WIKA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

WIKA

Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng isang bansa o lugar.Dahil


sa wika nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang mga taong nakapaloob sa isang tiyak
na lugar.Ang isang wika ay ang kaluluwa ng isang bansa dahil kagaya ng isang taong
walang kaluluwa,ang isang bansang walang sariling wika ay para na ring patay na
maituturing.
Napakalawak ng wika maraming pagpapakahulugan ang bawat tao
ukol sa wika.Ngunit hindi natin maitatanggi na ang wika ay isa sa pinakamahalagang
sangkapa ng ating pagiging isang mamamayan ng isang bansa.Ano ngaba ang taglayin
ng isang bansa upang magkaroon sila ng pagkakaunawaan?Simple lang ito ay
tinatawag na wika dahil sa pamamagitan nito nakakapag pahayag tayo ng sarili nating
saloobin.Atin na lamang isipin kung tayo ay walang wika,hindi bat para na din tayong
tinaggalan ng Karapatan sa pagpapahayag.Kagaya ng aking sinabi bawat tao ay may
kani kaniyang pagpapahalaga at pagkakaunwa kung gaano ngaba talaga kahalaga ang
isang wika.
Ang paggamit ng wika ay maraming puwedeng maidulot,maaaring
dahil sa pagkakaintindihan gamit ang wika, humantong ang hidwaan sa dalawang panig
mula sa hindi pagkakaintindihan patungo sa pagkakaintindihan.Puwede rin itong
magdulot ng isang pagtatalo o hidwaan, halimabawa na lamang ay kung ang paggamit
ng isang wika ay hindi wasto.Maaaring sa palagay mo ay tama ang iyong sinabi ngunit
iba pala ang pagkakaintindi ng kausap mo sa iyong sinabi kayat nagsimula kayong
magtalo.
Ang wika ay hindi lamang basta dapat pinapahalagahan at
minamahal.Nararapat rin itong intindihin ng Mabuti, dahil kung pahahalagahan mo
lamang ito ng basta ay wala ring saysay ang iyong pagpapakahalaga sa iyong wika
kung pareho niyo ngang pinahalagahan ngunit hindi ninyo naman naiintindihan. Ang
wika ay nararapat lang na bigyan ng pansin at bigyan ng pagpapahalaga lalong lalo na
ng pag unawa sa pamamagitan ng mga ito mapapanatili nating buhay ang ating wika at
mapapanatili natin ang magandang pakikitungo sa bawat isa dahil ang wika ay
makapangyarihan dahil maari itong magdulot ng kapayapaan o
kaguluhan.Pahalagahan,mahalin.at lalo pa nating laliman ang pag intindi sa sarili nating
wika dahil darating ang panahon ito ang maghahatid satin sa pagkakaisa.

You might also like