Immaculate

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Inang Sakdal Linis Magnificat

PAMBUNGAD NA AWIT PANG-WAKAS NA AWIT

(Traditional / Public Domain)


Fr. Eduardo P. Hontivero, SJs

*Ang puso ko'y nagpupuri


Inang sakdal linis Nagpupuri sa Panginoon
Kami ay ihingi Nagagalak ang aking espiritu
Sa Diyos Ama namin; Sa 'king Tagapagligtas.
Awang minimithi. *
Sapagkat nilingap Niya
*Ave, Ave, Ave Maria Kababaan ng Kanyang alipin
Ave, Ave, Ave Maria Mapalad ang pangalan ko
Sa lahat ng mga bansa. *
Bayang tinubua'y
ipinagdarasal Sapagkat gumawa ang Poon
At kapayapaan Ng mga dakilang bagay
Nitong sanlibutan.* Banal sa lupa't langit
Ang pangalan ng Panginoon. *
[* Mga Awitin sa Misa]
**PAPURI SA DIYOS
Luwalhati sa Ama
Sa Anak at sa Espiritu Santo
Kapara noong unang-una

Stella Maris
AWIT SA KOMUNYON
Ngayon at magpakailanman. *

Fr. Manuel V Francisco SJ / Fr. Silvino Borres SJ

Kung itong aming paglalayag


Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka
Hinirang na tala ng umaga
Kahit alon man ng pangamba
Di alintana sapagkat naro'n ka
Ni unos ng pighati
At kadiliman ng gabi

Maria sa puso ninuman


Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw

Tanglawan kami aming ina


Sa kalangitan naming pita
Nawa'y maging hantungang
Pinakamimithing kaharian (Koro)

Immaculate Concepcion (December 8, 2020)


**

Papuri sa Diyos
AWIT NG PAPURI

Fr. Manuel V Francisco, SJ

** Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!

At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka
namin. **

Pinasasalamatan Ka namin
Sa 'Yong dakilang angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama. **

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng


mundo
Maawa Ka sa amin, maawa Ka
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng
mundo
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama. **

Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang


Kataastaasan
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang
Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen! **

Sa kaitaasan… Papuri sa Diyos!

COPY OF TINIG NI MARIA CHOIR [12/07/2020 8:05 PM]

You might also like