Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PHOTONICS: Kakaibang Katangian ng Ilaw

Ilaw, nariyan yan sa anumang sulok ng ating daigdig. Matatagpuan ito saan man. Subalit ang ilaw na ito
ay mayroong iba pang mga katangiang maaaring magsulong ng mga pagbabago lalo na sa larangan ng
siyensiya.

Isang napaka-kakaiba at nakamumulat ng siyentipikong kaisipan ang ibinahagi ng isang siyentipiko mula
sa UP na si Dr. Nathaniel P. Hermosa sa huling araw ng 2020 Philippine Science Communication Festival
webinar na hatid ng Atom Pinoy.

Sa Unibersidad ng Pilipinas, ang Photonics Research Laboratory – National Institute of Physics ay layon
ang pananaliksik sa Laser systems and applications, Coherent metrology, at Structured light. Sila ay
lumilikha at humuhugis ng mga beam ng ilaw gamit ang mga teknolohiya tulad ng isang Digital
Micromirror Device. Ayon sa kanila’y maraming mga impormasyong maaaring makalap gamit lamang
ang mga beams na ito sapagkat ang mga ito’y naglalaman ng maraming impormasyon. Sinasaliksik rin
nila ang mga kakaibang katangian ng ilaw tulad ng pag-twist at ang mga katangiang ‘self-healing’ ng mga
ito. Sa pamamagitan rin ng mga katangiang ito, nasiyasat nila kung paano mapababagal ang bilis ng ilaw
nang hindi lumalabag sa batas ng Physics.

Isa rin sa mga sinasaliksik nila ay ang pagkuha ng larawan nang hindi gumagamit ng camera at ang kung
paano makakita kahit man may mga sumasagabal dito. Ito’y sa pamamagitan din lamang ng kanilang
paghuhulma ng mga ilaw.

Sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pag-aaral sa mga ito, magiging isang malaking tulong ito sa mga
susunod pang henerasyon at sa pagdiskubre pa sa ating daigdig noon at ngayon. Sa tulong ng mga ito ay
maaaring maging pundasyon ng mga teknolohiya upang umusbong at sumulong pa sa paghubog ng
modernisasyon.

You might also like