Professional Documents
Culture Documents
Filipino Extended Lesson
Filipino Extended Lesson
( Mula sa pananaliksik nina Angelica Dumasapal, Fatima M. Jamali, Jose Marie M. Labis at
Princess L. Tado na nasa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan )
Isang puting palasyong bahay na makikita sa Barangay Pala-o, Iligan City sa Lanao del
Norte sa Mindanao. Si Dr. Salvacion Legaspi o kilala bilang “Majesty” ang nagmamay-ari sa
Kingdom Filipina Hacienda. Nakabase sa bahay na ito ang isang Monarchy Government na
tinaguriang pinakaopisina nito. ang gobyernong ito ay tinatawag na Gospel Ministry of
Salvation .
3.5. PHILIPPINE BENEVOLENT MISSIONARIES ASSOCIATION
Noong 1965 , itinatag ni Ruben Edera Ecleo Sr ang Philippine Benevolent
Missionaries Association, Inc. sa Isla ng Dinagat sa Pilipinas. Nang mamatay si Ecleo
Sr. noong 1987, humalili ang kanyang anak na si Ruben B. Ecleo Jr. Ang asosasyong ito
ay may humigit kumulang na milyong miyembro na nasa sentral at dakong Timog ng
Pilipinas at sa ibang bansa. Ito ay narehistro sa Securities and Exchange Commission
(SEC) sa Makati, Philippines noong Oktubre 19, 1965 sa ilalim ng Rehistrasyon bilang.
28042. Sa San Jose sa probinsya ng Isla ng Dinagat matatagpuan ang pinakaopisina nito.