbag na sa wikang Pilipino. Noong 1963, ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik
nitong Pilipino. Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong
Diosdado Macapagal.

Nang umupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, iniutos niya, sa bisa ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 s. 1967, na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan
sa Pilipino. Nilagdaan din ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172
(1968) na nag-uutos naa ng mga ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino.
Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag- utos din naa ng pormularyo sa panunumpa sa tungkulin
ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.

Ang Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968) naman ay nagtatagubilin sa lahat ng kawani ng pamahalaan
na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na pangungunahan ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang
purok lingguwistika ng kapuluan. Noong 1969 naman nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay
ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at
pagkaraan naman ay sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon. Noong Hunyo 19, 1974 ang
Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang
Edukasyong Bilingguwal. Nang umupo sa Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay
bumuo ng bagong batas ang Constitutional Commission. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga
kailangang gawin upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong Aquino
isinulong ang paggamit ng wikang Filipino. Ang Seksiyon 6 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987 ay
nagsasaad ng sumusunod:
WIKA

SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. SEK.7.
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at,
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod
nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic. SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. SEK.9.
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng
iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
pagpapanatili. Tinupad ito ng Pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Executive Order
No.335, ito ay “Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa
opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.” Isang atas na matabang na itinuloy ng
ibang administrasyon at hindi pinansin ng kongreso. Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal
Arroyo ay naglabas siya ng Executive Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa
isang monolingguwal na wikang panturo-ang Ingles, sa halip naa ng Filipino. Nalungkot ang maraming
tagapagtaguyod ng wikang Filipino sa atas ng ito. Republika ng Pilipinas

Sa kasalukuyan, masasabing marami pa ring sagabal sa pagsulong ng wikang Filipino. Ngunit kung ang
pagbabatayan natin ay ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino, masasabi nating mabilis nga ang
pagsulong nito. Bunga ito ng epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan. Resulta rin ito ng
patuloy at dumaraming paglabas ng mga babasahin nakasulat sa wikang Filipino, lalo naa ng komiks. Ilan
pang dahilan ay ang patuloy na pambansang pagtangkilik sa mga telenobela at pelikulang Pilipino, at ang
paggamit ng Filipino sa radio at telebisyon. Noong ika-5 ng Agosto 2013, sa pamamagitan ng
Kapasiyahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang Kaluponan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng
Filipino: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon, sa pabigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan.
Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw sa iba’t ibang uri ng paggamit sa
iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit
sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at
kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa. (http://kwf.gov.ph/wp-content
/uploads/FAQ_2.4.15.pdf) Katulad ng sinabi ng Komisyon ng Wikang Filipino, napakarami pang dapat
gawin upang sumulong at magtagumpay ang wikang Filipino. Patuloy itong yayaman sa pamamagitan ng
araw-araw na paggamit ng mga mamamayan. Sama-sama nating abutin ang wagas na hangaring
magingwika ng karunungan ang wikang pambansa.
PAGSASANAY:
Magsaliksik ng mga pananaw ng iba’t ibang awtor tungkol sa naging takbo ng mga pangyayari sa
kasaysayan ng ating wikang pambansa. Isulat sa kahon ang iyong nasipi at ilahad ang iyong pananaw
ukol dito. Isulat
kung ikaw ay sumasang-ayon o sumasalungat sa kanilang pananaw at pangatwiranan.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO
Baitang 11
Aralin 6.Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Ikalawang Bahagi)
Ikalawang Araw Gawain Blg. I.21

Paksa: Kasaysayan ng Wikang Pambansa Ikalawang Bahagi (Panahon ng mga Amerikano, Hapones, at
Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan)
Kompetensi: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkabuo o pag-unlad ng Wikang
Pambansa (F11PS-Ig-88)
Layunin: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkabuo o pag-unlad ng Wikang
Pambansa sa
Panahon ng mga Amerikano, Hapones, at Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan
Sanggunian: Dayag, Alma M., et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. p. 95-104

PAGSASANAY:

Masasabing hindi naging madali ang pinagdaanan ng wikang pambansa. Maraming pagkakataong ito
aynanganib na maisantabi na lamang. Balikan at isulat ang mga pangyayaring nagpakitang muntik nang
maisantabi ang pambansang wika. Isulat ang pangyayari sa tamang panahon.

PANAHON NG AMERIKANO PANAHON NG HAPONES PANAHON NG PAGSASARILI


HANGGANG KASALUKUYAN
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
Baitang 11
Aralin 6.Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Ikalawang Bahagi)
Ikatlong Araw Gawain Blg. I.22

Paksa: Kasaysayan ng Wikang Pambansa Ikalawang Bahagi (Panahon ng mga Amerikano, Hapones, at
Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan)
Kompetensi: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng
Wikang Pambansa (F11WG-Ih-86)
Layunin: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan pag-unlad ng Wikang
Pambansa sa Panahon ng mga Amerikano, Hapones, at Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan
Sanggunian: Dayag, Alma M., et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. p. 95-104

PAGSASANAY:
Kung babalikan ang kasaysayan ng wikang pambansa, maraming mga pangyayari ang naging sanhi o
bunga ng isa pa o maraming pangyayari. Kung naunawaan at natandaan mo ang mga tinalakay na
panahon sa kasaysayan ng wikang pambansa ay punan ang fishbone organizer sa ibaba.

Pagtalaga ng mga Amerikano sa wikang Ingles bilang wikang panturo

SANHI BUNGA

Pagkatatag ng Surian ng Wikang Pambansa

SANHI BUNGA
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
Baitang 11
Aralin 6.Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Ikalawang Bahagi)
Ikaapat na Araw Gawain Blg. I.23

Paksa: Kasaysayan ng Wikang Pambansa Ikalawang Bahagi (Panahon ng mga Amerikano, Hapones, at
Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan)
Kompetensi: Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay ng mga napakinggang pagtalakay sa
Wikang Pambansa(F11EP-Ie-31)
Layunin: Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay ng mga napakinggang pagtalakay sa Wikang
Pambansa sa Panahon ng mga Amerikano, Hapones, at Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan
Sanggunian: Dayag, Alma M., et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. p. 95-104

PAGSASANAY:
A. Ang huling bahagi ng pagtalakay sa kasaysayan ng Wikang Pambansa ay nag-iwan ng isang hamon na
sama-sama nating itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano-ano ang
maaari mong gawin upang makatulong sa pagsulong ng wikang Filipino? Isulat ang iyong sagot sa hindi
bababa sa limang pangungusap.

 __________________________________________________________________________
 __________________________________________________________________________
 __________________________________________________________________________
 __________________________________________________________________________
 __________________________________________________________________________

B. Batay sa tinalakay na kasaysayan, nabatid nating napakalaki at napakahalaga ng papel na ginampanan


ng mga naging lider ng ating bansa sa pagtataguyod ng Wikang Pambansa. Kung ikaw ay mabibigyan ng
pagkakataong maging lider ng ating bansang Pilipinas, anong mga proyekto o batas ang iyong paiiralin
upang maisulong ang paggamit at pagpapalago ng wikang Filipino?
 __________________________________________________________________________
 __________________________________________________________________________
 __________________________________________________________________________
 __________________________________________________________________________
 _____________________________________________

You might also like