Professional Documents
Culture Documents
Ang Alamat NG Pating PDF
Ang Alamat NG Pating PDF
Sapagkat baon sa hirap ang lahat, napipilitan silang maging sunud-sunuran sa napakatakaw
na mangangalakal. Tanging si Kablan ang may tindahan sa kanilang komunidad. Binabarat
niya ang mga paninda sa siyudad. Ipinagbibili niya ang mga ito na may mataas na patong sa
mga pobreng mangingisda. Hindi sila makaangal sa di makatarungang pagpapautang.
Mahusay na mahusay kumita ng pera si Kablan. Madali ka nitong bibigyan ng paninda kung
may sarili kang bangkang paghahanguan ng mga huling isda sa karagatan. Mas malaki ang
bangka, mas malaki ang huli. Mas malaki ang huli, mas marami rin ang panindang
maipapautang sa iyo ng ngingisi-ngising negosyante.
"Aba oo, yun lang pala," nakakunot-noong sagot ni Kablan. "Pero sa isang kondisyon,
kailangang bayaran mo. Pagkain ko katapat ng pera mo. Basta may tutubuin ako, lahat ay
areglado. Kung wala kang pera umalis ka na dyan at baka hindi ako makapagpigil sa iyo."
"Maawa kayo, ginoo. Hindi ninyo madadala sa hukay ang yaman ninyo."
"Aba makulit ang matandang ito! Lumayas ka rito! Doon ka sumisid sa dagat. Tiyak na may
isda kang mahuhuli! Sige, layas! Layas!" pinagtulakan ni Kablan ang kaawa-awang matanda
na napasubsob sa tarangkahan ng malaking bahay.
Sa tulong ng mga batang nagsilapit, ang matanda ay nakatindig. Napansin ng mga paslit ang
nagniningning na baston ng matanda. Nagpasama ang matanda sa bahay-bahay. Nagbabala
ito na may darating na lindol sa kapatagan at magbibitak-bitak daw ang lupa sa kapaligiran.
Matapos magbabala ay itinaas ng matanda ang baston.
Namangha ang lahat nang magdilim ang langit at gumuhit ang matalim na kidlat. Sa
pagpanhik ng matanda sa burol ay bumuhos ang malakas na ulan, at yumanig ang lupa.
Ipapautang niya ang lahat ng pagkain at damit na bultu-bultong nakaimbak sa kanyang lalo
pang pinalaking bodega.
Sa muling pagtataas ng tungkod ng matanda, lalong dumagundong ang mga kulog at tumalim
ang mga kidlat. Tulad ng sinabi nito, ang ulan ay hindi na huminto pa. Sa itaas ng burol,
tanaw na tanaw ng lahat na nagdudumaling lumabas si Kablan sa tindahan. Nanginginig ito
sa sobrang takot.
Papanhik din sana siya sa tuktok ng burol subalit naabot siya ng rumaragasang tubig-ulan
na lalong nagpalalim sa dagat-dagatan. Ang mahagway na katawan ni Kablan ay naging
mahabang isda na may matulis na nguso at matatalim na ngiping parang kakain kaninuman.
Nang balingan ng tingin ang matanda ay wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Nawala itong
parang bula. Magmula noon nakilala na sa Palawan ang pating. Ito ay pinangalanang Hari
ng Karagatan na walang takot kaninuman. Laging kinatatakutan si Kablan sa pagiging
usurero sa Palawan, ang pating naman ay lagi ring kinasisindakan sa kabangisan